Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

“Pearl tama na ang pag iyak. Mamumula na ng sobra ang mata mo.” nag aalalang saad ni Tanner habang patuloy pa din ang pag iyak ko. Hindi ko pa rin makalimutan yung mga nangyari kanina. Hindi ko inaakalang lolokohin lang ako ni Xander. Maayos naman kami nung nakaraan, akala ko talaga seryoso siya sa akin. Nakaka dalawang balot na ako ng tissue kakaiyak habang si Tanner ay sinusubukang patahanin ako.

“Huwag ka ng umiyak Pearl. Tara bibili nalang tayo ng chocolate ice cream at clubhouse sandwich sa 7/11.” pag aaya niya. Clubhouse sandwich saka chocolate ice cream? Ayaw ko pa sanang umalis pero hindi ako makakatanggi sa clubhouse sandwich at ice cream. Kaagad akong nagpunas ng luha at nag ayos ng buhok. Suot ko ang hoodie ni Tanner ngayon dahil basa pa yung mga damit ko at wala akong balak bumalik sa mansion ni Xander.

Nang matapos na akong mag ayos ng sarili ay lumabas na kami at sumakay sa kotse. Wala ako sa mood magsalita kaya tumahimik nalang ako habang nag mamaneho siya. Kita ko ang pag aalala sa mata ni Tanner. Nakakatuwa dahil kahit matagal na kaming hiwalay ang tinatrato niya pa din ako ng katulad dati. Okay na sana kami kaso nag loko siya, napatawad ko na siya pero wala nang pag asang maging kami ulit. Siguro hanggang kaibigan nalang kaming dalawa.

“Nandito na tayo.” aniya niya bago lumabas at pinagbuksan niya ako ng pinto. Agad akong bumaba at pumasok na kami.

“Get everything that you want, I'll pay for it.” saad niya. Kumuha ako ng isang tub ng chocolate ice cream at tatlong balot ng clubhouse sandwich. Habang siya naman ay kumuha ng instant noodles at pineapple juice. Binayaran niya kaagad yung mga binili namin at dito na rin kami kumain.

“Alam mo Pearl, nung nalaman kong ikaw yung girlfriend ni Kuya Xander nag alala ako. I know what kind of guy he is. Bukod sa gwapo siya marami pa siyang pero kaya halos lahat ng babaeng gusto niya ay nakukuha niya. Hindi ko naman sinabi sayo ang tungkol doon dahil baka magalit siya sa akin. Nung nagwala siya diba nakakatakot. Pero mas nakakatakot pa siya dun. Buti nga hindi na siya masyadong nagwawala. Dati kase araw araw nalang nasisira ang mga gamit sa mansion habang nagwawala siya.” saad niya. Noon pa lang nagwawala na si Xander? At mas malala pa ang pagwawala niya noon? Hindi ako makapaniwala dahil halos pum*tay na siya nung umalis lang ako sa bahay tapos may mas malala pa doon.

“Incase your wondering, he's a psychopath. Matagal na siyang ganun at sinubukan nila Tita Xandara na ilagay siya sa Asylum pero pinap*tay niya yung mga nag aalaga sa kaniya doon. Kaya wala silang nagawa kundi hayaan siyang mamuhay ng solo. Kaya nga sobrang layo ng mansion niya sa bayan dahil natatakot silang makasakit ng tao si Kuya Xander. Kaya kapag nakikipag laban siya walang emosyon.” pag kwekwento niya sa akin. Baliw si Xander? Psychopath siya? Kaya pala wala lang sa kaniya ang pum*tay ng tao.

“Kaya halos kaming lahat ay natatakot kapag nawawalan siya ng emosyon. Hindi niya nakokontrol ang sarili niya at nakaka p*tay siya ng mga inosenteng tao. Kahit si Tito Marcus at Xandrea ay takot din sa kaniya.” Xandrea? Kapatid siguro ni Xander yun. Hindi ko mapigilang mag isip kung ano ba ang dahilan kung bakit naging psychopath si Xander. Sigurado akong may rason ito at alam kong malaki ito, kaya naisipan kong mag tanong kay Tanner tungkol sa bagay na ito.

“Paano naging psychopath si Xander? Sigurado akong may dahilan ito.” aniya ko sa kaniya. Mas lalo akong nacucrious sa buhay ni Xander.

“Wala din kaming alam na eksaktong detalye, pero alam kong alam nila Tita Xandara ang dahilan ng pagiging ganito ni Kuya.” saad niya habang kumakain kami. Ano nga kaya ang dahilan?

“Kumain kana Pearl, matutunaw na yung ice cream mo.” aniya niya. Nagsimula na akong kumain pero hindi ko parin makalimutan yung sinabi ni Tanner. Ano kaya ang dahilan kung bakit naging psychopath si Xander. Habang kumakain kami ay biglang tumunog yung telepono niya. Agad siyang tumayo at sinagot ito.

Maya maya ay bumalik siya at umupo sa upuan.

“Pearl okay lang ba kung sasamahan mo ako sa party bukas? Party kase yun ng mga Ceo at ang pagkaka alam nila ay may girlfriend na ako. Inaasar kase nila ako ng bakla kaya sinabi ko sa kanilang may girlfriend na ako kahit wala.” ani niya. Sasamahan? Okay lang naman kesa mag isa ako sa bahay niya, saka tinulungan niya ako. Natawa naman ako sa part na sinabi niyang napagkamalan na siyang bakla.

“Baka naman bakla ka na talaga?” pang aasar ko. Natawa ako lalo ng mamula siya at umiwas ng tingin. Bakla nga siya? Bakit ganun ang reaksyon niya? Tatanungin ko na sana siya ulit ng magsalita ito.

“Hindi ako bakla, hindi ko kase maamin kay Hannah na gusto ko siya. Baka kase ireject niya lang ako.” Teka tama ba yung pagkaka rinig ko? Si Hannah? Yung kaibigan ko ba ang tinutukoy niya?

“Si Hannah yung lagi kong kasama?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Dahan dahan siyang tumango bilang pag responde. Hindi ako makapaniwalang gusto niya pala yung babaeng yun, kung alam niya lang na halos maghapon ay siya ang kinukuda ni Hannah. May gusto din kase ang babaita kay Tanner. Kapag kase kasama ko si Hannah palagi niyang sinasabi kung gaano kagwapo si Tanner at halos matunaw na daw siya kakatitig kay Tanner. Habang ako naman ay hindi makapaniwalang si Tanner ang gusto ni Hannah. Okay lang naman sa akin kung magkakaroon sila ng relasyon basta huwag niyang lolokohin at pababayaan si Hannah. Kapag talaga niloko ni Tanner si Hannah matitikman niya ang kamao ko.

“Yes, matagal ko na siyang gusto. Let's just say na love at first sight ako sa kaniya.” aniya niya habang namumula.

“Alam mo Tanner gusto ka din ni Hannah. Wala yung ginawa kundi mag kwento ng mag kwento tungkol sayo tuwing magkasama kami. Minsan nga napapaisip nalang ako kung obsessed naba sayo yung babaitang yun. Kung ako sayo, ligawan mo na yun.” nakangising aniya ko. Kung gusto niya si Hannah dapat ligawan niya ito.

“Nahihiya ako.” nahihiyang saad niya. Juskoo! Nahiya pa siya? Para namang bakla itong lalaking ito!

“Anong hiya hiya? Aanhin mo pa yang pahiya hiya, kung ako sayo ligawan mo na yun. Hindi lang yung captain ng swimming team ang may gusto doon noh! Kaya kung ako sayo ligawan mo na. Bahala ka ikaw din mauunahan nung mga ibang manliligaw ni Hannah.” nakangising ani ko. Nagulat ako ng bigla siyang naging seryoso. Natatawa ako dahil alam ko namang hindi siya papayag na magkaroon ng boyfriend si Hannah. Seloso din kase itong lalaking ito. Natatandaan ko pa nung boyfriend ko pa siya lahat ng lalaking nakaka usap ko inaaway niya. Buti nga yung sa kaniya ay away lang. Yung kaseng mga lalaking lumalapit sa akin pinapabugbog ni Xander.

“Fine, liligawan ko na si Hannah. Hindi ko hahayaang magustuhan niya si Mike.” lakas loob na ani niya. Yan ang gusto ko sa kaniya, malakas ang loob!

Nag kwentuhan pa kami ng nag kwentuhan hanggang sa maubos namin yung pagkain at napagpasyahan naming umuwi na. Nagpahinga lang ako ng konti at natulog na din kaagad. Mamimili pa ako ng susuotin kong dress bukas para sa party na pupuntahan namin ni Tanner.

_

Kasalukuyan akong nag mamake up ngayon habang suot suot ko na yung fitted dress na napili ko. Strapless na backless black fitted dress. Nagsuot nalang ako ng n*pple pad para hindi makita yung strap ng bra. Naglagay ako ng eyeliner at red lipstick. Namangha ako habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. I look gorgeous today. Nang matapos ako ay agad akong pumunta sa sala at naabutan kong naka upo si Tanner habang iniintay ako. He smiled when he saw me.

“Ano ready kana Pearl?” tanong niya at agad naman akong tumango. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako. Medyo kinakabahan ako dahil baka hindi ko mga kilala yung mga taong nandoon sa party. Kung bakit kase hindi pa umamin tong lalaking ito kay Hannah. Edi sana si Hannah ang kasama niya ngayon.

Tumigil kami sa tapat ng isang mamahaling bar. Mas maganda pa ito at halatang puro VIP lang at mga mayayamang tao ang mga costumers doon. Sabagay meeting nga pala ito ng mga mayayamang ceo sa buong bansa. Isa sa mga malalaking kompanya ang pagmamay ari na business ni Tanner. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan niya akong makababa.

Sinabi niya lang ang pangalan niya at pinapasok na nila kami. May isang nag assist sa amin papasok sa pinakamalaking VIP room. Nang buksan ni Tanner iyon ay may lima na lalaking naka upo sa isang malaki na table. Apat lang ang nakikita nakin dahil nakatalikod yung isang lalaki habang naka upo sa isang swivel chair.

“I'm sorry I'm late today. I want you all to meet my girlfriend. She's Pearl Maxine Sandova.” pag papakilala niya sa akin sa mga kapwa niya CEO. Ngnitian ko sila bago kami umupo sa lamesa.

“Today we have special guest. We are talking about the projects with Mr Montellarez today.” aniya nung lalaking nakasalamin. Bigla namang umikot yung swivel chair at nakita namin na si Xander ang naka upo doon.  Hindi ko alam pero hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil ramdam na ramdam ko yung matulin na titig niya sa akin. Bakit siya nandito? Kitang kita ko sa muka ni Tanner ang gulat kaya alam kong hindi niya din inaasahan na nandito si Xander.

Hindi ko nalang siya tiningnan muli at nagsimula na silang mag usap tungkol sa project na bubuoin nila. Balak nilang maglabas ng apat na mga mamahaling gadgets. Hindi pa rin ako mapakali dahil walang emosyong nakatingin sa akin si Xander.

Maya maya lang ay may limang babaeng mga naka dress ang pumasok at umupo sa mga hita nila. Hindi ko mapigilang makaramdam ng selos nung umupo yung magandang babae sa hita ni Xander at hinapit niya ang bewang nito. Dapat ako yun! Bakit kase hindi mo ako minahal eh. Mahal na mahal kita kaso mabilis mo lang ako pinagpalit. Pinagsawaan mo lang ako!

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko ng biglang tinapik ni Tanner yung hita niya. Para bang sinasabi niya na umupo ako sa hita niya. Dahil sa sobrang selos ko dun sa babaeng naka upo kay Xander ay umupo ako sa hita ni Tanner. Ipinulupot niya yung kamay niya sa may bewang ko. Nabigla ako ng halikan niya yung balikat ko. Biglang sumeryoso ang muka ni Xander habang hinahalikan ko si Tanner pisnge. Mahigpit siyang napahawak sa cellphone na hawak niya. Nagseselos ba siya? Napansin siguro nung babae na parang naiinis si Xander at hinalikan niya ito. Natulala ako dahil doon pa talaga sila naghalikan. Tumahimik nalang ako habang nag ce-cellphone para libangin yung sarili ko.

Natapos na ang meeting at napagpasyahan nilang mag inom habang nag kwekwentuhan. Hindi ako tumitingin sa gawi ni Xander dahil baka makita ko lang silang naghahalikan. Aaminin kong mahal ko parin siya at gusto ko parin siya makasama. Pero ansakit na makita mo yung lalaking munamahal mo na may kahalikang iba.

Nang mapatingin ako sa isang ceo na kasama nila ay nakikipag make out na dun sa babaeng nasa hita niya. Napa iwas ako ng tingin dahil sa ginagawa nila. Bakit kailangan dito pa? Hindi ba pwedeng sa kwarto nalang?

Nakatitig pa rin ako sa kanila nang maramdaman kong gumalaw ang kamay ni Tanner at hinalikan niya ako sa leeg. Biglang napatigil si Xander sa pakikipag halikan doon sa babae at masamang tumingin sa gawi namin. Naglakbay ang mga kamay ni Tanner sa aking katawan pero hindi niya hinahawakan ang sensitibing parte ng aking katawan. Nabigla ako ng hawakan niya ang baba ko at madiin niya akong hinalikan. Nabigla ako dahil sa ginawa niya, nang mapatingin ako sa gawi ni Xander at kinabahan ako ng masama ang tingin niya sa akin.

Nagulat ako ng bigla niyang tinulak yung babae at lumapit sa amin. Kinakabahan na ako ngayon. Mukang maling nakipag halikan ako kay Tanner. Ano na kayang mangyayari sa akin. Mukang mayayari ako sa kaniya.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro