Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

03 | change

03

"Binusina ako ni Nick tapos hinatid niya ako? Walang kahit anong nangyari. Apollo! Mali iyang iniisip mo?! Phoebe naman, hinatid lang niya nga lang ako. Hala sige Apollo! ilabas mo pa yang dila mo at maputol ko yan!" nageexplain ako ng maayos tapos aasarin nila ako. Napabuntong hininga ako. Ang hirap pa lang magexplain sa mga taong may sapak.

"What? Nililinaw ko lang naman eh." Nakataas parin ng kilay si Apollo. Lintek naman.

"Eh kung sanang inayos mo yang kilay mo habang nililinaw mo. I-shave ko yan eh." Tsaka ko ininom yung kapeng nilibre nila sakin. Weekends ngayon kaya sarap buhay muna at bago yon, kinwento ko sa kanila yung nangyari kahapon at ano-ano ng pinagiisip nila. Nababahala ako sa paglitaw ni Nick. Kung pwede lang sana hindi ko na siya makita. Para saan pa? Wala akong makitang dahilan para mag kita pa kami. Anong big deal ba kay Nick? Gago lang naman siya yun lang ang alam ko.

"Hinatid ka nya tapos?" Tanong ni Phoebe.

"Pumasok na ako ng bahay?"

"Yun lang?!" Takang tanong niya. Tsaka tumango ako ng sunod-sunod.

"Ano pa bang gusto niyo?"

"Ahhhh! Wala." Sabay nilang sabi.

"Oo nga pala, samahan nyo ako sa school. Naiwan ko yung drafts para sa mini thesis namin."

Dumaan kami ng school para kunin yung drafts ni Phoebe. Pagkatapos niyang makuha dumaan kami sa harap ng faculty nang madaanan namin si Barney with friends-- este Gabriel with company.

"Hi Phoebe!" Makahulugang bati nila kay Phoebe kaya nakatikim sila ng matatalim na titig galing kay Apollo.

"Back off, Gabo."

"Okay, kay Artemis na lang." binilisan ko ang paglakad ko pero ramdam ko parin ang titig ni Gabriel. Gusto ko syang sapakin hanggang sa hindi na nya madatnan yung bukas.

"Lord, mukhang gagong-gago naman si Gabo. Kunin niyo na po siya." mahina kong bulong habang madiin na nakapikit.

"Artemis Mortiro." tawag si Gabriel kaya lumingon ako. Napataas ang isa kong kilay. Wala na kasi ang mapaglaro niyang ngisi na lagi niyang suot.

"Sorry sa lahat. Sa pag asar ko lagi sayo? Oo, alam ko gago ako. Hindi ko naman mababago pa yon kaya nandito ako sa harap mo ngayon para humingi ng tawad. Alam ko nabastos kita and hindi sapat to pero i swear magbabago na ako." mata sa mata nya ako tinignan at mukhang seryoso nga ang gago. Pag asar lang tawag doon? Harassment kaya yon gunggong! Mukhang sincere naman siya kaso hindi rin naman madali sa parte ko na agad siyang patawarin.

"Anong nakain mo?" tanong naman ni Phoebe at mukhang hindi makapaniwala.

Lumapit si Gabriel at lumuhod sa harap ko. Napasinghap ako at agad ko naman siyang pinatayo. Nakakalaglag puso naman ang ginagawa niya ngayon. Hindi naman ako dyosa para luhuran!

"Sorry na kase."

"Pagiisipan ko? Wag excited."

"Wait. Wait. Seryoso ka talaga?" Tanong ni Phoebe.

"Secret." tsaka bumalik ulit ang ngisi ni Gabo.

"Phoebe! Apollo! Pigilan niyo ako! Mapapatay ko na talaga tong si Gabo! Pigilan niyo ako!" Agad naman nilang hinawakan ang braso ko at binitawan rin naman agad.

"Sige, patayin mo na pala." Apollo.

"Ayoko na pala. Nakakatamad."

"ihh tara na nga. Walang kwenta yan! Wag mong papatawarin yang si Gab. Secret pala ha!? Mukhang pinagloloko tayo ng gago!" asar akong hinila ni Phoebe palayo at may pahabol pang isa pang 'sorry' samin si Gab. Baka ginu-good time lang kami nung Barney and friends na yon? Sana naman hindi naman at baka ako na talaga kikitil ng buhay niya. Hindi ako magdadalawang isip.

Nang makalabas na kami sa School, dumiretso kami sa isang pizza parlor. Ngayon lang namin ito pinuntahan pero medyo malapit na yung pwesto nya sa subdivision namin. Nakakapagtakang hindi ko 'to nakikita. Siguro dahil hindi 'to peymus? Ngayon ko lang nakita pero hindi bagong tayo, sa katunayan nga mukhang antique na yung pizza parlor. Kubit pa nga yung nakapastil na karatula sa labas na naka sulat na 'classica'.

"Anong trip mo at dinala mo kami dito?" tanong ni Phoebe at hinihimas yung mga blocks na mahalikabok sa wall.

"Baby, tigil mo na yan. Dirty yan." bawal ni Apollo at pumasok na kami ng walang ka excite-excite.

holy poop.

"Shit, 'to ba talaga yung pinasukan natin kanina?" i muttured. Lumuwa na ata yung eye balls ko ng makita yung loob. Nandoon parin yung touch ng pagkaluma pero yung pagka moderno ang mangingbabaw. Kabaligtaran ng nasa labas yung loob. Mukhang maliit at boring yung sa labas pero pagdating sa loob, malawak yung dating dahil minimalist tapos makalaglag panga?OA ba ako mag describe? eh napanganga kaya ako.

"Ano? bilib ka na nyan? Don't judge the alikabok at the outside. Kakain lang tayo, lumalabas yung tunay na kulay. Sus wag nga kayong pahalata." napatawa si Apollo ng malakas kaya lumingon yung mga iba sa kanya. Napayuko na lang sya sa hiya.

"Yabang mo kase ano? lumabas pala ang tunay na kulay ha?" naghanap na kami ng table na mauupuan at napagdisisyunan namin yung lugar sa pinaka dulo. Ibang theme na kasi yung dulo parang pambahay at pwede sigurong mag feel at home tapos hindi gaano marami yung tao. Napaka relaxing ng dating.

"Sinong taya ngayon?" tanong ko habang hawak hawak na yung tyan ko. Gutom na ako, lalo na mainit pa naman sa labas kanina nung naglakad kami sa loob ng campus. Oven na talaga yung pilipinas at kotang-kota sa araw! Tutok na tutok ata yung araw sa pinas ah?

"Ikaw na muna Art. Butas bulsa ko ngayon, gas ko pa lang ang takaw nyo na." mukhang yamot na yamot na si Apollo kaya ako na muna ang manlilibre. Pagkabukas ko sa wallet ko, naawa ako bigla. Gutom rin pala wallet ko pero mukhang lalong gugutom 'to dahil manlilibre ako. Buhay nga naman, parang life pag walang love life.

Nakarating na ako ng counter at doon nag order. Naiilang ako dahil titig na titig yung lalakeng nasa counter. Oo na, cute sya pero wag naman sana syang humarot ngayon. Kita ng oras ng trabaho! nadidistract yung beauty ko? Ang kapal talaga ng mukha ko. Mukhang ganon lang talaga tumitig yung lalake at ano na naman iniisip ko. Maganda kase ako yun lang dapat isipin ko.

"Oh, anong inorder mo?" tanong nila at bahagya pa akong natulala at nakabawi naman agad. Muntikan ko ng makalimutan pati yung order ko. Nakakailang naman kasi talaga yung tingin ng lalake kanina. Ehem, gwaping eh hihi.

"pepperoni pizza."

"YUN LANG?!" sabay pa nilang sabi. Napahalakhak ako. Ang OA nila kaya ang sarap nilang pag tripan.

"Eh paiyak na yung wallet ko kaya yun na lang muna. Yung large naman kaya pwede na." ngumiti ako ng pilit habang bumabaling sa ibang pwesto. Pinipigilan kong hindi humagalpak sa tawa. Yung itsura kasi nila parang matatae na.

"Mabubusog tayo doon?" nanghihinang tanong ni Phoebe. Sorry, Phoe.

"Malamang hindi. Pag ako hindi na busog ikaw na lang kakainin ko."

"Kadiri 'to." biglang may naglagay na tray ng chicken parmesan at isang large na hawaiian pizza sa table. Napasinghap sila at tinignan ako ng masama. Nagkibit balikat nalang ako. Kanya kanya ng lamon kaya medyo tumahimik kami. Pasakan lang ng pagkain yung mga bibig namin mananahimik na kami.

"Ang sharapmmm!" Ungol ni Phoebe at mukhang enjoy na enjoy. Hindi na ako nanghihinayang dahil nagutom yung wallet ko, sulit naman pala.

Nang simot na namin lahat, nag decide na kaming agad umuwi. Una akong hinatid ni Apollo.

"Bye! Call na lang Artie!" Nag paalam sila ng maihatid na ako. Pumaharurot ang sasakyan hanggang sa hindi ko na ito matanaw.

"Hi pa." Bati ko kay papa habang nanonood ito ng TV. Nag bless ako at tumango lang ito.

"Kain po? May pizza po akong dala." Nag take out pala ako ng pizza. Sobrang sarap kasi at gusto kong ipatikim kila mama at papa.

"Ilapag mo na lang dito. Buksan mo tapos tawagin mo mama mo." Inilapag ko sa lamesa at binuksan iyon. Tinawagan ko si mama para sumabay samin.

"Ayos tong pizza." Pag compliment ni papa na ikinakaba ko at ikinasaya ko rin.

"Sa Classica pizza parlor ko po yan binili. Tinuro lang ni Apollo." Tumango si papa at mukhang expect nya na yung sasabihin ko.

"Nadadaanan ko lagi yon."

"Pero hindi mo man lang naisipan pumasok at bumili." Umirap si mama na ikinatawa ko. I miss this so much. Parati akong hindi nakakasabay sa kanila tuwing kumakain dahil i cant bare papa's coldness. Ngayon nag loosen up siya maski konti at masaya ako doon. Maybe this is a good start.

"Artemis, bat hindi ka kaya pag part time job? Katulad ng ginawa ng kuya mo bago mag graduate ng senior." Biglang sabi ni mama. Napatanga ako. Oo nga pala, maski anong gawin ko hindi ko parin maiiwasan ang hindi mag part time job. Yun ang pinamulat ng magulang ko na maski may kaya kami, kailangan parin namin danasin kung ano ang hirap ng buhay at intindihin yon. Matuto hindi lang sa loob ng bahay, pati rin sa labas.

"Mag hahanap po ako." tsaka ako kumuha ng panibagong slice ng pizza at sinubo iyon.

"Maganda kaya kung sa classica ka na lang." suggest ni mama na kinatahimik ko.

Biglang naalala ko yung lalakeng titig na titig kanina. Muntikan pa nga akong matunaw tapos iisipin ko pa lang na kasama ko sya sa trabaho parang sumasakit na ulo. Napasinghap ako at umiling.

"Ayos ka lang? Mukhang pagod ka na, akyat ka na sa kwarto mo."

Tumango ako at umakyat na papuntang kwarto. Marami pa naman fast food chain na maapplyan. Basta wag na lang muna sa Classica kung pwede. Wala naman problema sa lalake o yung pizza parlor na yon. Yung problema ay ako, sira lang talaga siguro ang ulo ko.

Pabagsak akong humiga sa kama at inakap yung unan kong si toothless. Napabuntong hininga ako at naisipang tawagan si Apollo at Phoebe.

Una kong dinial yung phone ni Phoe.

"Girl? Hello?"

"Ahh Phoebe, pwede ka ba bukas? Pasama mag hanap ng fast food na maapplayan, sama mo na rin si Apols." Napahagikgik ako sa pangalan ni Apollo.

"Sige sure, pero pag may klase na kailangan kong agad umuwi. Kayo na lang ni Apollo nun kung sakali. Sorry Artieee!" Napangiti ako sa tono ng boses ni Phoebe. Ang cute cute!

"Ano ba, ayos lang. Basta pag may problema nandito kami. Kahit ano pero kung sa pera, si Apollo na lang guluhin mo muna. Pass muna ako hehehe." Napatawa ko naman si Phoebe. Seryos naman ako sa sinabi ko. Pagkailang minuto, binabaan nya na ako dahil inaantok na daw sya. Namumungay na rin yung mata ko kaya tinext ko na lang si Apollo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro