Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: Transferee

LEEVHAN POV

"Tara! Kain na tayo guys! Nagwawala na mga alaga ko sa tiyan eh!" Biglang sabi ni Kurt kaya napatingin ako sa relos ko at nakitang alas dose na pala ng tanghali kaya nakaramdam na ko ng gutom pero Bago pa ako makasagot ay tumayo na si Kier.

"Let's go" tipid at cold nitong sabi pero bago pa kami makaalis ay bigla siya huminto at tumingin ulit sa amin

"Asan si Lewis?" Napatingin naman kami sa isa't isa ngunit di namin nakita ang pagmumukha ng mokong na iyon nang biglang magsalita ulit si Kurt

"Ahh! Nauna na siya kanina pa! Susunduin daw iyong bago niyang girlfriend sa freshmen building" tss! Kahit kailan talaga iyong gunggong na iyon

Napakaplayboy talaga! Pang ilang girlfriend na ba niya iyong freshmen daw na iyon ngayong linggong ito?

Tsss! Bahala siya sa buhay niya!

"Let's go" sabi ulit ni Kier bago nagpatiunang maglakad kasunod kami



Andito kami ngayon sa canteen at katulad ng dati ay naghihiyawan nanaman ang lahat ng mga sluts sa paligid.

Ang sakit sakit kaya sa tainga ang pagsigaw sigaw nila! Nakakabanas na! Kung pwede nga lang sana ay matagal ko nang tinanggal mga bunganga nila!

Kung makatili mga sluts na ito eh daig pa ang tunog ng siren sa lakas! Nakakabasag eardrum! Buwisit!

Katulad ng dati ay di nalang namin sila pinansin at tuluyang naupo sa table na exclusive lang na para sa amin habang hinihintay si Kurt na bumili ng mga pagkain namin.

May order kasi kami sa pag oorder ng pagkain para fair.

Ngayon ay si Kurt ang taya tapos bukas ay si Lewis, and so on and so forth.

Habang hinihintay namin si Kurt ay pinasak ko na ang headphone ko at nilagay sa full volume ang sounds nito para di ko marinig ang mga tilian ng mga sluts na ito at napansin kong ganon din ang ginawa ng dalawa.

Makalipas ng ilang minuto ay dumating na rin sa wakas ang mga pagkain namin at paglapag na paglapag palang ni Kurt sa mga iyon ay kanya kanya na kaming hablot ng pagkain namin at nagsimula nang kumain.

Nasa kalagitnaan palang kami ng pagkain ng makita ko si Lewis na humahangos at hinihingal na lumapit sa amin na animo'y hinabol ng aso dahil tumatagatak pa ang pawis.

Pagkalapit niya sa amin ay agad siyang naupo at tinungga iyong tubig ko.

"What the! That's my water! Buy your own!" Singhal ko pero hindi ito makasagot dahil hinihingal pa rin kaya hinintay na muna naming kumalma siya bago ulit siya kausapin

"Anu bang nangyari at ganyan ayos mo? Para kang hinabol ng matanda! Hahahaha!" Pagtatanong ni Kurt habang tumatawa kaya napatingin kaming lahat sa kanya

"Guys! Di niyo pa ba alam?!" Nacurious naman kami sa sinabi nito kaya napatingin kaming apat sa kanya

"Alam ang alin?" Nakataas ang kilay na Tanong ni Klause

"There's a rumor that There's a new kid in school at balita ko ay napakaganda daw niya! A total goddess of beauty!" Sabi nito habang nakangisi ng nakakaloka

"Tangna! Akala ko naman kung ano! Iyong lang pala?! Buwisit! Makakain na nga!" Inis na sabi ni Klause bago magsimulang kumain ulit

Hayst! May balak nanaman siguro ito!

Tss! Lahat na ata ng babae dito sa campus ay naging ex niya!

"Goddess of beauty? Exagerated lang naman ata iyang rumor na iyan?" Sabi ni Kurt

"Of course not! Napakaganda daw talaga niya! At gusto ko ay ako ang makaunang manligaw sa kanya" nakakalokong sagot nito

"Really? Lewis? Manligaw? Eh sa Kakatapos mo lang makipagdate dun sa freshmen, sumaside line ka na kaagad? Eh sa naging ex mo na ata lahat ng mga babaeng student dito sa campus ah" yun oh! Si Kurt na ang nagsabi ng gusto kong sabihin! Ahahaha

"Ahh yun? Wala na! Brineak ko na kanina pa! Ahaha" turan niya kaya napanganga si Kurt

"Grabe tol! Hayop ka talaga sa kaguwapuhan! Wala na kong masasabi pa! Ahahaha!" Dagdag pa ni Kurt kaya napailing nalang ako

"Wahaha! Syempre! Ako pa! I'm not called the cassanova king for nothing! Ahahaha" pagmamayabang na turan pa niya

"Tss! Di ka na nasanay jan sa playboy na yan Kurt! Eh ang lakas kaya ng wifi niyan pagdating sa mga babae!" Cold na sabi ni Klause pero di siya pinansin ni Lewis na ngayo'y nakatayo na

"I'm going to go and confirm kung totoo nga ito at malay niyo na baka siya na pala ang destiny ko di ba? Ahehe! Di ba kayo sasama guys?" Tanong pa niya habang nakangisi pa rin ng nakakaloka

"Destiny my ass! Sa dami ng babaeng napaiyak mo! May pa desti destiny ka pang nalalaman jan! Wala ka na nun tol! Ahahaha!" Pagbibiro ni Klause habang humahagalpak sila ng tawa ni Kurt kaya nagpout iyong si Lewis

"Don't pout! Your not cute! Ahahaha!" Dagdag pa ni Klause na mas lalong nagpahagalpak ng tawa ni Kurt at maski kami ni Kier ay mejo napatawa na rin

"Geh lang! Pagtawanan niyo ko! Kapag naging gf ko iyong transferee na iyon within this week, bibigyan niyo ko ng tig isang kotse! At ako ang mamimili!" Hamon niya sa amin kaya napasmirk kami

"Deal!" Sabay sabay naming sabi

"Just watch me! Hehehe!" Sabi pa niya bago naglakad palayo na habang may nalalaman pang pawink wink sa mga sluts sa paligid

Naiwan naman kami doon na pinagmamasdan lang ang pigura niyang palayo bago kami napasigh at nagsibalikan nalang sa pagkain.

>>fastforward<<

Andito na kami ngayon sa room at hinihintay ang teacher namin.

Tahimik ang buong silid ngayon dahil badtrip si Kier sa di ko alam na dahilan.

Ang tanging maririnig lang siguro ngayon ay ang hangin sa labas sa sobrang tahimik ng paligid.

Maya maya pa'y biglang bumukas ang pinto at niluwa nun si Lewis.

Agad itong tumakbo palapit sa amin na may smirk sa labi.

"Confirmed! She's a goddess of beauty! Kaya lang..." Salubong agad niya sa amin pero di din niya naituloy ang sasabihin niya

"Kaya lang ano?" Tanong naman ni Kurt

"Kaya lang ang weird ng suot niya! Pero bawing bawi naman sa katawan at mukha! At napakaflawless pa ng kutis! And you know the best part is? Ehehehe!" Dagdag pa niya

"Ano?" Si Kurt pa rin

"Magiging classmate natin siya!!" Sigaw niya habang nagniningning pa ang mga mata kaya nagfacepalm nalang kami ni Klause at binigyan siya ng death glare

Nagtatakang napatingin naman siya sa amin.

"What?" Napanganga nalang ako sa sinabi niya

Seryously?

Yung tataa?

Di ba siya marunong bumasa ng mood?

"Look around you idiot!" Sabi ni Klause at napatingin naman siya bago mejo nahihiya at nanginginig na naupo sa upuan niya

Nakatingin kasi kaming lahat sa kanya dahil Siya lang ang madaldal ngayon dito at isa pa ay mejo nanginginig siya dahil nakita niyang napakaseryoso ng mukha ni Kier kaya hayun para na siyang basang sisiw na upuan niya.

Hmp! Buti nga sa kanya! Wahahaha!

Lumipas ang ilang minuto pa ay hindi pa rin dumadating ang guro kaya sinalpak ko nalang ang headseat ko at finull volume bago ako napatingin sa kanila at nakitang may kanya kanya rin silang ginagawa.

Nakaheadset na din si Klause habang nakapikit, si Lewis naman ay di mapakali habang tingin ng tingin sa pinto, nagdradrawing nanaman ata si Kurt habang may lollipop sa bibig tapos tulog naman si Kier.

"Ang tagal naman nila! Hmmp!" Dinig kong bulong ni Lewis bago kinuha iyong maliit niyang salamin at nagsimulang manalamin

Tsss! Parang bakla!

Anong meron sa mukha niya at kailangan niyang manalamin nang minu minuto?!

Hay nako!

Pinikit ko nalang ulit ang mga mata ko at nagfocus sa pakikinig ng music ko.

Makalipas pa ng ilang minutong katahimikan ay bumukas ulit ang pinto at pumasok si Mr. Toledo, ang aming adviser.

"Good morning class! Today, we will have a new addition in class and i hope you'll all be friends with her!" Sabi agad ng guro namin kaya napuno ng bulungan ang paligid

Iyong iba ay excited na magkakaroon kami ng bagong classmate, well, mostly sa mga ito ay mga lalaki, iyong iba naman ay pinag uusapan na agad na slut ang magiging classmate namin at baka maagaw niya kami sa kanila blah blah blah...

Tss! Wala naman ako i mean kaming paki eh.

Nasa ganun kami nang biglang mag ring iyong cellphone ni Kier kaya naman ay sinagot niya agad ito at makalipas ng ilang segundo ay bigla itong tumayo kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Let's go Kurt! It's an emergency" sabi nito bago nagpatiunang umalis kasunod ang nagtatanong na si Kurt na hindi pinapansin ng una habang nag eexit sa may backdoor

Wala na kaming nagawa pati iyong guro kundi ang sundan nalang sila ng tingin pero understandable naman dahil wala din naman talaga itong magagawa para pigilan sila dahil paniguradong mag bababay agad ito ng trabaho niya sa oras na sinita niya sila.

Bawat salita kasi ni leader ay batas dahil sila ang may ari nitong paaralan kaya naman ay takot lahat ng mga students at stuff sa kanila.

Anyways...

Pagkaalis nila ay agad na tumikhim si Toledo bago ulit nagsalita.

"Ehem! You may now come in miss! Sorry for the wait!" Sabi nito pero lumipas ang isang minuto ay wala pa ring pumapasok kaya nagsalita ulit si Toledo

"Uhm... Miss? You okay? You may come in now" ulit nito at wala pang isang segundo ay may dumungaw sa pintuan bago ulit magtago

"Miss! Don't be shy! Come in!" Biglang Sigaw ni Lewis kaya nagfacepalm nalang ulit ako

Sa ginawa niya ay nagdulot ulit ng bulung bulungan ang paligid.

Maya maya pa'y biglang pumasok iyong babae na nakayuko kaya di namin makita ang mukha pero all eyes on her na agad.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Ito na ba iyong pinagmamayabang ni Lewis kanina na goddess of beauty daw?

Pero Hmm tama nga siya, ang weird ng suot niya.

Sa lahat kasi ng estudiyanteng nag aaral dito ay siya palang ang nakita kong nakasuot ng mahabang palda.

Wala kasi kaming uniforms dito kaya naman ay malaya kaming makapagsuot ng kahit anong gusto namin at sa lahat ng mga babaeng na nag aaral dito ay parang mga sluts kung manamit!

Laging salat sa tela ang mga suot nila at kulang na nga lang ay mag bra at panty na silang papasok sa school eh! Idagdag pa na Parang laging nasa party sila dahil sa kapal ng make up!

Nakakasura kaya mga pagmumukha nila!

Nagmumukha na kasi silang mga clown eh!

Nayon lang ata ko nakakita ng isang babaeng hindi nagkulang sa tela ang suot! pero infairness ha!

Ang puti at napakaflawless ng balat niya!

"Uhmm miss? Can you introduce yourself to class?" Sabi ni prof at tumango naman siya pero nakayuko pa rin

"Uhm... H-Hello po... A-ako nga po pala si... Si Savvana Daphne Vessalius Sanders!" Nauutal niyang sabi habang nakayuko pa rin

Napantig naman ang mga tainga namin hindi dahil sa sobrang napakaganda ng boses niya kundi dahil sa narinig na sinabi niya kaya naman ay may kanya kanyang reaksyon ngayon.

Si Klause, ayun nahulog sa upuan niya, si Lewis nalunok ata sariling laway kaya inuubo ubo ngayon, ako naman ay nanlalaki pa rin ang mga mata sa gulat, nabitawan ko nga iyong hawak kong ballpen sa gulat eh.

Binalot ng nakabibinging katahimikan ang kanina'y maingay na paligid habang nakatingin kaming lahat sa kanya at prinoprocesso ang mga sinabi niya.

Anu daw?!

Tama ba narinig ko?!

O namamaliktenga lang ako?!

Sino siya? At kaanu anu niya sina Kier? Kapatid na babae?

Pero sa tinatagal tagal na naming magkakakilala ay ni wala silang nabanggit na kapatid ah!

O kaya naman ay pinsan nila?

Hmmm...

Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay biglang may sumigaw na slut.

"You! Who are you to use the same surname as our Kings! You're just a nobody!" Sigaw nito habang dinuduro siya na sinundan pa ng iba

"Yeah! Who are you! And why are you nakayuko?! Are you hiding something?! Oh kaya naman ay sadyang napakapangit mo kaya di mo magawang ipakitang mukha mo!" Sigaw ng isa pa

"Bawiin mo sinabi mo kung ayaw mong maging impyeno buhay mo dito!" Slut 3

Marami pa iyan kaso tinatamad na akong magsabi dahil nakatuon lang ang aking attensyon duon sa babae nang bigla siyang sumigaw at nag angat ng mukha.

"But that's really my name!" Sigaw niya habang may namumuo nang luha sa gilid ng mga mata na muling nagpatahimik sa amin habang titig na titig sa kanya at isa lang ang masasabi ko

Shocks! Napakaganda niya!

Oh my god!

Siya na atang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko!

Tama nga si Lewis! She's a goddess of beauty!

(She's at the multi media)

Pakiramdam ko'y tumigil ang oras at
nag islow motion ang lahat!

Bigla ding naging black and white ang visions ko and she's the only one that's radiating so many beautiful colors!

*dug* *dug* *dug* *dug*

Eh? Anu yun?

Anu iyong ingay na iyon?

Lumingon lingon ako sa paligid ko at napansing ako lang ang gumagalaw pa dahil nakatutok pa rin silang lahat dun sa babae.

Weird! Di ba nila naririnig iyon?

Ang lakas kaya!

O baka naman ay ako lang talaga ang nakakarinig niyon?

Hmmm ipa check up ko nalang kaya ang tainga at mata ko at kung anu ano na naririnig at nakikita ko eh.

Hmmm! Tama! Maya maya lang ay mag papacheck up na ko sa family doctor namin.

Bumalik nalang ako sa realidad nang biglang magsalita ulit iyong guro.

"Uhm, if you don't mind me asking, how are you related to the Vessalius brothers?" Tanong ni Toledo kaya tumingin ulit kaming lahat sa kanya

Curious lang ang peg? Ahaha

Well, sino ba naman ang hindi kung bigla nalang na may magpapakilala with the same surname as those two?

"Kilala mo po sina kuya Ivan at Kurt teacher?!" Excited at nakangiting tanong niya kay Toledo and damn!

She got even more stunning in my eyes!

Those naturally red sexy lips! I wanna kiss those red lips!

Perfect heart shaped face! And her naturally gorgeous make up free face!

Oh my god!

I'm going crazy!

😳😳😳😳😳

Teka!

Arrghh! Anu bang pinagsasabi ko?!

Jusme! Naeengkanto na ata ko!

Magsisimula na ba akong magpahanap ng magaling na albularyo?!

Kung anu ano na kasing pumapasok sa isip ko eh! Aisht! Naman oh!

"Oh my gosh girl! Did i rinig that right?! She makes tawag king Kier na kuya Ivan?!"
Pag coconyo ni slut 1

"She must have a death wish!"
Slut 2

"Pasalamat siya at kaaalis lang nila King Kier at prince Kurt kundi tigok siya! Sayang naman ang sobrang kagandahan niya kung nagkataon!" Sabi ng isang lalaki kaya napakuyom ang kamao ko

"Nobody else had ever have the guts to call King Kier by his first name!" Slut 3

Napaisip naman ako sa sinabi ni slut 3...

Oo nga nuh?!

Bakit ba nawala sa isip ko na hindi nga pala nagpapatawag na Ivan si leader dahil lahat ng tumawag sa kanya nun ay matagal nang nasa ilalim ng lupa!

There's something weird about this girl!

She's the first one to ever call Kier and Kurt na 'kuya' without any hesitations and in public!

And to add that, her reaction when Toledo asked what's her relationship to them! Pati na rin iyong apelido niya!

Just what is her relation to them?!

'Hmmmm! I better watch her carefully from now on!' Sa isip isip ko habang matamang na nakatitig sa kanya na ngayo'y naglalakad na patungo sa upuan niya

LEWIS POV

Hmmmp! Ang dadaya nila!
May tinatago palang ganito kagandang kapatid sina leader?!

Kung alam ko lang, eh di sana nuon ko pa siya niligawan?!

Pero Grabe! Mas maganda pa pala siya pag sa malapitan!

Hmmm! Mapapasagot din kita! hehehe!

KLAUSE POV

Who would have though na may kapatid na babae pala sina leader?

And a goddess of beauty at that!

Well, whatever!

That's not surprising though seeing as being gorgeous runs through their veins!

Naiisip ko tuloy ngayon kung sino sa mga greek gods and goddessess ang nagsama at bumuo sa kanila!

Hayst!

SOMEONE POV

'Malapit na malapit na tayong magkita ulit, my Queen! Linggo nalang ang bibilangin ko' sa isip ko habang nakatingin ulit duon sa painting

===***===***===***===***===***===
Hey guys:)
How's this chapter po?

Senxa na po ah kung hanyan lang but i hope nagustuhan niyo po ehehe:)

Don't forget to VOMMENTS po:)
Grazie mille😁😁

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro