Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 20

Makalipas ang isang linggo . . .

Hindi makapag-isip ng maayos si Alfonso o kahit man lang maintindihan nang husto ang kanyang binabasa mga papeles. Inaaral niya ang mga papel na dapat ipangalan kay Amanda dahil na rin sa pagkababaon ng mga utang ng mismong ama ng dalaga.

Halos lumabas ang ugat sa kanyang mga kamay habang hawak-hawak ang mga papel. Dahil na rin sa pagbabantay sa kanay ni Miguel ay alam niya kung saan ito pumupunta at kung sino ang kasama nito. Iisang tao lang naman lagi ang kasama ni Amanda at walang iba kung hindi si Enzo.

Gusto niyang liparin kung nasaan man ang dalaga sa ngayon ngunit hindi pa maaari. Kasabay ng lahat ng kanyang pagproseso ay ang kanyang sarili. Inihahanda niya na rin ang kanyang sarili kung papaano niya ito sasabihin sa dalaga. Hindi naman niya itinatago na may ari-arian pa nga ang dalaga ngunit iniisip niyang baka umabot sa puntong iba ang isipin nito.

Gayunpaman ay handa pa rin siyang kaharapin ang lahat-lahat at kung ano man ang sasabihin o iisipin ng dalaga sa kanya ay tatanggapin niya. Minsan ang bumabagabag din sa kanya ay kung ang nararamdaman niya anga bas a dalaga ay pag-ibig o hindi. Gusto niyang suntukin ang kanyang sarili dahil sa mga kahalayang ginawa niya na rin sa dalaga na ngayon ay hinahanap-hanap na rin niya.

Ilang babae na rin ang dumaan sa kanyang buhay ngunit iba si Amanda sa kanila. Sa kanya niya lang naramdaman ang lahat na hindi niya dapat na maramdaman. Ngunit kalakip noon ay ang kanilang estado sa buhay. Iniisip niya rin kung ano ang iisipin nila sa dalaga. Wala siyang pakialam kung anuman ang iisipin ng iba patungkol sa kanya ngunit ang inaalala niya lamang ay si Amanda. Dahil baka sa kalaunan ay siya ang maging mitsa ng kamalasan sa kanyang buhay.

"Amanda, you're driving me crazy," he snarled and tossed the paper on the table.

Hindi lubos maisip kung gaano siya nakararamdam ng pagkaselos sa tuwing malalaman niyang magkasama na naman ang dalawa. Kasalanan niya naman din kung bakit dahil hindi naman niya binibigyan ng kasiguraduhan ang dalaga patungkol sa kanilang dalawa.

Hindi pa siya handa sa mga ganoong bagay at baka hindi niya mapanindigan ito sa huli. Kaya hanggang ngayon ay tinatanaw at pinapakiramdaman niya muna nang maigi ang kanyang sarili.

Kinuha niya mula sa kanyang bulsa ang kanyang selpon at muling tinawagan si Amanda, ngunit gaya ng dati ay wala pa ring sumasagot. Hindi niya nasagot ang mga mensahe ng dalaga noon dahil na rin sa naiwala niya ang kanyang selpon ngunit agad din naman itong nahanap kinabukasan. Kahit na makabibili naman siya ng panibagong selpon ay hindi niya ginawa dahil pakiramdam niya ay mas importante iyon dahil kay Amanda.

Tinawagan niya pa rin ito nang tinawagan ngunit wala pa rin. Gusto niyang lumipad patungo sa dalaga at hagkan at siliin ito ng halik ngunit hindi niya ito magawa.

Napasabunot siya sa kanyang sarili. "Damn it!" He cursed and threw his phone at the wall.

Wasak na wasak ang kanyang selpon at hindi na ito mapakikinabangan pa. Ilang araw na ring mainit ang kanyang ulo dahil na rin kay Criselda. Ang team kasi nito at siya ang nanguna sa pagkakalat ng mga impormasyong hindi naman totoo. Kumalat ito nang husto dahil na rin sa kilala si Criselda sa industriya kaya ganoon na lang din ang maagang pagkalat nito. Bukod doon ay hindi na rin siya nagtakang tinawagan siya ng kanyang ama dahil sa nasangkot na rin ang kanilang pangalan kung kaya't nabuksan na naman ang mga isyung matagal ng nabaon sa limot.

Hindi naman lingid sa kaalaman niya nab aka nga ay nakita na ito ni Amanda at baka ito rin ang dahilan kung bakit hindi niya man lang ito matawagan. Nakailang padala na rin siya ng mensahe ngunit ni isa sa mga iyon ay wala siyang natanggap na sagot. Kung titingnan nga ay para siyang isang kasintahan niya ngunit hindi.

Kumuha siya ng baso at agad na nagsalin ng alak. Agad niya itong tinungga at nagsalin pang muli. Kalahati na rin lang naman ang laman ng bote kaya't kumuha naman siya ng panibagong bote nang biglang tumunog ang telepono.

Tinitigan niya lamang ito at nag-iisip kung sasagutin ito o hindi. Sa huli ay wala na rin siyang nagawa dahil wala pa rin itong tigil sa pag-ring. Nang sagutin niya ito ay agad na tumambad sa kanya ang pamilyar at nakaiiritang boses ni Criselda. Ibinagsak niya ang telepono at inihagis sa pader. Wala siyang pakialam sa babaeng iyon at kahit na anong tulak niya rito ay para itong linta kung makadikit.

Sa isip niya lang din na kung hindi lang kasalanan ang pumatay ng isang tao ay ginawa na niya ito kay Criselda. Kung sana ay hindi na niya sana ito pinansin noong una pa lang ngunit nang dahil lang naman kay Amanda kaya niya ito pinansin sa pag-aakalang makalilimutan niya ito.

Napahalumpasay siya sa kama at hindi na nag-abalang kumuha pa ng isang boteng alak. "What should I do?" bulong niya habang hinihilot ang kanyang sentido.

Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata nang may biglang kumatok sa pinto.

"Fucking open the door!" sigaw niya at walang ano-ano ay bumukas nga ang pinto at iniluwa noon si Miguel.

Agad niya kasing pinapunta si Miguel sa kanya at pansamantalang itigil na muna ang pagbabantay kay Amanda. Wala na rin naman siyang magagawa at hindi niya naman kayang pigilang ang mag ito sa kanilang gusto. Hahayaan na lamang niya ang dalawa at hahayaan niya na lamang ang kanyang sarili na magpakalunod na muna sa kadiliman hanggang sa maging manhid na muli siya.

Gusto niyang bumalik sa dating siya at hindi sa ganitong sitwasyon niya.

"Miguel, maaari ka nang tumigil sa pagbabantay sa kanya. Wala ng kabuluhan pa at nasasayang na rin ang oras ko sa kanya. Hayaan na natin siya sa mga kagustuhan niya. The hell I care."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro