Kabanata 50
Kabanata 50
Invitation
Lumipas ang isang buwan, ganun parin ang tratuhan namin ni Jacob. Naglie-low kami ni Callix dahil na guilty siya sa ginawa niya. Mukhang okay din yun para kay Jacob dahil hindi na ulit kami nagkakaroon ng heated conversation.
Nagpasya akong pumunta ng library mag isa para sa isang assignment ng major ko. Akala ko matatahimik ako malayo sa kanilang lahat pero nagkakamali ako.
"R-Rosie!" Nabunggo ako kay Jacob nang bigla siyang lumiko sa bookshelf na tinitignan ko.
Umirap ako sa kanya. Baka isa na naman 'to sa pakulo niya. Gusto niya na naman sigurong mapag isa kami nang mag-away ulit kami. Pumunta siya sa likod ko at umambang nagtatago.
"Ano ba, Jacob?" Tanong ko nang nakita siyang nagtatago sa likod ko.
"Shhh!" Nilagay niya ang index finger niya sa labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa lapit namin. Tumingin lang siya sa likuran ko. Balisa siya. Nagtaka ako... bakit naman kaya?
"Nagtatago ako." Aniya.
"Bakit?" Tanong ko.
Bago niya pa nasagot yung tanong ko, nakita ko na kung sino ang pinagtataguan niya. Nandoon sina Grace kasama ang ilang kaibigan niya na mukhang nagkakatuwaan sa paghahanap kay Jacob.
Umiling na lang ako sa kawalan. Nakita kong tumayo si Jacob ng maayos sa likod ko habang tinitignan ang mga librong kinuha ko.
"JACOB!" Biglang sigaw ng isang kaibigan ni Grace.
I'm sure illegal yung pag sigaw niya dito sa library. Agad nilang pinagkaguluhan si Jacob sa likuran ko. Halos tumilapon pa nga ako sa isang tabi. Kung hindi ako hinila ni Jacob, talagang madadapa ako sa sahig.
Inayos ko ang sarili ko.
"Jacob, nandito ka lang pala-" Sabi ni Grace pero pinutol naman agad ni Jacob.
"Dahan-dahan naman. Nasasaktan si Rosie eh."
Napatingin sila sakin at umirap silang lahat ng sabay-sabay. Bakit ba parang double meaning lahat ng naririnig ko these past few days?
"Jacob!" As usual, di nila ako pinansin.
Actually, pwedeng wala ako dito eh.
"Jacob, paturo sa major natin oh!" Sabi nung isang desperadang babae sabay kagat sa labi niya.
Napatingin si Jacob sakin na para bang malaki ang pagkakasala niya. Nagpatuloy ako sa pag hahanap ng mga libro kahit di na sumisink-in sakin lahat ng pamagat na nababasa ko.
"Sorry, girls pero may gagawin kami ni Rosie." Aniya.
Napatingin ako sa kanya nang nakakunot ang noo.
"Ano?" Tanong ko.
"Oo nga! Anong gagawin niyo eh di naman siya Business ad?" Tanong nung isa bang may full-bangs na intsik.
"Sa Biology." Ngumiti si Jacob na para bang sanay na siya sa ganitong pangyayari.
"Pero Jacob..."
I swear to God, napatitig talaga ako! Napatitig ako sa boobs ni Grace na inilapit niya sa dibdib ni Jacob. Napatalon ang kumag sa ginawa ni Grace, Ngumisi si Grace at kinagat ang lower lip sa nakitang reaksyon ni Jacob.
"Please... nahihirapan kami sa subject na 'to." Sabi ni Grace.
GOSH! Hindi ko kayang nakikita ito pero di ko naman napipigilan ang pagtitig. Lumayo si Jacob ng bahagya kay Grace...
Ngumisi siya at cool parin kumpara kanina nung nagtago siya sa likod ko, "Sorry pero importante to. Kung gusto niyo, kay Callix na lang. Magaling din yung pinsan ko eh."
Humalakhak yung mga babae at nagkatinginan.
"Pero ikaw yung gusto namin." Lumapit ulit si Grace at ngayon, hinaplos na ang leeg ni Jacob sabay kagat ulit sa labi. "Please, Jacob."
Hindi ko na kinaya kaya umalis ako dun. Bago ako umalis, sumulyap ako sa nakangising mukha ng kumag. Wicked. May side sa kanyang hindi ko alam kung nakita ko na. Siguro sa 8 months na di kami nagkita, ito yung nadevelop niya... Hindi ako sigurado kung ano yun pero may something talaga.
"Rosie! Iniwan mo ako dun ah!" Umupo siya sa tabi ko.
Umirap na naman ako, "Sana tinuruan mo sila. Mukhang masaya yung pagtuturo sa kanila eh." Pero sexy.
LANGIT! Langit yun para sa mga lalaki eh! Mga babae na mismo ang humahalina sayo!
"Rosie," Napabuntong-hininga siya. "Alam mo namang ikaw lang..."
"Pano yung mga foreplay na pinagyayabang ni Grace? Ano yun?" Tinignan ko siya.
"Teka, nagseselos ka ba?" Tanong niya at umaliwalas ang mukha niya.
Yun ba talaga? I can't believe na kahit ganun yung tanong ko, nagawa niya pang ipoint-out yung pagseselos ko.
"Hindi ako nagseselos. Pwede ba, Jacob?" Nagstruggle akong hinaan ang boses ko gayung nakatingin na ang ilang estudyante saming dalawa. "Sabi mo sakin ako lang. Paano ako maniniwala sayo kung naririnig kong nakikipagforeplay ka kahit kanino?"
"Rosie, sinabi ko na naman diba... hinanap kita sa mga babae. Tuwing nalalasing ako iniisip kong imposibleng hanggang ngayon in love parin ako sayo, sinubukan kong maghanap ng tulad ng pinaparamdam mo sakin pero wala akong mahanap kasi nag iisa ka lang."
Natunganga ako sa sinabi niya. Ito yung nagbago kay Jacob. Kung noon ay sobrang inosente niya sa paningin ko... ngayon naman ay sobrang... sobrang... hindi ako makahanap ng tamang salita. May mga feelings talagang hindi kayang isalin sa salita.
Tinikom ko ang bibig kong kanina pa pala naka bukas. I looked away. Kinuha ko ang mga things kong nakakalat. Tinulungan ako ni Jacob.
"Ako na, Jacob." Sabi ko.
"Tulungan na kita..." Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa ballpen at nagkatinginan kami.
Umiling ako... May naramdaman akong bukol sa lalamunan ko. I know this feeling. Isang kalabit na lang, mamumuo na ang luha ko.
"Hindi na ikaw ang Jacob ko." Bulong ko kahit ayaw ko namang sabihin.
Nanlaki ang mga mata niya at nalaglag ang panga sa sinabi ko.
Hindi na ikaw... Kasi yung Jacob ko, akin lang. Ngayon, hindi na.
"Ako parin ito, Rosie. Nagkamali ako pero ako parin ito. Nasasaktan ako kasi nasasaktan kita pero kailangan mong malaman lahat ng ginawa ko dahil ayoko na talagang magkamali. Ayoko ng magtago ng kahit ano sayo... I'm an open book, to you... only you."
Napalunok ako sa sinabi niya. Sumakit lalo yung lalamunan ko sa paglunok ko.
"Rosie? Jacob?" Napatalon ako sa interruption ni Callix.
Agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak ni Jacob.
Kumunot ang noo ni Callix habang tinitignan kaming dalawa. Mukhang di niya nakita yung hawakan namin ng kamay ni Jacob.
"C-Callix?" Sabi ko na parang nagui-guilty. Hindi ko alam kung bakit.
"Magkasama pala kayo?" Tumaas ang kilay ni Callix. "Bro?" Kay Jacob siya nagtanong.
"Callix..." Ako sana ang sasagot pero...
"Bro? Ba't kayo magkasama?" Tanong niya ulit nang mas seryoso.
"Callix, nagkita lang kami dito. Nagkataon na may hinahanap ako. Tapos nandito siya. Sina Grace yung kasama ko dito kanina... Diba, Rosie?" Sabi ni Jacob.
"O-Oo." Bakit guiltyng-guilty ako?
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinakabahan ako! Sobrang kaba na halos manginig na ang mga paa ko.
Biglang ngumisi si Callix at ipinakita ang isang kulay Pink na papel na may ribbon sa gitna.
"Ganun ba? Hmmm. Rosie, iniimbitahan sana kita sa kasal ng ate ko." Ngumiti siya lalo nang tinanggap ko yung invitation.
"Huh? T-Talaga?" Tinignan ko magandang invitation sa kamay ko.
"Oo. Ipapakilala kita sa pamilya ko." Excited na sinabi ni Callix.
"P-Pero Callix!" Sabi ko.
Tumango siya.
Hindi niya kailanman ako niyaya ng kahit anong family gathering nila noon. Ni minsan, di sumagi sa isipan niyang ipakilala niya ako sa pamilya niya. Bakit ngayon?
"Callix... di ko matatanggap 'to. Nakakahiya." Sabi ko at ibinalik ang invitation sa kanya.
"Rosie, nag expect na si mommy. Sinabi ko na sa kanila na pupunta ka. Please, wa'g mo silang biguin." Ngumiti ulit si Callix.
Napatingin ako kay Jacob na nakatulala sa malayo. Halatang malalim ang iniisip. Hinabol ni Callix ang titig ko.
"Ano, Rosie?" Tanong niya.
"Uh, Bro, baka naman nahihiya si Rosie... Di mo pa siya napapakilala diba-" Nabigla ako nang sumali si Jacob sa usapan.
"Okay lang! Kaya nga pinapakilala diba para di na mahiya? Bakit, Jacob, ayaw mo?" Tumaas ang kilay ni Callix.
Umiling si Jacob at umalis nang walang paalam.
Walk out ulit.
"Anong nangyayari kay Jacob, Rosie? May sinasabi ba siya sayo?" Tanong ni Callix habang tinitignan ang pinsan niyang umaalis. "Alam mo noon, alam ko halos lahat ng iniisip ng taong yun pero simula ng nag college, nagiging moody na siya... Ano kayang nangyari? Eh maganda naman ang lovelife nun? Hmmm." Ngumisi si Callix.
"M-Maganda ang lovelife?" Tanong ko.
"Ooo! Dami kayang babaeng bumubuntot dun. Kailangan niya na lang pumili. Pero this past few days mukhang wala siyang gana sa mga babae." Umiling si Callix at tinignan ako. "Bakit kaya? may alam ka ba?"
Di ako makatingin sa kanya, "Wala. Uh... Siguro may sariling problema."
Di ako tinantanan ni Callix sa pagtitig niya. Kinakabahan tuloy ako lalo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro