Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 24

Makalipas ang dalawang araw...

Dalawang araw din ang lumipas simula ng insidente. Walang oras na hindi umalis si Alfonso sa tabi ni Amanda at narinig din ng dalaga dumadalaw si Enzo sa kanya ngunit hindi ito pinapapasok sa loob. Wala pa rin naman siyang lakas na bumangon dahil na rin sa mga nalaman niya. Hindi niya rin kinikibo si Alfonso simula noon kahit kinakausap siya nito.

Nag-aalala na rin si Hilda sa kanya gayun na rin si Senyorito Wilbert kahit na nasa ibang bansa at patuloy pa rin sa kanyang paggamot.

"Please, talk to me Amanda," pagsusumamo ni Alfonso at kasalukuyan itong nakaluhod habang hawak-hawak ang kamay ng dalaga. Para rin itong mangiyak-ngiyak sa kauusap sa dalaga araw-araw at gabi-gabi.

Nilingon naman siya ni Amanda at nagulat itong lumuluha na pala ang binata. Ito ang kauna-unahang pagkatataon na nakita niya itong umiiyak. Hindi siya halos makapaniwala na ang isang tulad nito ay umiiyak at nagsusumamo sa kanya. Hinawakan ni Amanda ang pisngi ni Alfonso, nagtama naman ang kanilang mga mata at bahagyang hinalikan ni Alfonso ang palad ng dalaga.

"I'll make it up to you. Sabihin mo lang kung ano. Ibibigay ko lahat ng gusto mo," wika ni Alfonso saka inipid ang ilang hiblang buhok ni Amanda sa tainga nito.

"Ano ba talaga tayo?" mahinang tanong ng dalaga ngunit dinig naman iyon ni Alfonso.

Malalam naman siyang tinitigan ng binata at hinalikan sa noo. "Importanteng tao ka sa akin. Hindi ako mapakali sa tuwing nasa malayo akong lugar at sa tuwing nalalaman kong may kasama kang iba. You have never left my mind since I first saw you as a fully grown woman. It suffocates me, and I don't know what to do. Wala akong pakialam sa mga tao kung ano man ang iisipin nila aptungkl sa akin ngunit ang iniisip ko lang ay ikaw. Dahil baka sa akin ay masira ang buhay mo at ayaw kong magyari iyon kaya doon hindi na nagkaroon ng lakas ng loob pang sabihin sa'yo ang lahat," mahabang sagot ni Alfonso at tila nahabag naman ang kalooban ni Amanda. "Tungkol naman sa mga lupa kaya ako laging umaalis ay dahil sa inaasikaso ko lahat ng mga naisanla ng iyong ama at ang lahat ng mga iyon ay unti-unti kong ipinangalan sa'yo. Wala kaming intension na kunin ang mga iyon sa'yo. Ibinilin sa akin ng aking ina bago pa amns iya pumanaw ay aiskasuhin ang mga ito at ibigay sa'yo," dugto pa ni Alfonso at doon naintidihan lahat ni Amanda ang lahat at tila nakaramdam naman siya ng konsensya dahil hindi niya pinapakinggan ang binata noong una pa lang.

"Alfonso," sambit ni Amanda at agad na niyapos ng mahigpit na yakap si Alfonso.

"H-hindi ko alam," piyok na wika ni Amanda at hinagod naman ni Alfonso ang likod nito.

"Tama na, ayos lang. Please take some rest dahil kapag tuluyan ka ng magaling ay ipapasyal kita sa labas. I cancelled all of my meetings and everything just for you," wika ni Alfonso at hinalikan ang mga labi ng dalaga saka tumayo.

Naiwan namang tulala si Amanda habang pinapanood umalis ang binata sa kwarto. Ramdam naman niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi at ng kanyang tainga. Hindi niya mawari ang kanyang nadarama na para siyang nililipad sa kilig at tuwa. Tuwang-tuwa siyang marinig ang lahat ng mga iyon galing sa bibig ng binata.

Walang ano-ano ay pumasok ang kanyang Inang na may dala-dalang pagkain. Dahan-dahan nitong inilapag sa mesa at humila ng bangko at naupo. Seryoso itong nakatitig kay Amanda.

Nag-aalalang tinitigan naman siya ni Amanda. "Bakit po, Inang?"

"Hindi ko sinasadyang marinig ang inyong usapan ni Senyorito. Maraming beses ko na ring nararamdaman na may kung ano sa inyo ngunit hindi ko na rin iyon iniisip dahil malalaki na kayo. Ayokong makialam ngunit alam mo ba ang pinapasok mong ito, anak? Hindi man kita tunay na anak ngunit sa puso ko itinuring na kitang isa," wika ni Hilda dahilan upang pilitin ni Amanda ang kanayngs arili na maupo.

Pinagkatitigan ni Amanda ang kanyang Inang at ngumiti. "Patawarin ninyo po ako, Inang. Kayo dapat ang unang makakaalam patungkol ditto dahil kayo ang nagsilbi kong ina ngunit noong mga araw na iyon ay ayokong husgahan ako ng iyong mga mata pati na rin ang iba. Ayoko ring madungisan ang pangalan ng mga Alonto kaya mas pinili kong ilihim iyon. Mahal ko po si Alfonso," sagot ni Amanda at tumango naman si Hilda.

"Ilang taon ka pa lang Amanda, at hindi mo pa alam kung ano ang totoong kahulugan ng pag-ibig ngunit naniniwala rin akong malalaman mo iyon sa pamamagitan ng sarili mo. Matalino kang bata alam kong malalaman at malalaman mo rin bandang huli," wika ni Hilda at tumango naman si Amanda.

Nagyakapan silang dalawa at bahagyang natawa. "Kumain ka na dahil medyo bumabaho ka na rito sa kwarto mo. Ilang araw ka na ring hindi naliligo. Alam mo ba 'yon? Kailangan mong magpalakas. Kaiin mo lahat ng inihanda ko sa'yo at pagkabalik ko dapat ay ubos na itong lahat," wika ni Hilda sabay turo sa pagkain.

"Opo, Inang," sagot naman ni Amanda.

Pagkalabas nang pagkalabas ni Hilda sa kwarto ng dalaga ay hindi naman mapigilang hindi mapabuntong hininga ni Amanda. Tama ang kanyang Inang ngunit hahayaan niya munang iagos ang kanyang sarili kay Alfonso dahil mahal niya ito. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro