Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 26

Pagkatapos kumain nina Enzo at Amanda ay naglakad-lakad na muna sila sa likuran ng bahay. Hindi maalis-alis ang mga ngiti sa mga labi ni Enzo habang pinapagmasdan ang dalaga.

Napahawaka si Enzo sa kanyang tiyan. "Busog na busog ako," wika ni Enzo dahilan upang matawa ng bahagya si Amanda at lingonin niya ito.

"Ikaw naman kasi ang dami mong kinain. Sabi ko kasi sa'yo dahan-dahan lang sa pagkain. Iyan tuloy busog na busog ka. Kaya mo pa bang maglakad?" wika ni Amanda na may kasamang tawa sa kanyang mga huling salita.

Natawa naman doon ang binata at tumango. "Thank you, Amanda. Kailangan ko ng umuwi kasi may importante pa akong lalakarin," wika ni Enzo at tumango naman ang dalaga.

"Sige, salamat din at ayos na tayong dalawa," wika naman ni Amanda at nilingon naman siya ng binata.

Napasinghap naman si Amanda nang kinuha ni Enzo ang kanyang kamay at bahagyang hinalikan ito. "I'll see you again," wika nito saka naunang naglakad papaalis at naiwang tulala naman si Amanda.

Nang tuluyan nang makauwi si Enzo ay ang siya namang pagpasok ni Amanda sa kuwadra upang tingnan si Caspian. Nais niya itong makita dahil na rin sa nag-aalala siya sa nangayri rito noong gabing naaksidente siya. Ipinangako niya sa kanyang sarili simula noong araw na iyon na hinding-hindi na siya gagawa ng ganoong katangang aksyon dahil lamang sa kanyang damdamin.

Habang pinapakain ang kanyang kabao ay natigilan siya sa kanyang ginagawa nang may tumawag sa kanyang pangalan at nang lingonin niya ito ay nagulat siya nang makitang si Miguel ito.

"Sir Miguel?" tawag niya rito at tila nalilito dahil sa pagkaaalam niya ay kasama niya si Alfonso.

"Sumama ka raw po sa akin at hinihintay ka ni Senyorito Alfonso," wika ni Miguel at tumango na lamang si Amanda dahil tila seryoso ito.

Hindi na pumasok pa si Amanda sa bahay bagkus isinakay siya agad ni Miguel sa sasakyan. Mas lalong napaawang naman ang bibig ni Amanda nang malaman kung saan sila pupunta. Pupunta pala sila sa Bucharest, Romania. Hindi mapigilang hindi malula ni Amanda kung ilang oras ang kanilang magiging byahe papunta roon at wala siyang dalang gamit dahil paniguradong magtatagal siya roon ng ilang araw. Ni ang suot-suot niya ay pambahay lamang.

"Huwag po kayong mag-alala sa mga gamit ninyo dahil may damit po kayong isusuot mamaya sa private plane ni Senyorito. Inayos niya na po kasi ang lahat-lahat para sa inyo," wika naman ni Miguel nang mahalatang tila nababalisa ang dalaga.


HABANG nasa himpapawid ay hindi mapigilang hindi mapanganga ni Amanda sa ganda ng loob ng pribadong eroplano. Hindi na rin nakagugulat kung tila nawiwili si Alfonso na pumunta sa iba't-ibang lugar kung ganito lang naman ang masasakyan mo. Hindi lubos masukat ni Amanda kung gaano kayaman ang isang Alonto. Tila nakaramdam siya ng hiya nang maalala niya ang mga panunumbat niya kay Alfonso noon dahil ni wala pa sa kalingkingan ng binata ang lupaing iyon sa kung ano ang mayroon ito ngayon.

"Pwede po kayong matulog na muna rito," wika ni Miguel nang itinuro ang mala-cubicle na kwarto at nang pinagkatitigan ito ni Amanda at para nga itong isang maliit na kwarto at parang napakakomportableng higaan.

Tumango naman si Amanda dahil nga sa hindi pa niya gaanong naibabalik ang dati niyang enerhiya ay pipiliin niyang mamahinga na muna at matulog upang sa gayon ay magkaroon din siya ng lakas. Pansin niya rin kasi ang kanyang pangangayayat.

"At kung nagugutom ka ay huwag na huwag kang mahihiyang tumawag sa isa sa kanila dahil agad ka nilang ipaghahanda ng pagkain. Ibinilin ka sa akin ni Senyorito at kailangan kitang pangalagaan. Pansin ko rin na medyo maputla at nangayayat ka," puna ni Miguel at tila nalungkot naman si Amanda nang marinig ang mga iyon.

Sa bandang kaliwa ni Amanda ay nakita niya ang kanyang repleksyon. Kapansin-pansin talaga ang pagbaba ng kanyang timbang. "Oo nga po kaya sinusubukan kop o talagang ibalik ang dati kong katawan. Hindi na nga po ako nakatutulong sa manor. Babawi nga po ako sa kanila," wika ni Amanda at bahagyang natawa naman si Miguel.

"Nakatutuwa ka talaga. Sige magsabi ka lang kung may kailangan ka. Matulog ka na muna riyan. Mayroon ding maliit na telebisyon diyan at mga magasin para malibang ka. Ilang oras din ang magiging byahe natin," wika ni Miguel at tumango naman doon ang dalaga.

Habang nasa loob ng cubicle ay nahiga na lamang si Amanda at hindi niya ramdam na nasa himpapawid man lang sila. "Ganito pala ang pakiramdam ng isang Alonto," mahinang bulong niya habang yakap-yakap ang unan na nasa kanyang gilid. Hinila niya ang putting kumot papunta sa kanyang leeg at ipinikit ang kanyang mga mata.

Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay pagod na pagod ang kanyang katawan kahit na ang ginawa lang naman niya kanina ay ang ipagluto si Enzo. Agad niyang iminulat ang kanyang mga mata nang maalala ang kanyang inang. Ni hindi man lang siya nakapagpaalam sa kanyang ianng at paniguradong nag-aalala na ito sa kanya. Hindi na rin niya magawang tumayo mula sa kanyang pagkahihiga upang puntahan si Miguel at itanong kung nakausap niya ang kanyang inang patungkol dito ngunit sadyang tumitiklop na ang kanyang mga mata at tila nilalamon na siya ng antok.

Nakaramdam na lamang si Amanda nang tila may tumatapik sa kanya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nahagip ang kanyang paghinga nang matuklasan niyang may malapit na mukha sa kanyang mukha.

Si Alfonso.

"Baby, you're awake."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro