Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2: our crazy family


KURT POV

Napabalikwas ako sa kama dahil sa ingay na naririnig ko sa kabilang ibayo ng pinto kaya naman ay kahit na tulog pa ang diwa ko ay tinungo ko pa rin iyon.

"Nandiyan na! Nandiyan na!" Sigaw ko habang pumipikit-pikit pa rin ang mata.

Pagbukas na pagbukas ko nang pinto ay nagulat na lang ako ng biglang tumalon sa'kin ang isang babae at sa takot na baka dumeretso siya sa sahig at masaktan pa ay sinalo at yinakap ko na siya bago kami bumagsak sa sahig.

"Aray ko po! Ang pwet ko!" Daing ko bago tumingin sa kanya na nakayuko.

"Hey! You okay?" Tanong ko habang niyuyugyog siya ng marahan pero nang di niya ko pinansin ay medyo kinabahan na ko. Akmang hahawakan ko na sana ulit siya ng bigla kong maramdaman na parang may matigas na bagay na pumipigil sa mga kamay ko kaya naman ay tinignan ko kung ano ito. Nanlalaki na lang ang mga mata ko nang makitang posas pala iyon.

"I got you now, mister!" Hagalpak nito ng tawa. Tatayo sana ako ng pigilan niya ko.

"Kurt Devlin Vessalius Sanders, you are under arrest for being tardy at your first day of school!"

"You have the right to remain silent!"

"You have the right to blah blah blah..."

Hindi ko na lang siya pinakinggan dahil nakapokus lang ang isip ko sa nauna niyang sinabi.

Late for school daw?

Anong petsa na ba ngayon? Saka ang aga pa e!

Dakdak pa rin ng dakdak itong kasama ko ng magawi ang tingin ko sa wall clock.

It says 8 am.

8 am pa lang pala! Hay nako! Napatingin ulit ako sa babae sa harapan ko na ngayon ay nakatayo na.

Nang makita ko siya ay di ko na napigilan pang tumawa.

"What are you laughing at!" Sigaw niya bago ngumuso.

"Just what are you wearing?"

"Oh this? My name is Sailor Moon and I came to punish you!" Siya with matching hand gestures and posings pa.

"Ahahhaha! Oh come on! We all know that Sailor Moon doesn't dress like a Cop!"

"Wah! You're so bad! I'll tell dad and kuya Kier bout it! Kuya! Daddy! Wah, kuya! Daddy!"

Bago pa man ako makapagsalita ay nagsisisigaw na itong tumatakbo palabas ng kwarto ko.

"Hey wait! Take these off first!"

Sigaw ko pero wala na siya kaya napabuntong-hininga na lang ako at tinungo ang kuwarto ni kuya Kier.

Sigurado namang nandoom silang tatlo.

Pagdating ko sa harapan ng kuwarto ni kuya ay agad ko iyong sinipa at lumusob sa loob pero natapilok na lang ako ng makita kung anong ginagawa nila.

Nakita ko kasi iyong kapatid ko na nakatali nang patiwarik habang sumisigaw pa.

"Let me down! Achooo! Achooo! Stop that! Achoooo!"

Pft! Mas malala pa pala ginagawa nila sa 'yo! Hahahaha! Better get out of here!

Agad kong pinigilan ang aking tawa. Pinapadaanan kasi ni dad ng balahibo ang ilong ni kuya. Dahan-dahan akong nagpapagulong paalis nang may mabangga ang likod ko.


Teka? Sa pagkakatanda ko eh wala namang dingding kanina rito ah.

Hindi kaya...

Napalunok na muna ako bago mag-angat ng tingin at nakita si Sailor Moon kuno pero naka police naman ang outfit.

"Hep hep hep! Where are you going, kuya?"

Sweet niyang sabi sa 'kin kaya mas lalo akong napalunok.

"Uhmm.. Outside?" Sabi ko at akmang gugulong ulit sana nang may humila sa paa ko.

"No, you may not?" Nakangising sabi niya kaya napasigaw na ko.

"Uwah! Save me!"

Sa bilis ng pangyayari ay naramdaman ko na lang na nakabitin na rin ako pala ako nang patiwarik.

Then nakita namin ang dalawa na nag-appir habang nakangisi bago lumapit sa amin kaya nagkatinginan muna kaming magkapatid ko bago ubod lakas na sumigaw.

"Arrgh!"

Sigaw namin na umalingawngaw sa buong second floor ng Mansion.

>>Fastforward<<

"Aray! Ang sakit ng katawan ko!" pagmamaktol ko.

Nandito na pala ako ngayon sa room ko at nakahiga.

Ayaw ko nang ikwento kung anong horror ang naranasan namin sa kamay nina mom at dad.

Sila iyong naka costume ng Batman at Sailor Moon kanina.

Anyways dad's name is Kris Sanders while mom's name is none other than Savvana Daphne Vessalius.

Ang wierd ng name ng mommy ko.

Anyways, parehas silang
34 y/o pero hindi halata because they looked so very young to be at that age.

Minsan nga, napapaisip ako kung sila nga ba talaga ang tunay naming mga magulang.

Mukha kasi silang mga kaedad lang namin kaya madalas ay napagkakamalan kaming magkakabarkada o di kaya naman ay magkakapatid sa tuwing namamasyal.


Maraming beses pa ngang napagkakamalan ng mga tao na nakababatang mga kapatid daw namin sila.


Bukod kasi sa sobrang childish nilang dalawa ay nakulangan din sila sa height.

Pandak si mom. 5'2 lang siya at si dad naman ay 5'6 lang.

Habang kami ni kuya ay nasa 6 at 6.1 ft. Isa pa, kuya ang tawag nila sa amin kaya kahit saan man kami pumunta ay akala talaga ng mga tao eh kami pa ang mas matanda kaysa sa kanila.

Pero kahit ganyan sila, we love them so much! Halos sa kanila lang umiikot ang buhay namin at gagawin namin ang lahat para maprotectahan sila kahit buhay pa namin ang kapalit.

Anyways...

Dahil nga sa nangyari kanina ay late na kaming papasok sa school ngayon pero ayos lang. First day of classes pa lang naman.

Agad na akong pumasok sa banyo at nagmadaling naligo.

Matapos ng ilang minuto ay natapos na rin ako. Mabuti na lang at hindi ako masyadong maarte sa katawan katulad ni kuya.

Nang makita ang nakahandang uniporme ko sa kama ay mabilis na rin akong nagbihis bago lumabas ng kuwarto. Dumiretso agad ako sa kusina.

Pagdating ko roon ay nadatnan ko na naman sila na nag-aagawan ng candy.

"Daddy! I got it first so it's mine!" sigaw ni mom kay dad.

"No! I saw it first!" sigaw naman ni dad na nakanguso pa.

Napapikit na lamang ako bago mapahawak sa aking sentido habang napapawingi sa lakas ng kanilang mga boses.

Sumasakit na kasi ang ulo ko.

Walang sabi-sabi ay hinablot ko na lang iyong pinag-aawayan nila at agad na sinubo.

"Well? Sorry guys. It's in my mouth now so it's mine."

Nagulat yata sila sa ginawa ko kaya walang gumalaw sa kanila.

"Bye mom.. Bye dad.. I'm running late." Mabilis na akong lumapit sabay halik sa pisngi nila.

"See you later! I love you!" Pahabol ko pa bago tumakbo sa may pintuan pero bago ako tuluyang makalabas ay narinig ko silang sumigaw kaya napahinto ako at lumingon.

"Kuya Kier! Si kuya Kurt kinuha iyong lollipop ko!" Sumbong ni mommy sa kabababa lang na si kuya habang nakanguso.

"Anong sa iyo? Akin iyon eh!" sigaw naman ni dad.

"Kuya! Wah!" Silang dalawa na yumakap na kay kuya.

Kita kong napabuntong-hininga na lamang si kuya bago may sinabing nakapag patahan sa kanila. Agad na rin itong humalik sa mga pisngi nila saka naglakad na papunta sa direksyon ko. Tumalikod na rin ako pero bago ako makahakbang ay narinig ko muna ang mahinang bulong ni kuya.

"I'll be turning crazy in no time."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro