Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

V : Matabang Babae

Kabanata Ikalima : Matabang Babae

Lorraine

Kahit saan ako magpunta, may araw. Hindi araw sa kalangitan kundi ang mga ginuhit ng mga bata na araw sa lupa. Minsan nga napapaisip ako, hindi naman totoo 'yan. Siguro nga'y kapag bata madali talagang maniwala sa nga kasabihan. Kahit na napapansin namang hindi gumagana, basta sinabi ng mga matatanda o ng mga kaibigan nila na totoo, gagawin naman nila.

Aaminin ko, palagi naming ginagawa ng mga kapatid at mga pinsan ko ang pagguhit sa lupa ng araw para daw huminto ang ulan at para hindi ito tumuloy, pero kasi... noon pa man hindi na ito gumagana. Ang paniniwala nga namin noong bata pa kami, nabawasan na ang magic powers ni araw kaya hindi na niya kayang patigilin ang ulan. Siguro matanda na 'yung araw at pagod na sa Rain, rain go away.

Umalis na rin kaagad ako sa bahay. Ewan ka ba. Para tuloy biglang gusto ko na lumipat ng bahay. Ilang taon na rin naman akong nakatira do'n pero sa tuwing naaalala ko 'yung batang babae, 'yung TV at 'yung saksakan, parang may nag-uudyok na saakin na umalis na do'n. Teka. Hunted ba 'yung bahay na 'yon? Shy type ba 'yung mga multo doon kaya ngayon lang nagpakita saakin kahit halos tatlong taon na akong nakatira doon?

Naghintay ako ng Jeep na sasakyan ko. May mga katabi rin ako na mga tao na nag-aabang din ng masasakyan nila. Pero nakaka-agaw atensyon ang babae na nakatingin saakin. May katabaan ito at katandaan. Siguro nasa mid-40's na niya ito. Ewan. Basta nakatingin lang siya saakin. Tumingin na nga ako kasi baka naman 'yung nasa likuran ko ang tinitingnan niya, pero hindi. Saakin talaga siya nakatingin.

Walang emosyon ang mga mata niya. Hindi ko tuloy alam kung matatakot ako dahil nakatingin 'yung babae saakin, o mawiwirduhan dahil sobrang weird talaga niya. Hindi ko na lamang siya pinansin. Baka naman kasi mamaya malalim lamang ang iniisip at natulala sa pag-iisip niya. May huminto na na jeep sa harapan ko. Sumakay na ako doon at napansin kong sumakay din ang matabang babae doon.

Tumabi siya saakin. Still, nakatingin saakin. Ano bang meron? May gusto ba siyang sabihin or what? Medyo nakakairita na kasi ang pagtitig niya saakin. As in wala talagang emosyon, 'di ko alam kung kilala niya ako. Wala naman akong maalala na pinagkaka-utangan ko. Tumingin na lamang ako sa labas ng jeep at hinintay na makababa ako. Siguro naman hindi kami pareho ng bababaan 'di ba?

"Iha."

Nagulat ako sa malamig na boses ng nasa likuran ko. Nagsalita 'yung matabang babae kaya naman lumingon ako sa kaniya. "Bakit ho?" Tanong ko dito. Ngayon ko lang napansin ang ilang puting strand ng buhok niya. Pero bakit medyo bata pa ang mukha niya? Stress siguro ang isang ito.

"Alam mo bang may nakasunod sa iyo kanina pa?" Sabi nito saakin. "Pasensya na kung kanina pa ako nakatingin sa iyo. Nais ko lamang malaman kung anong pakay niya sa'yo," dagdag pa nito.

"Nakasunod po?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin ako sa loob ng Jeep. 'Yung iba humihikab pa. Masyado pa kasing maaga. Bukod kay Manang, wala na akong ibang maalala ang mukha. Iniisip ko na baka makakasabay ko ang tinutukoy ni Manang dahil nga nay nakasunod daw saakin. "Sino po ba?" Tanong ko sa kaniya. Baka mamaya siya 'yung sumusunod ah?

"Tingin ko nasa pahamak ang buhay mo. Ito ang numero ko," sabi niya sabay abot saakin ng papel na may series of numbers. "Tawagan mo ako kaagad kapag may kakaiba kang naramdaman. Alam kong kakailanganin mo ng tulong ko balang araw," sabi pa niya. Ang lamig talaga ng boses niya. Kinikilabutan ako.

Huminto na ang jeep. Bababa na sana ako pero hinawakan ng matanda ang braso ko.

"Mag-iingat ka sa batang babae. Kanina ka pa niya sinusundan."

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro