Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

Kabanata 1

Magpanggap Muna

"Hindi yan pwede sakin, Rosie!" Sabi ni Jacob sakin pagkatapos kong sinabi ang tungkol sa trabahong papasukan ko.

Sinasabi ko na nga ba, hinding hindi siya papayag. Pumirma na ako sa kontrata kaya wala na akong magagawa sa ngayon. Hindi ko nga lang muna sasabihin kay Jacob. Nagwawala na nga siya ngayon, baka mas lalo lang itong magwawala pag nalaman niya.

"Jacob..." Sinundan ko siya.

Pauwi na kami. Padabog siyang nagmamartsa papuntang sasakyan niya. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. Nagsisi tuloy ako. Bakit ko pa kasi sinabi ang tungkol sa modeling dito sa school. Hindi pa naman ito makapagtimpi. Pag galit, galit talaga.

Padabog siyang pumasok sa sasakyan niya. Binuksan ko na lang ang pintuan ng front seat. Inirapan niya ako pagkapasok ko.

"Jacob... I need it." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

Napalunok siya habang tinitignan ang mga kamay namin.

"Please... Sasama ka naman tuwing may event. Kahit sa rehearsal." Ngumiti ako sabay haplos sa kamay niya.

Napalunok ulit siya. Nag half-open ang bibig niya at tinignan ako.

"Please?" Malambing kong sinabi.

Binawi niya agad ang kamay niya.

"Ayoko." Masungit niyang sinabi.

"Bakit?" Kumunot ang noo ko.

Napabuntong-hininga siya, "Rosie, pwede namang di ka na magtrabaho. Tsaka anong klaseng trabaho ba yan? Maraming titingin sayo. Tapos maraming makakahawak sa balat mo... trabaho pa ba yan? Kung gusto mong magtrabaho, magtrabaho ka sakin!"

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"H-Huh?" Umiling ako. "Jacob, anong klaseng trabaho yang sinasabi mo? Panandalian lang naman ito. Hindi naman ito full time. Lagi parin tayong magkasama-"

"Hindi yan ang point ko! Ang point ko dito ay ayokong nagtatrabaho ka ng ganyan. Modeling? Tsss! Puro balat lang naman ang pinapakita diyan. Anong susootin mo? Bra at panty? Hindi pwede... Kung anong meron ka, akin lang yun. Bawal na ang iba-"

"Jacob, hindi naman bra at panty! Gowns nga eh. Gowns! Magagandang gowns! Ayaw mo ba akong makitang mag soot ng gowns?"

"Gusto pero sa kasal natin. Hindi sa model-model na yan. Tsss! Basta, Rosie, ayoko! Anong klaseng gown, yung may matindi pang cleavage? Tss!"

"Jacob..." Hinaplos ko ang leeg niya.

Natigilan agad siya sa ginawa ko.

"Please, Jacob. Hindi naman ako papayag kung sobrang sexy ang ipapasoot sa akin. Of course, alam kong hindi ka papayag dun. Importante sakin yung opinion mo kasi syempre, sayo naman ako." Hinalikan ko ang pisngi niya.

Nakita ko ang pagsinghap niya habang hinahalikan ko ang pisngi niya.

"Promise, Jacob." Sabi ko. "Isasama talaga kita tuwing may event. Gusto ko lang kumita ng kahit konti. Hmmmp... Pwede naman siguro yun, diba?"

Hindi parin niya ako tinitignan. "P-Paano kung makahanap ka ng iba?"

Tumawa ako sa sinabi niya, "Hindi naman ako nagtrabaho doon para makahanap ng iba." Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

Nakita kong bumilis agad ang paghinga niya habang tinitignan ang mga labi ko. I like my effect on him.

Dahan-dahan kong hinalikan ang labi niya.

"Please, Jacob..." Sabi ko in between kisses.

"Hmm..."

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong nakapikit na siya at biglang lumalim ang mga halik niya sakin.

Hindi niya parin kinukumpirma ang pagpayag niya sa pag momodel ko. Ayaw niyang kumpirmahin. Hanggang sa nung may gig na sila sa isang bar.

"GO JACOOOB!" Sigaw ng mga tao habang hinihintay silang lumabas sa stage.

Kasama ko si Ava, Belle at Callix na todo ang lampungan sa kabilang table.

Malaki ang ngisi ni Jacob nang nasa stage na sila. Halatang marami-rami na siyang nainom. Kanina pa kasi kami dito at nag ce-celebrate kami. Well, hindi naman talaga celebration na masaya. In fact, despidida na nga nila eh. Mabubuwag na yata ang bandang Jacob dahil sa pag-aaral. Hindi naman talaga sila seryoso sa pagbabanda. Past time lang nila ito. Ngayong second year na kami, mas nagseryoso at tumutok na sila sa pag aaral kaya nag desisyon silang itigil muna ang mga gigs.

"This time, This place

Misused, Mistakes

Too long, Too late

Who was I to make you wait..." Nagsimula nang kumanta si Jacob.

Seryoso ang mukha niya at nakatingin na naman sakin. Ngumiti lang ako sa kanya.

Nakita ko rin ang ngiti niya nang kinakanta na ang chorus. Pumikit pa siya at parang dinamdam talaga ang kanta. Nagka goosebumps tuloy ako sa lamig at ganda ng boses ko. Napapikit din ako kahit na halos di ko na naman marinig sa daming tumitili at namimicture sa kanila.

Dumoble ang dami ng tao ngayon dahil alam nilang last na ito ng banda nina Jacob.

"Coz you know, you know, you know... That I love you. I have loved you all along. And I miss you. Been far away for far too long. I keep dreaming you'll be with me and you'll never go"

Habang dinidinig ko ang kanta, hindi ko alam kung bakit kinurot yung puso ko. Bumilis at lumakas din ang pintig nito. Dumilat ako para tignan si Jacob. Nakapikit parin siya habang kinakanta ito.

Napahawak ako sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako.

Hinawakan niya ang baywang ko at hinalikan agad ako sa pisngi pagkatapos nilang tumugtog.

"Uwi na tayo." Yaya niya sakin.

"One more song! One more song!" Sigaw ng mga tao sa buong bar.

Ngumisi si Jacob sa kanila at umiling.

"Di pwede, gusto ko na talagang umuwi kasama ang asawa ko. Next time na lang." Tumawa siya.

Naamoy ko na talaga ang alak huh? May amats na talaga ang isang 'to.

Kakaupo pa nga lang nina Leo, Ron, Teddy at Louie sa table ay nagyayaya na agad 'tong si Jacob umuwi.

"Tayo na, Rosie." Hinila niya ang kamay ko nang tumatawa.

"You're drunk, Jacob." Umiling ako at ngumisi.

"Hindi naman." Tumawa ulit siya.

"Hindi ka na makakapagdrive nito."

Ngumisi siya at hinila ulit ako.

"Uh... Uwi na kami ah?" Sinulyapan ko sina Callix, Belle at Ava.

Tumango silang tatlo.

Kumaway na lang ako kina Leo. Itong si Jacob kasi walang planong mamaalam sa kanila. Ngumingisi namang kumaway pabalik si Leo sakin. Uminit tuloy ang pisngi ko sa mga reaksyon nila sa pag alis namin.

"Jacob, lasing ka. Di kaya mabangga tayo nito?" Tanong ko nang pumasok ako sa front seat.

"Kaya nga sa bahay na lang tayo matutulog kasi malayo pa yung sa inyo." Kumindat siya.

"WHAT?"

"Asus, Rosie. Hindi naman ito ang first time." Ngumisi siya.

"A-A-Alam ko... Pero, Jacob... Bukas yung ano..." Sabi ko.

Sumimangot siya at pinaandar ang sasakyan.

Napangiti ako. Kahit pala lasing siya ay naaalala niya parin yung mangyayari bukas. Ganun parin ang desisyon niya. Consistent talaga ang kurimaw na ito.

Tumigil ang sasakyan sa red light.

"O sige, sa inyo ako matutulog."

Sumulyap siya sakin.

"Sa inyo ako matutulog tapos sumama ka sakin bukas ng umaga para sa rehearsal, okay?" Sabi ko.

Hindi parin siya umimik. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya pero pumirmi lang siya at di nagpatinag.

"Jacob, sige na naman... Hindi naman araw-araw na trabaho ito. Please naman."

Napatingin siya sakin. Sinimangutan ko na.

"O sige, pupunta tayo bukas pero hindi ko pa aprobado ang lahat. Titignan ko pa kung healthy ba yung environment doon. At pag ayaw ko, hindi ka sasali."

"Talaga?" Hindi ko mapigilang di ngumiti.

Alam kong hindi parin sigurado yung sinabi niya pero alam ko ring madadaan ko siya sa lambing!

"Oo." Umiling siya.

"YEEEY!" Niyakap ko siya.

Tinulak niya ako palayo. Lumayo ako ng bahagya. Akala ko ayaw niyang yumayakap ako sa kanya, yun naman pala, tinulak niya ako ng konti para mahalikan ako.

"Hmmm. Jacob..." Sabi ko.

Lumalalim na naman ang mga halik niya.

"B-Baka, green light na." Sabi ko.

"Hmm?" Mas lalo niya akong hinila para halikan.

"Baka 'go' n-"

"Magpanggap na lang muna tayong nasiraan."

Tinulak ko na. Grabe naman itong isang ito. Kaya talagang mag panggap na ganun? Natawa ako sa sinabi niya.

"B-Bakit?" Tanong niya habang tinitignan akong halos maiyak sa kakatawa.

"Umalis na tayo! Green na oh!" Sabay turo ko sa traffic light.

Langya talaga! Haaay! Ewan ko talaga sayo, Jacob Buenaventura. Naloloka ako. Isip bata siya at medyo green minsan pero nakakataba talaga ng puso ang pagmamahal niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro