KABANATA 15
Nang tuluyan nang makaalis ang lahat ng mga bisita aya agad namang pumanhik si Amanda sa kanyang kwarto upang makapagbihis at agad din siyang bababa para makatulong sa pagliligpit kasama ang kanyang Inang. Hindi niya nakalimutang magpasalamat sa lahat lalong-lalo na kay Senyor Wilbert. Magaan ang pakiramdam ni Amanda ngunit tila may kulang na parte sa kanyang kalooban na patuloy na bumabagabag sa kanya.
Hindi niya man 'to aminin sa kanyang sarili ngunit iisang tao lang naman ang kanina niya pang hinahanap at iyon ay walang iba kung hindi si Alfonso. Ang buong akala niya kanina ay isasayaw pa siya nito ngunit mali ang kanyang akala.
"Anak, umakyat ka na sa itaas at magpahinga. Kaya na namin 'to rito," wika ni Hilda nang mamataan si Amanda na nagliligpit ng mga dekorasyon.
Umiling naman si Amanda. "Ayos lang po ako, Inang at para na rin po matapos na poi tong lahat at makapagpahinga na tayo," sagot naman ni Amanda at tumango na lamang si Hilda dahil tila wala rin naman siyang magagawa. Napangiti na lamang ang iba dahil sa tinuran ni Amanda.
Halos kalahating oras din ang ginugol nilang lahat bago nalinis ang mga kalat at tanging ang naiwan na lamang na naka-organisa ay ang mga upuan at lamesa.
Isa-isa ring nagsiuwian ang mga taong tumulong at naunang pumanhik sa loob si Hilda upang makapagpahinga. Samantala si Amanda naman ay nagpaiwan at nagpasyang mapag-isa na muna. Nasa labas pa rin siya ng bahay ngunit nakapatay na ang mga ilaw sa labas at tanging sinag na lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw niya sa labas.
"You have something in your wrist." Isang malamig na boses ang gumulat kay Amanda at kahit na hindi niya pa ito lingonin ay kumakabog na nang husto ang kanyang dibdib.
Napatingin naman si Amanda sa kanyang pulsohan at suot-suot niya nga ang charm bracelet na siyang ineregalo ni Enzo sa kanya kanina. Nilingon naman ni Amanda si Alfonso na ngayon ay nakatayo pala sa kanyang likuran. Ramdam nito ang kanyang init at pati ang angkin nitong pabango ay amoy na amoy ni Amanda.
Nakaupo lamang si Amanda sa damuhan. Tila may kinuha naman si Alfonso sa kanyang bulsa at dahan-dahang lumuhod. Walang ano-ano ay napasinghap si Amanda nang lumapat ang balat ni Alfonso sa kanyang leeg. Isang magandang kwintas ang nakita ni Amanda na ngayon ay suot-suot na niya. Tiningnan niya ito at namangha sa ganda, isang maliit na pendant ng kabayong ginto.
"Care to dance?" tanong ni Alfonso na siyang ikinagulat naman ng dalaga. Walang pagdadalawang-isip niyang tinanggap ang kamay na nakalahad sa kanyang harapan.
Nang magkahawak kamay na sila ay kinuha naman ni Amanda ang pagkatataong mahawakan nang mahigpit ang kamay ni Alfonso.
Hinawakan naman nang mahigpit ni Alfonso ay baywang ni Amanda halos ramdam na nila ang kanilang paghinga dahil sa pagkakalapit nila nang husto.
"So this is love, Mmmmmm... So this is love..." Kanta ni Alfonso na siyang ikinagulat naman ni Amanda. Nahagip naman ang kanyang paghinga nang magtama ang kanilang mga mata.
Nagkatitigan silang dalawa nang matagal at walang balak na mag-iwas ng mga tingin habang patuloy pa rin sila sa mabagal na pagsayaw.
"Do you like him?" tanong ni Alfonso at hind iyon inaasahan ni Amanda. Mukhang alam na kasi niya kung sino ang tinutukoy nito ngunit nais niya pa ring magtanong.
"Po, Senyorito?" tanong niya na titig na titig sa mga mata ng binata.
Alfonso said something she couldn't understand and gazed at the sky, annoyed. "Please refrain from calling me Senyorito when it's just the two of us. Call me by my name."
Halos natameme naman si Amanda sa tinuran ni Alfonso at dahan-dahan naman siyang tumango bilang sagot. Hindi siya makahanap ng boses upang makasagot ng maayos kay Alfonso dahil baka pumiyok lamang siya.
"My question," ulit ni Alfonso sa naging tanong niya kanina.
Napalunok naman ng laway si Amanda bago magawang sumagot. "Kaibigan ko lang po siya," tipid na sagot niya at agad na nag-iwas ng tingin dahil hindi na nito nakayanan ang presensya ni Alfonso sa kanya.
Ramdam naman ni Amanda ang paghigpit ng pagkahahawak sa kanyang baywang. Dikit na dikit na ang kanilang katawan at nakapatong ang ulo ni Amanda sa dibdib mismo ng binata. Dinig na dinig niya ang pagtibok ng puso nito at marahan naman siyang napapikit at nilasap ang pagkatataon. Alam niyang may mali sa kanilang ginagawa ngunit sa mga oras na ito ay wala siyang pakialam. Hindi niya mawari nang husto ang kanyang nararamdaman dahil sa mga bisig ni Alfonso ay ramdam niya ang kapayapaan at pahinga. Gusto niyang lumagi sa mga bisig ng binata sa mahabang panahon ngunit alam niyang hindi naman iyon mangyayari at nangyayari lamang ito sa ngayon dahil sa kanyang kaarawan.
"That is good to hear, Amanda. Go get some rest now," wika ni Alfonso at agad na binitawan ang pagkahahawak sa kanya.
Tila nalungkot naman si Amanda dahil gusto niya pang tumagal sila sa ganoong posisyon ngunit tila itinataboy na siya ngayon ni Alfonso. Kanina lamang ay halos may mangyari sa kanila, ngayon naman ay halos liparin siya sa kanyang nararamdaman para sa binata. Gusto niyang itanong sa binata kung bakit nito ginawa sa kanya ang bagay na iyon at kung ano nga ba silang dalawa.
Tumango naman si Amanda at hindi makatitig sa binata. Dahil doon ay hinawakan ni Alfonso ang baba ng dalaga at pinaharap sa kanya. "Don't feel sad since being here for too long may lead you to an unfamiliar place."
Kumunot naman ang noo ni Amanda dahilan upang bahagyang matawa naman si Alfonso sa naging reaksyon ng dalaga. "Good night and happy birthday, my doll," wika ni Alfonso saka hinalikan si Amanda sa noo nito.
Hinawakan naman ni Amanda ang bandang braso ni Alfonso na siya namang ikinagulat niya. "Maraming salamat sa lahat ng mga ito. Higit-higit pa ang mga ibinigay mo sa akin. Good night, Alfonso," wika ni Amanda at bahagyang tumihin upang maabot lamang ang pisngi ni Alfonso at hinalikan.
Agad namang kumaripas ng takbo ang dalaga at hindi na muling lumingon sa direksyon ng binata. Alam niyang pulang-pula siya sa kanyang ginawa at nais niyang batukan ang kanyang sarili roon.
"Ngayon lang ito," bulong niya sa kanyang sarili nang makapasok na siya sa kanyang kwarto at agad itong isinara.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro