KABANATA 16
"It's been a long time since we met."
Napabuga ito ng usok sa kanyang hinihithit na sigarilyo. Nasa isang madilim na lugar sila nagkita ngunit ang lugar na iyon ay ang lugar kung saan nila ipinangako sa isa't isa na magpapatayo sila ng rantso ng mga kabayo.
"Enzo," tawag ni Alfonso at matiim itong tinitigan.
Itinutok naman ni Enzo ang kanyang baril kay Alfonso na para bang kakalibitin nito ang gantilyo.
Pagak namang natawa si Alfonso. "A gun? Are you flirting with me?"
Natawa naman si Enzo sa komento ng binata at agad ding ibinaba ang baril saka inihagis sa gitna ng damuhan.
"Magagamit natin 'yan mamaya," wika ni Enzo saka napasuklay ng kanyang buhok gamit ang kanyang kamay.
Kumuha naman ng isang stick ng sigarilyo si Alfonso mula sa kanyang pakete. "Let's get to your monkey business. Why did you call me?" tanong ni Alfonso bago humithit ng sigarilyo at ibinuga ito.
"Amanda," mahinang sagot ni Enzo ngunit dinig na dinig iyon ni Alfonso dahilan upang lingonin niya ito. "She's an Alacantara, isang heredera. You know that don't you? Hindi naman basta-basta lumisan sa mundong ibabaw ang kanyang ina ng ganoon lamang. Hindi ba? Alam na kaya niyang mayroong ipinamana ang kanyang ina at ang pamanang iyon ay nasa kamay ng mga Alonto? Ano kaya ang iisipin niya kapag nalaman niya ito?" mahabang lintanya ni Enzo na ikinakuyom naman ng mga kamay ni Alfonso.
"It's none of your business," Alfonso hissed, causing Enzo to laugh slightly.
Bahagyang nagpalakad-lakad ito.
"I think it is because I care for her," mabilis na sagot ni Enzo at binigyan ng nakalolokong ngiti si Alfonso.
Mapaklang natawa naman si Alfonso. "You have an entire life to be an idiot. Why not take a day off?" wika niya saka itinapon ang nauupos ng sigarilyo. "Amanda, is mine. The problem here is she's mine. Do what you want then. No one is stopping you," dugtong pa niya at akma na sanang tatalikod.
"If you don't terrify people a little then what's the point? She's not yours to keep and I just wanted to remind you that you are her guardian not her man. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang may pagtingin ang taong kumupkop sa kanya? You're a fool, Alfonso. Akala ko ba ay nag-aaral ka bilang isang abogado? Yet here you are making such a terrible mistake. Alfonso being a lawyer is a catastrophe," wika ni Enzo at bahagyang natawa.
Tiim-bagang tinitigan naman siya ni Alfonso.
"If I said anything that offends you, it was purely intentional," dagdag pa ni Enzo at napamulsa.
Sandaling natigilan naman si Enzo nang may marinig na tila tunog ng barili. Hawak-hawak na mismo ni Alfonso ang baril na siyang itinapon niya kani-kanina lamang.
Kinasa naman ito ni Alfonso at itinutok sa binata. Walang ano-ano ay kinalabit niya ang gantilyo at umalingawngaw ang putok ng baril ngunit hindi tinamaan ang binata. "If you're going to insult me at least use a clever one," wika ni Alfonso saka tumalikod papaalis dala-dala ang baril.
HABANG nasa byahe ay hindi pa rin mapigilang hindi manggalaiti sa galit si Alfonso. Mabilis ang takbo ng kanyang sasakyan at dahil na rin sa dis-oras na ng gabi ay wala ng masyadong sasakyan sa daan kaya malaya siyang gawin ang kanyang gusto.
Initsa niya ang baril sa gilid at kahit na puno ng galit ang kanyang dibdib ay hindi pa rin siya makapaniwalang makakaya iyong gawin ni Enzo sa kanya. Kahit papaano ay mayroon silang pinagsamahan bilang magkaibigan ngunit tila ang lahat ng mga iyon ay nabura na parang bula.
Dahil hindi niya makayanan ang kanyang galit ay naiputok niya ang baril ngunit hindi naman niya ito pinatamaan ang binata bagkus malapit lamang sa tainga nito.
Kung ganoon ang nais nito ay wala siyang magagawa kung hindi ang protektahan kung ano ang para sa kanya. Hindi niya hahayaang makukuha sa kanya si Amanda. Hindi pa man alam kung iniibig niya nga ba ito o hindi ngunit ang tanging alam niya lamang ay ayaw njyang mawala ito sa kanyang piling.
Sa lalong madaling panahon din ay ilalayo niya ang dalaga. Totoo ang lahat ng mga sinabi ni Enzo. Isa ngang heredera si Amanda at nakapangalan sa kanya ang iilang lupain na pagmamay-ari ng mga Alacantara na ngayon ay nasa kanila na.
Hindi niya ito sinamsam ngunit inaayos niya lamang ang mga papel ng mga lupa upang tuluyan itong maging legal sa pangalan ng dalaga dahil na rin sa naisanla ang mga kalupaang iyon sa bangko dahil sa kagagawan ng ama ng dalaga. Lahat ng mga ari-arian ng mga Alacantara ay siya mismo ang sumalba.
Ngunit ang lahat ng mga iyon ay walang kaalam-alam si Amanda. Ang tanging taong nakakaalam lamang ay ang kanyang ama sj Senyor Wilbert. Noong una ay hindi pabor ang kanyang ama rito dahil magwawaldas lamang siya ng limpak-limpak na mga salapi ngunit sa huli ay wala ring nagawa ang kanyang ama. Iyon din ang mga taong hindi pinapansin ni Senyor Wilbert ang dalaga ngunit kalaunan ay tuluyan ding lumambot ang pakitutungo niya sa dalaga.
Tila nakararamdam din ang kanyang ama na may pagtingin siya ngayon sa dalaga dahilan upang kausapin siya nito. Hindi siya umimik sa mga oras na iyon bagkus pinakinggan niya lamang ito. Galit na galit si Senyor Wilbert dahil inaalala nito ang maaaring mangyayari sa kanya ngunit simula pa lang noong una ay alam na nito.
Noong ilang taon siyang nawala sa hacienda ay ang mga taong ding iyon ang ginugol niya sa pag-iisip habang minamasdan ang paglaki ni Amanda. Hindi niya rin alam kung bakit siya nakararamdam ng ganito kahit na alam niyang isang malaking pagkakamali.
Marami na rin siyang naging kasintahan para lang mailihis ang kanyang pag-iisip sa dalaga ngunit walang nangyari.
"I hate this feeling."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro