Kabanata 15
Kabanata 15
Small World
Natapos ang show at agad akong umalis para hindi na ulit ako guluhin ni Brandon. Bitbit ko yung mga damit at narealize na wala palang Jacob na kukuha sakin at maghahatid sa kung saan ako pupunta. I miss him.
Umiling ako sa kawalan at inayos ang mga dala ko. Nag-offer yung driver nina Jacob na kunin ako dito pag tapos na ang show, kaya lang, hindi ako sanay na pinagsisilbihan nila ako kaya sinabi kong ako na lang mismo ang uuwi. Pero sa ngayon, maaga pa naman kaya siguro bibisita na lang muna ako sa bahay namin. Nakakabore din naman kasi ang bahay nina Jacob, ang laki pero walang tao. Wala siya.
Hindi parin siya nagti-text. Siguro busy sa pinsan ni Eunice. Napalunok ako sa iniisip ko. Kailangan kong maging matatag para sa amin.
"Hi!" Biglang may nagpark sa tapat ko.
Nakabukas ang salamin niya at malaki ang ngisi nang nakita akong nakatayo at naghihintay ng taxi o jeep. Kahit ano, makauwi lang ako.
Inirapan ko si Brandon at umalis doon. Sinundan niya ako.
"Tumigil ka nga! What do you want?" Irita kong sinabi.
"Walang maghahatid sayo, diba? Let me?"
"No. Sorry. Kaya kong umuwi mag isa." Sabi ko.
"Okay, then..."
Sinarado niya ang salamin ng sasakyan niya. Ang akala ko ay iiwan niya na ako pero nagkakamali ako. Ni-lock niya iyon pagkatapos lumabas at daluhan ako sa pag-aantay.
Sa sobrang inis ko, hindi ko na siya pinansin.
"Taxi ba ang hinihintay mo?" Tanong niya.
Hindi ko sinagot. Pumara agad ako ng jeep. Baka kung taxi ang sasakyan ko ay sumama pa siya sakin kaya pinili kong jeepney ang sakyan.
"WHAT? Sa sexy at ganda mong yan mag ji-jeep ka lang? Ba't kasi ayaw mong sumama sakin?"
Hindi ko siya sinagot. Agad na lang akong sumakay sa jeep.
"Tsss..." Dinig na dinig ko ang pagsinghap niya nang pasakay ako sa jeep.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng jeep. Lalo na't hindi pa natatanggal ang make-up ko. Kaagaw-agaw pansin pa itong si Brandon kaya mas lalo kaming pinagtitinginan.
"Miss, yung boyfriend mo, di ba sasakay?" Sabi ng mamang driver.
"HINDI KO PO SIYA BOYFRIEND!" Umirap ako sa mga nakatingin at bumaling kay Brandon na pasakay na ngayon sa jeep.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya nang umupo na siya sa harapan ko.
Masikip na ang jeepney kaya nahirapan siya sa pag insert sa sarili niya dun sa mga pasahero.
"Excuse me..." At ngumiti siya sa mga pasaherong nape-perwesyo niya.
Ngumiti ang ibang pasahero. Lalong-lalo na ang mga babae.
Ngumiti si Brandon sakin nang nakita akong nakatingin sa kanya.
"Alam mo bang first time kong sumakay sa jeep?"
As if I care! Bakit ba siya sumakay? May sasakyan naman siya? Wa'g mong sabihing gusto niya akong makasama? Don't tell me pupunta din siya sa bahay? Iniwan niya ang sasakyan niya doon para sumakay sa jeepneyng sinasakyan ko? Nahihibang na ba siya? Ewan ko sa kanya! Hindi ko siya pinansin. Tumingin lang ako sa labas, buong byahe.
"Sakay pa... May isa pa dito... Umupo lang ng maayos para makasakay si nanay." Sabi ng driver nang pumick-up ulit ng isang matandang may dalang bayong.
Saan ilalagay yan eh nahihirapan na kami dito.
"Dito na lang po kayo, nay." Lumabas si Brandon at pinaupo sa inuupuan niya ang kakapasok lang na matanda.
"Salamat, hijo. Ang bait mo naman. Ang gwapo pa!"
Nagtawanan ang mga pasahero. Umirap na lang ako at tumingin ulit sa labas.
"Yung maswerteng girlfriend niya nasa harap mo, nay." Sabi nung isang lalaki malapit sa driver.
Nalaglag ang panga ko at tinitignan ang mga pasahero. Narinig ko rin ang tawa ni Brandon habang nakatayo at kumakapit lang sa labasan ng jeepney.
"Hindi po ako yung girlfriend niya." Sabi ko.
"Nililigawan pa lang!" Dagdag ni Brandon.
Sinimangutan ko siya. Sarap niyang sampalin! Balang araw, masasampal ko rin ang isang ito.
"Dito lang po ako. Para!" Sabi ko at nagbayad na ng para sa sarili ko.
"Ako na ang magbabayad saming dalawa." Sabay abot ni Brandon ng isang daan.
BAHALA KA RIYAN! Umalis na agad ako at halos tumakbo na nang nakaabot sa kanto ng apartment na tinutuluyan namin ni Maggie. Tanginang, Brandon!
"Uy! Teka! Rosie! Wait for me!" Sabi niya.
Naabutan niya ako kaya hinarap ko siya.
"Ano ba talagang kailangan mo sakin? Ano ba talaga itong ginagawa mo, ha?" Tanong ko. "Inis na inis na ako sayo!"
"I just want to be your friend, Rosie. Ano bang problema mo sa ginagawa ko?" Tanong niya.
Nasa tapat na pala kami ng apartment namin. Lumabas si Maggie nang nakita akong may kaalitan sa labas.
"Ang problema dito ay ayokong makipagkaibigan sayo!"
"Bakit? Anong nagawa ko?"
"Kasi ayoko lang!"
"Kasi natatakot kang mahulog sakin!" Singit niya.
Natigilan si Maggie at nalaglag ang panga sa narinig. Sumulyap ako sa kanya at umiling.
"Mag, this isn't what you're thinking... but... Back off, Brandon!" Bumaling ako kay Brandon. "Hindi ako natatakot na mahulog sayo kasi walang pag asang mahulog ako kahit kanino! In love ako kay Jacob at yun lang yun. Happy ako saming dalawa kaya wa'g ka ng magfe-feeling diyan!"
"Tsss! Kahit sino pwedeng mainlove sa iba, Rosie! Pero kung sinasabi mong di ka natatakot, prove to me na hindi ka natatakot! Let's be friends, then!" Aniya.
"Oh my God!" Nag face-palm ako at bumaling ulit kay Brandon. "Kung ayaw ko, ayaw ko... Kaya tumigil ka na lang."
Tinalikuran ko siya pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.
"Stop it, Brandon!" Sigaw ko.
"I just want to be your friend, Rosie." Aniya.
Tinalikuran ko ulit siya. Hinila niya ulit ang braso ko.
"Hindi ako aalis dito hanggang di mo ako gawing kaibigan!"
"THEN OKAY, FINE! Kaibigan! Good bye, Brandon!" Sabi ko nang di nag-iisip.
I just want to get rid of him. I hate him!
"Thank you, Rosie." Malamig na sinabi niya.
Hindi ko na siya nilingon. Diretso ang pasok ko sa apartment. Sumunod na rin si Maggie.
"Ano yun, Rosie?" Paunang tanong ni Maggie sakin. "Umalis lang si Jacob, may ganun agad?"
Umirap ako sa kawalan.
Nakita kong nanonood ng TV si James. Pinatay niya agad yung TV nang nakita ang mga reaksyon namin ni Maggie.
"What's wrong, Mag?" Tanong ni James sa kapatid ko.
Ngumuso si Maggie sakin.
"Mag, kilala yun ni Jacob. Alam ni Jacob na ganun yun... Nakakabanas ang lalaking iyon."
"Hindi mo ba sasabihin sa kanya ang ginawa nung lalaking yun today? Don't tell me alam din ni Jacob na sinundan ka niya ngayon hanggang dito sa bahay?" Nakapamaywang si Maggie at naghintay sa isasagot ko.
"I'll tell him. Pero wa'g muna sa ngayon. Ayokong mapilitan siyang umuwi dito para lang bantayan ako. There is nothing to worry. Kahit sandamakmak pang Brad Pitt ang magdala ng flowers dito sakin hinding-hindi ko sila papansinin."
Tumango si Maggie, "Okay. Ayusin mo lang talaga yan, ah? Nagfi-field study si Jacob doon para sa kinabukasan niyo."
"Mag, I'm not that type of girl."
Oo. Alam ko ang ibig sabihin ni Maggie. Si Jacob, walang ginagawang masama doon sa Alegria. Panay trabaho lang ang ginagawa niya don para sa future namin. Ganun din naman ako dito, ah? Hindi naman ako nangaliwa o nag entertain ng kahit sino. Iniiwasan ko nga si Brandon.
Dalawang oras akong tumambay sa bahay. Nagtext si Jacob bago ako umalis at umuwi sa bahay nila.
Jacob:
Kapagod mamahala ng negosyo lalo na pag alam mong wala ka pag uwi.
Nireplyan ko:
Kapagod mabuhay sa Maynila lalo na pag alam mong wala ka sa bahay niyo.
Nisend ko rin yung pictures kanina sa modeling. Hindi talaga siya sang-ayon sa soot ko pero wala na siyang nagawa kasi tapos na akong rumampa.
Ako:
I'm home.
Humiga ako sa kama niya at naghintay ng reply niya. Maggagabi na nang nagreply siya.
Jacob:
Kumusta ang araw mo? Videocall? Tapos ka ng mag dinner?
Ako:
Hindi pa. Magdi-dinner pa lang. Ok. Videocall.
Inayos ko ang sarili ko. Nakaupo na ako sa kama niya nang tinawagan niya ako. Miss na miss ko na talaga siya lalo na nang naaninaw ko na ang mukha niya sa cellphone ko. Nakangiti siya at background ang kwarto niya. Puting sleeveless lang ang soot niya at niyayakap niya ang isang unan.
Napayakap tuloy ako sa unan niya. Miss na miss ko na rin siya ng sobra.
"I miss you..." Malambing niyang sinabi sakin.
"I miss you, too." Ngumiti ako.
"JACOBBBB?" May narinig akong munting boses galing somewhere sa background niya.
Tumingin siya sa harap.
"Sino yan?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa harapan.
Mas lalong lumakas ang boses ng tumatawag sa kanya, "Jacoooob? Jacooob?" Narinig ko rin ang malakas na pag katok.
"BAKIT?" Sigaw ni Jacob.
"Sino yan, Jacob?" Tanong ko at kinagat ang labi.
Bumaling siya sakin at tumayo. Buti dinala niya rin ang cellphone niya kaya makikita ko ang mga gagawin niya.
"Teka lang, Rosie."
Lumapit siya sa pintuan niya at mukhang binuksan niya ito. Wala namang nangyari sa naging reaksyon niya nang buksan niya ang kanyang pintuan. Seryoso at nagtataka parin naman ang ekspresyon niya.
"Bakit?" Tanong niya.
Pero di siya pinansin ng kausap niya, "Ang ganda ng kwarto mo... Wow!"
Napaatras si Jacob. Mukhang pumasok ang intruder.
"Bakit? Anong kailangan mo, Jasmine?" Tanong ni Jacob.
JASMINE?
"Wala. Magpapaalam lang sana kami ni Daddy. Tapos na yung usapan nila ng daddy mo. Hinanap kita para magpaalam kami kaya eto at napadpad ako dito sa kwarto mo." Sabi nung babae.
"Ah... Okay. SIge... Ingat kayo pauwi." Sabi ni Jacob.
"Gusto ka raw makausap saglit ni daddy. Kaya lumabas ka muna dito sa kwarto mo at kausapin siya."
Tumango si Jacob at bumaling sakin, "Rosie... Tatawagan na lang kita ulit."
Tumango ako at lumunok.
"Rosie? Sinong Rosie?" Nilayo ni Jacob ang cellphone niya pero nagawa paring tignan ni Jasmine ang screen.
Nakita kong saglit na nalaglag ang panga niya nang nakita ako sa screen. Pati ako, nalaglag din ang panga. Bakit nandiyan si Jasmine?
"Ikaw yung boyfriend ni Rosie?" Narinig kong sinabi ni Jasmine sa background.
"O-Oo. Bakit? Bakit mo siya kilala?" Tanong ni Jacob.
Pero bago ko pa narinig ang sumunod na sagot ay naputol na ang videocall. Natulala ako sa kawalan. Ilang sandali pa bago ako nakahinga ng malalim.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro