Chapter 20
“Who are you with? Bakit amoy pabango ka ng lalaki? Sinong kasama mong lalaki kanina Pearl?! Answer me!?”galit na tanong ni Xander habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Gusto kong sabihin sa kaniya na nasasaktan na ako pero hindi ako makapag salita. Natatakot ako dahil baka saktan niya ako kapag nag salita ako kaya nanatili akong tahimik. Nabigla ako ng itinulak niya ako sa sofa bago niya ako pinatungan at hinawakan ang magkabila kong kamay.
“Sumagot ka Pearl!” nakakabingi niyang sigaw sa akin. Bakit ba siya nagagalit? Ano naman kung may kasama nga akong lalaki? Akmang itutulak ko na siya nang may biglang nag bukas nung pinto. Agad kaming napatingin sa pumasok at nagulat ako nang may makita kaming dalawang hindi masyadong katandaan na lalaki at babae na nakatingin sa amin ngayon.
They both look shock nang makita nila ang pwesto namin ni Xander ngayon. Para kasi kaming gumagawa ng kababalaghan sa pwesto namin ngayon. Agad kong itinulak si Xander bago tumayo. Hindi ako makatingin sa kanila dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon. Perfect timing naman yung pag pasok nila.
“What are you doing here Mom and Dad?” tanong ni Xander na nagpagulat sa akin. Nanay at Tatay niya yung dalawang yun? Hindi ako makapag salita dahil sa gulat. Agad kong inayos ang sarili ko dahil pupunta na ako sa kwarto nung kambal. Akmang mag lalakad na ako papaalis nang tawagin ako ng Mama ni Xander.
“Ija, you must be Pearl Maxine Sandoval? The mother of my two cute grandchildrens.” masayang aniya niya bago lumapit sa akin. Kung tingnan niya ako ay parang matagal na niya ako gustong makita.
“Kilala niyo po ako?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Paano naman kaya ako nakilala ng Mama ni Xander. Bukod kay Xandrea at Hunter wala na akong ibang nakilala pa na kamag anak ni Xander.
“Oo naman Pearl, ikinukwento ka sa akin ni Xandrea tuwing magka usap kami sa video call. Kagaya nga ng sinabi ni Xandrea mas maganda ka sa personal. Sobrang saya ko noon nang malaman kong magkaka apo na ako. By the way, nasaan yung mga bata?”Teka, matagal na niya ako kilala?
“A—Ah tulog na po ata yung mga bata. Kakauwi ko lang po kaya hindi po ako sigurado.” aniya ko. Ang pangalan ng Mom ni Xander ay Xandra habang ang Dad naman niya ay Marcus.
“Ah ganun ba, sige bukas ko na lang sila pupuntahan. Kailangan na din naming umuwi dahil may meeting pa si Marcus bukas. Sige na magpahinga na kayong dalawa.” aniya ni Tita Xandra bago niya ako niyakap.
“Pag pasensyahan niyo na si Marcus, kausap niya kase ngayon yung mga ka business partner namin. Dumaan kami sandali dito dahil akala ko ay gising pa yung kambal. Sige aalis na kami, pupunta ako dito bukas ng hapon para makita yung mga apo ko. Tara na honey maaga pa ang gising mo bukas.” huling aniya ni Tita Xandra bago sila lumabas ni Tito Marcus. Pinilit kong hindi matumba kanina habang kausap ko sila. Kanina pa kase talaga ako nahihilo at gusto ko nang matulog. Si Sevy kase umorder ng sandamakmak na alak kanina dahil broken ang babaitang yun. Dahil sa pagod ay napagpasyahan ko nang pumunta sa kwarto nung mga bata dahil sa inaantok na ako.
“Where do you think you're going? We're not done talking Pearl. You still didn't answer my questions.” malamig na aniya ni Xander pero hindi ko siya pinansin. Nag dirediretso ako sa paglalakad at hindi na ako lumingon pabalik sa kaniya. Akmang ihahakbang ko na yung paa ko nang bigla akong matumba. Biglang lumabo ang paningin ko at sumakit ang ulo ko.
“Pearl! What happened?” nag aalalang tanong niya bago niya ako tinulungang makatayo. Pinag papawisan ako ng sobra dahil sa sobrang init. Dahan dahan niyang hinipo ang ulo at leeg ko.
“Napadami ang ininom mong alak. Kailangan mong maligo para mahimasmasan ka. Halika dadalhin kita sa may banyo.” saad nito bago niya ako tinulungang makatayo. Inalalayan niya ako papaakyat ng hagdan. Nagulat ako nang sa kwarto niya ako dinala. Sobrang dilim ng kwarto niya at walang kailaw ilaw dito.
Nagderetso kami papunta sa banyo at pinaupo niya ako sa isang upuan. Grabe na ang pagtulo ng aking pawis habang hinuhubad niya yung damit ko. Ayaw ko mang makita niya ang buong katawan ko pero hindi ako makagalaw. Tinanggal niya yung dress ko pero yung undies ko ay itinira niya. Marahan niyang hinahaplos yung katawan ko habang binabasa niya ito ng tubig. Hindi ko mapigilang mamula dahil nahahawakan niya yung katawan ko.
Ipinikit ko ang aking mata habang dinadama ko yung lamig ng tubig habang ibinubuhos ito ni Xander sa aking katawan. Nang imulat ko ang aking mata, ang aking unang nakita ay siya habang naghuhubad siya ng damit. Madiin siyang nakikipag titigan sa akin bago niya tuluyang tinanggal lahat ng saplot niya maliban sa suot niyang boxer.
Napansin kong may tattoo siya sa dibdib at braso. Ngayon ko lang ito nakita dahil ngayon ko lang siya ulit nakitang nakahubad. Ang tattoo niya sa kanang dibdib ay II-IIIV habang sa kaliwa naman ay IX-XV. Hindi ko maintindihan kung ano ang nakatatto sa dibdib niya. Natigil ang pag iisip ko nang hinaplosin niya ang hita ko bago niya ako binuhat. Hindi na ako umangal dahil sobrang lamig ng tubig. Binuksan niya yung shower at naupo siya sa upuan. Ako naman ay naka upo sa hita niya habang naliligo kaming dalawa. I felt so safe in his arms. Gusto ko man siyang itulak pero sobrang sarap sa pakiramdam habang nakayakap siya sa akin.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata bago niya ibinaon yung ulo niya sa leeg ko. Naramdaman kong gumagapang yung kamay niya patungo sa aking likod at nagulat ako nang tanggalin niya yung hook ng bra ko. Agad akong bumitaw sa pagkakayakap niya pero huli na ang lahat. Natanggal na niya yung bra ko at inihagis niya ito sa kung saan. Dahan dahan niya ding inalis yung panty ko kaya ako'y wala nang saplot kahit isa.
Kita ko ang pamumula ng muka niya nang makita niyang walang ng harang ang aking dibdib at pagkababae. Mas lalo akong nabigla ng hawakan niya ang kaliwang s*so ko. Bumalik ako sa wisyo nang gawin niya ang bagay na iyon. Agad ko siyang itinulak at tumayo mula sa pagkaka upo ko sa hita niya.
“Saan ka pupunta Pearl?” tanong niya habang sinusundan niya ako papalabas ng banyo. Bakit ko ba siya hiyaang gawin muli sa akin ang bagay na iyon. Matagal na kaming wala at alam kong wala na kaming pag asa. Ginawa niya lang ang bagay na iyon dahil sa wala siyang magawa. Agad kong pinulot ang aking mga damit at isinuot ito bago ako lumabas ng kwarto niya. Dahil sa pagmamadali ko ay naiwan ko yung bra at panty ko sa kwarto niya. Gustuhin ko mang bumalik pero alam kong hindi niya ako hahayaang makatakas kapag bumalik pa ako doon kaya hinyaan ko na lang.
_
_
Kasalukuyan akong nandito ngayon sa isang business party dahil inimbitahan ako ni Tita Xandra. Naging successful kase yung project ng kumpanya nila kaya nagpapa party sila ngayon. Kasama ko si Xandrea at Hunter dito sa iisang table habang umiinom kami ng wine. Kanina pa ako nandito pero wala pa din si Xander. Simula nung gabing yun ay hindi na kami nag usap dahil sa hiyang naramdaman ko. Hindi na din naman niya ako kinakausap kaya umasta na lang ako na parang walang nangyari. Yung kambal naman ay iniwan ko kay Travis at Camille. Kasama din nila sa mansion si Ivy at Sean na walang ginawa kundi magsigawan araw araw lalo na kapag magkasama sila.
Habang umiinom ako ng wine ay nahagip ng mata ko si Xander na may kasamang babae habang naglalakad siya papalapit kila Tita Xandra at Tito Marcus. Biglang kumirot ang puso ko dahil sobrang lapit nila sa isa't isa. Napansin siguro nila Xandrea at Hunter na bigla akong nalungkot.
The more na napapatingin ako kay Xander habang kasama niya yung babaeng yun ay parang gusto ko nang umiyak. Ramdam kong papatak na ang luha ko kaya nag paalam ako kay Hunter na mag babanyo lang ako sandali bago ako umalis. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makarating ako dito sa garden nila. Umupo ako sa gilid ng fountain bago ko ibinuhos ang aking luha. Kahit ilang beses kong sabihin na hindi ko siya mahal, ay mahal ko pa rin talaga siya. Patuloy pa rin ang pagtulo ng aking luha, buti na lang walang tao dito.
Ilang minuto din akong naupo doon bago ako nakaramdam ng lamig. Naka fitted black dress lang ako at wala akong dalang coat. Nilalamig man ako pero hindi ako papasok sa loob. Ayaw kong makita nila akong umiyak dahil lang sa may kasamang babae si Xander. Habang nagmumuni muni ako ay nagulat ako ng may biglang nag abot sa akin ng coat. Nang mapatingin ako kung sino ito ay napagtanto kong ito yung lalaki kanina sa loob. Katulad ko matalim din ang tingin niya kanina kay Xander at dun sa babaeng kasama nito.
“Nasaktan ka ba nung nakita mo siyang may kasamang iba kanina?” tanong niya bago umupo sa tabi ko. Alam niyang may naging past relationship kami ni Xander. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba yung tanong niya. Nasaktan ako ng sobra dahil mahal na mahal ko si Xander pero may kasama siyang babae.
“Oo aaminin ko nasaktan ako, pero wala nanaman akong karapatang pigilan siya sa gusto niyang gawin. May anak kami at iyon na lang ang dahilan kung bakit kami nagkakasama. Wala na kaming pag asa kahit magpumilit pa ako sa kaniya.”malungkt na aniya ko bago ko isinuot yung jacket.
“I feel you Pearl, sobrang sakit para sa akin na makitang masaya si Isabella sa kamay ni Xander. Wala naman akong magagawa dahil wala na akong karapatang mag selos dahil hiwalay na kami.” malungkot na saad niya bago yumuko. Ang tinutukoy niya bang Isabella ay yung babaeng kasama ni Xander? Kaya pala sobrang talim ng titig niya sa kanila kanina.
We ended up talking about our exes. Nalaman ko din na Alvin ang pangalan niya. Ex niya si Isabella at nag cheat siya dito pero pinagsisihan niya lahat ng ginawa niya. Mahal na mahal niya ito kaya nasasaktan siya kapag nakikita niya itong masaya na sa kamay ng ibang lalaki. Ngayon lang niya ako nakilala pero nag open na siya sa akin ng mga problema niya. He's a great listener at alam kong deserve niya pang bigyan ng second chance. Ikinwento ko sa kaniya yung tungkol sa amin ni Xander at sinabi ko din sa kaniya kung gaano ko kamahal si Xander. Tuwing naaalala ko lahat ng sinabi sa akin ni Xander noon ay naluluha na lang ako. Pagkatapos ng halos isang oras na pag uusap namin ay napagpasyahan na naming bumalik sa loob dahil sa medyo umaambon na.
“Tara pumasok na tayo, baka magkasakit tayo kapag nagpa ambon tayo.” aniya niya kaya agad kaming pumasok sa loob. May mahabang hallway pa kaming dadaanan bago kami makarating sa mismong party event kaya nag kwekwentuhan pa rin kami habang naglalakad kami.
“Alam mo ang swerte ni Isabella sayo. Napaka bait mo na ang gwapo mo pa.” pambobola ko sa kaniya. Agad naman itong tumawa.
“Ikaw ha binobola mo pa ako. Pero kung magkakaroon man ako ng pagkakataong mahalin niya muli ako, hinding hindi ko na siya pakakawalan pa. She deserves to be treated like a queen.” Nakakatuwa dahil mahal na maha niya talaga si Isabella. Sana marealize ni Isabella na handang mag bago si Alvin para sa kaniya.
Habang nag uusap kami ni Alvin ay napatigil ako sa paglalakad. Naalala ko na medyo kumalat nga pala yung make up ko dahil sa pag iyak ko kanina. Kaya pinauna ko na siyang bumalik sa venue habang ako naman ay nagtungo sa cr. Medyo naiihi pati ako kaya agad akong pumasok sa loob. Binuksan ko yung isang cubicle at umihi doon. Nang matapos na akong umihi ay agad akong lumabas sa cubicle at binuksan ko yung dala kong slim bag. Nasa loob kase nito yung lipstick ko at eyeshadow. Naghilamos muna ako ng muka bago ako nagsimulang mag ayos ng aking sarili.
Nang matapos na ako ay agad ko itong ibinalik sa loob ng aking bag at akmang lalabas na ako ng pinto ng bigla itong bumukas at ipinasok ulit ako nung taong nagbukas pinto sa loob. Sira*lo yun ah? Muntik na kaya akong mauntog dahil bigla bigla niyang binubuksan yung pinto. Sisigawan ko na sana ito pero natahimik ako nang makita kong si Xander ito. Matalim siyang nakatingin sa akin habang nanlilisik ang mga mata niya. Anong ginagawa niya dito? At papaano niya nalamang nasa loob ako ng restroom?
“So you left the party just to flirt with that bastard. Are you f*cking serious Pearl?!” galit na saad niya sa akin. Anong pinagsasasabi nitong lalaking ito? Nananahimik ako dito tapos bigla bigla na lang siya magagalit? Siya nga itong may kasamang babae kanina tapos siya pa ang may ganang magalit?
Dahil sa inis ay agad ko siyang nilampasan pero napatigil ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso.
“Why are you doing with that f*cking bastard?! And why are you wearing his coat? Did you flirt with him?” sunod sunod na tanong niya sa akin. Mas lalo lang akong nainis sa kaniya kaya nagtuloytuloy na lang ako sa paglalakad. Akmang bubuksan ko na yung pinto ng bigla siyang nagsalita.
“Hindi mo sasagutin ang tanong ko? Don't make me mad Pearl. Alam mo naman siguro ang kaya kong gawin lalo na kapag nag seselos ako. Huwag mong hayaan na maubusan ako ng pasensya at pat*yin ko yung lalaking yun sa harapan mo.” malamig na saad niya na nagpatigil sa akin sa paglalakad. Nagseselos siya? At bakit? Wala na siyang nararamdaman para sa akin diba? Bakit ba siya ganun?
“At bakit ka naman mag seselos? Wala ka namang pakielam at nararamdaman para sa akin diba? Kaya tigilan mo na ako!”pabalik na sigaw ko sa kaniya. Nagulat ako nang bigla niyang hinapit ang bewang ko at inilapit niya ang katawan ko sa katawan niya.
“You are mine Pearl. That's why I'm jealous. Please don't leave me.” aniya niya bago niya ako niyakap ng mahigpit. Ilang taon na din since nung huli niya akong sinabihan ng mga salitang iyan. Hindi ko maikakailang na miss ko ito pero handa na nga ba akong patawarin siya? Natatakot akong baka lokohin niya ako muli. Mahal ko pa siya pero natatakot akong masaktan muli.
To Be Continue×
× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)
By: Yeliah Writes
Wattpad Acc: queen_yeliah
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro