Kabanata 26
Kabanata 26
Pwede Ba?
Humiga ako sa sofa ng sala. Ayoko namang humiga sa kwarto at baka sundan niya pa ako dun. Katakot! Buti na yung dito lang ako, di bale nang nandyan siya...
"Anong g-ginagawa mo?" Tanong niya.
"Ano pa? Edi natutulog!" Sabi ko.
"Ba't ba ang sungit mo? Ikaw na nga itong binibisita. Hindi mo ba nakikita ang effort ko?"
"Sorry pero nakapikit ako." Nakapikit naman talaga ako.
Kinalabit niya yung braso ko.
"Rosie... Ito naman oh... Anong gusto mo? Pagkain? Ano? Sige na... gagawin ko."
"Hay! Ba't ka pa kasi nandito? Kainis ka naman! Umalis ka na nga lang at tumambay doon sa bukid? Tsaka? Paano ka nakalusot kay Mrs Gonzalo?" Dilat na ako ngayon habang nakahiga at pinagmamasdan ang nakakairitang puppy eyes niya.
Bwiset na hinayupak. Kahit sa ganitong posisyon ay gwapo parin ang kumag. Kitang kita ang hubog ng panga niya... perpektong bone structure. Nakakalaglag ng panty. Tingin niyo kung sa Maynila siya nakatira ay sikat siya? Malamang, huh! Mukha niya palang ulam na! Paano kung isama pa yung katawan? Yung mga 17-year old na ka batch kong lalaki, may muscles nga pero hilaw na hilaw pa kumpara nitong kay Jacob. Mukhang maaga siyang nagbinata at maagang na develop ang muscles dahil dito sa bukid.
Halos masabunutan ko ang sarili ko sa pamumuri sa kanya.
"Ayun, sinabi ko kay Mrs Gonzalo na nag LBM ako. Di ko na mapigilan yung ano... kaya kailangang umalis." Ngumisi siya at tumingin sakin. "Galing ko no?" Kumindat pa.
"Tseh! Sana matuluyan ka!" Inirapan ko na habang nakita ang pag pout niya.
"Ito naman talaga! Ang sama mo! Wala kang pakealam kung mamatay ako..." Nagtampo pa.
"Walang namamatay sa LBM!" Sabi ko.
"Meron no! Pag ma dehydrate ako, mamatay ako."
Umupo ulit ako dahil di ko na mapigilan yung pagtatalo namin, "Edi uminom ka ng tubig nang di ka madehydrate at mamatay, at para mapagpatuloy mo ang walang hanggang LBM!"
"Sama mo!"
Umirap ako at ngumisi habang pinagmamasdan ang malungkot na mukha niya.
Buti yan sayo, kumag ka! Ah! Alam ko na! Papahirapan kita!
"Aray... ginugutom ako." Sabay haplos ko sa tiyan ko. "Makatulog na nga lang nang makalimutan ko ang gutom ko." Sinabayan ko pa ng ubo at paghingi ng tissue para sa sipon.
"Eto." Sabay abot niya sa tissue. "Uh... Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.
"Fried chicken... kaso... pritong isda yung nasa kusina... Yaan mo na, makatulog na nga."
"Si-Sige, bibilhan kita."
"Wa'g na!" Overeact naman si ako. "Baka sabihin mo na naman mukha akong pera."
"Hoy! Di ko sinabi yun noh!" Aniya.
Di na ako sumagot at pumikit na.
"Hello? Paluto ng Fried Chicken, sabihin mo sa cook. Nandito ako kina Aranjuez... Huh? Oo. Basta... may importante akong ginagawa. Sumakit kasi tiyan ko... Okay... Bilisan mo ah?" Tapos binaba niya.
COOK? Oo na! May cook sila! Yes na lang! Yes na yes! Yaman ng kumag at nakakainis na.
Humikab ako.
"Maganda din sana yung spagetti. Sarap! Tsaka four seasons na juice."
"Hello? Juice na four seasons tsaka padagdag ng spagetti... Oo. Kina Arajuez. bye."
SHET! Sinusunod niya talaga ang lahat ng sabi ko. Nahilo ako sa biglaan kong pag upo. Natigilan ako para ayusin ang paningin kong nagdidilim.
"Rosie!?" May takot akong narinig sa boses niya.
Agad siyang lumapit sakin at hinawakan ang ulo ko.
"O-Okay ka lang ba?"
"Oo! Okay lang ako! Nahilo lang ako-" Pero bago ko pa madugtungan ay hinihilot niya na ang ulo ko. "Jacob, anong ginagawa mo?"
"Wa'g kang malikot."
In fairness!!! Ang sarap sarap niyang magmasahe. Pagkatapos ng panandaliang pagka hypnotize ko inalis ko agad yung kamay niya sa ulo ko.
"Nilalandi mo naman yata ako eh." Sabi ko.
Ngumisi siya...
Tama ba yung sinabi ko? Nilalandi niya talaga ako?
"Humiga ka nga!" Aniya.
"Aba't-"
"Higa na!" Sabi niya kaya humiga naman ako.
Sinimulan niya ang pagmamasahe sa braso ko, tapos sa legs ko na hindi ko kinaya dahil nakakakiliti.
"Alis ka nga diyan Jacob!" Sabay tawa ko.
"Mainam to para sa sakit ng katawan mo." Nag evil smirk siya.
"Landi mo! Alis ka!" Ayoko mang mangyari pero uminit talaga ang pisngi ko.
"Jacob-"
Nkabukas pala yung pintuan kasi nandoon na yung matandang naka uniporme ng Kampo Juan na kumuha sa kanya dito noon. May isa pang naka uniporme din sa likuran niya at pareho silang may dalang supot at laglag ang panga sa posisyon naming dalawa.
Agad akong umupo ng maayos at tinanggal ang kamay ni Jacob sa legs ko.
"Salamat, manang." Pero mukhang hindi napansin ni Jacob ang mga pangang nalaglag nila.
Kinuha niya lang yung mga supot at nilapag sa lamesa sa harapan namin.
"May sakit po itong si Rosie, inaalagaan ko lang." Aniya.
Tumaas yung kilay ng matanda at may ibinulong naman yung kasama niya sabay silang tumango at... "O sige, maiwan na namin kayo."
Namutla ako. Ang bilis ng karma!
"Jacob, alam mo ba kung anong iniisip nung matanda tsaka yung kasama niya? Na ginagamit lang kita! Ginagamit para makuha ang gusto ko... Yung mga pagkaing ito, sana di mo na pinadala!" Sabi ko.
"Wala naman akong pakealam kung anong sasabihin nila eh-"
"Pwes ako may pakealam! Ayokong iniisip ng mga tao na ginagamit kita."
"Ako naman yung nag kusang loob na bigyan ka." Aniya.
"Kaya ayaw ko sa mga mayayaman eh!" Napabuntong-hininga ako.
"Huh? Sabi mo mayaman yung ex mo? Ba't mo siya naging boyfriend kung ayaw mo pala sa mayaman."
Actually, noon, okay lang naman sakin yung mayayaman. Tama si mama, maraming lalaki diyan at kung may pagkakataong pumili ay pumiling mabuti. Mayaman at gwapo - yun ang tama. Kaso simula nuyng break up namin ni Callix, narealize kong hindi lang yun ang kailangan. Mabait, understanding at higit sa lahat ay... tunay na mahal ka. Yun ang mga kailangan... Hindi naman kailangang gwapo at mayaman, plus points lang ang mga iyon.
"Mahal ko eh."
Natahimik siya at tinignan yung kamay niya.
"Mahal mo parin ba... hanggang ngayon?" Tumingin siya sa mga mata ko.
"Hindi na, ano ka ba! Kaya nga nakipagbreak ako diba? Tsaka ba't ba natin pinag uusapan 'to?"
Natahimik siya at humiga ulit ako...
Ewan ko kung anong iniisip niya pero halos makatulog ako sa katahimikang ginawa niya.
"Rosie..."
"Hmm?" Di ko dinilat yung mga mata ko.
"Pwede bang m-manligaw?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro