Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 62

Kabanata 62

Kayakap Niya

Hinayaan ko si Callix na makipag ayos kay Jacob. Hindi ko ginulo si Jacob sa gabing iyon.

Hindi ko rin siya tinanong kung bakit di niya ako tinext. Tanghali ng Linggo, pumunta siya sa bahay na may dalang pagkain.

Napangiti ako nang yinakap niya ako...

"I missed you." Bulong niya at hinalikan ang lips ko.

Uminit ang pisngi ko.

"Ehem..." Singit ni Maggie.

Hindi maiiwasan kasi pareho silang nasa sofa ni James nang pinagbuksan ko si Jacob.

Pinapasok ko siya. Hindi matanggal ang ngiti niya nang pinapasok ko siya. Kinuha ko yung pagkain at nilagay sa kusina.

"Ehmmm, kumain muna kayo sis ah? Baka... hmmmm..." Tinaas ni Maggie ang kilay niya habang nakangiting tumitingin samin ni Jacob.

Sumimangot ako. Alam ko na naman ang ibig sabihin ni Maggie. Baka akala niya maglalampungan na naman kami. Hindi ko alam pero feeling ko alam niyang may nangyari samin ni Jacob sa gabing iyon. Errr. Kahiya!

"Kain tayo, Mag, James..." Sabi ko.

"Oo. Mamaya na kami. Kayo muna diyan." Sabi ni Maggie.

Nang nasa hapagkainan na kami. Nagdala si Jacob ng Fried Chicken, spagetti at french fries.

"Nakipag ayos na sakin si Callix." Aniya.

Tumango ako at ngumiti.

"Nag usap pala kayo sa bar kagabi?" Tanong niya.

"Oo. Isosorpresa sana kita pero di ka pumunta. Umuwi ka daw ang sabi ni Callix."

Tumango siya at tinignan ang spagetti sa gitna ng mesa, "Nagbihis lang ako."

"Pupunta ka dapat ng Club 777 diba?" Tanong ko at hinuli ang tingin niya.

Yumuko pa siya lalo, "Oo..."

"Pero dumating si Callix kaya di ka natuloy... okay lang." Tinapik ko siya sa likuran.

Tinignan niya ako, half-open ang bibig...

"Okay na kami..." Aniya.

"Oo." Napalunok siya at ngumiti.

"Jacob... may sasabihin ako."

Suminghap siya at mas lalong sumeryoso ang mukha.

"Alam kong di na 'to kailangan pero gusto kong malaman mo na... naghiwalay kami ni Callix noon kasi yinaya niya akong makipagsex sa kanya. Ayoko. Hindi ko gusto yun kaya hiniwalayan niya ako."

Nanlaki yung mga mata niya.

Nakita kong naging kamao yung kamay niyang nasa mesa... Nakita ko rin ang pagbilis ng paghinga niya.

"Hiniwalayan ka niya... para dun?" Dahan dahan niyang sinabi yun.

Alam kong galit siya. Ilang beses ko na siyang nakitang galit, sakin o sa mga taong nasa paligid niya.

"Shhh. Oo. Noon yun."

"SINAKTAN KA NIYA PARA LANG DUN?"

Hinawakan ko ang kamao niya para huminahon siya. Agad siyang pumikit. Ginulo niya ang buhok niya. Nang dumilat siya, tumingin siya sakin...

"Pati ako! Ako mismo sinaktan kita sa mababaw na rason! Shit!" Ginulo niya pa lalo ang buhok niya.

Naninikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Tama pero di na dapat balikan iyon. Tapos na yun at masaya na kami ngayon...

"Sorry, Rosie. I'm so sorry." Niyakap niya ako.

Sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya pakiramdam ko mababali na yata ang buto ko. Pero gusto ko 'to. Gusto kong niyayakap niya ako ng ganito. Gusto kong maramdaman kung gaano niya ako ka mahal. Kung gaano kahigpit niya akong hahawakan simula ngayon.

Hinaplos ko ang buhok niya. Kumalas siya at nakita kong mejo pula yung mata niya, para bang pinigilan ang pag iyak.

"Jacob, okay lang. Kalimutan na natin yun. Napatawad na kita-"

"Pero di ko pa napapatawad ang sarili ko-"

"Shhh... Basta, Jacob. Magsimula tayo ng bago, okay?"

"Okay... Mahal na mahal kita. Sobra. Ikakamatay ko pag nawala ka ulit sakin." Aniya bago niya ako hinalikan.

Hinayaan ko ang sarili kong siyasatin siya habang naghahalikan kami. Yung buhok niya, mukha niya, leeg, dibdib, abs. Ngumisi siya sa kalagitnaan ng halik namin nang tumigil yung kamay ko sa abs niya.

"Paborito mo yan?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "Oo." At hinalikan ko ulit siya.

"Wa'g kang mag alala, palagi yang nandyan kung palagi tayong nasa kama."

Sinapak ko siya. Tumigil ako sa paghalik at sumulyap sa sofa. Nanonood parin si Maggie at James ng TV kaya okay lang.

Tumawa si Jacob nang nakita akong tinitignan sina Maggie at James.

"Lumipat ka na sa bahay namin, Rosie." Aniya.

"Huh? Yoko!" Pumula ang pisngi ko sa alok niya.

"Hmm? Talaga? Ayaw mo?" Ngumisi siya.

Hindi ako makatingin sa kanya. Gosh!!! Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako eh. Ako? Sa bahay nina Jacob? Oh my gosh! Paniguradong matutuwa si mama, pero ewan ko kay papa... Tsaka... anong gagawin namin sa bahay nila?

"Gabi-gabi kang pagod, sigurado. Mapupuyat ka kaya di ka na lang mag aaral." Ngumisi siya habang iniisip yung pantasya niya.

"Huy!" Binatukan ko na. "Mapupuyat ako sa pag-aaral kaya hindi ako pwedeng mapagod sa gabi. Ganun dapat yun, Jacob! Ikaw talaga!" Tumawa ako.

Ngumuso siya.

Di ko mapigilang di ngumisi sa mukha niya. Ewan ko na lang. Pakiramdam ko maraming babae pang makikipagpatayan sakin para kay Jacob. Sobrang gwapo niya eh. Inosente pa! Mabait pa! Natatakot akong dumating ang araw na mag mature siya... hindi naman sa hindi pa siya nagmamature. Ang laki ng pinagbago niya mula nung nagkakilala kami. Pero natatakot parin akong mas lalo siyang magmature. Yung tipong trabaho na ang priority? Paano kung may makilala siyang iba? Mas mamahalin niya pa kesa sakin? First love lang pala ako at may last love pa siya.

Napabuntong-hininga ako sa mga iniisip ko.

Paano kung ganun ang mangyari?

Iniisip ko pa lang nasasaktan na ako eh. Siguro hindi talaga matatapos ang pagbabakasakali ng mga tao. Sa buhay natin, hindi mo maiiwasang di sumugal. Sumugal sa mga desisyong walang kasiguraduhan. Kung di ka susugal, parang di ka nabubuhay. Kahit walang kasiguraduhan ang pagsusugal mo, susugal ka parin dahil BAKA SAKALI. Dun lang umiikot ang lahat eh. Sa pagbabakasakali.

"Callix!" Tinawag ko si Callix sa corridor.

Nakangiti ako nang hinarap siya.

"Rosie!" Tumango siya at nilapitan ako.

"Okay na ba kayo ni Jacob?" Tanong ko kahit na alam ko na naman ang sagot.

"Oo." Ngumiti siya. "Buti naabutan ko siya kahapon."

Tumango ako at kumunot ang noo, "Kahapon?" Linggo kahapon ah? Ang akala ko ang nung Sabado ng gabi sila nagkasundo?

"Oo." Tumango si Callix.

"Bakit? Di ba kayo nagkita nung umalis ka sa club?"

Umiling siya, "Nagkita kami... Pumunta ako sa bahay nila pero may pumunta kasing babae eh."

Mas lalong kumunot ang noo ko, "Babae?"

"Oo. Nag uusap sila. Masinsinan kaya di na lang ako tumuloy. Baka maistorbo ko."

Natahimik ako. Ilang sandali pa ako bago nagsalita.

"Sinong babae?" Tanong ko.

"Hindi ko kilala eh. Mukhang kaibigan ni Jacob. Ewan ko. Mataas yung buhok, mejo maputi. Hindi ko masyadong nakita yung mukha pero may dalang bag."

Tumango ako.

Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.

"Kaedad natin, Rosie." Dagdag ni Callix.

Tumango ulit ako at napalunok.

Inisip ko yung mga sagot ni Jacob sakin nung tinanong ko siya. Bakit di niya nabanggit ang part na ito?

"Kilala mo ba yun, Rosie? Uh, okay ka lang ba?" Hinuli ni Callix ang balisa kong tingin.

"O-Oo. Ano dang ginagawa nung babae dun?"

"Dun daw yata natulog."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi naman sa nanghuhusga ako o nag iisip ng masama pero bakit di ito sinabi ni Jacob sakin? Sino ang babaeng iyon at bakit nasa bahay siya ni Jacob?

"Baka relative." Nabasag yung boses ko.

"Ewan ko. Di ko kilala eh. Pero seryoso silang nag usap. Uh... actually, niyakap niya yung babae, Rosie."

OH MY GOD! Pinaypayan ko ang mukha ko. Baka sakaling bumalik yung luha kong namumuo sa mga mata.

Bakit naglilihim si Jacob sakin? Bakit siya magsisinungaling? At sino yung kayakap niya? Totoo ba ang sinasabi ni Callix? Sino ang paniniwalaan ko?

OH MY GOD!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro