KABANATA 2
Makalipas ang limang taon...
"Nasa ilalim na kita ng pangangalaga ko."
Simula nang lumipat si Amanda sa tahanan ng mga Alonto. Nakilala niya na rin si Senyor Wilbert ngunit wala itong kibo sa kanya. Wala rin siyang balak na usisain ito kaya minarapat ni Alfonso na siya na ang mangangalaga sa batang babae. Halata rin ni Alfonso na nagbago na ang kanyang ama at lagi itong umuuwing lasing tuwing gabi. Sa tuwing hinahanap naman siya ng mga tao ay laging si Alfonso ang humaharap at nag-aayos. Sa murang edad ni Alfonso ay nakikitaang kaya na niya ang lahat ngunit naniniwala si Alfonso na marami pa siyang dapat na matutunan.
Hindi naman kumibo ang batang babae sa halip ay tinitigan niya lamang si Alfonso ng kanyang mga mapupungay na mga mata at agad ding yumuko.
"Poor you; at your young age, you seem to be burdening the world," wika ni Alfonso at marahang tinitigan lamang siya. He tilted his head and smiled. "But you don't have to worry about that anymore because I'm here. I will take full responsibility of you. Lahat dito ay may kalakaran, lahat ay may batas. But we will take care of that once you're in your legal of age," dagdag ni Alfonso at napangiti naman ito nang makitang tumatango-tango ang batang babae.
Iyon lamang ang kauli-ulihang mga naalala ni Amanda noon. Ngayon na kinse anyos na siya ay hindi na niya ito muling nakita pa dahil nag-aral ito sa malayong lugar. Sa mga taong lumipas ay halos ituring na siya ni Hilda na sarili niyang anak at gayun din si Amanda na kung ituring niya si Hilda ay sarili niyang ina.
Hindi naging pabigat si Amanda sa manor bagkus natuto siyang tumulong at kahit sa pag-aalaga ng mga kabayo ay marunong siya.
Halos yata lahat ng mga gawaing bahay ay may kaalaman siya at lahat ng mga iyon ay dahil kay Hilda. Nasa ika-apat na taon na hayskul na si Amanda at dahil wala na silang klase ay abala na naman siya sa pag-aalaga ng mga kabayo.
Habang sinusuklay ang kabayong gustong-gusto niya ay bigla siyang may narinig na tila may tumatawag sa kanya.
Agad naman niyang ibinalik sa kwadra ang kabayo at lumabas. Doon ay nakita niyang humahangos papunta sa kanyang direksyon si Hilda.
"Inang, bakit po?" tanong niya at agad na inalalayan ito.
"Kanina pa kita hinahanap. Darating ngayong araw si Senyorito. Halika ka na at maligo ka na. Tiyak akong ikaw agad ang hahanapin niya," wika ni Hilda at umiling naman si Amanda.
"Inang, mamaya na po. May inaasikaso pa po ako rito. Tatapusin ko lang po ito at agad din po akong papanhik sa kwarto upang maligo. Sige na po, Inang," sagot naman niya at napailing-iling naman si Hilda.
Alam kasi ni Hilda na medyo nagtatampo si Amanda kay Alfonso dahil simula noong umalis ang binata ay hindi man lang ito kailanman kinamusta si Amanda. Pakiramdam noon ni Amanda ay isa lamang siyang hangin.
Lahat ng mga kailangan ni Amanda ay agad ding ibinibigay ni Alfonso. Halos limang taon din kasi itong nawala at sa tuwing kaarawan niya ay laging pinapadalhan siya ni Alfonso ng bagong sapatos. Ngunit hindi masaya si Amanda roon.
Pinaliwanag naman ni Hilda kay Amanda kung bakit wala ang binata. Nag-aaral pa kasi ito ng abogasya at kailangan nitong tutukan nang mabuti ang kanyang pag-aaral. Lalo na ngayon na kahit ang kanilang Senyor Wilbert ay wala ng inatupag kung hindi ang kanyang alak.
Akala nilang lahat ay maayos na ang kalagayan nito ngunit sa paglipas ng ilang mga araw ay palubha nang palubha ang sitwasyon ni Senyor Wilbert nitong makalipas na mga taon.
Isa rin sa mga dahilan na uuwi si Alfonso ay dahil na rin sa kanyang ama.
Abala na ang lahat dahil sa agarang pag-uwi ng kanilang senyorito habang si Amanda naman ay bumalik sa kanyang ginagawa. Wala siyang balak na makita si Alfonso. Dali-dali naman niyang tinapos ang kanyang ginawa at umalis papunta sa isang sekretong batis.
Iyon ang kanyang naging taguan noon at magpahanggang ngayon. Nang makarating siya sa batis ay agad niyang nilanghap ang napakasariwang hangin na agad na sumalubong sa kanya. Para ring sinusuklay ng hangin ang kanyang mahabang buhok.
Doon lamang siya nakararamdam ng mapayapang pakiramdam dahil sa mga nagdaang taon din ay hindi niya kinakaya ang presensya ni Senyor Wilbert sa tuwing magku-krus ang kanilang mga landas. Gustuhin niya mang mapalapit sa Senyor at pagsilbihan ito ay tila agad naman siyang pinatatabuyan at pinagsasarahan ng pinto.
Mabuti na lang din at nakasuot lamang siya ng bestida kaya madali lang ang maligo para sa kanya ngunit mas pinili niyang ilublob ang kanyang mga paa sa maligamgam na tubig sa batis.
Halos trenta minutos din ang kanyang inalagi sa batis nang may narinig siyang tila papalapit na mga indak ng mga kabayo.
Sigurado siya roon.
Bago pa man siya makatayo ay nasa harap na niya ang taong nakasakay sa isang kabao at dahil sa sikat ng araw ay hindi niya masilayan ang mukha kung sino ito.
"Amanda," isang malamig na tono ng boses ang tumawag sa kanya.
Agad namang natigilan si Amanda dahil pamilyar ang boses na iyon sa kanya.
Dahan-dahan namang nasilayan ni Amanda ang mukha ni Alfonso. "Senyorito," bulong na tawag niya rito.
Walang ano-ano ay napasinghap siya nang bigla niyang mabilis palakarin ang kabayo patungo sa kanyang direksyon at dali-dali siyang niyapos sa kanyang baywang at binitbit na parang papel habang sakay-sakay ng kabayo.
Agad namang pinatakbo ni Alfonso ang kabayo at wala pang halos ilang minuto ay nakarating na sila sa manor.
Pagkababa nang pagkababa ni Amanda ay agad siyang hinila papasok sa loob ng bahay ni Alfonso at pinaupo.
Halatang galit na galit ito at kahit gustong hawakan ni Amanda ang kanyang tiyan dahil medyo namilipit siya sa sakit dahil sa pagkakakarga sa kanya kanina ay hindi niya magawa. Takot siyang gumalaw.
"Halos mabaliw ang mga tao rito kahahanap sa'yo!" Umiigting ang panga ni Alfonso.
Hindi naman kumibo si Amanda at tumutulo lamang ang basang laylayan ng kanyang bestida sa karpet. Nasa likod naman si Hilda na nag-aalala ang mukha kasama ang tatlong kasambahay.
"Get on your knees!" Sigaw ni Alfonso at tila nanginig naman ang mga kalamnan ni Amanda at napakuyom ng kanyang mga kamay.
Malaki na siya ngunit kung ituring siya ni Alfonso ay parang bata.
"Senyorito, huwag na. Ako na ang bahalang pagsalitaan siya," wika naman ni Hilda ngunit hindi ito pinansin ni Alfonso bagkus hinubad niya ang sinturan na kanyang suot-suot.
Parang maluha-luha namang labag sa kaloobang tumugon si Amanda at lumuhod sa karpet.
Walang ano-ano ay isang hampas ng sinturon ang nakuha ni Amanda ngunit pinigilan niya ang kanyang sariling humiyaw sa sakit sa pamamagitan ng pagkagat ng kanyang labi.
Sa pangatlong pagsinturon na sana ni Alfonso ay sandali siyang natigilan at napaatras sa pagkagulat.
Namakat ang dugo sa likod ng puting bestida ni Amanda sa bandang pwetan nito. Hindi naman naniniwala si Alfonso na galing iyon sa kanyang ginawa.
Dali-dali namang napatakbo si Hilda upang tingnan kung ano ang ikinagulat ni Alfonso. Nang makita niya si Amanda ay hindi na siya nag-aksaya ng ilang segundo at nilapitan niya agad ito.
Kabuwanan ni Amanda at dinudugo ito. "Halika na sa taas," wika ni Hilda habang inaalayan patayo si Amanda.
Hinarap naman ni Hilda si Alfonso at yumuko. "Senyorito, itigil mo na ang ganitong gawi sa kanya. Dalaga na siya at nagkakaroon na ng buwanang dalaw. Ipagpaumanhin mo at dadalhin ko na muna siya kanyang kwarto upang makapagpalit," wika ni Hilda at inakay na paalis si Amanda.
Pinanood lamang ni Alfonso ang dalawa hanggang sa mawala na ito sa kanyang tingin. Nagpakawala siya ng paghinga at napahilamos ng kanyang mukha.
"My Amanda is now a young lady."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro