Chapter 2
Hi guys! Promote ko lang yung story ng baby ko 💕
Cold Crystals by MojojojoWP
Worth it po and don't forget to vote the story thanks 💕
Cedric's POV
*Calling Celica......*
Nagulat ako kasi umilaw eh titig na titig pa naman ako sa cellphone ko.
At mas masakit doon nahulog pa sa mukha ko yun tsk! Tanga ko shet!
"Hello?" napawi yung sakit sa mukha ko ng marinig ko boses niya.
"Oh? Hello hehe" umayos ka muna Ced! Nagpapahalata ka eh!
"Okay ka lang?"
"Ah! Oo! Okay lang ako hehe. Napatawag ka?" tanong ko sakanya ang plastic ko sa sarili ko galing naman.
"Ahh... Kasi magsosorry sana ako. Kasi di tayobnagkasabay sa lunch" naalala pa niya yun? Shet! Kinikilig ako haha! Para tuloy ako bakla.
"Haha! Wala yun alam ko naman na busy ka" sana nga di ka na busy.
"Talaga? Thank you! Don't worry babawi ako sayo Ced" napangiti ako wala sa oras. Ang sweet niya talaga.
"Oo sige, aabangan ko yan ah? Promise mo yan" paninigurado ko.
"Oo promise yan. By the way pauwi na ako see you tomorrow Ced" Celica... Celica... Haaaay.... Ang saya ah? Sana ako ang dahilan nun asa Ced!
"See you tomorrow"
"Goodnight Ced"
"Goodnight Celica"
Masyadong siyang masaya at malambing sana araw-araw ganito haha!
Diko naitago kilig ko panay gulong gulong lang ako sa kama ko shet wag magulo Ced! Magkikita pa kayo matulog na!
Umayos na ako tska natulog ng mahimbing.
*Next day*
Maaga ako nagising unexpected to ah?
Tiningnan ko ang alarm ko. 1 minute nalang bagl ang time ng pag gising ko.
Nag-exercise ako kaunti stretch stretch lang. Nag-alarm bigla yung orasan ko.
Kaya pumasok na ako sa cr.
Mabilis naging kilos ko agad naman ako bumaba para sa breakfast napansin ko may nag-aasikaso sa dining table.
"Mom?" lumingon naman siya sa akin at ngumiti.
"Breakfast kana" umupo naman agad ako habang pinagsilbihan ako.
Napaka unexpected din ang makita ang Mom ko ngayon kung tutuusin napaka busy niya like ni Daddy.
"Why?" Mom. Napansin siguro niya na nakatitig lang ako sakanya.
Ngumiti lang siya sa akin at pagkatapos ako pagsilbihan tumabi agad siya sa akin.
"Why are you staring at me son?" Mom
"It's just... Ugh! Very unexpected to see ypu here Mom, day off?" umiling si Mom sa akin pero nakaplaster parin ang ngiti. Hindi daw day-off baka mamaya may pasok na siya tango tango ko sa isip.
"Nag-iba ako ng schedule kahit papano maabutan naman kita pumasok" Mom
Walang kupas ang kabaitan ni Mommy parang si Celica. Syempre hindi mawawala ang kagandahan dito daw nabighani si Daddy kay Mommy ewwww..... Haha!
Kumain na ako habang nagkukwentuhan kami ni Mommy. Todo kinig siya sa akin ganito siya palagi. Gusto niya updated siya sa mga nangyayari sa akin lahat dapat alam niya.
Syempre hindi ako Mama's boy!
"Already done?" tumango lang ako kay Mommy sabay tumayo para maghanda sa pagpasok sa work. Kinuha ko na bag ko at isinabit sa balikat nang tawagin ako ni Mom.
"Son?" nasa kusina pa siguro siya.
"Yes Mom?" sigaw ko pabalik. Tska naman siya lumabas sa kitchen at lumapit sa akin.
"How about... I'll take you to your school" nag-isip pa ako ng kaunti. Ayoko kasi na inaabala siya, kaso pag tumanggi ako dadramahan niya ako.
"Is that a yes?" pinagsaklop pa ang kamay niya tsaka nag-arte sa akin naparoll eyes nalang ako. No choice nalang kundi pumayag and now she's happy.
"Let's go?" tumango ako at sabay kami lumabas. Nagbilin lang kaunti si Mommy kay Manang siguro may ipapabili agad naman kami umalis buti maayos at di naman traffic.
"Kailangan pa ba kita sunduin?" pasulyap-sulyap ni Mommy sa akin.
"No need Mom, may practice ako baka magtaxi ako pauwi" tumango lang siya sa akin.
Nakarating naman agad kami sa school.
"Papasok na ako Mom" tsaka siya lumingon sa akin.
"Oh sige, mag ingat sa practice and don't forget to eat healthy foods okay?"
"Copy Mom" I kissed her on cheeks tsaka ako lumabas sa kotse.
Umalis naman si Mom at kinawayan ko muna siya bago pumasok. Nothing usual parang walang event.
Dumiretso ako sa locker ko kukuha ng books para sa subject ko ngayon, kukunin ko sana yung kast book nang may nasagi ako.
Dahan-dahan ako umikot parang slowmo at naitayo ko siya ng maayos. Lucky nasalo ko siya pero nahulog lahat dala niya.
"Sorry! Ayos ka lang?" tumango lang siya halatang gulat na gulat tinayo ko naman siya.
"Sorry di kita nakita eh" napakamot nalang sa ulo may kuto?
"O-Okay l-lang ako" nabigla ako ng lumayo siya sa akin.
"Pasensya na talaga... Tulungan na kita" ilag ata sakin haha! Banggain mo naman eh nabangga ko ba? Feeling ko nasagi haha!
Ang dami namang libro to mabigat pa may nakaipit sa libro ano to? ID? Yui Lilith Mcwinter..... Is she?
"SSG President?" nabigla siya sa sinabi ko.
"Uh... Oo bakit?"
"Wala naman. Sa picture lang kita nakikita tsaka sa daily newspaper" tumango naman siya sabay abot ko ng libro.
"Tulungan na kita. Saan mo ba ito dadalhin ito?" natameme ulit? Siguro di ako kilala ang bastos ko naman.
"Uhh.... Cedric pala BS HRM" naglahad ako ng kamay buti kinamayan ako.
"Dyan lang sa English Department" nauna siyang naglakad.
Kumatok muna siya sabay pumasok sa English Department, wala na mga professor siguro magsisimula na yung klase.
"Salamat sa pagtulong" tipid na ngiti sa akin.
"Kailangan ko pa ba magpakilala para di ka mailang sakin" nataranta naman siya sa sinabi ko.
"Ano... Uhh... Di na..." pumikit siya saglit. Pinakalma yung sarili.
"Nice to meet you Cedric Carl Asuncion" ako naman nabigla sa kanya.
"Kilala ka ng lahat kahit ako kilala kita, journalist ako remember?" aah... Kaya naman pala sikat ko pala haha!
"Sige.... So friends?" naglahad ako ng kamay.
"Friends" tinanggap naman niya at hindi na siya natense sa akin.
"Tara na magsisimula na ata yung klase" tumango naman siya at naghiwalay na kami ng daan.
Mabilis ang oras para sa mga nag-aaral ng mabuti at matagal naman sa tatamad tamad.
"Next week may laboratory tayo atleast 5 members only"
Laboratory again? Palagi nalang haha!
"Head counts tayo... Okay start"
Mga uto-uto nagbilang haha!
Nawala yung iniisip ko ng kalabitin ako ni Jacob.
"Bakit pre?"
Nakakunot-noo siya sa akin binigyan lang niya ako na 'ikaw-na-look' binigyan ko din siya ng 'di-ko-alam-number-look'.
"number 2 ako dapat sabihin mo number 3"
"Copy" nag okay sign ako.
"ASUNCION !!!!" nagulat ako kay Mam Alice.
"Yes Mam!" nakatayo na ako.
"Number mo!" number ko? Bat niya hinihingi?
"Mam..... 09xxxxxxxxx" sinabi ko naman pero binato ako ng pentel pen.
Anu mali doon?
"Ang sabi ko number mo sa group hindi personal number!" napakamot ako sa batok shet! Lutang ba ako?
"3 Mam" tumango siya at pinaupo ako.
"Ulol ka pre kakasabi lang number 3 ka dika nakikinig" napailing nalang ako.
"Problema?" umiling ako
What a life! Haha!
"Kulang ka siguro sa inspirasyon" sabay tapik ni Jacob sa balikat ko.
Inspirasyon?
Inspirasyon ko hinahanap na kita...
Hinahanap-hanap kita...
~
A/N: *umawra* support my baby's story lalala~
Happy Reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro