Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XIX : Mag-iingat sa Baha

Kabanata Ikalabing-siyam : Mag-iingat sa Baha

Pauleen

"Ah... Lorraine, mauna na muna ako. Katatawag lang ni Daddy, pinauuwi na niya ako sa bahay. Late na raw kasi e. Pero don't worry, babalik din ako dito bukas. Ayos ka lang ba dito?" sabi ko habang hindi tumitingin sa kaniya. Inaayos ko ang mga gamit ko.

"Ayos lang ako dito," saad niya.

Tumingin na ako sa kaniya. Nakaupo siya sa kama at hindi parin inaalis ang mga mata sa labas ng bintana. Nakaka-agaw kasi ng atensyon ang maitim na kalangitan. Nakadagdag pa ng kadiliman ang paglubog ng araw. She's weird. Yes. Si Lorraine nga ba talaga ang isang ito?

Alam kong matagal na talaga siyang tahimik. Kapag nga naglulunch kami, hindi man lang siya nagsasalita. Weird na siya noon pa man. Kapag nagsasalita siya, or nagkukwento, sobrang layo sa topic namin ni Ryan. Nasanay na kami na ganoon siya. Pero this time, nakakapanibago.

Mas lalo siyang naging weird. Dati naman ng nagiging ganoon kaitim ang langit dahil sa bagyo. Pero wala lang naman ito sa kaniya noon. Pero ngayon, may parte sa mukha niya na napapansin kong nababahala. Kanina ko pa tinatanong sa kaniya kung may problema ba, pero puro iling lang ang tinutugon niya. Dapat na ba ako mabahala?

Baka mamaya... nagka-phobia siya or trauma? Pero sabi naman ng doktor ayos lang lahat sa kaniya. Hanggang ngayon nga, palaisipan saakin kung ano talagang nangyari kay Lorraine. It's kinda creepy when I saw her lying at the floor that day.

Umiling ako upang matanggal ang lahat ng nasa isipan ko. Baka mamaya sa iba nanaman mapunta ang isipan ko. Mas lalo lamang akong napaparanoid kapag inaalala ang itsura ni---

"Hindi ka pa ba uuwi?"

Kumunot ang noo ko nang bigla akong lingunin ni Lorraine. Walang emosyon ang mukha niya. Mas kinagulat ko na naging ganoon ang pakikitungo niya saakin ngayon. Alam kong tahimik lang siya pero ni minsan hindi siya naging ganito. I mean, para kasing gusto na niya akong umalis. Parang natatakot siya? Ewan.

"U-uuwi na ako. Sure ka bang ayos ka lang?" Sinukbit ko na ang bag ko sa kanang braso ko. Tumango na lamang siya saakin at binalik ang tingin sa labas ng bintana. "O--kay? Una na na ako. Baka abutan pa ako ng bagyo. Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Dadating agad ako as soon as possible. Okay?" Sabi ko sa kaniya.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa pintuan. Pero hindi ko pa man nalilisan ang kuwarto, muling nagsalita si Lorraine.

"Mag-iingat ka. Lalo na sa baha---kung aabutin ka man ng bagyo."

***

Weird.

Ano ba talagang nangyayari kay Lorraine. Is she okay? I'm still worried. Hindi ko alam kung ano ba talagang meron. Kanina parang gusto na niya akong paalisin, tapos bago ako umalis sabi niya mag-iingat daw ako sa baha.

I think she's kind of concerned?

Lalo na ngayon at laganap at sikat ang leptospirosis? Baka nga.

"Paabot nga po ng bayad," sabi ko. Nasa pinakadulong upuan kasi ako ng jeep. Kahit na may sarili naman kaming driver at kotse, may ginusto kong magcommute kahit na alam kong anytime uulan na at babagsak na mula sa kalangitan ang mga naglalakihang patak ng tubig.

Pero hindi ko pa man naipapasa ang bayad ko sa kabilang pasahero sa sinasakyan kong jeep, biglang huminto ng malakas ang jeep dahilan para lahat kami ay masubsob.

"Ano ba naman 'yan manong! Mag-iingat ka naman ho sa pagmamaneho! May bata akong kasama oh!" Naiinis na sambit ng isang matabang babae na may akap-akap na batang lalaki na sa tingin ko'y nasa edad pito hanggang walo. Natutulog ito kanina pero dahil sa paghinto ng jeep ng biglaan, nagising ito at nagpupungay na tumingin sa paligid. Inaalam siguro niya kung nasaan na sila dahil napansin ko pang tumingin ito sa labas ng jeep.

"Pasensya na ho. Nalaman ko mula sa isang kaibigan kong driver din ng jeep na masyadong mataas ang tubig ilang metro lang ang layo mula dito. Hindi aabutin ng jeep ko ang taas nito ayon sa kaibigan ko," sabi ni Manong driver.

"Naniwala ka naman sa kaibigan mo?" Iritadong sabi ng isang lalaki.

"Oo nga!" Sang-ayon pa ng iba.

"Manong, baka naman po pwede nating tingnan kung gaano kataas ang baha? Hindi pa naman umuulan 'diba? Kaya wala naman yatang baha doon. Uulan na kasi anytime kaya baka naman makakadaan tayo?" Magalang na sambit ko kaya nagtinginan ang lahat saakin.

"Kung 'yan po ang nais ninyo," sabi ni Manong driver bago buksan ang makina ng jeep at nagsimula ng magmaneho.

Tuluyan ng bumagsak ang malakas na ulan. Pero ang mas lalo kong kinabahala ay nang makarating kami sa isang kalsada na sobrang taas ng baha. Abot bewang ito kaya aabutin nito ang tambutso ng kahit anong sasakyan na dadaan dito.

Lagot na.

--
An : Medyo mahabang update dahil sa matagal na walang update at sa matagal na susunod pang update. So ayan. Naging happy ako sa buhay outside wattpad kaya naman sinulit ko na. (Skl. Ako highest sa exam sa ESP at AP. Naks! Math? Nvm. HAHA)

P.S. active ako sa outside world. Yay!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro