Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 49

Kabanata 49

Halik

Ganun parin ang tratuhan namin ni Jacob sa isa't-isa. Hindi ko siya pinapansin sa school pero lagi siyang nakatitig. Sumusulyap siya tuwing may lumalapit sa kanyang mga babae. Para bang guilty siya o naghihintay siya sa reaksyon ko.

Hindi dapat ako pupunta dito sa acquaintance ng School of Business. Kaso, itong si Karl ay isinama ako sa last minute na pamimili ng kanyang isusoot. As a result, dinala niya ako dito sa venue kung saan sila mag aacquaintance. Sa lahat ng colleges sa school, ang School of Business ang may pinaka bonggang acquaintance dahil marami sa kanilang estudyante ang mayaman. Sa Arts and Sciences naman, kung saan ang Psychology Major nabibilang, sa isang maliit na venue lang ginanap noong Wednesday.

"Ako na bahala sa kanya." Sabi ni Karl sa mga nakaharang.

Tinignan ako ng lahat ng nandoon sa registration area. Syempre, bulong-bulungan na kami ang close ni Callix. At ngayon, si Karl ang kasama ko. Marami ang may gusto kay Karl pero nawawala dahil sa sobrang kasupladuhan nito. Suplado lang naman yan sa mga babae eh. Tsk tsk.

"Karl, uwi na ako." Sabi ko nang nakita sa loob ang kumakantang banda nina Jacob.

Bahagyang lumaki ang mata niya nang nakita niya akong pumasok. Umamba akong aalis pero pinigilan ako ni Karl.

"Ihahatid nga kita mamaya." Aniya at ngumisi.

"ROSIE!" Biglang bigla si Ava at Belle nang nakita ko.

Nabigla rin si Callix at pinalibutan nila ako pagkarating ko. Si Josh at Edward, ayun na at sumasayaw sa kantang mejo mabilis at masaya. Hindi ko pa naririnig ito pero tuwang-tuwa ang mga taong nakikinig. Tinititigan na naman ako ni Jacob habang kumakanta siya.

"Rosie! Sayaw tayo!" Sigaw ni Callix dahil di na kami magkarinigan sa sigaw at sa ingay ng kanta ni Jacob.

Tinignan ko ulit si Jacob na ngayon ay nakangisi na habang tinuturo ang mga babaeng sumisigaw. Of course! Sa status niya ngayon sa school, posibleng mabulag na siya ng tuluyan sa mga babae. Kung ano man yung mga sinabi niya sakin nung una kaming nagkita dito sa Maynila, maaring pagkatapos ng isa o dalawang buwan, magbabago din yun. Maraming magagandang babae dito at maraming nagkakagusto sa kanya... hindi na ako mag eexpect na pagkatapos ng ilang buwan ay totoo parin yung mga sinabi niya.

Napabuntong hininga ako at nilagay ang kamay ko sa kamay ni Callix.

Sumayaw na rin kami sa masayang kanta ni Jacob. Nakita ko si Ava na sumasayaw na rin kasama ang isang classmate namin nung high school. Si Belle naman ay naging isa sa mga babaeng tumitili doon sa harapan. Mukhang nawala na talaga ng tuluyan ang pagkahumaling niya kay Karl. Si Karl naman ay umiinom ng juice habang tinitignan ang mga sumasayaw na estudyante.

Inikot ako ni Callix. Inikot ko rin siya at nagtawanan kami. Nang natapos yung kanta, pinalitan ito ng isang pamilyar na kanta... ang kantang hinarana sakin ni Jacob sa harap ng soccer field ng Alegria National High School.

"We'll do it all... everything... on our own...We don't need... Anything... Or anyone... If I lay here... If I just lay here... Would you lie with me... And just forget the world?"

Hindi ko maalis ang tingin kay Jacob habang kinakanta niya ito ng nakapikit ang mga mata. Tumitili parin ang mga babae pero buo ang boses niya kaya dinig na dinig parin ito.

"Rosie..." Nakita ko ang ngiti ni Callix.

Nilagay niya ang magkabilang kamay ko sa leeg niya. Nilagay niya naman ang mga kamay niya sa baywang ko.

Ngumiti rin ako. Nilapit niya lalo ang sarili niya sakin... Sumulyap ako kay Jacob at nakita kong bukas na ang kanyang mga mata at diretso ang titig niya sakin.

"Rosie." Hindi ko na makita si Jacob dahil sa sobrang lapit na ng mukha ni Callix sakin.

Nang tinignan ko ang mga mata ni Callix, nakita kong nakapikit na ang mga ito. Unti-unti niyang inilapit pa lalo ang mukha niya sakin hanggang sa hinalikan niya na ako.

Nanlaki ang mga mata ko. Tinulak ko agad si Callix at napatingin ako sa kay Jacob na natigilan sa pagkanta.

"Rosie, sorry..." Sabi ni Callix.

Binalewala ko ang sinabi ni Callix dahil sa reaksyon ni Jacob. Nakatunganga siya sa harapan. Nilapitan siya ni Leo pero umiling lang siya at nag walk-out.

"Sorry, masama ang pakiramdam ni Jacob..."

"AWWW! Bakit?" Sabay-sabay ang mga babae sa harapan.

Nagwalk-out na rin ako sa scene.

"ROSIE!" Sigaw ni Callix.

"Callix, sandali lang." Sabi ko.

Sinundan niya parin ako habang tinatawag ang pangalan ko.

"Callix," Hinarap ko siya. "Okay lang ako. Ayokong-"

"Rosie, sorry... Masyado akong nadala-"

"Okay lang! Sige na... Hayaan mo na lang muna ako, please."

Hinayaan niya ako. Hindi ko saan kung saan ako pupunta. Sa CR? UUWI? Saan? Nakalabas na ako sa place nang nakita kong nakaupo si Jacob sa gutter. Lalagpasan ko sana pero nagkatagpo ang mga mata namin. Tumayo siya. Galit siya. Alam ko. Memorize ko ang mukha niya. Alam ko kung kailan siya galit at kailan siya masaya.

"Rosie..." Sabi niya.

Galit pati ang boses niya.

"Ano, Jacob?" Sabi ko.

"Ba't ka umalis? Nagkakatuwaan na kayo ni Callix, diba?" His jaw clenched.

"Ano bang problema mo?"

Lumapit siya sakin dala ang isang puting panyo. Umatras ako pero hinila niya ako. Pinunasan niya ang labi ko.

"Jacob- a-anong... ginagawa... mo?"

"Sh1t, Rosie!" Sigaw niya at ginulo ang buhok. "Ako lang ang hahalik sayo!"

Tinulak ko siya.

"Ano ba-"

"ROSIE, HINALIKAN KA NIYA!"

"Ano ngayon? Hindi ako sayo kaya wala kang karapatan!" Sabi ko kahit big deal sakin yun. Ayokong hinahalikan ako ng kahit kanino. Lalo na pag si Callix.

Tinitigan niya ako.

"Rosie, pinsan ko siya!" Sabi niya.

Kumunot ang noo ko.

"Rosie, kung mahal mo siya, sabihin mo na ngayon. At kung hindi, sabihin mo sakin dahil hinding hindi na ako magkakamali ngayon. Wala na akong pakealam kung sino ang masasagasaan ko kaya sabihin mo sakin kung sino saming dalawa!" Tinuro-turo niya ang party (indicating Callix).

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Dahil sa ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Takot na akong magkamali! Takot na takot na ako! Pero sigurado akong sa oras na malaman kong ako parin yung mahal mo... wala na akong pakealam kung sinong masasaktan-"

"BAKIT di mo yan naisip noon, Jacob? Bago mo ko iwan, bakit di mo yan naisip? Na pinsan mo siya pero wala kang pakealam kasi mahal mo ako-"

"Hindi ako ang nang iwan, ikaw, Rosie-"

"IKAW! Kasi di ako aalis kung di mo ako sinaktan!" Sigaw ko dahil sa ngayon , inis na inis na ako sa kanya.

Bakit palagi kaming nagkakasakitan? Bakit palagi kaming nag aaway? Dalawang linggo palang kaming nagkikita pero ilang beses na kaming nagsisigawan at nag aaway.

"Nagalit ako! Oo! Sisihin mo ako kasi nagalit ako! Pero ikaw parin ang pipiliin ko!" Sigaw niya pabalik sakin.

"Wala nang kwenta, Jacob! Tapos na! Tapos na tayo!"

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Ilang segundo pa ang nakalipas bago ko narealize kung ano yung sinabi ko kay Jacob. Naiyak ako nang nakita kong nabigla siya sa sinabi ko.

"Tapos na diba? Nung umalis ako ng Alegria, tapos na tayo! Dahil itinaboy mo ako!" Sigaw ko.

"Jacob!" Nakita ko ang mga kabanda ni Jacob sa likuran ko.

Umalis ako, pero bago pa ako nakaalis...

"Rosie, please, wa'g kang mag move on sating dalawa..."

Napapikit ako sa sinabi ni Jacob. Hindi ko kayang naririnig siyang nahihirapan. Hindi ko na kayang makita siyang nasasaktan pero ang sakit nung mga ginawa niya sakin noon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro