08 | start of shits
08 (artemis pursuing nick yet she was rejected )
May dalawang klaseng tao. Ang isa ay mautak at play safe. Yung tipong bago siya iwan, siya ang aalis. Makikinig pero hindi maniniwala. Gagawa ng mga bagay-bagay pero walang kalakip na damdamin. That play safe will end up with many 'what ifs' and will left you wondering.
Ang isa naman ay ang tanga at go with the flow. Maniniwala sa simpleng compliment. Get their skin flushed just because of a kiss. Simple gestures pero bibigyan ng kahulugan. And the worst is you are willing to take a risk. Isa ako doon at ang tanga ko because i fancy Nicholas. Yes, i fancy the a sshole and it even took out my vulnerable side.
Nandito ako ngayon sa Classica and im starting as a dishwasher. It's my first day now at masaya ako dahil hindi agad akong nakapag umpisa. Masaya pa ako sa lagay na 'yon? Maganda nga siguro di na ako tinanggap eh.
Nakilala ko na rin Seth and he's gay. Not gay means happy, but gay means GAY! For pete's sake siya yung tumititig sakin. He told me that he's fascinated kaya pala titig na titig siya. Nagpasalamat ako ng paulit-ulit sa compliment, no joke sobrang hiyang-hiya ako. Never mind his compliment, i was shocked ng malaman ko 'yon. Iniisip ko pa naman na he was good catch, ang laki ng panghihinayang ko. If im a typical girl, i'll be drooling over him.
"How's school?" Tanong ni Seth. Nasa kitchen rin siya with me. Siya ang unang nakilala ko dito aside from the jaw dropping manager.
"Blast." I said matter of factly. Hindi ko nakita si Apollo. Nadaanan ko si Phoebe pero mukhang busy pa siya masyado sa ginagawa niya. She's more focused on her studies now at nakakapagtaka. Si Nick, he's in the cashier and enjoying the attention. Ang gago feeling host kung maka entertain ng costumer. Ganito ba dito?
Nag over time na ako dahil wala naman akong ginagawa sa bahay, besides para maging maganda naman ang record ko dito at maging maganda rin ang sweldo ko. Kailangan, maganda ang first impression sakin.
Nasa locker ako ng makita ko si Nick at nag aayos ng gamit. Lumapit ako and level him. Nakaupo siya.
"Magusap tayo." Napabuntong hininga siya. He lazily looked at me at binitawan ang ginagawa niya.
"Wala tayong dapat pag usapan." I felt a pang of pain in my chest. Nilalayuan niya ako. Lumunok ako, kasama ng pag lunok ko sa pride ko.
"Ulol ka talaga. Marami tayong dapat pag usapan. Hinalikan mo ako ng ilang beses panagutan mo ako!" Tumitig siya sakin at nag iwas ng tingin. Yung balikat niya, tumataas baba. Pinagtatawanan niya ba ako?
"It was just a kiss Artemis. Walang big deal doon. And besides, kung ayaw mong ibigay ang gusto ko sakin, you wont get what you want from me." I shiver. Umiling ako.
"Pinagloloko mo ba ako o nag bago ka na talaga Nick?" I said and stare him intently. Iyon ang isang napapansin ko sa kanya. He's acting weird at hindi ko gusto yon. Ganito ba? May mga bagay ba talagang hindi ko pa siya kilala.
"Yes, nagbago ako and does everyone? Don't just focus on me, Artemis." His eyes didn't flicker. May iba pa ba siyang ibig sabihin? And that hitted me. Apollo and Phoebe. Pero ano naman ang kinalaman nila dito? Im imagining things. Imposible ang pinagsasabi niya, pinagloloko ba ako ng gagong 'to? Tumayo siya and cupped my face. He kissed my lips pero mabilis lang. His brown eyes is telling me that he want to say something. Then he did.
"Leave."
I got home safely. Hindi ko nga alam kung paano nangyari yon. Pwede naman habang tumatawid ako, nasagasaan na ako dahil lutang ako. Pwedeng nag collapse ako dahil sa over fatigue-- nope, its an overwhelming pain. Ngayon na alam ko na ang nararamdaman ko, i don't expect myself from being the old me na sapak muna ang abot ni Nick. Pwede rin kaso im still learning how to tame myself. I even want to take my heart out at itapon na lang 'to dahil ang bobo niyang mamili ng mamahalin ko. Doon sa taong may split personality pa.
"Pa." Nakita ko si papa sa garden at may hawak na kape. Hindi ko alam kung mag mamano ako dahil sobrang hiyang hiya na ako sa kanya.
"Upo ko dito sa tabi ko." Sumunod ako at tinabihan si Papa. Tumingin ako sa kawalan ang sighed. Kinakabahan ako, halos sumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Iniisip ko kung paano na naman ako mag so-sorry. Paulit-ulit na lang, siguro nagsasawa na siya. In the end, humingi parin ako ng tawad.
"I'm sorry, Pa. I'm a failure. Matigas ang ulo ko at hindi nakikinig sa inyo. I smoke, i drink, kulang na lang ata mag weeds ako pero di pa naman pa eh--"
"Anong hindi pa naman?! May balak ka?!" Napatayo si Papa at napatayp rin ako. Nagulat ako reaksyon niya pero mas nagulat ako sa sinabi ko.
"Pa! Hindi, wala talaga akong balak. Inalukan nga ako dati pero di ko tinanggap." Napabuntong hininga si Papa at umupo na ulit kami. Napabuntong hininga rin ako. Hindi ko alam kung ilang beses na ko nang ginawa 'yon, para kasing kinakapos ako ng hangin.
"I dont hate you Artemis. Galit ako dahil nakikita ko ang sarili ko sayo. When you're not around, pinapagalitan ako ng nanay mo dahil sa akin ka daw nag mana. Mula itsura hanggang ugali kinuha mo mula sakin. Hindi ko alam ba't sakin pa, pwede naman sa Mama mo na lang lahat. Pero kahit ganon, im glad Artie. It makes me want to take care of you the most. I want to discipline you at the early age, hindi you dadanasin mo muna kung gaano kalupit ang mundo bago ka mag bago." I found myself crying like a baby. Inakap ako ni Papa at nag patuloy siya sa pagsasalita. I want to say something pero puro ngawa lang ang lumalabas sa bibig ko.
"Ikaw, ang pinakaiingat-ingatan namin ng mama at kuya mo. He will do everything para lang sa ikabubuti mo. Maybe he's not around, pero gumagawa parin siya ng paraan para ingatan ka. Maski hindi ko siya utusan, he's monitoring you." Im nodding, telling that i know. The tears won't just stop. Sobrang guilty ko dahil ang dami kong ginawang kagaguhan pero sa kabila non, nagawa parin akong kausapin ni Papa. Do i deserve this? Hindi ako makahanap ng rason para mangyari 'to sakin. I know myself too much.
Inangat ni mukha ko at pinahid niya ang luha ko. Ngumiwi siya. "Ang pangit mo na Artemis. Wag ka na nga umiyak, baka maiyak pa niyan ako, your mama will panic." Napatawa ako at inayos ang sarili ko. I cleared my throat at tumingin ulit sa kawalan. I found myself smiling.
"Kilala mo sina Apollo and Phoebe diba, Pa? Sila yung couple na kaibigan ko." Masaya kong kwento. Kaso bigla akong nalungkot dahil sa nangyari samin ni Apollo kahapon at sa amin ni Phoebe kanina. Wala na siyang oras samin at gusto ko siyang tulungan, pero di ko alam kung paano.
"Oh? Bigla ka naman sumimangot diyan?"
"May nangyari kasi Pa eh. Pa, kilala mo naman si Nick diba?" Biglang kumunot ang noo ni Papa at umiwas ng tingin. Kailangan kong ipaliwanag ngayon lahat-lahat ng di alam ni Papa.
"Pa, listen." Tumingin siya sakin pero halatang galit parin siya.
"Fine." I cleared my throat and held Pa's hand.
"hindi ko boyfriend si Nick, Pa. Kasa-kasama ko lang siya. Walang nangyari samin peksman! Pinagtatawanan ko lang nung una dahil wala naman katotohanan yung kinalat nila pero nung tumagal pinaniwalaan ng iba. Naging mailap non si Nick at nagbagong buhay ako maski paunti-unti dahil nagalit kayo sakin. Trust me pa, iniwan ko lahat ng bisyo ko ng ilang taon. Iniwan ko sila Gabriel at Nakilala ko sina Apollo at Phoebe." Tinaas ko yung apat kong daliri.
"2 years kong isinantabi si Nick. Ilang buwan, nagpakita siya. Nagpakasaya kami like a drunk teens. Tables turned, dumating yung time na he want me stay away. Doon ko na laman na hindi ko kaya kasi mahal ko na pala siya. No, siguro matagal ko na tong nararamdaman at pinaniniwala ko ang sarili ko na wala lang sa buhay ko si Nick. It pains my chest, Pa. I hate him." Pinahid ko yung luha ko.
"Malungkot ako kanina, pero nung kinausap mo ako Pa, sumaya ako. Ngayon, malungkot na naman ako. I thought im inlove? Pero bakit ang sakit dito? Akala ko ba heaven feeling pag inlove?" I point my chest at humagulgol. Papa hugged me.
"Hinahabol niya ako, the next day pinagtatabuyan niya na ako. Turning tables is a bitch!" Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sakin. I feel safe again, tulad ng nararamdaman ko palagi kay Nick.
"Im sorry, little bean. Im sorry." Hindi ko maintindihan si Papa pero nanatili parin akong nakayakap sa kanya habang umiiyak.
--
Nick
"Ihatid mo ako. Maguusap tayo." I really want to, Artemis. Maguusap tayo and i'll ask you if you will let me explain about sa mga pinagsasabi ko. How i wish it was just easy as that.
"Wala tayong dapat pag usapan." Nakita ko na lang ang sarili ko na umiiwas kay Artemis. Mahirap para sakin gawin iyon kaya hindi ko napigilan ang sarili kong bigyan siya ng mabilis na halik at nakakadarang.
Habang nagmamaneho ako, sinusundan ko si Artemis pauwi. Making sure she's safe. Nang nakauwi na siya, doon pa lang akong nagpasyang umuwi.
Binuksan ko yung bintana at inilagay sa bibig ko yung sigarilyo at isinindi iyon. Napahampas ako sa manibela hindi dahil sa traffic. Im fuming mad. I left Artemis 4 years for good. I came back for her at hinding hindi ko ulit siya iiwan, hindi ko kaya. Hindi pa naman ako tanga para gawin yon. May sarili akong desisyon at walang mang didikta sakin.
Una pa lang, ayaw na ako ni Cupid para sa kapatid niya. Kaibigan ko si Cupid pero kinakalimutan niya iyon pag dating kay Artemis. He's overprotective na nakakairita na. Sinabi naman sa akin ng Papa niya na pwede ko pa lang lapitan si Artemis pag 45 years old na, what does he mean?
I dont care if it will destroy the both of us.
I still remember saying those words to Artemis. Totoo 'yon, im willing to be destroyed at mangyari man 'yon wala akong pagsisisihan. The first time i set my eyes on her, inangkin ko na siya. Wala akong balak bitawan siya, sinisigurado ko yon.
Us against everyone.
Bumaba ako sa sasakyan at pumasok sa bahay. I feel uneasy kaya kumuha na naman ako ng sigarilyo and puff. Nag stay ako sa labas ng bahay hanggang maikalma ko ang sarili ko. Pumasok na ako sa bahay ay dumiretso ako sa kusina while unbuttoning my polo. Nakita kong may lalakeng umiinom ng tubig habang nakaupo sa high chair. Nag init bigla ang ulo ko. I want to puff again!
"How's work?" Tanong ni Apollo while grinning.
Ngumisi ako at kumuha ng maiinom. Hindi ko siya pinansin. Baka dumanak lang ng dugo kapag pinatulan ko pa siya.
"How about kamusta si Artemis?" Napataas ang isa kong kilay.
Sinuntok ko si Apollo kaya napababa siya sa high chair. He's still grinning. Kinwelyuhan ko siya at sinuntok ulit. Whenever im looking at him, nanggigigil ako dahil bakit ang unfair ng mundo. Im not good enough at ito siya, playing perfect.
"Layuan mo na ang kaibgan ko. I will take care of her. Nagawa mo siyang iwan tapos babalik ka ng ganon-ganon lang? Wala kang maidudulot na maganda sa kanya, while me i can be the best. Gagawin ko lahat ng bagay na hindi mo magawa-gawa."
Napatawa ako. He's acting mighty again.
"Then dump Phoebe, first. Puro ka salita."
"I did. Hindi ko na kayang lokohin si Phoebe at ang sarili ko. We all know what's for the best for Artemis-- kuya. Alam mong ako yon."
My lips twitched. This son of a b itch is my half brother. He's perfect, i'm twisted. Sinusubukan niya ba ako? Im twisted in all ways, i'll make sure she will stay inlove with me.
Nakapag decide na ako, mahal ko si Artemis and she is the risk that i will take.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro