Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXVI : Mami

Kabanata Dalawampu't-anim : Mami

Lorraine

"Idiretso mo," utos ko.

"H-ha!?"

"Idiretso mo kako!" Sigaw ko kay Erick. "Dalian mo!" Lumingon ako sa kaniya. Namamawis siya at hindi niya alam ang gagawin niya. "Erick!" Sigaw ko sa kaniya. Pagkatapos no'n, mabilis niyang pinaandar ang kotse. Napapikit na lamang ako at dinilat na lamang ang mga mata ko nang maka-aninag ng ilaw mula sa labas ng kotse.

"N-nawala," hindi makapaniwalang sabi ni Erick. "Nawala 'yung bata," paglilinaw niya habang nagmamaneho. Umaamon pa rin pero mas maaliwalas ang gabi ngayon kaysa kagabi.

Nanahimik ako. Walang salitang pumapasok sa isipan ko. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong dapat kong sabihin. Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Walang nagsasalita sa amin. Walang gustong bumasag sa katahimikan. Hanggang sa lumakas ang ulan at napilitan si Erick na buksan ang wipes ng kotse para makita niya ang daan.

"Hindi ka ba nagugutom," sa wakas, pagbasag ni Erick sa katahimikan. Napatingin kami sa isa't-isa pero agad din naming kinalas ang mga tingin namin. "Kagabi ka pa hindi kumakain, baka naman hindi gumaling ang mga sugat mo," aniya pa.

"May kinalaman ba ang pagkain sa paggaling ng sugat?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa labas ng bintana. Marami pa rin kasing tao sa labas kahit na umuulan. Mukhang hindi nila alintana 'yun basta't makapunta lang sa gusto nilang puntahan.

"Sort of. Pero hindi nga? Baka nagugutom ka na," sabi niya. "May alam akong kainan malapit dito," dagdag pa niya. "Ano kain tayo?"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Siguro hindi ko naramdaman kanina 'to dahil gustung-gusto ko ng umalis sa ospital pero nagugutom na ako. Buti nga't hindi naririnig nitong si Erick ang kulo ng tiyan ko. "Wala akong dalang pera. Naiwan ko sa bahay," pagsasabi ko ng totoo. "Tsaka hindi pa naman ako nagugutom."

"Ako magbabayad. I insist," pangungulit niya kaya wala akong nagawa. Hindi na lang din ako tumanggi dahil ang dami na niyang naitulong sa akin. Kahit kakikilala pa lang namin, ang dami ko nang nahinging pabor sa kaniya.

"Babayaran ko na lang kapag nagkita ulit tayo," saad ko pero umiling siya.

"Hindi na kailangan," sabi pa niya. Hindi na ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana hanggang sa huminto kami sa harap ng isang gusali. "Nandito na tayo. Madalas akong kumain dito dahil masarap ang mami nila. Sana magustuhan mo rin," sabi niya bago tanggalin ang seatbelt at bumaba.

Gano'n din ang ginawa ko bago buksan ang pintuan ng kotse. Agad kaming tumakbo papasok sa glass door ng gusali dahil malakas na ang ulan. Pagpasok namin, sumalubong sa amin ang maraming customer na kumakain. May kaingayan din sa loob dahil sa dami ng tao.

"Maghanap ka ng mauupuan natin, oorder lang ako," wika ni Erick kaya tumango na lamang ako.

May kalakihan ang mamihan. Kahit na mamihan lang 'to, para na siyang restaurant. Dahil puno na at wala ng upuan na hindi okupado sa unang palapag, minabuti kong umakyat sa second floor kung saan walang halos tao. Mas kumportable rito dahil kita ang mga maa mababang gusali at mga daanan sa labas ng bintana.

---

"Wala ka pang naikukwento sa akin nang tungkol sa'yo," sabi ko sa kaniya habang kumakain kami ng mami. Masarap nga ito at may kakaibang lasa. Espes'yal ito kaysa sa mga nauna kong natikman na mami.

"Kailangan pa ba? Tsaka, ikaw rin naman wala ka pang nakukwento sa akin ng tungkol sa'yo. Ang alam ko lang naman sa'yo ay pangalan at ang mga wirdong nangyayari sa buhay mo. Hindi pa nga malinaw sa akin ang mga 'yon," saad niya bago humigop ng mainit na mami. Saktong nasa tabi kami ng bintana kaya kita namin ang mga taong naglalakad sa basang kalsada.

"Kailangan 'yon. Sabi mo 'di ba magkaibigan tayo?" Ilang kong saad. "Pero ayun nga. Ako si Lorraine. Mag-isa na lang ako dahil tatlong taon na nang mamatay ang huling kapatid ko---teka. Hindi ako nakapunta sa puntod niya!" Ani ko nang maalala kong hindi ako nakapunta sa deathsary ni ate Helena dahil sa event na nangyari sa banyo ng SM. "Hayaan na nga. Next time na lang. May limang taon na nang mamatay ang mga magulang ko kaya ulilang lubos na ako. Lima kaming magkakapatid. Ako na lang ang buhay, unfortunately."

"Anong nangyari sa iba?" Tanong niya.

"Namatay sila. Sa'yo ko lang sasabihin 'to. Lahat sila namatay habang bumabagyo at may baha. At mukhang gano'n din ang mangyayari sa akin kung hindi ko mapuputol ang sumpa."

"Sumpa?"

"Sumpa na lahat kami mamamatay sa baha," kaswal kong saad. Halata namang kinilabutan si Erick kaya iniba ko na ang usapan. "Eh ikaw? Anong meron sa buhay mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Ako si Erick. Tulad mo, lima rin kaming magkakapatid. Pero hindi ko nakita ang mga kapatid ko simula bata pa ako. Hanggang sa mamatay sila... at..." napahinto siya na parang may naalala.

"At?"

"At namatay daw sila dahil sa baha."

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro