Chapter 16
KIER POV
Matapos naming kumain sa Jolibee ay dumiretso naman kami sa Mall at dahil kasama namin si mommy ay hindi na namin naramdaman ang oras.
Nakaramdam na lang ako nang magsimula nang mangalay ang katawan ko kaya napatingin ako sa relo ko at nakitang halos apat na oras na pala kami sa pag-iikot dito.
Napahinga na lang ako ng malalim saka napatingin sa mga binili ni mom.
Sa sobrang dami ng mga malalaking paper bags ay nagmistula na kaming human-hanger ni Kurt.
Punong-puno na kasi ang mga kamay at braso namin ng mga ito at idagdag pa na pati mga leeg namin ay hindi na pinatawad.
Kulang na lang ay bilhin na niya ang buong Mall.
Teka... Teka... Teka!
I just have an idea!
Eh kung bilhin ko na lang kaya talaga ang Mall na ito para maging tambayan ni Mommy? Tutal naman ay mukhang aliw na aliw siya rito.
Hmm. Magandang idea.
Napatingin ako sa gawi ni Kurt para sana sabihin ang naisip ko pero automatikong naningkit ang mga mata ko.
Yung totoo? kapatid ko ba ito? No!
Let me rephrase it.
Kakambal ko ba talaga ang isang ito?
Nakakahiya! Parang hindi lalaki kung umasta!
Bakit?
Nakita ko lang naman kasi siyang maluha-luha na. Ampangit ng hitsura niya!
That's it!
Kahit na medyo nahihirapan ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinutok sa kanya then...
*click*
Napangisi ako ng mala demonyo. Sa wakas! May pang black mail na rin ako sa 'yo! I'm gonna enjoy this moment!
Nang makita kong napatingin siya sa gawi ko ay mabilis pa sa kidlat kong naitago ulit ang cp ko bago nagmamaang-maangan na tumingin sa kanya.
"What?" Walang gana kong sabi pero sa loob-loob ko ay gumugulong-gulong na' ko sa kakatawa.
Nakita kong umiling lang siya bago ulit bumalik sa pagmumukmok niya kaya napangisi ulit ako.
"Kiyahh! Kuya! Doon tayo! Dali!"
Hayst! Ano pa nga ba Napapabuntong-hininga na lang kami ni Kurt habang nagpapahila patungo sa isang shop.
Isang antique shop to be exact.
Hayst! Si mommy talaga. Ang hilig-hilig mangoleksiyon ng mga antique.
Well, ano ba magagawa ko?
Nasa bungad pa lang kami nang makaramdam agad ako ng kakaiba.
Para kasing may mali.
Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko pero nasisigurado akong galing sa loob nitong shop ang nararamdaman ko ngayon.
Bago ko pa man ito matukoy ay agad din naman itong nawala na parang bula pero sigurado ako sa naramdaman ko.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Napatingin ako sa gawi ni Kurt at nakitang natutulala din siya at halatang hindi mapakali kaya medyo lumapit ako sa kanya.
"Bro, did you feel that too?" Pabulong kong tanong para hindi marinig ni mom at nakitang tumango siya.
"Yes! I feel it! Ramdam na ramdam ko at hindi ko na kaya ang sakit!"
Naguguluhang napatingin ulit ako sa kanya bago magsalita.
"Huh? What are you talking about?"
"Hindi ko na kayang pigilan ito! Lalabas na siya! Lalabas na siya!"
"The fuck is wrong with you? You're creeping the hell out of me!" Halos pasinghal kong sagot habang dumidistansiya sa kanya.
Like fuck! Ano bang pinagsasasabi ng ugok na 'to?
"Urgh! Hindi ko na talaga kaya! Kailangan ko nang mag banyo!"
Halos pasigaw nito bago binaba lahat ng mga gamit na hawak niya sabay talilis ng takbo.
Uhm... what just happened?
Teka... teka... teka...
Ano raw?
Banyo?
Hayop ka Kurt! Nakakahiya ka! Akala ko pa naman kung anong sinasabi mong lalabas na! Tae mo lang pala! Pwe! Lintik kang gago ka! Che! Hindi kita kilala!
Bakit mo naman ako binigyan ng kakambal na katulad ni Mr. Bean?
Hindi ko na lang pinansin ang ilan sa mga customers na nakatingin na pala sa akin habang kinukuha ang mga nabitawan ni Kurt sabay pasok sa shop para hanapin si mommy.
Medyo nahirapan pa ako sa paghahanap dahil may kalakihan din itong shop.
Hindi ko na rin pinansin pa ang mga bulungan nila, lalong-lalo na ng mga babae dahil wala naman akong pake. Ang importante lang sa akin ngayon ay mahanap si mommy at makaalis na dito. Bahala na si Kurt pauwi.
Makalipas pa ng ilang segundo ay nakita ko na rin sa wakas ang mahal kong ina. Nakatayo lang siya sa harapan ng mga nakahilerang palamuti habang hawak-hawak sa kamay ang isang luma pero malaking libro.
Hindi ko masyadong maaninag kung tungkol saan ito dahil may kalayuan ang distansiya niya sa akin pero batay sa ginagawa niyang pagkilatis dito ay mukhang bibilhin niya ang librong iyon.
Kabisado ko na siya. Alam kong gano'n ang palagi nilang ginagawa ni dad kapag may gusto silang bilhin o kunin. Kinikilatis na muna nila ito ng mabuti pero hindi ko naman sila masisisi dahil alam kong gusto lang naman nilang masigurado na maganda ang quality ng bagay na bibilhin nila para hindi sila manghinayang sa huli.
Yeah right. Tama kayo ng nabasa...
Manghinayang. Sila kasi ung tipo na kahit kami pa ang pinakamayaman sa buong mundo ay nanghihinayang pa rin sila sa kung saan gagamitin pera.
"Pahalagahan niyo ang bawat singkong meron kayo dahil hindi lang basta-basta napupulot sa kung saan ang pera."
Iyan ang linyang palagi nilang sinasabi sa amin ni Kurt noong mga bata pa kami.
Napangiti na lang ako bago siya puntahan pero bago pa ako makalapit sa kanya ay bigla na lang siyang nagsalita na sobrang ikinagulat ko.
"Kuya look oh! Ang ganda po nitong nasa picture di ba?"
Napanganga ako sa gulat nang bigla na lang niya akong kinausap kahit na hindi pa niya ako nakitang lumalapit sa kanya.
I mean?
Paano? Paano niya nalaman na nasa likuran na niya ako eh gusto ko pa naman sana siyang gulatin.
Ang weird.
Naweiweirduhan pa rin ako pero hindi ko nalang ito pinansin saka napangiti.
"Paano mo naman nalamang nasa likod mo lang ako sa iyo Princess? Gugulatin pa naman sana kita."
Nakangiti kong tanong habang titig na titig sa kanya kaya naman ay hindi nakaligtas sa mga mata ko ang panandalian niyang pagkagulat na agad din niyang itinago sa likod ng pag ngiti niya.
"Come on, kuya! I-I'm still your
mom! Kaya syempre! I can smell you kahit na nasa malayo ka pa! Haha! Btw. Asan na po si kuya Kurt?"
Hmm... Something's off.
Bakit parang nagdadalawang isip si mom habang sinasabi niya iyon?
Saka isa pa, para siyang pumipiyok?
Idagdag pa na iniba niya ang usapan?
Hmm, am I just hallucinating or what?
Bumalik na lang ulit ako sa realidad nang bigla na lang niyang itinutok sa mukha ko ang libro na kaya napaatras konti ang mukha ko.
Muntik ko na kasing mahalikan ang maalikabok na libro sa ginawa niya.
Buti na lang at mabilis talaga ang reflexes ko.
"Kuya! Look oh! Ang ganda talaga nito 'di ba?"
Masaya niyang sambit kaya napa 'huh' nalang ako bago sumilip sa librong hawak-hawak niya.
Well, 'di ko maikakailang maganda nga talaga ang larawan ng medalyon na ito dahil halatang yari sa tunay na diyamante ang paligid nito habang yari naman sa ginto ang pigura ng dragong nasa gitna.
Halata ding napakaluma na nito base na rin sa hitsura pero maganda pa rin naman.
Pagkatapos ko itong makita ay napatingin naman ako sa ibaba ng picture kung saan nakalagay ang pangalan nito pero sa kasamaang palad, alien writing este hindi ko mabasa kung ano ito dahil nakasulat ito sa paraang hindi ko pa nakikita kahit kailan.
"Bibilhin mo po itong libro para sa'kin di ba kuya? Please?"
Ay anak ng tinola!
Bakit ba ako magugulatin ngayon? Taena naman oh!
Inayos ko na muna ang postura ko bago napabuntong-hininga saka tumango.
Well, ano pa nga bang magagawa ko kundi ang sundin ang luho ng mahal kong ina.
"May napili na po ba kayo sa shop ko?"
Ay anak ng halimaw!
Sinong isinumpang demonyo ba talaga ang meron sa araw na ito at punong puno ng kagugulatan?!
Pagkakatanda ko malayo pa naman ang halloween ah!
Matalim akong tumingin dun sa matanda at kulang na lang ay ibaon ko na siya ng buhay sa lupa.
Putang ina mong hayop kang matanda ka! Aatakehin pa ako sa puso ng wala sa oras ng dahil sayong gago ka! Bwisit!
Bigla bigla na lang ba siyang mag aapear sa harapan namin?!
"Ah opo! Opo! Opo! Ito po oh! Gusto ko po iyan! Ang ganda po kasi nung nasa picture!"
Palatak ni mommy habang matalim pa rin akong nakatingin dito.
Naku! Kung hindi ka lang matanda! Baka kung ano nang nagawa ko sayong ulul ka!
Nakita kong kinuha ng matanda ang libro saka kinilatis.
"Ah! Saan mo ito nakita, iha?"
"Po? Dito po sa shelves. Bakit po?"
Hindi nakatakas sa paningin ko ang sandaling pag iiba ng hitsura ng mukha niya pero agad din naman niya itong itinago sa likod ng sapilitang pag ngiti.
"Ah. Wala naman iha. Nagtataka lang kasi ako kung bakit andito sa labas ito."
"Bakit tanda? Alangan namang asa kubeta iyan? Kaya nga may shelves dito di ba? Ano pang silbi nito kung wala din lang laman? Anu 'yun? Decoration? Tss!"
Psh! Wala akong paki kung wala akong galang sa matandang ito!
"Kuya!"
Sita ni mom kaya napatingin ako sa kanya at nakitang titig na titig siya sa akin habang nanlalaki ang mga mata.
"Lolo sorry po sa sinabi ng kuya ko ha? Wala lang po siguro sa mood pero hayaan mo po!"
Tumingin na muna sa akin si mom bago lumapit sa matanda at may binulong pero kahit ganun ay dinig na dinig ko naman.
"Nagtatampo lang siguro iyan sa'kin kasi nakalimutan ko siyang lutuan ng favorite niyang tocino."
Bulong niya sabay hagikgik.
Ang mommy talaga oh.
Yung totoo? Nanay ko ba talaga ito?
Nakita kong nagulat ang matanda pero agad din niyang inayos ang hitsura niya saka din bumulong kay mom.
"Mukha nga iha. Kung ako sayo, lutuan mo na siya para hindi na siya magtampo sayo."
Matapos mag usap slash magbulungan ang dalawa ay nabaling naman sa lumang libro ang attensiyon nila.
"Lolo, tungkol saan po ba iyang libro na iyan? Hindi ko po kasi mabasa ung title kasi di ko alam kung paano babasahin ang mga nakasulat jan"
"Ah... Eto? This is an ancient book about the Medalyon of Eden. One of the three oldest prophesies from heaven itself."
Tss! May painglis inglis pang nalalaman ang matandang ugok na ito! Pwe!
"Prophesies? Medalyon of Eden? Ano po iyon?"
"Naku ineng. Napakahabang istorya! Baka abutin tayo ng hanggang bukas kapag kinuwento ko sayo ang alamat niyan."
"Princess, let's just..."
"Okay lang po! Gustong gusto ko po ng mga mysteries na kwento kaya ok lang po! Di ba kuya?! Isa pa, hindi ko din naman kasi naiintindihan ang mga nakasulat d'yan kaya ikwento niyo na lang po!"
Napafacepalm na lang ako sa palatak ni mommy bago palihim na tinignan ulit ng matalim ang matanda pero mas lalong kumulo ang dugo ko nang makitang binalewala lang niya ako.
Tangina mo tanda! Sa gwapo kong to?! Binabalewala mo ko?!
Isa pa, gusto ko na kasing umuwi dahil alas otso na pala ng gabi.
"If the gorgeous lady insist, then who am I to resist?"
Anak ng!
Pigilan niyo ko!
Pigilan niyo ko!
Konti na lang talaga at masasapak ko na tong gurang na to!
Kung wala lang siguro dito si mommy eh baka kung ano na nagawa ko dito!
Saka, nasaan na ba yung gunggong na si Kurt?! Kanina pa yun sa banyo ah! Dapat nandito na siya! Aba aba! Namimihasa na ang batang iyon ah!
"Talaga po?! Yehey! Rinig mo yun kuya?! Excited na po ako!"
"Ahaha! Oo nga eh, nakakaexcite."
"Nakakaexcite putulan ng dila ang mabahong matandang ito!"
"Huh? Ano un? May sinasabi ka po ba kuya?"
"Ha! W-wala! Sabi ko! Oo na! Nakakaexcite ang kwento kaya simulan mo na tanda! Este manong! Este SIR!"
Nang makita kong ngumiti ulit ng maluwang si mom ay napabuntung-hininga ako.
Phew! Muntik na yun ah!
Buti na lang at sobrang awesome ko! Hehe!
"Mga bata sumunod kayo sa'kin,"
Sabi nito sabay talikod at naglakad na paalis patungo sa isang mejo madilim na dulo at saka parang may pinindot.
Maya maya pa'y biglang nagbukas ang bookshelf doon kaya tumaas ang kilay ko.
What the heck?!
A secret compartment?!
Sinasabi ko nga ba't hindi mapagkakatiwalaan ang gurang na ito!
With that in mind, agad akong naging alerto dahil hindi ko alam kung anong binabalak ng matandang ito.
Nang makita kong akmang susundan siya ni mommy ay agad ko siyang pinigilan.
"Mom you're not serious are you?"
"Uh-huh?"
"Mom! We doesn't even know who he is! Or even his name! Who knows what's he's up to!"
"But,"
"Halikayo mga bata. Dito tayo."
"And'yan na po!"
Peste namang buhay to oh!
Urgh! Why me?!
Hindi na lang ako umimik nang makitang masayang sinundan ni mom si tanda kaya napabuntung-hininga na lang ako bago sila sundan.
This better be good.
>>FASTFORWARD<<
Sa wakas!
Nandito na kami sa bahay.
Matapos kong ihatid si mom sa kwarto niya ay agad ko din siyang pinatulog saka naman ako dumeretso sa kwarto ko.
Pagkarating na pagkarating ko doon ay agad kong binagsak ang pagod kong katawan sa malambot na kama habang sinasariwa ang mga weirdong kinikilos at mga sinasabi hindi lang ng matanda kundi pati na rin si mommy.
Lalong lalo na ang biglaang pag iiba ng aura ni mom na para bang may sumasapi sa kanya.
Nakakatakot!
~~flashback~~
Nandito na kami ngayon sa isang silid na punong puno ng mga lumang scrolls, mga libro, kagamitan at marami pang iba.
Agad kong nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng lugar at nakitang marami nang mga naninirahan na insecto sa mga tabi tabi. Halata ring walang naglilinis dito dahil sa mga alikabok na bumabalot sa silid na ito.
"Dito tayo mga bata, upo muna kayo para maging comportable habang pinapakinggan ang kwento."
Imbes na maupo ay tinignan ko lang siya ng matalim bago pumunta sa isang sulok para sumandal.
Like hell would I sit on that old dusty chair?! No fucking way!
Pagkasandal ko ay tumingin ulit ako sa kanila at nakitang titig na titig na pala sila sa akin pero bago pa ako makapag react ay naunahan nanaman ako ni tanda.
"May extra pa akong upuan dito iho. Baka mainip ka jan sa—"
"Mind your own business old man, and can you hurry the hell up with that nonsense story of yours already?"
"Kuya! Sorry po ulit lolo! Nagtatampo pa rin po siguro yan kaya ganyan. Kuya say sorry to lolo! Now na!"
Muntikan na akong mapatalon sa gulat sa narinig na sinabi ni mom lalo pa't first time niya akong pinagsabihan ng ganyan at ang masaklap, alam kong inuutusan niya ako.
Napanganga na lang ako at sinusubukang magsalita pero walang lumalabas na tinig sa bibig ko.
"B-but... I... H-he... *sigh* sorry."
Mabigat man sa loob ko ay wala na akong nagawa kundi ang humingi ng pasensiya.
Kahit naman kasi gago ako ay malaki pa rin ang respeto at pag galang ko sa aking ina.
"Ah! It's ok iha. Wala iyon. Now, gusto mo na bang umpisahan na natin ang kwento?"
Lintik na matanda to!
May araw ka din sakin tanda!
May araw ka din!
Nang masayang tumango ang mommy ay siya namang nagsimula na rin ang kwento niya pero dahil sa badtrip ako ngayon ay hindi ko na naiintindihan ang mga pinagsasasabi niya.
>>FASTFORWARD<<
Halos isang oras pa lang ang nakalipas pero para sa akin ay eternity na!
Taena! Ang tagal naman matapos ng kwento ng huklubang ito!
Kanina pa ako atat na atat na umuwi pero hindi ko naman pwedeng iwanan dito mag isa si mommy!
Hay! Buhay nga naman! Parang life! Taena!
"Pero di po ba sabi mo, may tatlong uri ng susi para mabuksan ulit ang Paraiso? Eh nasan po ung dalawa?"
Bumalik lang ako sa realidad nang marinig ang sinabing ito ni mommy kaya naman ay napatingin ako sa kanya.
"Ah, walang nakakaalam kung nasaan o kung anong klaseng susi ang mga ito pero isa lang ang nasisigurado ko."
Lumipat ang tingin ko dun sa matanda at nakitang napakaseryoso ng mukha niya.
"A-ano po iyon?"
Humugot na muna ng malalim na buntung-hininga ang matanda bago ulit magsalita.
"Sigurado akong wala ang mga ito sa mundong ito."
Psh! Like I care?
Tss! It's only a myth anyways.
Yeah right. Naging topic na kasi namin iyan sa History and all I can say is bullshit!
Stories about the Paradise of Eden, the three Keys as well as the other two realms; ASGARD and MIDGARD is nothing but a myth.
"Ay, gano'n po ba? Sayang naman po! Akala ko kasi alam niyo. Hmm... Can I ask a question po lolo?"
"Oo naman iha. Ano bang gusto mong malaman?"
"Hmm... Sabi mo po kasi na wala po dito sa mundo natin ang mga susi? Eh kung wala po dito ibig sabihin po ba na nasa netherworld sila?"
"Oo iha. Tama ka"
Nakita kong nanlalaki ang mga mata ni mommy, ibig sabihin, naniniwala siya.
Psh! Naku mommy! Binobola ka lang ng matandang iyan!
"Kyah! As in?! Kabilang mundo as in sa world ng mga ghosts?! Monster?! Hoomygush!"
Nang seryosong tumango ang matanda ay siya namang pagtalon ni mommy sa kinauupuan niya na ikinagulat ko.
"Hahaha. I'm just kidding!"
"Uhmp! Lolo naman eh! Hmp!"
Simangot na sabi ni mom bago padabog na naupo habang nakapout ng pagka cute cute kaya napangiti ako.
Hayst si mommy talaga.
Sumulyap ako sa matanda at nakitang natatawa siya pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.
Kasabay ng pag iiba sa expresyon ng matanda ay bigla na lang bumaba ang temperatura sa silid na wari ba'y humahangin ng napakalakas. Bigla ring lumamlam ang mga ilaw sa paligid kaya nagmistulang madilim ang silid.
Putangina! Sinasabi ko na nga ba!
This is a trap!
Agad akong naging alerto at akmang hihigitin na sana si mom nang biglang matigilan ng muli na namang magsalita ang matanda.
"You of all people should know what I mean, isn't that right? EPHARA?"
Mejo mahina lang ang pagkakasabi niya pero para itong kulog sa pandinig ko.
Hindi ako pwedeng magkamali! Maysa demonyo ang matandang ito!
Dinig na dinig ko ang pagbabago ng kanyang boses nung sabihin niya ang pangalang Ephara!
Agad akong napatingin kay mom at nakitang tahimik lang siya habang nakayuko. Hindi na rin siya gumagalaw pero mas nagulat ako nang bigla na lang siyang nag angat ng mukha.
Napakatalim itong tumingin sa matanda kasabay nun ang unti unting pag iiba ng kanyang aura. Nakayukom din ang kanyang mga kamao habang patuloy pa rin sa paglakas ang kanyang aura.
"So it's you. I should have known. What do you want? Israfel?"
"Haha! Straight to that point as always. But, are we really going to discuss that in front of this 'child?"
Nakangising turan ng matanda bago bumaling ng makahulugang tingin sa akin.
Para namang nabunutan ng tinik si mommy nang maalala ako saka napatingin din sa akin.
"ANSWER ME!"
"HEY! HOW DARE YOU URGH!"
"NO! Stop! Israfel he's just a child! So please! Pakawalan mo na siya!
"Ooopsss! If the little princess say so,"
"Blaaaaagggggg."
Putangina! Ano nangyari?! Last time I check, susugudin ko na sana yung huklubang iyon sa ginagawa niyang pagsigaw sigaw kay mom, but the next thing I know is that I was already in mid air habang habol habol ang hininga tapos ito na nga, bumagsak na ako sa matigas na sahig!
"Hahaha! You changed so much, Ephara, you have gotten... so fragile since the last time I saw you."
"What do you want?"
"I'll ask again, shall we discuss this in front of this child or..."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang saglit na mapatingin sa akin si mom.
Saglit lang iyon pero punong puno iyon ng pinag halo halong emosyon.
I can see in her eyes the Pain...
The Anger...
Sadness...
Sorrow..
The...
"Kier, you heard the man, lumabas ka na muna at hanapin ang kapatid mo."
"Wha..."
Napanganga ako. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig ng marinig ang malamig na boses ni mom.
Malamig na boses na ngayon ko lang narinig mula sa kanya. Idagdag pa na bigla na lang nag iba ang expresyon niya. Wala akong makita kahit anong emosyon mula sa mga mata niya!
Hindi ko alam kung ilang minuto akong napako sa kinatatayuan ko pero nang makabawe ako ay agad akong nagprotesta.
"Haha. What are you talking about mom? I won't leave you here with this..."
"N.O.W. Kier!"
"B-but..."
"One... two..."
*clap* *clap* *clap*
Sabay kaming napalingon sa kumakalapkap at nakitang ang matanda lang pala ito.
"Tsk. Tsk. Tsk. Not good. Not good at all."
Ano bang pinagsasasabi ng retard na ito? May pailing iling pang nalalaman.
"What have you been doing Ephara? This boy is weak! So slow he couldn't even see my simple movements! And here I thought they'd be better with you, but NO! If Milord chose me as their guardian, then this one should have..."
"SHUT UP! SHUT THE HELL UP ISRFEL OR I SWEAR!"
"Uh-oh. The little princess is angry. Better keep quiet."
I old man said with so much sarcasam habang lumalayo ng kaunti sa'kin.
"What the hell is going on here?! Mom?! Who is this bastard?! Do you him?!"
Hindi ko mapigilang singhal kay mommy pero binalingan lang niya ako ng mas malamig na tingin.
"And you. What are you still doing here?! 'Di ba sinabi ko sayong lumabas ka na muna?!"
"Ah! B-but..."
"N.O.W young man! And don't make me repeat myself!"
Hindi ko alam pero bigla na lang akong nanginig sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Kahit ayaw ko ay parang may malakas na pwersang nagtulak sakin sa may pinto. Sinubukan kong pigilan ito pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa gawa. Parang may sariling isip ang katawan ko.
Ang huli ko na lang nakita ay ang malungkot na mukha ni mommy bago tuluyang sumarado ang pinto.
"Blag."
Bumalik lang ako sa pagmumuni muni nang makarinig ng kalabog kaya napatingin ako sa may balcon ko at nakita ang isang itim na pusa sa nakaupo sa itaas ng nasirang flower vase kaya napabuntung-hininga muna ako bago tumayo.
Kailangan kong makausap si mommy tungkol dito. Kailangan kong malaman kung sino ba talaga ang matandang iyon! At kung ano ba talaga ang nangyayari.
>>FASTFORWARD<<
Kanina pa ako nandito sa labas ng pintuan ng kwarto nila pero hindi ko magawang kumatok. Nag dadalawang isip pa kasi ako kung kokomprontahin ko na ba agad siya o hayaan na muna.
In the end ay mas nanaig ang curiosity ko kaya napabuntung-hininga na muna ako bago akmang hahawakan ang doorknob ng pinto pero nagulat ako nang bigla na lang itong umawang ng mag-isa. Saktong sakto lang para marinig ko ang mga kaganapan sa loob.
You see, sound proof kasi lahat ng mga kwarto dito sa bahay kaya kailangan talagang mabuksan pa ang pinto bago marinig ang mga nangyayari sa loob.
Agad akong sumilip at nakita si mommy na may kausap sa phone. Hindi ko makita ang hitsura niya dahil paharap siyang nakatayo sa may bintana.
Hindi ko din alam kung sino ang kausap kaya nanghinayang din ako pero ok na rin siguro ito kesa naman sa wala di ba?
"They're here! Andito na sila! Hindi ko alam kung paano nila tayo nahanap pero natatakot ako! Paano kung?! Paano kung! K-kung kukunin na nila ang mga bata satin?! Paano?! Hindi ko makakaya 'pag nangyari iyon?!"
Eh? Anong ibig mong sabihin mom?
*Blag*
Ay anak ng kabayo!
Napatingin ako sa nahulog at nakitang iyong itim na pusa na naman.
Taenamu! Mapapahamak pa ko nang dahil sayu!
"Who'se there?!"
Uh-oh! Better get of here fast!
Mabilis akong umatras mula sa pinto saka tumalilis ng takbo patungo sa silid ko. Hindi na rin ako lumingon pa dahil busy lang ako sa pagtakbo kaya hindi ko na alam kung nakita ako o hindi.
Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay hindi mabuko.
Pagkarating na pagkarating ko sa silid ko ay agad kong nilock ang pinto bago parang nauupos na kadilang naupo sa sahig.
Habol habol ko rin ang hininga ko na wari ba'y nakipagkarera ako at idagdag pa na pawis na pawis ako ngayon.
Hindi ko alam kung bakit ganito pero isa lang ang alam ko.
Mula sa narinig kong sinabi ni mom ay mas lalo lang nadagdagan ang mga katanungang kanina pa bumabagabag sa akin.
Like.... what the heck is going on here?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro