Chapter 11
“Xander nagluluto ako mamaya mo na ako yakapin” saway ko sa kaniya dahil nakayakap ito habang nagluluto ako ng kakainin namin. Nandito pa din kami sa hotel ngayon at mag iisang buwan na kami dito.
“No, I want to hug you.” pag pupumilit niya kaya wala akong nagawa kundi hayaan siya. Kagabi pa siya nakayakap sa akin hindi pa ba siya nagsasawa? Maayos na kami ngayon at hindi na kami masyadong nag aaway. Palagi na ulit siyang sweet sa akin.
“Baby we're going back to the villa tomorrow. Baka gusto mong mag shopping mamaya? Para may bago kang damit, sapatos at bag.” malambing na saad niya habang naka subsob ang muka niya sa may leeg ko. Bagong damit nanaman? Pero kung iisipin ko, wala pa akong bagong damit na nabibili ngayong buwan. Hindi naman kase kami lumalabas ni Xander dito sa hotel.
“Sakto parang nasa mood ako mag shopping ngayon. May gusto kase akong bilhin na bag. Nakita ko sa post ng Gucci Page yung latest nilang bag. Okay lang ba kung bilhin ko yun?” tanong ko sa kaniya. Sa ngayon wala pang nakakabili non dahil sa nakakabutas ng bulsa ang presyo ng bag na iyon. Pero gusto ko talaga yun eh, sana pumayag si Xander.
“Hmm... you want another Gucci bag? Okay I'll buy it for you but give me a kiss first.” he said while pouting. Agad ko naman siyang hinalikan sa labi at ngumiti.
“Okay if my baby wants that bag, we're gonna get it.” he said sweetly. Itutuloy ko na sana ang pagluluto ko ng maalala kong magkikita nga pala kami ni Camille at Hannah ngayon. Matagal na kase kaming hindi nagkikita kaya napagpasyahan naming mag meet up ngayon. Si Hannah naman ay naisipan kong isama para makilala niya na si Camille. Napag usapan na din namin na isasama namin yung mga boyfriend namin para makilala na nila ang isa't isa . Nacucrious nga ako sa boyfriend ni Camille, hindi niya pa pinapakilala sa akin. Pero sinabi niyang malalaman ko daw ito kapag nagkita na kami.
“Xander okay lang ba kung makipag kita muna ako kay Camille at Hannah bago tayo bumili ng bag. Ilang buwan na din since nung huli kaming nagkita eh. Miss na miss ko na sila.” aniya ko. Simula kase nung naging kami na ni Xander ay lagi lang akong nasa bahay dahil delikado kapag lumabas ako. Pero wala na naman sigurong magtatanka sa buhay ko ngayon.
“Okay, we'll meet her later but first kumain muna tayo. Nagugutom na ako.” nakangusong saad niya. Kaya ipinagpatuloy ko na yung niluluto ko at naghain na din ako. Nagsimula na kaming kumain at nag usap.
_
_
Kasalukuyan akong nag ma-make up ngayon ng biglang lumabas mula sa banyo si Xander. Hindi ko mapigilang mapapatitig sa kaniya. Sobrang gwapo niya habang tumutulo ang tubig mula sa buhok niya hanggang sa malalaking abs niya. Teka? Pinagnanasahan ko ba siya?
“Done staring at me baby. I know I'm hot but don't worry baby, I'm only yours.” he said smirking. Bigla akong namula dahil sa sinabi niya. Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya at itinuloy ko nalang yung pag ma-make up ko. Naglalagay ako ng eyeliner nang bigla niya akong halikan sa leeg.
“You smell good as always baby. I can't stop smelling you.” he said while sniffling me.
“Siyempre naman. Magbihis kana Xander baka malate tayo.” ani ko sa kaniya. Akmang maglalagay na ako ng eyeshadow ng bigla siyang magsalita.
“Ubos na ang mga make up mo?” tanong niya habang nakatingin sa eyeshadow palette kong napudpod na. Favorite ko kase yung eyeshadow na yun kaya yun ang lagi kong ginagamit. Tapos yung lipstick ko ay paubos na rin.
“Palagi ko kaseng ginagamit kaya paubos na.” saad ko habang naglalagay ng eyeshadow.
“Ganun ba? Let's buy a new one later.” he said before walking into his closet. Kumuha siya ng damit doon at tinanggal niya na yung towel. Nagtaklob ako ng mata dahil makikita ko yung alaga niya. Bakit kase dito pa siya nagbihis!
“Why are you covering your eyes baby? You already see my c*ck remember?” nakangising saad niya habang papalapit siya sa akin. Hindi ko ito nakikita pero naaalala ko kung gaano kalaki yun. Yun ang dahilan kung bakit sobrang sakit ng k*pay ko nung first time naming gumawa ng milagro.
“Magbihis ka na lang Xander. Anong oras na oh, baka nag aantay na sila Hannah at Camille doon.” aniya ko sa kaniya habang nakatakip pa rin ang mata.
“I'm done na baby. Pwede mo nang tanggalin yang takip sa mata mo.” aniya niya kaya agad kong tinanggal yung kamay ko sa pagkakatakip sa mata ko. Naka suot na siya ng damit at nagsusuklay na ito ng buhok.
Maya maya lang ay natapos na ako sa pag ma-make up at kinuha ko na yung favorite kong black heels. Naupo na ako sa sofa at tinawag ko si Xander.
“Xander?”
“Yes baby?” tanong niya habang nagbabasa ng libro. Nainip siguro siya kanina habang iniintay ako.
“Suotan mo ako ng sapatos.” nakangiting saad ko sa kaniya. Agad niya namang binitawan yung libro at kinuha yung heels ko. Nabigla ako ng halikan niya yung paa ko bago niya isuot yung heels sa paa ko.
Nang matapos na kami ay lumabas na kami sa hotel at pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse. Pumasok naman ako kaagad dahil nabasa ko sa chat ni Camille na nandoo na daw sila ni Hannah. Kami na lang ni Xander ang iniintay nila.
Tahimik lang kami sa biyahe ni Xander. Hinihimas himas niya yung hita ko habang pinipisil pisil. I can't stop myself from staring at him. He's so perfect. Napapa isip nga ako ng how could a guy like him is obsessed with someone like me. Normal na babae lang naman ako. Samantalang siya, napaka gwapo niya maraming babae ang nangangarap na maging girlfriend niya.
“Why are you staring at me again baby?” tanong niya habang patuloy pa din siya sa pagmamaneho.
“Wala naman, napapa isip lang ako kung bakit sa dinami dami ng babae bakit ako ang nagustuhan mo?” tanong ko na kumuha sa atensyon niya.
“Because you are you. Maraming babae pero ikaw talaga yung gusto ko. Simula nung una kitang makita, tumibok ng malakas ang puso ko. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba. Kailangan muna nila akong pat*yin bago ka nila makuha. And i love everything about you. Kahit umiiyak ka ay nakakatunaw pa din ang ganda mo.” aniya niya.
“Sigurado ka na bang ako yung gusto mo?” tanong ko sa kaniya.
“Yes at hindi na magbabago ang desisyon ko.” he said before kissing my lips. Why did he have to be so perfect? And do i deserve a guy like him?
Natahimik na lang ako dahil sa sinabi niya. Ilang minuto rin ang nakalipas bago kami nakarating sa restaurant kung saan kami magkikita nila Hannah at Camille.
Nang makapasok na kami sa restaurant ay nakita ko na agad si Camille at Hannah na ngayo'y kumakaway na sa amin. Napansin kong magkasama si Tanner at Hannah. Sa wakas ay umamin na fin yung lalaking yun. Pero bigla akong napatigil nang makita ko kung sino yung kalapit ni Camille. Mukang nagulat din siya at napa iwas ng tingin. Agad akong lumapit sa kanila at madiin na tiningnan si Travis na ngayo'y mukang natatakot.
“Travis what are you doing here?” malamig na tanong ni Xander kay Travis. Hindi siya makatingin sa amin ni Xander. Talaga naman itong lalaking toh! Andami niyang pwedeng jowain pero si Camille pa talaga ang nagustuhan niya?
“Kilala niyo siya? By the way sissy, meet my boyfriend, Travis” pagpapakilala niya kay Travis. Hindi ako makapaniwalang siya ang jowa ni Camille ngayon. Parang noon lang ay nagrereklamo pa si Travis dahil hinampas daw siya ni Camille ng baseball bat noong pinasok nila ang bahay ni Camille habang si-sleep over kami. Naupo na kami sa upuan at umorder ng pagkain.
“Sinunod ko yung advice mo Pearl. Umamin na ako kay Hannah at ngayon ay sinagot na niya ako.” nakangiting aniya ni Tanner habang hawak hawak ang kamay ni Hannah. Natatawa naman ako kay Travis dahil pinagpapawisan siya habang malamig na nakatingin si Xander sa kaniya.
“Kayo ilang weeks na kayong magka relasyon?” tanong ko kila Travis at Camille.
“Mag ti-three month na po kami Ma'am Pearl.” aniya ni Travis habang nagpupunas ng pawis.
“Naiinitan ka ba Travis? Bakit ka pinapawisan, may aircon naman diba?” saad ni Xander habang umiinom ng tubig.
“Okay lang ako Sir, nakakatakot kase yung titig ni Ma'am Pearl.” aniya niya na nagpatawa sa aming lahat.
“Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan kaibigan ko Travis.” pagbabanta ko sa kaniya na nagpatawa kay Xander at Camille.
“Yes po Ma'am. Hindi ko po sasaktan ang kaibigan niyo. Mahal na mahal ko po si Camille.” ani niya. Mabuti naman kung ganun. Napapa isip ako, papano kaya sila nagkakilala ni Camille. Feeling ko na love at first hampas siya ni Camille.
Maya maya lang ay dumating na yung order namin at nagsimula na kaming kumain. Marami kaming inorder na pagkain para sa aming lahat. Nakakatuwa dahil sinusubuan ni Tanner si Hannah habang kumakain ito. Si Travis naman ay pinupunasan yung labi ni Camille. Habang ako naman ay sinusubuan ko si Xander habang hawak hawak niya mula sa ilalim yung hita ko. Sana lang huwag nilang saktan ang mga kaibigan ko.
Habang kumakain kami ay biglang tumunog yung cellphone ni Xander. Agad niya itong kinuha at inexcuse niya yung sarili niya para sagutin ito.
“Pearl, lagi bang galit si Sir Xander? Para kaseng lagi siyang seryoso?” tanong ni Hannah.
“Lagi lang ganon si Kuya Xander. Pero sigurado akong may clingy side yan kay Pearl.” ani ni Tanner habang kumakain.
“Oo lagi lang siyang nakasimangot pero napaka clingy ni Boss. Lagi siyang humingi ng halik kay Ma'am Pearl kahit nasa meeting siya. Diba Ma'am Pearl?” ani naman ni Travis. Kailangan pa talaga nilang sabihin yun?
“Alam mo Pearl nung nalaman kong naging boyfriend mo si Mr Xander nacurious ako. Para kaseng narinig ko na yung pangalan niya. Sinearch ko yung pangalan niya at doon ko nalaman na pagmamay ari niya yung academing pinapasukan niyo ni Hannah. May ari din siya ng mga successful na company dito sa pilipinas. Pero tanong lang, saan kayo nagkakilala?” tanong ni Camille. Bigla akong nanigas dahil sa sinabi niya. Paano ko ba ipapaliwanag yun. Hindi ko namam pwedeng sabihin na nak*dnap ako at may nangyari sa amin tapos boom naging kami. Napaiwas ako ng tingin sa kanila at sinimulan ko nang mag isip ng palusot.
“Ahh ano nagkakilala kami ni Xander s—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang bumalik si Xander at mukang balisa siya. Anong nangyari? May emergency meeting nanaman ba siya ngayon?
“Baby i have to go, I'm so sorry hindi kita masasamahan ngayon. May kailangan akong puntahan at importante ito. Here's my black card, buy everything you want.” aniya niya bago ako halikan sa labi at umalis na siya kaagad. May emergency nga siguro. Kaya ko namang mag shopping mag isa kaya okay lang.
“Ganun talaga siya lagi, madami siyang gawain kaya sanay na ako.” saad ko. Napatingin naman ako kay Travis na mukang nababalisa din. Ano bang nangyayari sa kanila? Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy ko ang pag kwekwentuhan namin nila Camille at Hannah.
_
_
XANDER ETHAN'S POV:
I was busy eating with my girlfriend with her friends when someone call me. It was Sean, i excuse myself and answered his call.
“Boss, she's back.” saad ni Sean na nagpatigil sa mundo ko. What? Bakit bumalik siya?
“What do you mean she's back?” i said irritatedly. Bakit ngayon pa siya bumalik?
“Her secretary called me at gusto ka daw niya maka usap. She's waiting for you at the your mansion Sir.” aniya ni Sean. Agad kong pinatay yung tawag at nagmamadaling pumasok. Agad akong nagpaalam kay Pearl at ibinigay ko sa kaniya yung isa kong black card. Siya na ang bahalang bumili ng mga gamit na gusto niyang bilhin.
My heart is beating like crazy. Bakit pa siya bumalik? Kung kailan nandito na si Pearl saka pa siya bumalik? I don't know what to say. Hindi ko din alam ang gagawin ko kapag nakita ko na siya.
To Be Continue×
× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)
By: Yeliah Writes
Wattpad Acc: queen_yeliah
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro