02 | comeback
02
"Kuya, aalis na kayo?" Tanong ko habang palabas na sana ng gate at inaayos ang suot kong shades nang makita ko sila ni Daryl na papasok sa kotse.
"Yup, may trabaho pa ako at na mimiss na ni Dada ang mommy niya." Pumasok na sila sa driver seat at inayos ang gamit. Napatango ako.
"Okay, Ingat na lang kuya. Say hi to Ate Gel for me. Mamimiss ko kayo and miss ko na si Ate Gel. Balik ulit kayo dito! Sama mo si ate next time!" hinagkan ko si Daryl at nag fist bump kami ni kuya.
"Sure. Nakikita mo parin ba si Nicholas? How is that a sshole?"He said out of the blue.
"Rest in peace na siya." Napairap ako.
"Artemis." He said in a warning tone. Eh totoo naman, hindi ko na kaya nakikita yung lalakeng 'yon. Tsaka hanapan ba ako ng nawawalang tao? Bakit hindi niya itanong sa-- PAWS? Hayop si Nick?
"Sige na, baka malate ka pa sa klase mo. Ang bilis mong mapikon ano? Ang sarap mong ibully." I rolled my eyes at tinawanan lang ako ni Kuya.
Sa harap ng school, nakasalubong si Apollo. Hindi pa ata ako napansin kung hindi ko pa sya binunggo.
"Nice shades Art! Mataas ba sikat ng araw? Bakit parang hindi naman?" Apollo grinned. Eh kung sapakin ko kaya to para maka kita sya ng stars. Naka shades ako hindi dahil malakas ang trip ko ngayon. Suot ko to dahil na mamaga ang mata ko.
"Uso to ngayon! Naka shades maski hindi naman mataas yung sikat ng araw. Naka jacket maski mainit. Kumakain ng itlog maski hindi almusal. Gets mo? Pag hindi, tanga mo na lang." Bigla niyang pinitik yung noo ko. Pusta ko tong buong school, mamumula na niyan 'to.
Napakamot ako sa noo ko at wala sa loob na naglakad pauna sa kaniya. Nakabusangot ako at nakakunot noo. Wala na akong pake kung anong itsura ko ngayon. Pangit ang image ko, pangit ang araw ko, pangit ang itsura ko, may pagkakaiba ba?
"Ang daming sinabi, Ang hot mo ngayon. Pati ako nadadamay." Nakanguso ito.
"Dont state the obvious! Hot talaga ako." Singhal ko tsaka siya hinila papasok ng klasroom. Sigurado akong walang patutunguhan ang pagpatol ko sa kanya.
Sira na nga araw ko dahil binanggit ni kuya Cupid si gagong Nick, sumalubong pa pagmumukha ni Apollo. Wala na bang gaganda sa araw ko? Isama mo pa tong mata ko na namamaga. Mukha akong ilang araw na walang tulog. Dami kong baggage na dala. Pwede ng pansalok ng tubig tong eyebags ko.
Habang nag sisimula na yung klase, wala akong inisip kung hindi yung pinagusapan namin ni Kuya Cupid kagabi.
Aminado akong mali ako simula't sapul. Tanggap ko na di nila ako agad mapapatawad pero hindi ko parin maiwasan na hindi masaktan. Tao at anak rin nila ako! With feelings!
Kaibigan ni Kuya Cupid si Nick. Lagi syang nasa bahay dahil kay Kuya. Hindi ko sya kaibigan, hindi ko siya gusto, oo na, nagustuhan ko din siya pero walang kami kaya wag mag assume. Siya lang si Nick na kaibigan ni Kuya. Walang special o kahit ano. No more no less ika-nga. Alam ko una pa lang na dapat hindi ako lumalapit sa kanya pero huli na nang mapigilan ko pa ang sarili ko. Nasa huli ang pagsisisi.
That night, dapat mag ba-bar kami kasama mga barkada niya at sabit si Gabriel. Papunta na sana kami kaso hindi nakapasok sila Gabriel dahil nalaman na underage pa lang sila kaya di na kami tumuloy. Oo, sila Gabriel na manyakis ang kasa-kasama ko noon. Exactly, kasinungalingan at hindi totoo lahat ng alam nila. Hindi totoo na may nangyari samin. When they caught us, nag lalaro lang kami sa loob ng kotse. Na naka park sa likod ng school. Wala talagang nangyare at yung nagkalat ng rumor na yon pwede ng mapunta sa impyerno. Galing manira ng buhay ng iba! Malas ata si Nick! May balat siguro siya sa pwet.
Natapos yung klase na wala akong nalaman. Ano pa bang expect sa taong tulad ko.
"Artemis!" Napabalik na lang ako sa realidad nang tawagin ako ni Phoebe.
"Kanina ka pa tulala. Tapos ganyan pa itsura mo? Tumira ka ba ng droga?" Tanong nito na nag patawa sakin.
"Sira ulo ka talaga. Natural na talaga to. Mukhang tumitira at pusher." Pag biro ko.
"Basta yung bato ko ipadala mo na lang mamaya." Dagdag naman ni Apollo.
"Yes boss!"
"Sama ka? Lalakad kami ni phoebe." Tinignan ko sya ng masama.
"Oo nga pala. Hindi ka sumasama pag may lakad kami. Ano kasing sabi nya pag ayaw nyang sumama? Phoebe babe?" Napangisi ako. Mga loko talaga.
"Ehem! Wag na. Magmumukha lang akong pangatlong gulong. Sa ganda kong ito? Mukhang gulong?" Ginaya naman ni Phoebe kung paano ako magsalita.
"Good, memorize niyo na pala so una na ako. Bye guys! Enjoy! Next time na lang may pera ako! Ako taya!" Tsaka ko na sila iniwan. Tinatawag pa nila ako pero di ko na sila pinansin. Mangungulit lang yung dalawang yon pag pinagbigyan ko sila lagi.
Habang naglalakad ako pauwi nadaanan ko yung tindahan kung saan ako laging tumatambay. Tumatambay lang ako doon pag nagaaway kami ni Kuya Cupid at ayoko syang makita sa loob ng campus. Kakausapin ako ng tindera kung bakit daw ako nag ccutting, ang sasabihin ko naman ay exempted ako sa klase kase athlete ako. Syempre hindi totoo mga yon.
Grade 11 pa noon nung huli akong pumunta dito.
"Ate pabili po." Iba ngayon kung bakit ako nandito. Hindi ako tatambay dahil nag away kami ni Kuya Cupid katulad ng dati.
"Yosi nga po. Isang kaha." I miss this.
Wala akong magandang dulot sa iba at sa sarili ko mismo. I smoke since-- nakalimutan ko na. I tried to stop pero tignan mo nga naman, im back to my old self. Isa ito sa lagi namin pinagaawayan ni papa.
Kumuha ako ng isang stick at sinindi ito. I know this is suicide without actually dying. Naglakad na ulit ako pero mas mabagal kaysa sa una. Malalim akong nagiisip ng biglang may bumusinang sasakyan sa gilid ko. Muntik ko ng masubo lahat ng yosi dahil sa gulat.
"Bad habits never die?" Tsaka dumungaw sa bintana ang gagong nanggulat sakin. Napakunot ang noo ko at kulang na lang siguro magdikit na mga kilay ko.
"Nick." Biglang uminit ang ulo ko. Ilang taon na hindi nya ako pinansin tapos ngayon, kinakausap nya ako na parang walang nangyari. Actually wala naman talaga, kung hindi lang sana makitid ang utak ng mga ibang tao.
"Yes, island. Miss mo ba ako?" Tanong nito at sinusundan parin ako sa paglalakad gamit ang kotse nya.
"Wala akong oras sa mga taong tulad mo. Bakit nagpakita ka pang ulol ka." Bulong ko sa sarili ko pero may halong gigil. Hindi ko expect na maririnig niya yon.
"Ang dumi ng bunganga mo. Mas matanda ako sayo Art. Wag mo akong murahin." Matigas nitong sabi. Matanda my a ss!
"Sakay ka na. I will drive you home. Pag hindi ka pumasok, kakaladkarin kita pasakay dito." Napatingin ako sa kanya with my mouth open. Sino siya para magdemand? Kaibigan lang sya ng Kuya ko. Kaibigan LANG! Tinapon ko na yung yosi at inapakan ito. Napabuga ako ng hininga. Pag hindi ako nakapagtimpi, babasagin ko ang kotse nya kasama ang ibon nya. Seryoso. Wala man lang isang bahid ng ugaling gentleman! Kakaladkarin ako?!
"Papabuhat ka pa? Asa ka! Kakaladkarin lang kita kaya Sakay na!" Wala akong choice. Binuksan ko yung pinto ng kotse nya at sumakay sa passenger seat. I will not talk to this a sshole. As if i can. I sigh.
"Sasakay rin pala eh. How's your college year? how's-- everything." Pahina ng pahina nitong tanong. Ngayon interisado sya kung anong nangyari sakin. Hindi pa ba umabot sa building nila kung gaano ako naging miserable? Sabagay, apat na taon pala niya akong nakayanang i-ninja. Tsaka wala naman akong balak makita siya. Kung magpakita siye edi magpakita! Kung hindi, edi wag!
"Hindi mo ako kakausapin?" Hindi parin ako umimik. Aba manigas muna siya!
"Okay." Yun lang?! He didn't even bother to say sorry? Dapat alam niyang siya ang may kasalanan diba? Ayan! Ayan si Nick. He wont enter your life if he is not welcome. He wont force you to talk to him of you don't want to. Nirerespeto nya kung anong desisyon mo at kung anong gusto mo. Tularan si Nick, kaso Conceited nga lang.
I cleared my throat. Bigla ko siyang sinapak sa braso. Masyado mabigat ang galit ko ngayon na nakita ko ulit siya. Kailangan kong bawasan ng konti. Iyon ang gawin siyang punching bag.
"Para saan iyon?!" hawak hawak nito ang parteng sinuntok ko.
"Kulang pa yan gago! Apat na taon mo akong iniwasan. Alam mo bang nagalit ng sobra si Papa sakin? Hanggang ngayon, galit parin siya. Hindi niya na ako kinakausap like he always do before. I bet hindi ka na rin welcome sa bahay because of what we did, what they thought we did. I faced that fucking rumor alone. Dahil magisa lang ako, ang alam ng lahat isa akong puta. We dont have anything, we are just like merely strangers. Anong iisipin nila sakin? Bakit puro ako, bat di ka naghihirap din? Ano pang expect mo? Wala akong pake kung anong tingin nila sakin eh. Wala akong pake kahit kanino. Kahit sayong putangina ka! Kaya kong ipagpalit lahat para lang bumalik ang loob ni Papa sakin. Naiintindihan ako ni Mama pero bakit si Papa hindi?" My voice broke. I blurted our everything i bottled up, lahat ng sama ng loob ko. Nakatingin parin sya sa daan pero alam kong nakikinig siya. He will just listen like he always do. He will always stay mute.
"Galit ako sayo. Dapat hindi kinakausap ngayon. Ang unfair mo! Bakit ako lang yung apektado bakit ikaw sarap buhay ka lang? Ikaw na tarantado parang wala lang sayo. Kasama ko si papa sa bahay pero nangungulila ako sa kaniya. Nick, bakit hindi mo tinanggi yung nangyari? Why are you so fucking quite. Napipi ka ba noon? Akala ko kaibigan ka ni kuya, akala ko kaibigan din kita?" I wiped my tears savagely. Tumingin sya sakin and smiled pero hindi umabot sa mga mata nito.
"Umiwas ako for good. It was all for you--" Lalong uminit ang ulo ko
"Ang sabihin mo bakla ka lang at di kaya ng itlog mong humarap sa sabi-sabi! Wag mo akong bigyan ng ganiyan na dahilan please lang. Wala akong naging balita sayo at wala akong balak alamin. Kinaya ko ng kahit wala ka." I bit my bottom lip at nagkibit balikat lang ito na maslalong kinaasar ko. Hinayaan ko na lang siya at hindi na kinausap. Nag sindi ako ng sigarilyo and puff, nakakainis!
"Want to go somewhere?" Tanong niya. Ayokong umuwi ng ganito ang itsura ko. My eyes puffy again pero pagod ako ngayon araw. I want to go home. My so called home.
Umiling ako at tumango naman sya. Nang makarating na kami sa bahay, lumabas na ako ng sasakyan. Bago ako makarating sa gate, lumingon ako at ngumisi. I gave him my special middle finger.
"I miss you." Seryoso nitong sabi at napangisi lalo ako.
"Ulol." Langya Nick, guguluhin mo na naman ang buhay ko. Pinaharurot na nito ang sasakyan nya haggang sa hindi ko na sya matanaw.
Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko si Papa sa sala. Nag mano ako. Pinuntahan ko si Mommy sa kusina and kissed her cheeks.
"Kumain ka na?" Tumango ako. I still have my stacks on my room. Doon na lang ako kakain.
Umakyat na ako papunta sa kwarto. I grabbed my phone and my fingers start fidgeting. Im grinning like an idiot.
"Anong kailangan mo?" Tanong ni Apollo sa kabilang linya.
"Kailangan agad? Saturday bukas diba? Mag kita tayo. Sama mo si Phoebe."
"Okay. Then? Palagi naman tayong lumalabas tuwing saturday diba?"
"Oo nga. Bye na."
"Yun lang sasabihin mo?! Tinawagan mo pa ako! Dapat nag text ka na lang diba?" I bet he wears a frown now.
"Im not a fan of texting."
"Anong meron Art? I smell something fishy?" Tanong nya. Napangisi ako.
"Ikaw lang yon! Di ka kasi naliligo. Bukas na lang Apols. Bye!"
Humiga ako sa kama and sighed. Tumitig ako sa kisame at wala sa sariling napangisi. Im back to my old bad habit. Nakita at nagpahinatid ako kay Nick ngayon na ilang taon akong walang balita.
Son of a gun! Anong nangyayare?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro