Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 5

Halos hindi mapakali ang kalooban ni Amanda habang tinatahak na nilang dalawa ni Alfonso pauwi. Alam naman niyang wala siyang ginawang masama ngunit tila umiba ang ihip ng hangin sa pagitan nila.

Alfonso tightened his grip on the steering wheel. "We're here," wika niya at doon lang napagtanto ni Amanda na nasa harap na sila ng manor.

Dahan-dahan namang lumabas si Amanda ng sasakyan at pagkalabas niya ay doon naman ang pagharurot ng sasakyan ni Alfonso papalabas ulit ng manor. Nagtatakang tiningnan lamang ni Amanda ang sasakyan hanggang sa mawala na ito sa kanyang tingin. Lumungkot naman ang kanyang mukha dahil tila bumigat ang kanyang damdamin. Tila nag-iinit naman ang kanyang mga mata at nagbabadyang kumawala ang mga luha.

"Amanda? Ikaw na ba 'yan?" tawag ni Hilda nang makadungaw siya sa bintana.

Agad namang napakurap-kurap si Amanda upang hindi lamang tumulo ang kanyang mga luha. "Opo Inang," sagot naman niya at nilingon itong may ngiti sa kanyang mga labi.

Hindi niya mawari ang kanyang nararamdaman na para bang may bumabagabag sa kanyang damdamin. Hindi niya rin alam kung ang dahilan ba ay si Alfonso.

"Nasaan si Senyor Alfonso?" tanong naman ni Hilda nang tuluyan nang makapasok si Amanda.

Naupo naman si Amanda sa isang bangko nang makakuha siya ng maligamgam na inumin. "May pupuntahan pa po yata," tipid na sagot ni Amanda at tumango-tango naman si Hilda.

"Hay naku ang batang 'yon. Kailangan niyang umuwi ng maaga dahil maaga pa ang alis niya bukas. Mabuti na lang at inayos ko na ang mga gamit niya. Wala na naman si Senyor Wilbert, ilang araw din siyang mawawala rito dahil nagbakasyon na muna at magpapagaling. Nandoon din ang doktor niya. Kawawang Senyoritong Alfonso tila pasan-pasan niya ang lahat dito sa manor," mahabang lintanya ni Hilda habang abala sa kanyang iniluluto.

Natigilan naman si Amanda sa kanyang mga narinig. Hindi aakalain ni Amanda na aalis na namang muli si Alfonso. Hindi pa nga siya nagtatagal ng ilang araw ay aalis na naman ito.

Napabuntong-hininga naman siya na ikinapansin naman ni Hilda.

"Kumusta pala ang meeting kanina? Mabuti na lang at napakiusapan ko si Senyor Alfonso kanina. Ilang taon ka na rin kasing humihiling na may dumalo para sa'yo," wika ni Hilda at nagpatuloy na ito sa kanyang hinihiwang mga gulay. Tuwing sasapit na kasi ang gabi ay nakagawian na ni Hilda na gawan ng vegetable salad si Amanda at paboritong kainin naman ito ng dalaga ngunit sa mga oras na ito ay tila wala siyang ganang kainin ito.

Ang buong akala pa naman ni Amanda ay kusang loob na pumunta si Alfonso sa naturang pagpupulong ngunit hindi pala dahil pinakiusapan lamang siya ng kanyang Inang at abka nakonsensya o naawa naman ito sa kanya.

"Akyat po muna ako taas, Inang. Maliligo po muna ako at nanlalagkit po kasi ako sa init kanina. Bababa rin po ako agad," paalam ni Amanda at tumango naman si Hilda bilang sagot.

Habang paakyat sa hagdan ay hindi na niya napigilan ang kanyang mga luhang kanina pa nagbabadyang kumawal. Hinayaan na niya itong tumulo tutal ay wala namang makakakita sa kanya.

Nang tuluyan na siyang makapasok sa kanyang silid ay agad naman niyang isinara ang pinto at dumiritso sa kanyang kama.

"Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ako nagkakaganito? Hindi ko alam ang rason bakit ako nagkakaganito. Nakababaliw!" wika niya sabay subsob ng kanyang mukha sa unan. "May gusto ba ako sa kanya?" tanong niya sa kanyang sarili at dali-daling umiling. "Wala! Ano ba! Ano ba 'tong iniisip ko?"

Tumayo naman si Amanda at sa halip na maligo siya ay nagpalit na lamang siya ng damit. Kinuha niya ang kanyang bag at inilabas ang kanyang kwaderno. Kailangan niyang mag-aral dahil sa nalalapit nilang pagsusulit ngunit habang binabasa niya ang kanyang mga isinulat ay halos hindi naman niya maitindihan ito. Para bang nagbabasa lamang sila na walang nakukuhang aral. Sandali siyang natigilan at ipinikit ang kanyang mga mata at huminga ng malalim.

KINABUKASAN nagising na lamang si Amanda sa isang tapik. "Gising na, umaga na. Maligo ka na," wika ni Hilda at umalis.

Agad namang napabangon si Amanda at napagtanto niyang nakahiga na siya sa kanyang kama. Sa pagkaaalala niya ay nag-aaral siya at posibleng nakatulog din siya agad. Umingay naman ang kanyang sikmura at agad na hinawakan niya ang kanyang tiyan. Nakaramdam naman siya agad ng gutom, hindi nga pala siya nakakain kagabi.

Dali-dali naman siyang pumasok sa banyo at naligo. Ngayon ang unang araw ng kanilang pagsusulit at hindi dapat siya mahuli. Minadali niya lamang kanyang pagligo at agad na inayos din ang kanyang mga gamit. Habang pababa siya ng hagdan ay doon na lang din niya sinuklay ang kanyang mahabang buhok. Napatingin naman siya sa orasan dahil malapit na siya sa kusina. Sakto naman at hindi pa siya huli dahil mayroon pa siyang trenta minutos na natitira.

"Sa daan ka na kumain. Heto at pinagbalot kita ng madali mong makakain habang nasa byahe ka," wika ni Hilda sabay abot sa kanya ng sandwich. "Ito naman ang kakainin mo mamayang tanghali at ubusin mo itong orange juice bagong padala ang mga prutas na iyan dito sa atin," dagdag pa niya sabay turo ng isang baunan.

Tumango naman si Amanda at nagpasalamat. "Tiyaka nga po pala nandiyan na po ba si Senyorito?" tanong ni Amanda habang inilalagay sa loob ng kanyang bag ang baunan.

"Maagang umalis dahil may importante pa itong kikitain. Siya nga ang nagbuhat sa'yo sa higaan dahil sa katatawag ko sa'yo kagabi ay akala ko ay napano ka na. Iyon pala ay nakatulog ka habang nag-aaral kaya naalala ko eksam ninyo na pala. Hindi ka na pinagising ni Senyorito dahil baka raw ay pagod na pagod ka dahil sa himbing ng pagkakatulog mo. Hindi mo ba alam na hindi mo halos bitawan ang kamay ni Senyorito?" wika ni Hilda na ikinagulat naman ni Amanda.

"Po?"

"Hala sige humangos ka na at baka mahuli ka. Babyahe ka pa," wika naman ni Hilda at kahit gusto pang magtanong ni Amanda ay tama ito dahil mahuhuli na siya sa kanyang eksam.

Pagkalabas niya ay akala niyang sasalubungin siya ni Mang Berto ay iba ang sumalubong sa kanya. Mas bata ito na parang nasa trenta pa ang edad.

"Siyanga pala siya ang bago mong drayber dahil umuwi na muna si Mang Berto sa kanilang bayan at nagkasakit ang kanyang asawa. Siya si Miguel, siya ang magiging tagahatid mo simula ngayon."

Lingid sa kaalaman ni Amanda ay hindi lamang basta tagahatid si Miguel kung hindi kinuha siya mismo ni Alfonso na kanyang tagabantay bente-kwatro oras at ire-report ito sa kanya mismo kung ano ang nangyayari kay Amanda.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro