Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

07 | staying home

07

"Fine. Wala na akong magagawa, nakasunod ka na sa akin eh." Napangiti ako. Sana naman hindi siya makulitan ngayon sakin. Nakakamiss rin si Phoebe. Kung nandito siya siguro ngayon, papagalitan niya ako dahil sa katigasan ng ulo ko. Magsasalita siya ng magsasalita ng mga hindi maganda tungkol kay Nick. Siguro yayakapin niya ako tapos sabay kurot sa tagiliran ko para lang gumaan ang loob ko.

Habang naglalakad kami ni Apollo hindi ko mapigilang hindi magtanong.

"Apols, anong feeling ng magkaboyfriend?" Bigla naman syang natapilok kaya nagulat at nagalala ako.

"Art naman! Pag nagka boyfriend ako wag kang magalala babalitaan na lang kita. Sa ngayon im straight as f uck and currently have a girlfriend." Asar nitong sabi na ikinahagalpak ko. Hindi ko na namawalayan yung tanong ko sa sobrang space out ko. At least nakatawa na ako at hindi na gloomy ang atmosphere.

"Bakit mo naman pala natanong? Gusto mo bang maging boyfriend si Nick? Artemis wag kang magkakamali ng sasabihin sakin at baka magaway na naman tayo." Napahagikgik ako dahil ang epic ng mukha nya pagseryoso. Actually, nakakatakot.

"So bati na pala tayo ngayon? Di ako na inform." Biglang ngumisi si Apollo

"Ayaw mo? Di wag. Maayos nama akong kausap." Nagpatiuna siyang maglakad at naiwan akong tawang-tawa sa itsura niya.

"Oo na. H-hoy joke lang! Wag mo 'kong iwan!!" Sumunod ako sa pagtakbo niya dahil halata naman na balak niya akong iwan at sigurado na sasaraduhan niya ako ng pinto ng bahay nila.

Pagkarating sa tapat ng bahay nila unahan kaming kumuha ng baso at tubig sa refrigerator. Na unang nakainom si Apollo. Napatawa ako dahil kulang na lang isubo niya yung buong baso sa sobrang uhaw niya at di ko namalayan na nabilaukan na pala siya.

"T ANGINA!! Sakit ng ilong ko! Kasalanan mo to eh! Tumatawa ka." Inabutan ko siya ng box ng tissue habang nagpipigil ng tawa.

"Woy wag mo nga pigilin yang tawa mo, baka sa ibang butas lumabas yan." Napatigil ako.

Naglaro kami sa kwarto niya xbox, chess at wrestling. Lagi akong lose!

"Imaginin mo kase kunwari yang kalaban mo si Nick! Geh sipain mo! Gamitan mo naman ng combo!" Pangaral ni Apollo na ikina-bato ko. Imaginin ko na ayan si Nick? Maganda ngang idea. Gusto ko sanang magpagawa ng punching bag na mukha niya ang nakalagay.

"Woy? Ayos ka lang? Nag zero na yung HP mo. Talo ka na naman, weak!" Tumawa siya ng malakas na halos maningkit na yung mata niya kaya agad akong kumuha ng tinapay sa plato at pinasok iyon sa bukas niyang bunganga.

Oo na ako na bobo. Maski anong gawin ko talo parin eh. Di talaga ako marunong sa xbox.

"Yabang mo! Mabulunan ka sana!" Hindi pa ako nakuntento at pinasukan ko pa ito ng isa pang tinapay.

"I like Nick" Biglang nabulunan si Apollo kaya tinapik ko ang likod niya.

"Aray! lalabas ata yung baga ko dahil sayo! Tama na nga!" Lumuluha na ang mata niya siguro ng dahil sa nabulunan siya at pag tapik ko sa likod niya.

"Gusto mo talaga siya?" Napayuko ako at nagkibit balikat.

"Gusto ko siyang patayin." Napahilamos siya ng mukha.

"Talaga? I'll do it for you sige. Siya ang magiging first kill ko."

"Pero naguguluhan talaga ako sa kanya eh. May sira ba siya sa ulo kaya nawala siya ng apat na taon? Di kaya na admit iyon sa mental, sa tingin mo?"

"Payong kaibigan na lang, iwasan mo na si Nick. Dati naman wala yung peste na yon sa buhay mo diba?" Agad na lumabas si Apollo sa kwarto dahil kukuha daw siya ng maiinom. Mukhang bad trip siya dahil binanggit ko na naman ang kasumpa-sumpang pangalan ni Nick.

Naiyukom ko ang mga kamao ko. Tama si Apols maski ayoko man aminin. Naasar ako kay Nick eh! Kung paano niya ako habulin nung mga nakaraang buwan, pinagtatabuyan naman niya ako ngayon. Ang kapal naman ng balls niya!

Ano ba talaga ang gusto ko? Ayoko siyang iwan ako ulit dahil ba masaya ako pag kasama siya? O pakiramdam ko ako lang magisa kaya kailangan ko siya.

"Apollo! Ang tagal mo!"

Biglang pumasok si Apollo at nanlalaki ang mata habang hinihingal. Ang pangit niya.

"Pwede bang maghintay ka muna?! Eh kung tulungan mo muna kaya ako doon para maglinis!" Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Parang babae yang si Apollo eh. Marunong lahat sa gawaing bahay at ayaw na ayaw niya ng madumi. Minsan nga nung nag over night kami ni Phoebe nag general cleaning muna kami bago kami pinatulog! Nakahanap siya ng yaya niya. Simula non hindi na namin hinayaan na utusan niya kami. Neknek niya! Bisita kami kaya dapat kami ang pagsilbihan. Bahala siyang mapagod.

"Apols! Maki tulog muna kaya ako sa inyo?"

"Bawal!" Agad niyang tugon. Di muna niya pinagisipan?

"Bakit? Nakakasawa na sa bahay eh. Dito muna ako. Namiss ko amoy mo eh." Kinuha ko yung unan niyang sponge bob at inamoy. Sa lahat ng lalakeng naamoy ko yung kay Apollo yung hindi masakit sa ilong. Parang amoy babae pa ata siya eh.

"Tumigil ka sa pinagsasabi mo nakakakilabot!"

"He! Ano bang ginagawa mo diyan." Pumunta ako sa kusina habang hawak parin yung unan at yakap-yakap ito.

"Nagluluto ng lalamunin natin." Tinitigan niya ako pero saglit lang at bumalik ulit siya sa paghalo ng niluluto niya.

"Sabi ko na nga ba at malas si Phoebe sayo eh."

"Aba aba! Ang gwapo ko na nga, masarap pa akong magluto! Take note all around ako! Yummy pa ako!" Pagmamayabang niya at gumiling giling siya habang nasa harap ng stove at hawak ang apron niya. Napangiwi ako. Mukha kasi siyang macho dancer, nakakadiri!

"Gago! Tumigil ka nga at ang laswa mo! Hindi pa ba tapos yan? Gutom na ako eh." Umupo ako sa pagkainan at ngumuso.

"Eto na tapos na." Inilapag niya na yung ulam at kanin at naglagay siya ng dalawang plato.

"Kutsara tinidor?"

"Urur! Magkakamay tayo dahil ako maghuhugad ng plato." Tsaka na siya kumuha ng pagkain niya. Napairap ako.

"Ang tamad mo talaga!" Kumuha na rin ako ng para sakin at nagsimula ng mag kamay at kumain.

"Anong balak mo niyan?" Napaisip ako sa tanong niya. Ano bang balak ko pagkatapod nito?

"Maglalaro sa computer mo mamaya? Ano bang maganda?"

"Sira! Sa buhay mo! Anong balak mo sa buhay mo. Artemis, di ka na bata para takasin mo mga problema mo. Oo nga at nakawala ka ngayon araw, bukas nandyan parin niyang kung hindi mo bibigyan ng solusyon." Napanganga ako. Sa unang pagkakataon naging taong may sense si Apollo. Tama siya, nagiging aasal immature na naman ako. Nang nakabawi ako sa shockness, Bigla kong naalala yung sinabi ni Nick kanina sakin.

"Apols, kaya ko bang ako lang magisa? Yung tipong nakakatayo ako sa sarili kong mga paa? Independent ba akong babae?" Napahagalpak si Apollo at mukhang iniinsulto niya ako. Sinapak ko siya.

"Eh halos umiyak ka lagi dahil nagaaway kayo ng papa mo. Hindi mo magawang lumayas dahil wala ka ngang pera. Pano ka nakakatayo sa sarili mong paa niyan? Minsan stiff at mas gusto mong mag isa. Hindi ka rin marunong humingi ng tulong at ang pagkakaalam ko, matayog lang ang pride mo!" Tumayo ako at Nasapak ko na naman siya kaya ngumiwi ito.

"Kanina mo pa ako iniinsulto ha! Ginagantihan mo ba ako? Alam mo konti na lang at hindi na ako maniniwala sa pinagsasabi mo. Kung hindi naman ba puro lait ang sinasabi mo mismo sa harap ko?!"

"Totoo lahat yon! Kanino mo naman nalaman na independent ka? Bakit bubukod ka na at makikitira dito 'no? Di ka welcome dito sorry." Napaupo ako at napasimangot. Ang gulo naman ni Nick. Anong bang ibig sabihin niya? Ako, bakit ko ba iniisip yon? Ayokong iwan niya ulit ako. Bakit ba gustong gusto niyang lumayo ako? Hindi kaya may cancer siya at ayaw niyang masaktan ako pag nawala siya?! Well, di naman ako gaano masasaktan so who cares

"Apollo, papuntahin mo nga si Phoebe dito. Masyado na siyang nagsusunog ng kilay baka maubos na ang kilay niya." Biglang napatayo si Apollo at mahinang napa mura. Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin habang hawak nito ang phone, mukhang dinadial niya si Phoebe. Nag away ba sila?

"Nag away kayo?"

"Of course not!" He cooly said. Edi hinde, nag tatanong lang naman.

"Hello, babe." He cringe at napahawak sa sentido niya.

"Could you crash here? Nandito si Artemis. Namiss ko ng maglap dance sayo eh-- okay, take care. I love you."

"Kadiri ka. Wag mo ngang binabahiran ng ka manyakan mo si Phoebe! Anong sabi niya!?" Singhal ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko! Kaya pala sanay mag macho dancer sa harap ko 'tong si Apollo ngayon, official lap dancer pala siya ni Phoebe.

"Hindi daw siya pwede ngayon. Bukas na lang at magkikita-kita naman tayo sa schoool." Kinuha niya yung phone niya at may pinatugtog. Hindi pamilyar pero unti unting nag sink in sa utak ko kung anong klaseng kanta yon. Habang si Apollo, he's slowly swaying his hips.

"No no dont you dare Apollo! Ayoko pang bangungutin!" nakarinig ako ng tawa na bumulabog sa buong bahay. Kanino pa ba? Ang magiging ex-best friend ko lang naman dahil sa pinag gagawa niya. Kailangan ko na atang humanap ng bagong kaibigan at bagong boy friend si Phoebe.

"Hey, tungkol kanina." Pag simula ko ng usapan at mukhang nakuha ko ang attention ni Apollo because he paused the f ucking sensual song.

Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba yung nangyari kanina. Napabuntong hininga ako.

"Sinabi niya na lumayo ako sa kanya." Tumango siya and he don't look surprise.

"Then good? He's a mess Artemis! Nick is a selfish a sshole at alam kong alam mo 'yon." Napatahimik ako, thinking if i'll say what happened bago niya ako pinagtabuyan. Napatayo ako sa kinauupuan ko remebering what happened at unti-unti itong nag sink in sa utak ko. My cheeks burned.

"Yes, he's an a sshole. Hinalikan niya ako and i --liked it!"

Nasa realidad ako ngayon at hindi ko pwedeng palitan kung anong next scene na mangyayari sakin. Hindi rin ako pwedeng magsulat ng script para lang masunod ang gusto ko. Bawat araw na dumadaan lalo akong nagugulat at nasisiraan ng bait sa mga nangyayari. Magkakaputing buhok na ata ako ng wala sa oras. Ngayon araw na 'to ako magiisip kung ano bang dapat kong gawin. Titimbangin ko kung ano ba talaga ang naramdaman ko. That is what i planned doing here. Kumbaga sa SIP, collecting data ang gagawin ko. I was too stunned from what i said.

"You like him." Sabi ni Apollo at mas lalo akong nagulat.

"No! Of course not! I just like the kiss! May pinag samahan kami so the kiss was nothing." Sa sunod na sinabi ni Apollo nalaglag ang panga ko. Nakuyom ko ang kamao ko and i felt my chest pounded. I step backward dahil sa takot kong maririnig niya ang pagkabog sa dibdib ko.

"Really? Hahalikan kaya kita ngayon, tignan natin kung magugustuhan mo. Tutal may pinagsamahan tayo diba? What Artemis?!"

"Uuwi na ako." I grabbed my things and storm out without looking back

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro