CHAPTER 4: A date with my Beloved MOM
KIER'S POV
Takte naman oh!! Aba't nagawa talaga akong takasan ng malanding Lewis na yun!! Arrgghh!! Gumagaling na ba talaga siya o sadyang nagiging rusty na ang skills ko sa pagdedetect?
Arrrhggghhh!!! Badtrip!!
Makauwi na nga!!
Tinignan ko ang oras at nakitang alas sette na pala kaya mejo dumidilim na..
Ang bilis naman ng oras!!
7 na agad!!
Me ged!!
Kung tinatanong niyo pala kung asan ung iba ko pang ka grupo eh hayun...
Nauna na silang umuwi dahil may mga aasikasuhin pa daw sila sa mga bahay nila...
Napasigh nalang ako bago tumungo sa kotse ko...
Agad akong sumakay dito at pinaharurot ng mabilis pero kung minalas nga naman oh...
NAABUTAN AKO NG TRAFFIC!!!
May natumba daw kasing ten wheeler truck at may mga nasugatan din kaya hayun...
2-1/2 hours later
21:30 pm
'PUTANG INA!!! HINDI PA BA TAPOS UNG GINAGAWA NILA DUN!!!
E SA DALAWA'T KALAHATING ORAS NA AH!!! LETCHE!!!
UBOS NA PASENSIYA KO!!!!
KASALANAN TO LAHAT NI LEWIS!!! KUNG DI SANA SIYA TUMAKBO AY KANINA PA SANA AKO NASA BAHAY HINDI IYONG NAKAISTOCK AKO SA PESTENG TRAFFIC NA TO!!! HUMANDA KA TALAGA SAKIN BUKAS LEWIS!!!' Inis na inis kong sabi sa sarili ko
Tumingin ako sa labas ng kotse ko at nakitang hindi lang pala ako ang nagagalit kundi kaming lahat na naistock dito sa daan...
30 minutes more
Pagkalipas ng 30 minutes pa ay ok na..
At dahil sobrang badtrip ako ngayon ay agad kong punaharurot ng napakabilis ang kotse ko...
Pagkalipas ng 15 minutes ay nakarating na ko sa bahay...
Pagpasok na pagpasok ko palang sa loob ng mAnsion ay bigla akong napaalala..
Para kasing may nakalimutan ako eh..
Di ko lang matandaan kung ano...
Hayst ewan, kakatamad mag isip..
Pagod ako ngayon...
Aakyat na sana ako sa taas ng may magsalita...
"Welcome back young master... Bakit ngayon lang po kayo? Kanina ka pa po hinihintay ng mommy mo..." Sabi ni Butler Rex
"*sigh* where's she? Wag mong sabihing nakatulog nanaman siya sa sala sa kakahintay sakin?" Tanong ko sa kanya
"Exactly young master...nanood po silang tatlo nila dad mo at Kurt ng movie na 3 IDIOTS kanina dun sa family room pero nang matapos po iyon ay nauna na sila dad mo at Kurt na matulog pero nagpaiwan mommy mo dahil hihintayin ka daw niya pero nakTulog na rin siya kakahintay sayo na bukambibig pa rin iyong lollipop na binili mo daw pAra sa kanya..." Mahabang paliwanag ni butler Rex na nagpatanga at nagpagulat sakin..
Hindi ko na rin namalayan na umaLis na pala ang kausap ko...
'SHOCKS!!! SINASABI KO NA NGA BA AT PARANG MAY NAKALIMUTAN AKO EH!!! AISSSTT!!! BAKIT BA SA LAHAT LAHAT NG PWEDENG MAKALIMUTAN AY IYON PA!!! AIISSTT NAMAN OH!! PANIGURADONG MAGTATAMPO NANAMAN SILA NI DAD SAKIN NITO!!! PESTE NAMAN OH!!!!' Sa isip ko bago parang zombie na naglakad papuntang Family room namin kaya Di ko na rin namalayan na andito na pala ako...
Agad kong nilibot ang paningin ko at nakita si mom na nakahiga sa maluwang na sofa doon kaya nilapitan ko na siya na dala dala pa rin ang guilt dahil di ko natupad ang promise ko kaning umaga...
"Mommy talaga oh.. Madadapuan ka talaga ng ubo sa ginagawa mo tsk tsk tsk..." Mahina kong sabi bago yumuko at hinalikan siya sa pisngi
'Pero, Hayst.. Pano ba to? Ano ba sasabihin ko? Sasabihin ko ba na nakalimutan ko dahil kay Lewis? Idagdag pa iyong pisteng traffic? Hmmm...' Sa isip ko habang tinitignan siya
'Aaarrggghhh!!! Bahala na nga!!'
Sa isip ko ulit bago ko siya buhatin ng bridal style at naglakad na pataas
"Lollipop, where's my lollipop.. Kuya promised me a carton of lollipop.." Mahinang sabi ni mom pero tulog pa rin kaya napachuckle na lang ako ng mahina
'Hahaha.. Si mommy talaga oh, walang pinagbago...
basta lollipop pinag uusapan, kahit tulog iyon pa rin bukambibig Haha.. pero sorry mommy dahil maeextend pa muna ang pasalubong mong lollipop...' Sa isip ko habang naguiguilty pa rin
Nang makarating kaming second floor ay dumeretso ako sa kuwarto nila mom bago maingat na binaba si mom sa tabi ni dad para hindi magising...
'I love you mom.. Good night..' Mahina kong sabi bago hinalikan sa noo si mom at akmang tatayo at aalis sana pero nagulat ako ng magsalita ulit si mom...
"Kuya Kier? Is that you?" Mahina niyang sabi kaya bigla akong napalingon sa kanya
"Mom? Bakit ka nagising? Matulog ka na ulit...." Mahina kong sabi bago ulit naglakad pabalik sa gilid ng kama niya
"Hmmm yes but i have an idea..." Sabi ni mom bago ngumisi ng nakakaloka and i don't like that
"Hmmm?" Tanging sagot ko sa kanya
"Hmmm.. Kuya? Pwede pong dito ka nalang ulit matulog?" Tanong niya sakin pero di na rin ako nagulat dahil ilang beses na rin naman akong tumabi sa kanila
"*sigh* mom.. I'm really tired and..." Di ko na nakuhang tapusin ang sasabihin ko ng magpout siya bago mag puppy eyes sakin
Shocks!!! Ang cute niya!!
No! Scratch that..
She's just so drop dead gorgeous to be a mom!!!
Kung hindi lang talaga niya ko anak mismo ay hinding hindi talaga ako maniniwala na may mga anak na siya at asawa!!
Pano ko ba matatangihan ang isang to!!!
Arrghh!!
"Fine!!" Sagot ko kaya pumalakpak naman siya
"Yehey!! Kuya's gonna sleep here!!" Masaya niyang sabi habang pumapalakpak kaya napangiti na rin ako
"Yes princess pero wag mong sasabihin kay Kurt na dito ulit ako natulog dahil paniguradong magseselos nanaman iyon at hindi nanaman ako tantanan ng armalite niyang bunganga.."
Sabi ko sa kanya sabay tuwang tuwa na ginugulo ko ang buhok niya
"Eye eye captain!!" Sabi niya with matching salut pa kaya mas lalo akong napangiti
"O umusog ka na dun.." Sabi ko kay mom kaya umusog na rin siya sa tabi ni dad bago ako nahiga sa gilid
"Gud night kuya.. Wag mo po kalimutan na ibigay sakin ung pasalubong ko bukas ah..." Sabi niya sakin and it hit me again..
Shyete!! Bakit ko ba Nakalimutan agad ang tungkol dun!!!
Aiissttt!!! Bahala na nga si bukas!!
"O-of c-course my Queen.." Nauutal kong sabi
Nakita kong magsasalita pa sana siya pero naunahan ko na siya...
"Good night.. Matulog ka na kasi anong oras na isa pa baka magising mo si dad" Pag iiba ko ng topic
"Ok.." Nakangiti niyang sabi bago pinikit ang mga mata
"Good night ulit mom.." Sabi ko bago ulit halikan sa noo si mommy
'Hayst.. Bahala na talaga si bukas kung makakalusot ako..'
Sa isip ko bago pumikit ng mata bago maramdaman ang paa niya na pinatong sa tyan ko pati ang kamay niya ay pumatong na rin sa mukha ko kaya napangiti ulit ako bago tumingin sa kanya na tulog na tulog na...
'Time sure flies so fast.. Not too long ago ay kami ni Kurt ang gumagawa sa kanila nito.. Haha minsan pa nga sa mukha nila tumatama ang mga sipa namin pag natutulog kami pero imbes na magalit ay niyayakap pa rin nila kami ng mahigpit.. Nakakatuwa dahil Ngayon ay bumabaliktad na haha... Kaya siguro sobrang mahal na mahal ko tong dalawang to eh haha...' Sa isip ko ulit bago yakapin si mommy bago pinikit ang mga mata at natulog na may ngiti pa rin sa labi...
Kinabukasan
"Kuya! Gising na! Kuya!! Gising na! Kuya!!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni mommy habang niyuyugyog ako...
"Yes.. Yes.. I'm up! I'm up!! Haha" natatawa kong sabi sa kanya bago tumayo..
Nag inat muna ako bago tumingin sa wall clock at nakitang alas syete na pala ng umaga...
Buti nalang at wala akong pasok ngayong umaga...
"Kuya? Where's my lollipop/candy?" Sabay na tanong sakin nila mom
"Ah... Eh.. Hmmm..." Sabi ko
Syete! Anu bang sasabihin ko?!
"Uhm..." Sabi ko sa dalawang nasa harap ko habang pinapaandar ng mabilis ang utak sa kung anong pwedeng isagot nang saktong nakita kong dumaan si Kurt at nagkaroon ako ng idea kaya tinawag ko siya...
"Kurt!!!" Sigaw ko kaya hoping na mababaling ang attensiyon nila sa kanya...
napatigil naman si Kurt at humarap sa amin na halatang bagong gising din...
"Good morning mom, dad.."
Sabi niya bago humalik kina mom
"Morning too kuya.." Masayang bati nila mommy bago ulit tumingin sa akin
'Yay!! Palpak!! Pano na to!!'
Sa isip ko habang pinapagana pa rin ang utak ko kaya sinabi ko na kung anuman ang unang pumasok sa utak ko...
"Uhm.. Asa iyo iyong mga binili kong lollipop at candy diba?" Natataranta kong sabi sa kanya kaya mejo nagulat siya
"Huh? Candy at lollipop? Wala ka naman mmmmfff mffffffffmmf!!!"
Di na niya naituloy ang sasabihin niya ng takpan ko ang bibig niya habang kinakabahan na tumingin ulit kina mommy...
"Ang ibig niyang sabihin mom eh asa kanya iyong mga pasalubong ko sa inyo.. Hehehe di ba...?" Kinakabahan kong sabi sa kanya bago niluwagan ang pagkakTakip ko sa bunganga niya
"Pero wala ka naman talagang mmmmmfffffmfffffffffmfmfm!!"
Siya ulit iyan na di natuloy ang sasabihin dahil tinakpan ko ulit ang bibig niya bago bumulong
"Please!! Maki go-with-the-flow ka nalang !! " bulong ko sa kanya
"Di mo ba naalala Kurt na INABOT ko sa iyo kagabi iyong mga pinamili ko?" Mejo malakas na pahabol kong sabi para marinig nila mom bago ko ulit siya pakawalan
Suminghap muna siya ng hangin bago nagsalita..
"Mom huwag kayong maniwala-ouuucccchhh!!" Sabi niya dahil palihim ko siyang kinurot sa tagiliran niya
"Kuya po? May masakit ba sayo?" Sabay na tanong nila dad
"Ah!! Haha wala to..ang sabi ko eh... Uhm.. OuuOISHI!! Haha tama!! Bigla kasing Gusto kong kumain ngayon ng OISHI ang sarAp kaya nun!!" Sabi niya bago ako sinamaan ng tingin
"Ah, akala namin kung anong nangyare sayo.. OISHI lang pala haha" ako yan na nagpapainosente hihihi
"Uhm.. Mom dad.. We'll go downstairs first at MAG UUSAP muna kami ni kuya..." Sabi ni Kurt bago ako hilahin pababa
Pagbaba namin ay nagtago na agad kami...
"What the hell?! Anong lollipop? Anong candy? WAla ka namang inabot sakin ah!!anu ba kasi yun!!" Halos pasigaw niyang sabi sakin
"Sige na bro!! Pagtakpan mo na ko! Ngayon lang! Aalis ako para bumili ngayon.. Pagtakpan mo nalang ako!!" Sabi ko sa kanya in a halos desperadong voice
"*sigh* anu ba kasing nangyare?" Tanong niya sakin kaya bumuntong hininga muna ko bago ulit nagsalita
"Well.. Nagpromise kasi ako sa kanila kahapon na bibilhan ko sila ng maraming candies at lollipop pero nang dahil sa malanding si Lewis ay nakalimutan ko!! Idagdag mo pa na naistock ako sa may highway ng dalawa't kalahating oras dala ng traffic kaya gabi na ko nakauwi kagabi..." Paliwanag ko sa kanya kaya napasigh nanaman siya
"At kung wala kang maiabot eh magtatampo sila sayo at di ka nila papansinin ng 3 days..
Ahh.. Alam ko na...
Hmm pero ba't mo pa ko kailangang idamay?! Paniguradong hindi rin nila ko papansinin kapag nalaman nila na magkasabwat tayo!!"
Naiinis na sabi ni Kurt
"Sige na.. Hindi naman nila malalaman eh.. Saka all you have to do ay pagtakpan ako ng ilang minuto para makabili ako ng mga iyon..." Sabi ko sa kanya
"Fine!! Pero pag nabuking tayo, sasabihin ko ang totoo at ikaw lang ang hindi papansinin satin..." Sagot niya sakin kaya napangiti ulit ako
Napagdesisyonan ko rin pala na hindi sabihin sa kanya na sa kwarto nila ko natulog dahil paniguradong magtatampo ito at baka hindi pa ko tulungan...
"Yap.. Thanks bro.. Lalakad na ko..." Sabi ko bago tinapik ang balikat niya at tumakbo palabas ng mansion
"Bilisan mo lang!!" Rinig kong sigaw niya sakin
30 minutes later...
*kring*
*kring*
*kring*
Tinignan ko ang phone ko at nakitang si Kurt pala ang tumatawag kaya agad kong inangat...
"ASAN KA NA?!!! SABI MO ILANG MINUTES LANG!!! ALAM MO BANG NAUBUSAN NA KO NG PALUSOT!! LAHAT NA ATA NG PALUSOT NA ALAM KO EH NASABI KO NA!! KAYA BILISAN MO JAN!!!" Sigaw agad ni Kurt kaya nailayo ko muna sa tainga ko ang cellpon ko...
Ang sakit kasi sa tainga eh...
"Pasensiya na... Wala pa palang open na grocery kasi masyado pang maaga at halos nalibot ko na rin ang buong siyudad kakahanap ng bukas pero wala pa...kaya pwede bang 1 oras pa?" Paliwanag ko sabay tanong na rin...
Malay niyo pumayag diba?
"NO!!! PUDPOD NA NGA UTAK KO KAKAISIP KUNG ANONG SASABIHIN KO EH!!! SINABI KO NA ATA LAHAT NG MAIISIP MONG DAHILAN EH!!!" Sigaw pa rin niya sakin kaya napasigh nalang ako
"Ok.. Fine.. Uuwi na ko.. Hintayin niyo nalang ako jan..." Sagot ko bago binaba ulit
20 minutes later ay nakarating na ko sa mansion...
Habang nasa daan pala ako ay sinusubukan ko nang mag isip ng magandang palusot para mabawasan ang tampo sakin nila mommy pero wala talaga eh...
Dumeretso na nga pala ako sa sala at nakitang nakaupo sila lahat dun...
"Kuya Kier!! Saan ka po ba galing? Sabi ni kuya Kurt.. May nakalimutan kalang daw na ipadala sa mga friends mo kaya ka umalis..." Nakapout na sabi ni mom
"Kaya nga kuya.. Kanina pa namin hinihintay ang pasalubong namin..." Sabat naman ni dad
Nagkibit balikat nalang ako bago tumingin sa kanila..
"Uhm.. Mom dad.. Uhm ano kasi.. Uhm..." Ako na walang mabuong matinong sentense kaya napatingin ako kay Kurt for a help...
"Ano kasi mommy.. Uhm.. Sa totoo niyan eh Mas maganda kasi kung sa Enchanted Kingdom nalang namin ibigay mga pasalubong namin.. Hmm tama!! Sa Enchanted!! Di ba kuya balak mong pumunta tayong apat sa Enchanted Kingdom at Star City sa Sabado saka sa Tagaytay naman sa Linggo?"
Biglang sabi sakin ni Kurt na kumikindat kindat pa
"Ah.. O-Oo.. Hahaha Sa Enchanted nga pala haha.. oo tama!! Sa Enchanted, Star City at Tagaytay tayo ngayong weekend!! Dun ko na rin ibibigay pasalubong ninyo para mas masaya Hahah nakalimutan ko kasing sabihin sa inyo! Haaha"
sabi ko sa kanila
'What the heck.. Di ko naisip iyon ah.. Pero ayos na rin.. Kurt!! The Best ka talaga pagdating sa mga palusot ah!! Ikaw na talaga!! Ikaw na!!! Hahaha!!" Sa isip ko habang hinihimas ang batok ko
"Talaga kuya?! Mamamasyal tayo ngayong weekend?! Yehey!!!"
Sabay nilang sigaw habang parang bata na pumapalakpak
"Sasabihin namin to kina Nanay Linda at Butler Ren!!" Masayang sabi nila bago tumakbo palayo
"Hayst.. Sina mommy nga naman oh.. Hahaha para pa ring mga bata kung umasta haha" natatawang sabi ni Kurt
"Haha para namang hindi ka nasanay sa kanila.. Hello? Remember? Di ko na nga mabilang kung ilang beses na tayong napagkamalan na younger siblings daw natin sila eh? Hahaha..." Ako na nakangiti ng maluwang
"At di lang yun dahil sila lang ang mga parents na kilala ko na parang hindi tumatanda.. Bagkus ay bumabata pa!! Hahaha"
dagdag pa niya
"Yeah.. They're the only Sweetest, Loving, pinakamakulit at very Childish parents na kilala ko"
ako naman
"Yeah.. Sinabi mo pa..😄😄" sagot naman ni Kurt
"Siya nga pala.. Salamat nga pala sa pagpapalusot mo sakin kanina... " sabi ko habang tina tap ang balikat niya
"Haha wala yun..." Sagot niya bago tumayo at naglakad na paalis ng magsalita ulit ako
"Ah siya nga pala... Dun nga pala ako natulog sa kwarto nila mom kagabi.." Sabi ko at sinadya ko talagang sabihin iyon para mainggit siya muwahahahaha kaya hayun napatigil siya
"What did you say kuya? Dun ka nAtulog sa kuwarto nila kagabi?" Tanong niya habang unti unting lumilingon sakin
"Yeah?" Sagot ko naman habang pinipigilan ang tawa
"Kuya..." Sabi niya
"Yeah?" Ako ulit
"ANDAYA MOOOOOOOO!!!!!
DAPAT SINABI MO RIN SAKIN!!!! WAHHH!!!!!" Sigaw niya bago ako habulin sa buong bahay
'Hahahaha!!! Manang mana talaga kina mommy!! Hahahaha siguro eh abot langit ang sisi niya sA sarili niya ngayon kung bakit niya ko tinulungan hahahaha !!!' Sa isip ko habang tinataguan ko siya
Saka isa pa...
Ang ganda kasi niyang asarin eh hahaha!!!
Fastforward
SATURDAY
7 AM
Sa wakas..
Dumating na rin ang Sabado!!
Hinihintay ko ngayon dito sa salas si mommy para pumunta kami ng Enchanted..
WAla si dad dahil sumama siya kay Kurt...
Ewan kung san sila pumunta kaya dalawa nalang kami ni mommy ngayon na pupunta sa Enchanted pero mamayang gabi ay sama sama kaming bibiyahe papuntang Tagaytay...
Di rin kami sumama ni Kurt sa lakad ng gang namin para dito na ikinataka nila..
Ay oo nga pala..
Di nga pala nila kilala sina mommy at daddy dahil.. Well...
Ayaw lang namin silang mapahamak..
Baka kasi targetin sila ng mga kalaban namin sa GW kapag nalaman nila ang tungkol sa kanila, eh sa dinami dami ba naman ng kalaban namin..
Di lang dito sa Pinas huh kundi all over the world ay may mga kalaban kami!!
Kaya hayun..
Mas minabuti nalang namin na itago sila...
Anyways..
Makalipas ng 10 minuto ay bumaba na si Mom at napanganga't natulala nalang ako nung nakita siya...
Shyete!!! Mas lalo siyang gumanda!!!
Paking!! Kung hindi ko lang siya mommy eh di na ko magdadalawang isip na ligawan siya!!!
Shet sobrang ganda talaga niya!!!
Para siyang Diyosa na bumaba sa langit!! Hayst...
Saka ung porma niya eh pang teenager talaga ang dating!!!
(Siya po iyong nasa multimedia hehe)
'Pero teka... Anu sabi ko? Ligawan? Aist!!! Anu ba itong iniisip mo Kier!! Magpatingin ka na nga sa Phsychiatrist mo!!!
MOMMY mo yan!! MOMMY mo!
FOR PETE'S SAKE!!!'
Sa isip ko bago mentally na binabatukan ang ulo ko
"Kuya? Let's go na po?" Sabi ni mom na nagpabalik sakin sa realidad
"Ah eh.. S-Sige.." Sabi ko sa kanya bago niya hinawakan kamay ko
>>Fastforward<<
Andito na kami ngayon sa Enchanted at syempre pagbaba na pagbaba palang namin sa Buggati Veyron ko ay pinagtitinginan na nila kami...
Nang masimula na kaming maglakad ay Marami kaming mga side comments na narinig..
"Kyahh!!! Oh my Gosh!!! Girl?! Di ba siya iyong King ng
VESALIUS UNIVERSITY?" Girl 1
"Asan? asan? Oh my gulay!!
OO NGA!!! Kyaaahh!!
SUPER GUWAPO TALAGA NIYA!!! Kyaahh!!!"
Girl 2
"OO NGA!! NGAYON KO LANG SIYA NAKITA NG PERSONALAN!!! IBA PA RIN TALAGA KAPAG SA PERSONAL MO NAKITA NUH? Kyaaahhh!!!" Girl 3
"Pero sino ung girl na kasama niya? SUPER GANDA RIN NIYA!!! Para siyang Angel SILA NA KAYA!!!" Girl 4
"AY SAYANG NAMAN.. PERO BET KO SILANG DALAWA.. BAGAY NA BAGAY SILA KYAHH!!!" Girl 3 ulit
"Bagay na bagay sila!! So Hot ung lalaki at isang Goddess naman ung babae!!" Girl 5
"Tama ka sis!! Kaya paniguradong Super Gorgeous at Hot din ang mga magiging anak nila kung nagkataon!! Kyahh!!" Girl 6
Napantig naman ang tainga ko sa commentong ito...
'Pfffttt.. Anu daw? Hahahahaha!!! Natatawa naman ako sa last comment niya! Hahaha..
ano daw ang mga magiging ano namin? Gahahahahah!!!! Kung alam niyo lang!! Haha if only you all know the truth.. Paniguradong mapapanganga nalang kayo.. Hahahaha!!!' Sa isip ko habang naglalakad pa rin kami ni mommy papunta sa loob
"PARE OH!! SHE'S SO DAMN HAWT!! WITWEW!!!" Guy 2 habang tinitignan ng may lust sa mata si mommy na ikinagalit ko kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin
"HOURGLASS PARE OH!! SAYANG AT TAKEN NA ATA!! Hayst naman!!"
Guy 2
"Oh my!! A Drop dead Gorgeous goddess has appeared!!!" Guy 3
"Pre.. Lalapitan ko ba siya mamaya o hindi na? Katakot kasi iyong kasama niya eh.." Guy 4
"Kyah!! they're a perfect couple!! Kyahhh!!!" Sigaw ng isang bakla
"Sana ganyan din ako kaganda at kasexy mare!!!" Bakla 2
Marami pa ang mga iyan at di ko nalang pinansin hanggang sa nagsalita si Mommy..
Isa pa,
buti nalang talaga at walang nagkamaling nagsabi ng di maganda tungkol kay mom kundi commatose abot nila,..
"Kuya? Bakit po tayo pinagtitinginan ng mga tao dito? Napansin ko kasi kanina pa tayo pinagtitinginan at nagbubulungan pa sila eh..." Tanong ni mommy sakin habang tinitignan din ang mga bubuyog na nadadaanan namin...
"Alam mo princess.. Wag mo nalang silang pansinin.. Mag enjoy nalang tayo ok..?" Sabi ko sa kanya
"Ok po!!! " bigla niyang sabi bago kami pumunta sa mga rides
>>Fastforward<<
Sa loob ata ng 9 oras ay wala kaming iban ginawa kundi ang sumakay sa lahat ng mga rides na nandito at naglaro...
Kumain, pinagtsismisan ng mga tao at marami pang iba...
Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong kasiyahan pagkalipas ng maraming taon...
Pero un nga lang ay sadyang galit ata talaga sakin ang roller coaster dahil nasusuka talaga ako sa tuwing sumasakay kami pero syempre dahil kay mommy ay pinipigilan ko...
Saka nalang ako nasuka ng nag cr lang kami hahahaha...
Anyways..
Mga ale sette na nang umuwi kami dahil alas nueve ang biyahe namin papuntang Tagaytay...
Someone's Pov
"Hmmmm... Kaya pala!! Ngayon alam ko na!! Muwahahahaha!!!
May pang black mail na rin ako sayo!! Muwahahahaha!!!" Ako habang parang baliw na tumatawa mag isa habang hawak hawak ang ilang mga larawan...
********=======********=======
Hey guys..
Pasensiya napatagal ng UD..
So eto na..
Sana magustuhan niyo...
Pa VOMMENTS na rin pala kung pano siya
Grazie ^_^😁😁
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro