Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Bago Na


Napabuntong-hininga ako bago ako sumimsim ng kape mula sa mug na hawak ko. Humakbang ako patungo sa porch bago ko buong layang pinagmasdan ang tanawing nasa harapan ko. Mula roon ay tanaw ko ang kabuoan ng siyudad kasama na rin ang nangangkikislapang pang-gabing ilaw.

Sa kabila ng kagandahang nasa harapan ko ay 'di pa rin ako nilubayan ng mabigat na damdaming umaalipin sa akin nitong nakaraang mga araw. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko, dahil batid ko, kulang sa kalkulasyon ang sinabi kong panahon na ginugol ko patungkol sa damdamin na umaalipin, nananakit, at umuupos sa akin ngayon.

Tatlong taon. Tatlong taon kong pinaniwala ang sarili ko na may patutunguhan ang anumang mayroon kami . Tatlong taon ko ding sinanay ang aking sarili na mamuhay na para bang isang tao na may nakakahawang sakit at kailangang magtago. Tatlong taon akong umasa na siya, siya ang sagot sa aking mga dasal na makakasama ko habambuhay sa hirap at ginhawa. Pero gaya ng ibang mga desisyon ko sa buhay, nagkamali ako. Sa katunayan, siya ang pinakamalaking pagkakamali ko sa buong buhay ko.


Pinilit kong 'wag lumingon nang marinig ko ang mahinang pag-ingit pabukas ng front door ng apartment. Alam ko, siya iyon. Imbes na salubungin siya, kagaya nang malimit kong ginagawa, ay 'di ako natinag sa kinalalagyan ko kahit na manipis na pantulog at roba lamang ang panangga ko sa lamig.

"Bakit di ka pa natutulog?" tanong niya mula sa aking likuran. "Hinihintay mo na naman ba 'ko? Sabi ko naman sa 'yo 'di ba, may gathering sa bahay ngayon. Dumating din ang Papa at Mama mula sa Canada at-"

"Kumain ka na?" putol ko sa sana'y mga sasabihin pa niya nang hindi siya nililingon.

Bumuntong-hininga siya, mabigat sa pandinig.

"Were you listening, Kara? Sabi ko may gathering sa bahay, kasi dumating sina Papa-"

"Ako kasi hindi pa," mapaklang putol ko ulit sa tangkang paliwanag niya.

"Ano 'to, guilt tripping?" mataas ang boses na akusa niya sa akin. "Pagod ako, Kara. Kung alam ko lang na ganito ang madadatnan ko rito, sana'y sa bahay na lang ako natulog!" patuloy na reklamo niya.

Sa bahay.

Muli niyang inari ang bahay na matagal na rin niyang 'di inuuwian maliban nitong nakaraang ilang buwan. Muli siyang nagpapakita sa bahay nila kahit na anumang oras nito naisin. Hindi gaya noon na kapag may espesyal lamang na mga okasyon siya umuuwi. Mas malimit na mas masaya na rin ang mukha niya tuwing galing siya sa bahay nila, kaysa sa mga pagkakataong kami ang magkasama. Madalas ko rin siyang makita sa porch ng apartment, tuwing naaalimpungatan ako sa madaling-araw, na tila lagi siyang hulog sa malalim na pag-iisip. At kung minsan, kibuin-dili niya ako sa maghapon kahit na hindi naman siya dating gano'n.


Lakas-loob ko siyang hinarap, ibinaba ko sa coffee table ang tiyak kong malamig na ngayon na mug ng kape bago ako humakbang palapit sa kanya.


He looked so tired.

Ako kaya? Ano na kayang itsura ko sa paningin niya? He used to tell me that I am the most beautiful woman he had ever seen. That he loved me most above everything. Even above his wife and his children. His eyes would twinkle everytime he'd utter my name. He smiles even at the least thing that I'd do which was so different from the way he looked at me tonight.

He was so spent and maybe so was I.

"Pagod ka na?" tanong ko sa namamaos na tinig.

Pinisil niya ang pagitan ng kanyang mga mata. "Kara, I... I'm..." Halos di niya maituloy ang gusto niyang sabihin kung kaya't muli siyang nagbuga ng hininga.


Nilampasan ko siya nang maglakad ako patungo sa loob ng apartment. Dumiretso ako sa kwarto namin at mabilis kong kinuha ang maletang de gulong na kanina ko pa inihanda para sa kanya. Naroon na ang lahat ng mga gamit niya, maliban sa isang t-shirt na sadya kong 'di isinama. Paglabas ko ng kwarto ay naroon na siya sa gitna ng salas at tila sadyang hinihintay ang paglabas ko sa kwarto.

"What's that?" tanong niya.

"Your stuff. Inihanda ko na para hindi ka mahirapan," sabi ko.

Natigilan siya, at tanging ang mga mata lang naming ang nag-usap. Ayokong umiyak. Ilang araw ko nang inihanda ang sarili ko sa ganitong eksena. Dahil alam ko, ramdam ko, malapit na kaming matapos na dalawa.

"Nasa maletang ito ang kalayaan mo Mark, and I'm giving it to you now," bulong ko bago ko ibinaba sa paanan niya ang maleta niya.

Isang malakas na buga ng hininga ang naging sagot niya bago siya nag-angat ng tingin.

"We are wrong, Kara," anito.

I smiled bitterly.How could something as beautiful as love could be so wrong?

Ah, because he's married and he already had a family when I came. That, made it wrong. That, made us wrong. That, made me wrong.

"Yes we are," mapait kong sagot.

"I'm sorry Kara," aniya, habang inaabot ang aking isang kamay.

Napailing ako.

"Ako ang sumira ng isang pamilya. Ako ang dapat na mag-sorry," ani ko habang pigil na pigil ko ang pag-garalgal ng tinig ko.

Yumuko siya at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Nasasaktan ako, pero 'di ako nagreklamo. This is my punishment. At alam ko, sa ginawa naming kasalanan ni Mark, durog na durog hindi lang ang pagkatao namin kundi pati na rin ang aming mga kaluluwa. We needed absolution and it will never come while we are together.


Mali ang paniniwala ko na kami hanggang dulo. Mali ang pangarap ko na ariin siya, dahil pag-aari na siya ng iba. At kailanman, hindi kami magiging tama.

Ako na ang nagkusang bumitaw sa kanya. Muli ko siyang tinitigan. I tried to memorize all the lines and contours of his face. He really was the most beautiful mistake I've ever committed in my life.

"It's almost sunrise Mark. Matutuwa ang mga anak mo kapag nakita ka nilang kasama sa agahan," sabi ko na dinagdagan ko pa ng isang pilit na ngiti.

Ngumiti siya, pilit din. He picked up his bag and tried to hug me for one last time but I refused. He then settled for a hesitant kiss on my forehead. I closed my eyes when his lips touched my skin.

That was our last kiss.

"Have a good life, Kara," aniya.

"I will," pabulong kong sagot.

Nang magsimula siyang humakbang patungo sa pinto ay pumikit ako nang mariin. Saka lang ako nagmulat nang marinig ko ang pag-click ng pintuan. Iyon ang tunog ng aming katapusan.

Nanghihina akong umupo sa sofa at hinayaan ang aking sarili na tumingin sa kawalan. Ginupo ako ng kakaibang lungkot at hindi ko napigilang umiyak.

Matagal ako sa ganoong posisyon. Naglakbay ang aking isipan sa mga alaala nang nakaraang tatlong taon na kasama ko si Mark. Ang kaso, iyon din ang mga alaalang dapat kong limutin isa-isa na para bang hindi ko siya nakilala.

Mahirap pala, pero wala akong magagawa, kasama iyon marahil sa aking mga parusa.

Hindi naglaon, tumama ang sikat ng araw sa aking mukha na tila ba bumabati ng magandang umaga.

"Tapos na," aniko, kasabay niyon ang pagsilay ng mapait na ngiti sa aking mga labi.

Napatingin ako sa porch at pinagmasdan ang malakas na buhos ng liwanag na nagmumula roon.

Bagong araw na nga. Bago na.

###

1180words/11am/11718

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro