Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

“Mommy let's watch a movie.” aniya ni Xhantel habang nakahawak sa laylay ng dress ko. Kanina niya pa ako inaaya kaya this time pumayag na ako. Agad ko itong binuhat at naglakad na kami papunta sa sala. Kasalukuyan kaming nandito sa mansion ni Xander dahil simula nung natapos na ang operasyon ni Xhantel ay lagi na nilang hinahanap si Xander.

Gusto din naman silang makasama ni Xander kaya pumayag na lang ako. Maayos na ang relasyon niya sa mga bata pero wala na talaga kaming pag asang magkabalikan. Sinabi niya sa akin na hindi na daw kami pwedeng magkaroon ng relasyon dahil may minamahal siyang iba. Gusto niya lang talaga makasama yung kambal kaya kami nandito sa mansion niya ngayon. Nirespeto ko naman yung desisyon niya dahil wala akong karapatan tumanggi. Mahal ko pa siya pero kung hindi na niya ako kayang mahalin ay wala akong magagawa.

“Aling Sali padala po nung mga pagkain sa sala.” saad ko bago kami tuluyang makalabas mula sa kusina. Naabutan kong naka upo na si Xavier sa sofa habang hinihintay kami ni Xhantel. Agad kong ibinaba si Xhantel sa may sofa para makapag simula na kaming manood. Nang bubuksan ko na yung Tv ay may biglang nagsalita mula sa likuran namin.

“Are you going to watch a movie?” tanong ni Xander habang inaayos yung kwelyo ng damit niya. Aalis siya? Saan kaya siya pupunta?

“Daddy you're not gonna watch the movie with us? I thought you said that you're gonna stay here with is today?” malungkot na tanong ni Xhantel sa ama niya. Nangako kase si Xander sa kambal na manonood ito ng movie kasama sila. Pero marami kasing meeting si Xander kaya naintindihan ko naman.

“Anak marami kasing meeting si Daddy niyo kaya kailangan niya umalis ngayon.” aniya ko. Nagulat ako ng biglang hubadin ni Xander yung coat niya. Anong ginagawa niya? Malalate na kaya siya.

“Okay I'll stay here baby, so what movie are we gonna watch?” aniya niya bago umupo dun sa tabi ng kambal. Nabigla ako dahil hindi na siya umatend ng meeting para manood ng movie. Umupo na lang din ako sa tabi nila at nagsimula na kaming manood ng movie. Kitang kita ko kung gaano kasaya yung kambal habang kasama yung ama nila. Masakit man sa akin na palagi kong nakikitang may kasamang babae si Xander pero ayaw ko namang ilayo yung mga bata sa kaniya dahil lang sa nasasaktan ako. Handa akong tiisin lahat ng sakit maging masaya lang yung kambal.

_

_

Kasalukuyan akong nagma-make up dahil may pupuntahan kami nila Camille ngayon. Ilang taon na din kase ang nakalipas simula nung huli namin nakita si Sevy. Isa siya sa naging kaibigan ko nung napasok pa kami sa school. Matagal na kaming hindi nagkikita dahil nabuntis na pala siya nung math teacher namin. Matagal na niya kaseng sinisinta si Sir Tyler at mabuti naman dahil sila ang nagkatuluyan. Si Crystal naman ay niligawan nung doctor sa clinic namin. Napagpasyahan naming magkita kita ngayon sa isang resto-bar para makapag chikahan.

Nang matapos na ako mag make up ay agad kong sinuot yung red fitted dress ko. Nag chat na sa akin si Camille kanina at papunta na daw siya dun. Kaya nag mamadali akong nagsuot ng slim bag bago lumbas mula sa kwarto ko. Nasabi ko nanaman kay Xander na may pupuntahan ako kaya siya muna ang mag aalaga sa mga bata. Pumayag naman siya at nagpa alam na din ako sa mga bata.

Hinalikan ko na sila Xhantel at Xavier sa noo bago ako lumabas sa mansion. Nagpahatid ako sa driver papunta sa restaurant dahil baka ma late pa ako. Ilang minuto din ang nakalipas bago ako makarating sa Kiel's Resto-Bar. Nirecommend nila ito sa akin dahil maganda daw ito. Agad akong nagpasalamat sa driver bago bumaba. Pumasok na ako sa loob para hanapin sila pero hindi ko sila makita. Agad akong lumapit sa isang waitress at tinanong ko ito kung may nagpa reserve ba dito ng table na may pangalang Camille. Agad nila akong sinamahan papasok sa isang private room kung saan nag iinom sila Camille, Hannah at Sevy. Nag iinom na agad sila? Hindi pa nga kami nakakapag kwentuhan lasing na agad sila.

“Pearl, finally you're here. It's been so many years since we all last met. I miss you.” masiglang bati sa akin ni Sevy bago niya ako niyakap. Katulad ng dati, masayahin pa rin siya. Mas lalo siyang gumanda ngayong may asawa't anak na siya.

“Hello namiss din kita Sevy. Kamusta ka na?” tanong ko bago kami umupo sa upuan. Ipinag salin agad ako ni Camille ng alak at inabot niya ito sa akin. Alak agad? Kakarating ko agad papatagayin na agad nila ako. Pero wala naman akong nagawa kundi inumin ito dahil ayaw kong maging k*ll joy. Grabe! Ang pait naman nitong alak na ito? Katas ba ito ng ampalaya?

“Bakit naman ganito ito kapait? Saka bakit nag iinom na tayo kaagad? May mga problema ba kayo?” tanong ko sa kanila havang patuloy pa din ang pag lagok nila sa alak.

“Sorry naman, si Tyler kase galit sa akin ngayon. Ilang beses na akong nag sorry pero hindi niya pa rin ako kinakausap.” malungkot na aniya niya. Ibig sabihin mag kaaway sila ni Sir Tyler? Sabagay lagi naman silang nag aaway. Parang silang aso't pusa.

“Mag kaaway kami ni Tanner ngayon, hindi siya umuwi ng bahay kagabi dahil may kasama siyang babae. Kaya pala ayaw niya akong sunduin kahapon dahil mag ka date sila nung babae niya.” malungkot na saad ni Hannah bago lagokin yung isang baso na puno ng alak. Pati si Hannah broken hearted din?

“Matagal na kaming break ni Travis pero mahal ko pa din siya. Masakit na palagi ko siyang nakikitang may kasamang ibang babae. Hindi ko mapigilan ang sarili kong magselos kahit alam kong wala na kaming pag asa.” hindi makapaniwalang napatingin ako kay Camille nang sabihin niya iyon. Akala ko ba mag kaaway lang sila nung nakaraan? Bakit ngayon hiwalay na silang dalawa?

“Ikaw Pearl? Umaasa ka pa bang magkakabalikan pa kayo ni Xander? Tinanggap niya yung kambal diba? Baka tanggapin ka niya muli.” aniya ni Sevy. Sa totoo lang kung iisipin wala na talaga kaming pag asa. Hindi na niya ako babalikan dahil may mahal pa siyang iba. Kailangan ko na lang tanggapin na hindi na kami pwede.

“Wala na kaming pag asa. Kailangan kong tanggapin na kaya lang kami nagkakasama ngayon ay dahil dun sa kambal. Saka mukang hindi na siya interesado sa akin. Palagi ko siyang nakikitang may kasamang babae at nakikipag halikan pa siya sa mga iyon.” totoo yun. Ilang beses ko na siya nakitang may kahalikan na babae. Pinipigilan ko ang sarili kong lumuha dahil ayaw kong malaman niya na may nararamdaman pa ako sa kaniya.

“Pero mas lalo kang masasaktan kapag araw araw kayong magkikita.”  saad ni Sevy habang umiinom kami ng alak. Hindi ko na nilalasahan yung alak at uminom na lang ako ng uminom para mabawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Nasasaktan ang puso ko tuwing naiisip kong walana kaming pag asa pang mag mahalan muli.

“Nasasaktan ako pero masaya kase yung kambal kapag kasama siya. Matagal na nilang gusto makasama yung ama nila at ayaw ko naman silang pagkaitan na maging masaya.” kung hindi lang dahil sa mga anak ko ay matagal na akong umalis sa mansion niya.

“Pero sigurado ka na bang wala na siyang nararamdaman para sayo? Malay mo mahal ka pa rin niya ayaw niya lang sabihin.” nakangising aniya ni Sevy. Kung makatingin siya ay parang may binabalak nanaman itong babaeng ito. Huwag naman sana kalokohan. Mahilig din kase siya gumawang kalokohan noon kapag pinagseselos niya si Sir Tyler at gumagana naman.

“Oo nga Pearl hindi ka pa sigurado. Kita ko kung gaano katalim ang titig sayo ni Xander nung mag kayakap kayo ni Timothy.” aniya ni Camille na mas lalong nagpalaki ng ngisi ni Sevy. Nagulat ako nang may bigla siyang nilabas na paper bag at inilagay niya ito sa lamesa. Ano kayang nasa loob nung paper bag na iyon? Ano nanaman kayang binabalak ni Sevy?

Nang buksan niya ito ay mayroon lang pala itong laman na pabango ng lalaki. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko baka bomba yun.

“I have an exquisite plan. What if pag selosin natin si Xander gamit yan.” saad niya sabay turo dun sa pabango. Ha? Pagseselosin namin si Xander gamit ang pabango? Teka, hindi ko ma gets. Papaano naman namin gagawin yun?

“Pagseselosin ko siya gamit ang pabango? Paano?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Paano naman kaya magseselos si Xander gamit ang pabango lang?

“The plan is simple Pearl. All you have to do is spray this all over your body. Pagkatapos nun ay magpanggap kang lasing kapag naka uwi kana. Lumapit ka sa kaniya and make sure na maaamoy niya yung pabango. Kapag nagawa mo na yun at wala pa rin siyang pakielam ay ibig sabihin non ay wala na siyang nararamdaman para sayo.” pagpapaliwanag ni Sevy sa plano niya. Agad namang sumang ayon si Camille at Hannah sa plano niya. Habang ako ay hindi ko alam kung gagawin ko ba o hindi. Baka kase wala na talaga siyang pakielam sa akin. Masasaktan lang ako kapag wala siyang naging reaksyon. Ayaw kong umasa dahil sino ba naman ako para magselos siya kung may kasama man akong mga lalaki. Matagal na siyang walang pakielam sa akin.

“Huwag na Sevy, ayaw kong umasa dahil masasaktan lang ako. Okay na ako na nagkakasama kami kahit wala na kaming relasyon.”pag tanggi ko. Kumuha ako muli ng alak at ininom ko ito. Hindi na sila sumagot at itinuloy na namin ang pag iinuman.

Inabot ata kami ng alas onse sa pag iinuman. Nag kwentuhan kami tungkol sa mga ginawa namin nung napasok pa kami sa university. Nawala ang lungkot ko nung pinagusapan namin lahat ng mga nangyari sa buhay namin. Masaya ako ngayon dahil nakasama ko silang muki kahit naging busy na kaming lahat dahil may mga pamilya na.

“Sh*ta alas onse na pala? Yari ako kay Tyler nito.” kinakabahang aniya ni Sevy habang binubuksan yung cellphone niya. Pinatay niya ito kanina para daw hindi kami istorbohin ni Tyler. Nagulat kaming lahat ng makita namin kung gaano karami yung miss calls ni Tyler.

Si Camille naman ay tinadtad ni Travis ng chat nang malaman nitong hindi pa umuuwi si Camile. Si Hannah naman ay kinakabahan ngayon habang kausap si Travis. Tinatanong ni Travis kung nasaan siya ngayon para sunduin. Samantalang ako wala man lang kahit isang miss call galing kay Xander.

Bakit nga ba ako umaasa. Wala na siyang pakielam sa akin at dapat huwag na akong umasa. Nagmamadali silang nag ayos bago kami nagbayad. Akamang lalabas na ako ng pinto nang bigla akong harangin ni Sevy. Nang mapatingin ako sa kaniya ay nakangisi nanaman siya. Bakit parang hindi na siya natatakot ngayon? Akala ko ba kinakabahan na siya dahil sa missed calls ni Sir Tyler?

“Para naman hindi lang kaming tatlo ang papagalitan ngayon magpabango ka na din.” pamimilit ni Sevy. Pilit akong tumatanggi pero pinipilit niya ako ng pinipilit. Kaya agad ko nalang itong kinuha at nagpabango ako. Sobrang tapang naman ng amoy nito! Hindi naman ganito katapang ang pabango ni Xander ah? Nang mapatingin naman ako sa gawi ni Camille at Hannah ay parehas silang hindi mapakali.

“Goodluck sayo Pearl, mag isip ka na ng palusot mo kay Xander kapag naamoy niya yan.” nakangising aniya ni Sevy. Bigla siyang natahimik nang may kulay gray na BMW ang pumarada sa tapat namin. Lumabas mula sa kotseng iyon si Sir Tyler habang masama ang hilatsa ng muka. Agad na naglakad si Sevy papalapit sa kaniya at pumasok na sila sa loob.

Maya maya lang ay naka alis na sila Camille at Hannah dahil sinundo sila nung mga jowa nila. Ako na lang ang nakatayo dito habang naghihintay ako ng taxi. Agad akong pumara ng taxi at sumakay na doon. Isinandal ko ang ulo ko sa may sandalan dahil ngayon ko nararamdaman yung hilo. Napasobra ata kami sa pag iinom kaya lasing na lasing ako. Pero pinilit ko ang sarili kong hindi makatulog dahil kailangan kong maka uwi. Baka kanina pa ako hinahanap nung kambal.

Agad akong nag bayad at nagpasalamat dun sa driver ng taxi bago bumaba. Pinagbuksan ako nung mga gwardiya ng gate at pumasok na ako sa loob. Naabutan kong patay na ang mga ilaw at wala nang tao. Mabuti naman tulog na sila. Hinubad ko yung heels ko para hindi ako makagawa ng ingay. Akmang maglalakad na ako ng may biglang nagsalita. Hindi ko makita kung saan ito nang gagaling dahil sa sobrang dilim.

“Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?” malamig na tanong nito. Parang familiar yung boses niya. Nagulat ako ng biglang bumukas yung mga ilaw at naabutan kong naka upo si Xander sa may sofa habang madilim na nakatingin sa akin. Bakit gising pa siya? Anong oras na ah?

“Bakit gising ka pa?” tanong ko. Nabigla ako ng mas lalong umintig ang panga niya.

“Answer my questions first Pearl! Saan ka galing at bakit ngayon ka lang umuwi!?” sigaw niya habang papalapit siya sa akin. Agad akong napa igtad dahil ngayon niya lang ulit akong sinigawan.

“Galing ako sa bar, bakit ba kailangan mo pang malaman? Hindi naman kita asawa at wala tayong relasyon diba? Inaantok na ako kaya huwag mo na akong guluhin.” aniya ko at akmang lalagpasan ko na siya nang bigla niya akong higitin at isinandal niya ako sa pader. Galit ko siyang tinitigan pero nagulat ako nang mawalan nanaman ng emosyon yung muka niya.

“Who are you with? Bakit amoy pabango ka ng lalaki? Sinong kasama mong lalaki kanina Pearl?! Answer me!?” galit na sigaw niya habang umiintig ang panga nito. Hindi ako makagalaw sa takot dahil alam kong pwede niya akong saktan lalo na't nawalan nanaman siya ng emosyon. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam ang gagawin ko. Kailangan ko na bang tumakbo? Para kaseng gusto na niya akong kainin dahil sa selos.

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro