KABANATA 14
"Ang ganda mo anak," manghang wika ni Hilda habang pinagmamasdan nang husto si Amanda.
Napangiti naman si Amanda sa tinuran ng kanyang Inang. "Salamat po, Inang sa pag-aasikaso po sa akin," wika naman ni Amanda at sa halip na sumagot muli si Hilda ay niyapos niya ito nang pagkahigpit-higpit.
"O siya mauuna na ako sa baba ha at tutulong pa ako sa iba. Bumaba ka na rin ha," wika ni Hilda at tumango naman doon si Amanda.
Nang makaalis si Hilda ay sumilip si Amanda sa labas. Halos mapanganga siya nang matuklasang napakaraming bisita ang nakatayo at nagsisiyahan sa labas. Nang mailibot niya ang kanyang mga tingin ay doon niya lang napagtantong halos pamilyar sa kanyang mga mata ang ibang mga bisita dahil nakikita nita ito sa kanyang eskwelahan. Punong-puno rin ng regalo ang isang parihabang mesa sa isang dulo.
Bahagya namang nakaramdam ng kaba si Amanda dahil sa rami ng tao. Napasinghap naman siya sa gulat nang may kumatok sa kanyang pinto.
"Bukas 'yan," wika naman ni Amanda at dahan-dahang bumukas naman ang pinto at iniluwa noon ang isang lalaki na nasa bente-singko anyos na gulang. Medyo binabae rin ito dahil sa suot-suot nito.
"Miss Amanda? Hello, I'm Bert, the emcee of he party. I'm glad meeting you. You're gorgeous!" wika ni Bert at manghang-mangha na pinalibutan si Amanda.
"Maraming salamat po," sagot naman ni Amanda at ngunitian naman siya nito.
"Tara na sa baba at para makapagsimula na tayo. Maraming nag-aabang sa'yo," wika ni Bert atsaka binuksan ng maigi ang pinto upang makalabas siya.
Sandaling natigilan naman si Amanda at napahawak nang husto sa kanyang damit. Napansin naman ito ni Bert at agad naman siya nitong nilapitan. Nang hawakan niya ang mga kamay ni Amanda ay tama nga ang hinala nitong kinakabahan ito dahil sa malamig nitong mga kamay.
"Huwag kang mangamba. Huwag mong isiping maraming tao ang nasa labas. Ang isipin mo nandito sila kasi para sa pagkain," wika ni Bert at halos matawa naman si Amanda sa tinuran nito.
NANG tuluyan na silang makababa ay nasa likuran na muna si Amanda at inaantay ang signal ni Bert para sa kanyang paglabas.
"Please welcome Amanda Alacantara! Turning 18 today!" Anunsiyo ni Bert at humugot naman ng lakas ng loob si Amanda sa kanyang paglabas.
Agad naman siyang sinilawan ng spotlight at palakpakan nang masilayan siya ng lahat.
Ngumiti naman si Amanda at marahang yumuko dahil sa kanyang nakagawiang pasasalamat. Ipinasa naman ni Bert ang mikropono sa kanya at kahit na hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin ay isang mensahe na lamang ang gusto niya sabihin.
"Maraming salamat po sa pagdalo ninyong lahat sa aking kaarawan. Nais ko ring pasalamatan ang mga taong nasa likod ng kaganapan na ito, si Senyor Wilbert, Senyorito Alfonso, ang aking Inang Hilda, at ang mga taong naririto sa manor. Maraming salamat po sa inyong lahat. Sana po ang magsaya kayo sa gabing ito," wika ni Amanda at kitang-kita rin sa kanyang mukha na medyo nahihiya siya.
Halos hindi rin makapaniwala ang ibang mga bisita ni Amanda sa kaklase niya na nasa poder siya ng mga Alonto.
Kita niya rin si Senyor Wilbert na kasama ang kanyang mga kaibigan at nginitian naman siya nito gayun na rin ang kanyang Inang. Ngunit may isang taong hindi niya pa nakikita. Iyon ay si Alfonso.
Inilibot niya ang kanyang mga tingin ngunit ni anino ng binata ay hindi niya makita.
"Ngayon ay hindi na natin patatagalin pa at isasayaw ka na ng iyong 18 roses!" wika ni Bert at tumango na lamang si Amanda.
Sa totoo lang at hindi niya kilala kung sino-sino ang sasayaw sa kanya. Habang nasa gitna at isinasayaw ng isa sa kanyang mga 18 roses ay hinahanap pa rin ng kanyang mga mata si Alfonso.
Halos yata sa mga isinayaw siya ay mga kaklase niya hanggang sa ikalabing pitong magsasayaw na sa kanya at iyon ay si Senyor Wilbert.
"Iha, pasensya ka na at isang matanda ang magsasayaw sa'yo na dapat ay mga binata," wika ni Senyor Wilbert ngunit umiling naman dito si Amanda.
"Ayos na ayos lang po sa akin, Senyor," sagot naman ni Amanda at tumango naman si Senyor Wilbert sa kanya saka umalis.
Natigilan naman si Amanda nang ang sumunod ay walang iba kung hindi si Enzo.
Tila bumagal naman ang takbo ng oras habang papalapit si Enzo sa kanyang direksyon. "Miss me?" tanong ni Enzo nang tuluyan na itong nasa kanyang harapan.
Nakaramdam naman ng hiya si Amanda dahil ilang araw na rin niyang hindi pinapansin ang binata. Nag-iwas ng tingin si Amanda ngunit pinaharap ni Enzo ang mukha ni Amanda sa kanya.
"Dance with me," wika ni Enzo sabay hapit ng baywang ni Amanda at sa sobrang lapit nila sa isa't isa ay amoy na amoy ni Amanda ang pabango ng binata.
"I'm sorry," bulong ni Amanda at alam niyang dinig iyon ni Enzo.
"No need, Amanda. Hindi naman iyon ang magiging dahilan upang maputol ang pagkakaibigan natin. Kung gusto maraming paraan that is why I am here, Amanda. Happy birthday," wika ni Enzo at tila pinamulahan naman si Amanda mabuti na lang at hindi sila magkaharap.
Habang nasa kalagitnaan sila ng kanilang pagsasayaw at nang maimulat ni Amanda ang kanyang mga mata ay ang siya namang pagtama ng mga mata nila ni Alfonso.
Nakatayo ito sa malayo na may hawak-hawak na baso na may lamang alak at nakapamulsa. Nakatingin naman ng diritso ito kay Amanda ngunit nang may dumaang tao ay agad na nawala si Alfonso mula sa kanyang kinatatayuan.
Ilang oras din bago matapos ang selebrasyon bago tuluyang magsiuwian ang mga bisita ay naiwan na lang si Enzo.
"Bago ko makalimutan," wika ni Enzo at may iniabot sa kanyang isang kahon.
Tiningnan naman ni Amanda si Enzo. "Hindi mo naman kailangan pang bigyan ako ng ganito," wika naman ni Amanda at dahan-dahan niyang binuksan ang kahon na regalo sa kanya ng binata.
Namangha si Amanda nang makita niya ang laman. Isa itong charm bracelet na may pendant ng isang maliit na kabayo. Maganda ito at pwede niyang gamitin sa kanyang pang-araw araw.
"Ang ganda, salamat Enzo," pasasalamat ni Amanda at nang titingnan na niya sana ang binata ay nagulat siya nang ginawaran siya nito ng halik sa kanyang pisngi.
"You deserve more, Amanda. Happy birthday."
Nagulat naman si Amanda sa tinuran ni Enzo sa kanya at ang lahat ng mga iyon ay nakita ni Alfonso.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro