Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

II : 11:11 PM

Kabanata Ikalawa : 11:11 PM

Lorraine

"ATE!"

Napaupo ako sa pagkakahiga ko. Kasabay nito ang pagliwanag ng buong bahay na tinitirhan ko, kasunod nito ang napakalakas at napaka-ingay na kulog na halos basagin na ang eardrums ko sa sobrang lakas. Sa tuwing makakarinig ako ng ganoon kalakas na kulog, parang pakiramdam ko mauulit nanaman ang nangyari noon. Pakiramdam ko guguho nanaman ang mundo ko gaya ng nangyari noon... 'yung nangyari mismo sa panaginip ko.

Hindi ko parin talaga makalimutan ang nangyari kay Ate Helena. Siya ang pang-apat sa aming magkakapatid. Siya nalang noon ang huli kong kasama. Pero namatay din siya dahil sa baha. Nakakapagtaka man isipin pero, lahat ng mga kapatid ko't magulang ay namatay dahil sa baha. Lahat sila ay namatay noong bumabagyo. Kaya nga takot ako sa baha. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot, o dapat kong tatagan ang loob ko na kada babagyo, walang mangyayari saaking masama.

Ilang taon na akong nabubuhay mag-isa. Ilang beses na rin namang bumagyo at bumaha sa labas ng bahay ko. Wala namang nangyayari saaking masama. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung anong sinasabi ni Ate Helena na sumpang kailangan kong putulin. Hindi kaya... ang sumpa ay mamatay ang isa sa mga angkan namin kada babagyo? Pwes kung iyon nga iyon, naputol ko na ang sumpa, matagal na.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Doon ko lang namalayan na sobrang pawis na pawis ako kaya agad kong tinanggal ang kumot sa katawan ko. Kanina kasi nilalamig ako kaya nagkumot ako. Hindi ko naman namalayan na dahil sa panonood lang ng balita, makakatulog ako. Napanaginipan ko pa tuloy ang pagkamatay ni Ate Helena.

Ang pagkamatay ng ibang mga kapatid ko ay hindi ko alam. Wala kasi ako noong mga panahon na iyon. Kung hindi nasa school, wala ako sa bahay at nakikipaglaro sa mga bata sa lugar namin tulad ng mga tipikal na bata. At ayun nga. Kada babagyo, may isa sa mga kapatid ko ang mamatay. Hindi nga lang iyon sa mga kapatid ko nagsimula. Sa mga pinsan ko muna. Tapos, sa mga magulang ko bago ang mga kapatid ko.

Si Ate Helena ang huli kong alam na namatay dahil sa baha. Bukod sa kaniya, wala na akong ibang alam na kamag-anak ko na namatay ng dahil sa baha. Wala na kasi akong koneksyon sa mga kamag-anak ko. Matagal ko na kasi silang hindi nakikita. Halos lahat kasi sila, nilayuan ang pamilya namin magmula nang mamatay ang mga magulang namin. Sabi nila, kami daw ang dahilan kung bakit minalas sila' namatayan ng mga anak---sila ang mga pinsan namin.

Nagpunta na ako sa kusina. Ayoko ng alalahanin pa ang ginawa ng mga sarili kong tiyo't tiya saaming limang magkakapatid. Ayokong uminit nanaman ang ulo ko sa gitna ng malamig na panahon. Ayokong... maalala kung paano nila kami ipagtabuyan noon sa sarili mismo naming bahay. Pero dahil nga matigas si Ate Helena, nakabalik kami sa natitirang ala-ala namin kila inay.

Kinuha ko ang mainit na tubig sa telmos at sinalin sa mangkok kung saan ko nilagay ang Lucky me na binili ko kanina sa katapat na tindahan. Hindi ko na binuksan ang ilaw sa kusina dahil nagbibigay liwanag naman ang maya't mayang kidlat sa kalangitan na pumapasok sa bintana ng bahay ko. Binalik ko na sa kinalalagyan nito ang telmos. Kumuha ako ng kutsara bago binitbit ko ang mangkok na may lucky me sa sala at doon nilapag sa mini table ko.

Hinintay ko na lumambot ang noodles bago ko iyon kainin. Sa mga ganitong panahon, na malamig, kahit ganitong mainit na sabaw lang buo na ang hapunan ko. Hindi na ako nag-aabala pang kumain ng kanin. Minsan, sa labas na lang ako kumakain. Ayokong maghanda pa dito sa bahay. Kaya kahit noodles, biskwit at milo lang, solve na ang hapunan ko.

Tumingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng TV ko. 11:11 Pm.

Sabi nila kapag 11:11 daw humiling ka at magkakatotoo iyon kaya naman humiling ako. Baka naman sakali magkatotoo 'di ba? Wala namang masama kung humiling ako. Baka lang naman matupad. Sana, hindi bumaha ngayong gabi. Saad ko sa isip ko bago magpatuloy sa pagkain ng lucky me na maanghang.

#
Dedicated to : ItsJustUndeniablyHer

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro