Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Dalawang buwan na ang nakalipas at medyo lumalaki na yung tiyan ko. Nung pumunta kami sa hospital ay nalaman namin na 5 weeks na pala akong nag dadalang tao. Simula noon ay palagi na lang ako nasa bahay dahil naging maselan na daw ang pag bubuntis ko. Nung ipinagbubuntis ko kase si Xhantel at Xavier ay nahirapan ako at muntik pa silang mawala. Kaya kailangan palagi akong ligtas at hindi dapat na iistress.

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon dito sa kwarto namin ni Xander habang hinihintay ko siya. May mahalaga kasi siyang meeting ngayon kaya medyo malalate ang uwi niya. Hindi ako makatulog dahil hindi ako sanay na wala si Xander sa tabi ko. Kaya paikot ikot ako dito sa higaan at nag hahanap ng paraan para makatulog.

Mag aalas dos na ng umaga pero hindi pa rin siya umuuwi. Kanina pa ako nag hihintay at naiinip na ako. Kaya tumayo ako at napagpasyahan kong lumabas sa kwarto namin. Patay na ang lahat ng ilaw kaya gumamit ako ng flashlight para maayos na makababa sa hagdan. Dahan dahan akong nag lakad para hindi nila ako marinig. Maganda siguro kung hihintayin ko si Xander sa labas. Agad kong kinuha yung jacket ko dahil medyo malamig na sa labas. Baka magka ubo pa kami ni baby.

Akmang kukuhanin ko na sana yung jacket ng bigla akong makaramdam ng gutom. Parang gusto ko ng takoyaki at banana shake. Dali dalikong kinuha yung jacket ko at wallet bago lumabas. Naabutan kong nag babantay pa rin si Kuya Leon, Kuya Ben at iba pang mga guard sa gate. Sakto nandito si Kuya Ben, sa kaniya na lang ako mag papasama. Napansin nilang gising pa ako kaya agad silang lumapit sa akin.

“Ma'am Pearl bakit gising pa po kayo? Madaling araw na po ah? Hindi pa po ba kayo inaantok?” tanong ni Kuya Ben sa akin.

“Nagugutom ako Kuya Ben, wala sa ref yung gusto kong kainin. Pwede mo ba akong samahan bumili ng takoyaki? Nagugutom lang talaga ako, don't worry hindi naman magagalit si Xander dahil kami naman ni baby yung nagugutom.” aniya ko habang nakatingin silang lahat sa akin. Kita ko sa muka nila na nag dadalawang isip pa sila pero agad namang pumayag. Si Kuya Ben ang napili kong sumama sa akin habang yung iba naman ay naiwan para mag bantay ng gate.

“Saan po ba nakakabili ng Takoyaki Ma'am? Mayroon pa po bang mabibilhan nun? Madaling araw na po kase.” tanong ni Kuya Ben bago niya ako pinagbuksan ng pinto. Agad akong pumasok sa sasakyan bago ko sinagot ang kaniyang tanong.

“Mayroon pa, hindi naman nag sasarado ang mga bilihan ng pag kain dito. Para silang Jollibee, 24 hours din silang bukas.” i said before opening my phone. 5 hours na simula nung huling nag online si Xander. At ngayon ay hindi pa din niya nirereplayan yung last chat ko. Kahit nga seen hindi niya nagawa. Ano kayang pinag gagagawa nung lalaking yun? Saka nasaan na kaya siya ngayon?

Tahimik lang ako habang nag mamaneho si Kuya Ben. Ilang minuto din ang nakalipas bago kami nakarating dito sa Maloya Market. May mga nagtitinda dito ng iba't ibang pag kain. Agad akong bumaba mula sa sasakyan at hinanap ko yung Takoyaki stall.

Habang nag lilibot ako ay nagulat ako nang makita ko si Christian. Anong ginagawa niya dito? Kita ko ang gulat sa muka niya nang makita niya ako.

“Pearl Maxway Bendoval? Ikaw nga!”masayang aniya niya bago siya lumapit sa akin. Bigla akong natawa dahil mali nanaman yung pagkakabigkas niya sa pangalan ko. Ilang taon din kaming hindi nag kita nitong lalaking ito. Kaibigan ko siya simula nung elementary at Ninong siya nung kambal. Matagal na since nung huli kaming nag kita dahil lumipat na kami noon sa bahay ni Hunter.

“Anong Pearl Maxway Bendoval? Pearl Maxine Sandoval kase yun Christian.” nakangusong aniya ko na nagpatawa sa kaniya.

“Ano nga palang ginagawa mo dito Pearl? Madaling araw na ah? Hindi ba dapat natutulog ka na?” tanong niya sa akin.

“Hinihintay ko kase si Xander, saka bigla akong nag hanap ng takoyaki kaya nandito ako ngayon.” aniya ko bago luminga linga. Nasaan kaya yung Takoyaki stall na yun?

“Pregnancy cravings yan noh? Don't tell me buntis ka nanaman?” tanong niya. Ang galing naman manghula nitong lalaking ito.

“Ang galing mo naman. Oo buntis ulit ako sa magiging ikatlong anak namin ni Xander.” saad ko sa kaniya. Hindi pa rin siya nag babago, para pa din siyang manghuhula. Siya yung unang naka alam noon na sinisinta ko si Tanner nung elementary pa lang kami. Kulang na lang isipin ko na manghuhula na siya.

“Ah kaya pala medyo malaki na yung tiyan mo. Akala ko busog ka lang.” pag bibiro niya na nag patawa sa akin. Busog? Muka ba akong busog sa lagay na ito? Nagugutom nga ako eh.

“May busog bang ganito kalaki ang tiyan?” aniya ko bago ko siya inirapan. Napaka hilig din talaga nitong mang asar.

“Ay oo nga naman. Sakto dahil nandito ako, ililibre kita ng takoyaki. Tara sumama ka sa akin, alam ko kung saan nakakabili nun.”pag aaya niya kaya agad naman ako sumunod sa kaniya. Nag lakad kami ng nag lakad hanggang sa nakarating kami sa bilihan ng takoyaki.

Inorderan niya ako ng 40 pieces na takoyaki. 20 pieces na crab and cheese at 20 pieces na may laman na baby octopus. Grabe naman yung binili niya sa akin. Muka ba akong ganun katakaw? Para naman namam akong hindi kumain ng ilang araw dahil sa dami ng pag kain na ibinili niya sa akin.  Binilhan niya din ako ng banana shake at ice cream. Naupo kami sa may lamesa at binuksan ko na yung box ng takoyaki. Agad akong kumuha ng isa at kinagatan ko ito. In fairness kagaya nga nung sinabi ni Ivy masarap ang takoyaki dito. Habang kumakain kami ay bigla kong tinanong si Christian.

“Ano nga pa lang ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya havang kumakain siya ng burger.

“May ka meet up kase yung nililigawan ko ngayon. Para ata sa business yung pag uusapan nila kaya sinabi ko sa kaniya na hihintayin ko siya dito.” saad niya. Uy may nililigawan na pala itong lalaking ito? Nabigla ako dahil napaka torpe niya nung elementary pa lang kami. Aamin daw siya kay Hannah noon pero tumakbo dahil natatakot daw siyang ma reject. Kakaiba ang mindset nitong lalaking ito.

“May nililigawan ka na himala, hindi ka na ba torpe?” pang aasar ko sa kaniya. Kita ko ang pamumula ng muka niya ng sinabi ko yun. Naaalala niya siguro yung mga kahihiyang nagawa namin nung mga bata pa kami. Halos lahat ata ng kalokohan ginagawa namin noon.

“Dati lang yun noh. Saka yung nililigawan ko ngayon ay kaklase din natin nung grade 6. Tanda mo pa ba yung muse natin noon? Si Jullianna?” Wait? Jullianna? Yung babaeng tumulak sa akin sa may damuhan dahil natalo ko siya sa quiz bee ng Math?

Hinding hindi ko makakalimutan yung babaeng yun. Paano niya kaya nagustuhan yun? Gusto nun palagi siyang nasa taas but sorry for her mas magaling ako sa kaniya. Muntik na nga yun mag wala nung nalaman niyang ako ang valedictorian at first honor lang siya. Pero what if bumait na siya?

“Ah yun pala. Sigurado ka na ba sa kaniya? Siya na ba talaga ang mamahalin mo?” tanong ko sa kaniya.

“Oo naman, matagal ko na siyang nililigawan at handa akong mag hintay kung kailan niya ako balak sagutin.” masayang aniya niya. Kapag talaga nag mahal siya, sineseryoso niya. Sana lang ay deserve siya ni Jullianna.

Itinuloy ko na yung pag kain habang siya ay busy sa pag ce-cellphone. Naisipan kong ibili si Kuya Ben ng pag kain, iniwan ko kase siya dun sa sasakyan kanina. Habang kumakain ako ay may nahagip yung paningin ko. Teka parang si Xander yun ah? Nang sundan ng paningin ko yung lalaking yun ay nabigla ako sa aking nakita. May niyakap siyang babae at mukang masaya siya habang kasama ito. Hindi ako pwedeng magka mali. Si Xander nga yun. Nang mapatingin naman ako kay Christian ay nakita kong tumutulo ang luha niya habang nakatingin kila Xander. Nang ibinalik kong muli yung tingin ko sa kanila ay saka ko lang napansin na si Jullianna pala yung kasama ni Xander.

Kaya ba hindi pa siya umuuwi ay dahil sa nakikipag kita siya sa ibang babae? Kaya ba palagi siyang wala ay dahil sa mag kasama sila palagi. Kinagat ko yung labi ko para mapigilan ko ang pag tulo ng aking luha bago ko tumayo at hinigit ko si Christian.

Napatingin sa amin sila Xander at mukang nagulat sila. Hindi siguro nila alam na mahuhuli namin sila. Alam kong nasasaktan din si Christian katulad ko dahil mahal na mahal niya si Jullianna. Pinahiran ni Christian yung luha niya bago siya tumayo at nag lakad na kami papalayo. Naririnig kong tinatawag nila kaming dalawa pero patuloy pa din kaming nag lalakad. Nabigla ako ng hawakan ni Xander yung kamay ko at hinigit niya ako papalapit sa kaniya.

“Mahal please let me explain, it's not what it looks like.” aniya niya na mas lalong nag patulo sa luha ko. Alam niya ba na wala akong tulog dahil kanina ko pa siya hinihintay? Palagi na nga siyang wala sa bahay tapos malalaman ko na may babae na siya? Huh! Ang kapal naman ng muka niya.

“Christian, let me expl—” hindi na natapos si Jullianna ang sasabihin niya nang sigawan siya ni Christian.

“Explain what? Na your making a fool out of me habang pinapaasa mo ako? I've been so loyal to you dahil ikaw yung babaeng gusto ko pero may iba ka na pa lang gusto. Dapat noon pa lang sinabi mo na may boyfriend ka na, umasa lang pala ako sa wala.” galit na aniya ni Christian kay Jullianna. Napatigil siya nang makita niyang umiiyak si Jullianna.

“Just let me explain Christian. Hindi ko boyfriend si Kuya Xander, huwag kang magalit sa akin. Cousin ko siya Christian.” umiiyak na saad ni Jullianna kay Christian.

“Huwag ka nang gumawang kwento Jullianna. Mabuti pa aalis na lang ako.” aniya ni Christian at akmang maglalakad na siya papalayo ng hawakan ni Jullianna yung kamay niya.

“Please don't leave Christian. Hindi ako gumagawa ng kwento, nag usap lang kami ni Kuya tungkol sa business at humingi ako ng advice kung papaano ako magiging mabuting girlfriend kapag sinagot na kita.” mabuting girlfriend? Hindi kaya sasagutin na niya si Christian?

“What do you mean Jullianna?” mahinahon na tanong ni Christian.

“Bukas kita balak sagutin dahil birthday mo bukas. Tiniis mo ang ugali ko. Akala ko mag sasawa ka sa akin pero nag stay ka pa rin. Ilang araw ko din ito pinag isipan at ngayon handa na ako. Mahal kita Christian, you just misunderstood yung nangyari kanina. Pinsan ko si Kuya Xander at ako ang bagong doctor ni Pearl.” umiiyak na aniya niya. Nawala ang galit sa muka ni Christian at mahigpit niyang niyakap si Jullianna. Mukang mali pala ang naiisip namin kanina ni Christian. Pero wala ako sa mood para kausapin si Xander. Pinaghintay niya ako para maka usap yung bago naming doctor ni baby.

“I'm sorry Mahal, i will never cheat on you and you know that. Naging busy lang ako dahil sa mga inaasikaso ko para sa inyo ni baby.”saad ni Xander pero hindi ko siya pinansin.

“Sige aalis na ako Christian, congratulations sa inyong dalawa.” bati ko kay Christian at Jullianna bago ako nag lakad papunta dun sa sasakyan.

“Mahal naman pansinin mo na ako. Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang bibilhin natin.” wika niya pero patuloy pa din akong nag lakad bago sumakay sa sasakyan. Agad akong pumasok dito at inilock ko yung pinto.

“Huwag mong bubuksan yung pinto Kuya Ben. Tara na aalis na tayo.” aniya ko.

“Mahal buksan mo yung pinto.” sigaw ni Xander habang kinakalampag yung bintana ng kotse. Kita kong nag dadalawang isip si Kuya Ben kung bubuksan niya ba ito o hindi.

“Huwag mong bubuksan at mag maneho kana.” utos ko sa kaniya. Agad naman niya akong sinunod at nag simula nang mag maneho. Iniwan namin ni Xander doon at umalis na kami. Maya maya lang ay nakarating na kami sa mansion. Lalabas na sana ako sa kotse nang biglang nag tanong si Kuya Ben.

“Ma'am hindi kaya pagalitan ako ni Sir dahil iniwan natin siya?” kinakabahang aniya ni Kuya Ben bago niya ako pinag buksan ng pinto.

“Huwag kang mag alala. Basta isumbong mo siya sa akin kapag pinagalitan ka nung mokong na yun.” aniya ko bago bumaba. Agad akong pumasok sa loob at naglakad papa akyat papunta sa kwarto. Nang pumasok ako sa kwarto ay agad kong nilock yung pinto at nahiga sa kama.

Makalipas ang mga labing limang minuto ay narinig ko na ang yabag ng paa ni Xander.

“Mahal open the door. Gusto na kitang yakapin.” aniya ni Xander habang kumakatok sa may pintuan. Hindi ko siya sinagot at nanatili akong tahimik.

“Mahal sorry na, promise hindi na ako uuwi ng late araw araw.” saad niya habang patuloy pa ding kumakatok. At dahil mas mataas ang pride ko, hindi ko siya pinagbuksan ng pinto. Paulit ulit siyang kumakatok at tumatawag pero hindi ko pa rin siya pinag buksan ng pinto.

Maya maya lang ay natahimik na siya. Siguro umalis na siya. Akala ko pa naman hindi siya susuko hanggang hindi ko siya pinapapasok. Naiinis ako dahil hindi niya man lang ako natiis. Mas lalo tuloy ako nagalit sa kaniya. Nag hintay pa ako ng limang minuto bago ko naisipang buksan yung pinto.

Dahan dahan akong nag lakad papalapit dito, pinihit ko yung door knob bago ko ito tuluyang nabuksan. Nagulat ako nang makita ko siyang umiiyak habang nakalamyak sa sahig.

“Akala ko hindi mo na bubuksan Mahal. Sorry na huwag ka na magalit.” umiiyak na saad niya bago siya tumayo at mahigpit akong niyakap. Mahigpit ang pag kakayakap niya sa akin pero sinigurado niyang hindi maiipit ang anak namin. Hindi pa din ako nag salita at hindi ko siya niyakap pabalik. Galit pa din ako sa kaniya. Basta gusto kong magalit kaya galit ako.

“Mahal kausapin mo na ako” pag mamakaawa niya.

“Matulog ka na.” maikling saad ko bago ako bumitaw sa pagkakayakap niya.

“Ayaw ko, hindi ako matutulog hangga't hindi mo ako kinakausap ng maayos. Sabihin mo sa akin kung ano gusto mo bibilhin natin o gagawin ko.” lumuluhang saad niya sa akin. Sh*ta bakit hindi ko siya kayang tiisin? Ganito talaga siguro kapag mahal mo yung tao.

“Oo na, hindi na ako galit kaya matulog na tayo.” aniya ko bago ko siya niyakap. Kita kong lumiwanag na ang muka niya at tumigil na siya sa pag iyak. Naupo ako sa kama at pinaupo ko siya sa tabi ko. Akala ko pa naman ay hihiga na siya pero niyakap niya ako ulit. Minsan talaga ang weird nitong lalaking ito.

“I love you.” he mumbled while hugging me.

“Oo, sige na matulog ka na.” aniya ko pero mas hinigpitan niya pa yung pag kakayakap niya sa akin.

“I love you.”

“I love you too.” alam ko namang hindi siya titigil kakasabi ng i love you kapag hindi ako nag i love you too.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro