Kabanata 25
Kalimutan ko: SPG: Lengwahe. hehe. sorry.
---------------------------------------------
Kabanata 25
Cool off
Hinila niya ako papuntang parking lot. Kinuha niya sa bulsa ang susi at pinatunog ang sasakyan. Nilapit niya ako sa pintuan ng front seat para sana ipasok pero kinuha ko pabalik ang kamay niya. Naramdaman ko agad ang ang pagkahilo ko sa alak
"Ano ba, Rosie?!" Sigaw ni Jacob nang hinarap ako. "Ano bang problema mo?"
"Anong problema ko, Jacob? IKAW!" Sigaw ko. "Ba't ka nandito? Anong ginagawa mo dito?"
Handa akong magparaya. Handa ko siyang i-give up. Handa ko siyang pakawalan, pero hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya at ngumiti na lang sa desisyon niya.
"Bakit, ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako iniiwasan? Anong problema mo? Mahal mo pa ba ako?" Nabasag ang boses niya sa huling tanong niya.
Nanghihina ako kaya hindi ko alam kung saang lakas ko hinugot ang sampal na ginawa ko sa kanya.
Nalaglag ang panga niya sa sampal ko. Nang bumaling ulit siya sakin, nakita kong namuo na ang luha sa mga mata niya.
"TANGINA, ROSIE! DIRETSUHIN MO NGA AKO, AKO PA BA YUNG MAHAL MO O MAY IBANG LAMAN NA YANG PUSO MO?" Sigaw niya sakin.
"Tangina ka rin, Jacob! Bakit ako ang tinatanong mo niyan?"
Lumapit siya sakin, umatras naman ako. Tinulak ko siya para matigil ang paglapit niya sakin.
"Ako ang dapat magtanong sayo niyan! Diba? Ako dapat!?"
Ang sakit-sakit na ng dibdib ko. Ang lakas at ang bilis ng pintig ng puso ko. Nanginginig na rin ako sa galit pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mailabas ang luha ko. Pero mabuti na rin ang ganun. Dahil ayokong nakikita niya akong umiiyak dito.
"Bakit mo ako iniiwasan? Bakit nakapatay ang cellphone mo? Bakit wala ka sa bahay pag uwi ko? Bakit ka pumunta sa bar na ito? At bakit mo pinapangalandakan sa mundo na single ka? AT BAKIT MO KASAMA ANG BRANDON NA YUN?" Mabilis at klaro ang pagkakatanong niya sakin nito.
Kinagat ko ang labi ko at sinimangutan si Jacob. Ngayon lang yata ako nagngitngit sa galit simula nung nag-away kami noon.
"Kung makapagtanong ka parang wala ka ring ibang kasama sa Alegria, ah? Kung makapagtanong ka parang ang linis-linis mo!? Well, at least kasama ko lang si Brandon! Hindi kami nagyakapan! Hindi kami naghalikan! Tulad ng ginagawa niyo ni Jasmine sa Alegria! Sa likod ko! Habang wala ako! Habang nasa malayo ka! Habang magkasama kayong dalawa..."
Kitang kita ko ang unti-unting paglaki ng kanyang mga mata.
"Oh, ano ka ngayon? Hindi mo inasahang nakita ko ang pangyayaring yun! Yes, Jacob. Napadpad ako ng Alegria sa araw na yun at yun agad ang tumambad sa mga mata ko... Sa opisina... naghahalikan. Isang hapon... Na wala ako. Paano na lang kaya sa mga umagang wala ako? Anong ginagawa niyo? MAS MALALA PA SIGURO NIYAN, Diba? Paano sa gabi?"
Napalunok ako.
"Paano kayo sa gabi, Jacob? Sige... Sabihin mo."
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at niyugyog ako habang nagsasalita...
"Paano kayo sa gabi? Diba pumupunta siya sa bahay niyo? Sa kwarto mo rin ba? Tapos ano? Nagkadevelopan na kayo?-"
"Rosie, makinig ka!" Niyugyog niya ang braso ko.
"Dinala mo rin ba siya sa kubo? May pinag usapan-"
"PUTANGINA! ROSIE, MAKINIG KA! Magkaibigan lang kaming dalawa!"
"WOW!" Nanginig ang boses ko habang sarcastic na ngumingisi sa kanya. "Magkaibigan din naman kami ni Brandon ah? Pero di naman kami nagyayakapan at naghahalikan!? Siguro i-try na rin kaya namin yun? Tutal magkaibigan naman kam-"
"Hindi mo ba nakita yung nangyari?" Nanginig ang boses niya habang pinuputol ako.
Tinulak niya ako kaya napasandal ako sa pintuan ng sasakyan niya.
"Tinulak ko siya! Sinabi ko sa kanyang walang pwedeng mamagitan samin! Hindi ko siya mahal at ikaw lang ang mahal ko."
Umiiling na ako kalagitnaan pa lang ng pagsasalita niya.
"Bakit ka tumunganga!? Matagal kang tumunganga! Nagustuhan mo yata ang halik niya, diba? At napaisip ka mun-"
"ROSIE, PWEDE BANG TUMAHIMIK KA!? MAKINIG KA NA LANG MUNA!"
"Hindi ako tatahimik, Jacob dahil gusto kong malaman lahat ng nararamdaman mo. Nang walang halong pagsisinungaling... walang halong panghihinayang sa relasyon natin..."
"Ganun ba talaga ka baba ang tingin mo sa pagmamahal ko sa'yo, ha, Rosie?"
Natahimik ako sa tanong niya.
"Na kaya lang kitang palitan ng kung sinu-sino? Na pwedeng may alternative sayo? Ganun ba yung tingin mo sa pagmamahal ko?" Diretso ang tingin niya sa mga mata ko.
Huminahon siya nang nakita ang pag-iwas ko ng tingin.
No. No... No. Hindi ko alam kung bakit naging blanko ang utak ko pagkatapos niyang itanong yun sakin.
Suminghap siya at tinalikuran ako. Ginulo niya ang buhok ko at sumigaw.
Napatingin ang mga tao sa kanya. Yung ibang dumadaan at pumupunta sa sasakyan nila ay natitigilan para tignan siya.
"AHHHHH! SHIT! TANGINA." Hinarap niya ako.
Basang-basa na ang pisngi niya sa luha. Kumukuyom na rin ang panga niya sa galit.
"Ngayon, ako naman ang magtatanong!"
Tinignan ko siyang mabuti.
"Bakit mo kasama si Brandon? Bakit single ang status mo?" Sabay hila sa damit ko.
Lumapit pa siya. Tinulak ko siya palayo pero pinilit niya paring lumapit.
"Bakit lagi mo akong iniiwasan sa cellphone? Bakit mukha kang laging naghahanap ng away tuwing tumatawag ako? Bakit lagi mo akong pinuputol tuwing nag uusap tayo?"
"KASI LAGI MONG BINABANGGIT SI JASMINE! Puro ka Jasmine! Si Jasmine ang bukambibig mo! Si Jasmine ang laging kasama mo! Si Jasmine na magaling mag luto at inaalagaan ka sa Alegria!"
"Kasi tinatanong mo ako tungkol sa kanya! Rosie!!! Kinakausap kita! Gusto kong malaman kung anu-ano ang pinagkakaabalahan mo pero lagi mong binababa tuwing nagtatanong na ako! HINDI MO ALAM NA HALOS MABALIW NA AKO SA KAKAHULA KUNG ANO ANG INIISIP MO! Lagi kong sinasabi sayong miss na miss na kita! Hinihintay kong sabihin mong umuwi na ako pero hindi mo sinasabi! Ayaw kong i let down ka! Ito ang gusto mong mangyari... Ito ang gustong mong field study ko, kaya kailangang kong makisama sa mga taong ayaw ko... kailangan kong seryosohin kasi para satin 'to! Kasi ito ang gusto mo! Kasi ito ang tingin mong makakabuti para satin pero bakit tingin ko ito pa ang nakakapagpasama sating dalawa?"
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Wala akong ibang masabi. Gusto kong i-insist... i-insist na may naramdaman ako sa kanilang dalawa sa araw na iyon.
"Tignan mo ako." Hinuli niya ang tingin ko pero nag-iwas ako ng tingin. "Rosie, pakiusap, tignan mo ako!"
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglandas ng mga luha sa mata niya.
"Rosie, wa'g mo akong pahirapan ng ganito."
Kinagat ko ang labi ko.
"Rosie..." Napaos na siya. "Rosie, maayos pa natin 'to. Hindi ko kaya ng ganito. Ang tagal kong naghintay na makasama ka ulit. Rosie..."
Tulala ako habang pinupunasan niya ang mga luha sa mga mata niya.
"Anong kailangan kong gawin? Rosie, tinulak ko siya. Hindi mo ba nakita? Rosie..."
Hindi ako umimik.
"Rosie, umalis na ako sa Alegria. Nagpatransfer na ako sa ibang kompanya nung lunes pa lang. Kasi hindi ko na kaya... Kasi kung kaya mong malayo ako sayo... kung kaya mong magtiis... pwes ako, hindi... Hindi ako kasinglakas mo. Hindi ako kasing tibay mo pagdating sa'yo..."
Naramdaman ko nang nag-blur ang mga mata ko sa luhang umaambang tutulo. Lumunok ako kahit ang sakit sakit na ng lalamunan ko.
"Sorry kung hindi ko magagawa ang two months na Field Study ng wala ka-"
"I don't think so.. Jacob." Ngayon ko lang siya tinignan ulit. "Tingin ko naman nag eenjoy ka dun. Tingin ko nag eenjoy ka dun kasama siya-"
"Saan ba pu-pwesto ang 'tingin ko' sa relasyon natin, Rosie? Hindi ba pwedeng 'tingin KO' naman? Hindi ba pwedeng ako naman? Hindi ba pwedeng ako naman yung pakinggan mo? Hindi lang naman ikaw yung nahihirapan dito, ah? Ako rin naman... Hirap na hirap na... Pwede bang mag preno ka muna sa away natin kasi ang sakit-sakit na."
Tumulo na ang luha ko nang nakitang bumuhos pa ang luha niya. Agad kong pinunasan ang luha ko.
"Kung kami ni Brandon ang maghahalikan, tingin mo makakapagpreno ka?"
"Hindi! Pero gagapang parin ako pabalik sayo... Kahit ano pa yan... Kasi... puta... mahal na mahal kita... Sabihin mo lang sakin na mahal mo rin ako, tangina, ako pa ang magmamakaawa sayong magka ayos tayo!"
Yumuko siya at suminghap ng isang beses.
Umiling ako at umalis sa kinatatayuan ko.
"Patunayan mo ang pagmamahal mo. Patunayan mo ulit... Earn my trust again... Coz I don't know if I can trust you, yet."
Nakahalf-open ang bibig niya habang tinititigan ko.
"Let's cool off."
Kumunot ang noo niya. Naglakad siya papunta sakin.
"No... Wa'g ganito, Rosie..."
Tinalikuran ko siya at naglakad akong palayo.
"ROSIE! Wa'g ganito!" Sigaw niya.
Tumigil siya sa paglalakad. Nang naramdaman kong hindi niya na ako sinusundan, saka pa lang ako humagulhol sa iyak.
SHIIIIT! Ang sakit sakit! Ang dali talagang magpatawad pagdating sa kanya pero sheeet di ko siya matanggap dahil ang sakit-sakit pa!
"Rosie..."
Napatalon ako nang nakita kong pumark ang sasakyan niya sa gilid ko. Pinunasan ko agad ang luha ko at inayos ang mukha ko.
"Rosie, sumakay ka na. Umuwi na tayo." Tawag ni Jacob.
Pumara ako ng taxi at agad sumakay.
"ROSIE! ROSIE!"
Hindi niya ba alam kung ano ang kahulugan ng cool-off? Bakit niya ako niyayayang umuwi sa kanila!?
Sinundan niya ang taxi papuntang bahay. Umiling ako habang lumalabas sa taxi. Mabilis akong naglakad papuntang apartment. Dinig ko rin ang padabog na pagsarado ng pintuan ng sasakyan ni Jacob, sinusundan niya parin ako.
Hinarap ko siya...
"PWEDE BA!? BIGYAN MO AKO NG SPACE! HUMINGI AKO NG COOL OFF KASI DI KO MAATIM NA TUWING NAKIKITA KO ANG PAGMUMUKHA MO, MUKHA NIYO NI JASMINE NA NAGHAHALIKAN ANG NA-AALALA KO!"
Natigilan siya sa sinabi ko.
"Rosie..." Napalunok siya. "Please... Pumunta tayo ng Alegria... Please-"
Padabog ko siyang pinagsarhan ng pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro