Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

01 | the rumor

01

Artemis Isla Mortiro. A senior high student who caught having s ex with a college student.

No! Hindi yan totoo at wala akong balak isuko ang bataan at ang perlas ng silanganan.

That was 2 years ago. Ngayon second year college na ako, still hindi parin mamatay-matay sa isip ng mga estudyante ang walang kwentang balita na 'yan.

Ang masakit pa saksi ako sa lahat at alam ko ang mga bawat panghuhusga nila. Ang sakit mapagbintangan ng hindi mo ginawa. Quota na nga halos mga estudyante sakin. Isang maling galaw lang tatama na kamao ko sa kanila.

Si Nicholas Quintana. Siya ang kasama ko noong gabing 'yon at Kaibigan siya ng kuya ko. T arantadong Nick! Hinayaan niyang kumalat sa buong school at wala naman akong magawa dahil huli na para bawiin iyon. Maski mag speech pa ako sa loob ng gym o mag bigay man ako ng mga pamphlet, walang maniniwala sa akin. As if may makikinig. Sirang sira na ako para sa kanila.

F.O na kami ni Nick!

Nang dahil sa kumalat na balita nilalayuan na ako ng mga babae at pinag pi-pyestahan na ako ng mga lalake. Nakakatawang isipin na nilalayuan ako, ano ba ako?  may ketong? eh Tangina hindi naman nakakahawa ang pagiging-- kung ano man ang iniisip nila sa akin. Gusto kong tumawa, gusto kong humalakhak ng dahil sa mga kinikilos nila pero hindi ko kaya. Paano ako makakatawa kung una pa lang pinangungunahan na ako ng lungkot. Sa tuwing maaalala ko yang lecheng balita na yan, naaalala ko si Papa. Ang malamig na pakikitungo niya sakin hanggang ngayon.

"Artemis!" Tawag ni Apollo at inakbayan ako. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti siya pabalik, showing his dimples. Nagsimula na akong tignan ng mga estudyante na para bang may ginagawa akong mali. Tinignan ko ang kamay ni Apollo at tinapik iyon. Alam ko ang bawat ikot ng mga bituka nila. Kung gaano nila ako husgahan. Iniisip siguro na lumalandi na naman ako. Sa lalakeng to? Kahit aso di papatol dito pero unfortunately may nabihag ng babae yan.

"Ang bigat ng kamay mo!" Ngumiwi siya at napangisi naman ako.

"Ang OA mo. Nasaan na ba si Phoebe. Eyesore ka eh." Tanong ko at nilibot ang paningin sa quadrangle at sa mga corridors.

"Ang sakit mong mag salita. Ang gwapo ko kaya." Saka niya hinawakan ang dibdib nya at ngumuso. Napairap ako sa ginagawa niya. Matagal ko ng kasakasama 'tong si Apollo pero nag titiis lang peksman!

"Oh, andyan na pala si Phoebe eh." Bumitaw sya sakin at tumakbo papunta sa girlfriend niya Kaibigan ko rin si Phoebe, kaso mas matagal ko ng kakilala si Apollo. Si Phoebe ang babaeng ginayuma niya. Naawa nga ako sa kaibigan ko kahit papaano.

Kumaway ako sa kanila at tinuro ang papuntang locker na ibig sabihin ay iiwan ko na sila para pumunta ng locker. Tumango sila at kumaway.

Lakad takbo ang ginawa ko para mas mapabilis at hindi ako ma late sa klase. Pagbukas ko ng locker, tumambad sa akin ang mga basurang inipon ko dahil tamad akong magtapon. Napakamot na lang ako sa batok dahil hanggang ngayon ay wala parin akong balak itapon ang mga iyon. Iniwan ko na doon ang mga libro kong gagamitin para sa susunod na araw at sinara na iyon.

"203013?" Nagpantig ang tainga ko dahil iyon ang combination ng locker ko. Humarap ako para tignan kung sinong gagong nagsalita.

"Mag ingat ka kase, hindi mo alam na may nanonood na sayo. Don't wory, hindi kita pagnanakawan." Sabi ni Gabriel at tumawa, showing his tongue piercing. Napairap ako at iiwan ko na sana sila ng naramdaman ko ang kamay nya sa pagitan ng hita ko at ang dibdib niya sa likod ko. Nanindig lahat ng balahibo ko.

"Ano gusto mo ng hita ko?! Oh ito pa saksak mo sa esophagus mo!"

Nanginginig kong itinaas ang kanang kamay ko at Nasampal ko sya ng di oras. Humampas ang likod ko sa mga lockers nang itinulak niya ako. Napapikit ako sa sakit at dahan-dahang napaupo. Napadaing ako ng pumantong si Gabriel at bumulong. Ang bigat ng puta!

"Why dont you try me Artemis? I can do better. Nagdidilig rin ako ng mga bulaklak na hindi na nadidiligan."

"Talaga lang ha? Hardinero ka na pala?!" Biglang nawala si Gabo sa harap ko at nakita ko na lang na buhat buhat siya ng mga kasama niya palayo na may punit ang gilid ng labi. Humarap si Gabriel habang tawang tawa at nakarinig mg magandang joke. I glared at him pero tumawa lang siya na parang baliw. May saltik ata siya sa ulo dapat sa mental na ituloy yan.

"Miss ka na namin baby girl! You've grown alot Artemis. Alot." Napakunot ang noo ko ng makita syang titig na titig sa dibdib ko, di ko mapigilang hind siya murahin. Sa lahat ng mapapansin yun pa?! Eh kung balatan ko kaya siya ng buhay?

"G ago hanggang tingin ka lang!!" sigaw ko at tumawa na naman siya

"Biro lang yon." He always talk dirty. Aasarin ako tapos sa huli sasabihin niya joke lang iyon. Kamukha ng kaibigan niyang si Nick. Tingin sa buhay ay isang malaking JOKE.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nabastos pero ayos lang. Basta alam ko ang sarili ko at mga kaibigan ko na niniwala sakin, yun ang mas importante saken.

Apollo glared and gave them a middle finger.

Nakita ko si Phoebe na palapit at tinayo niya ako. Napangiwi ako sa sakit galing sa braso ko. Ang dami talagang mga taong gago, bakit hindi pa kaya sila maubos?

"Hindi ka na tinigilan ng Gabriel na yon simula--"

"Third year." Pagtuloy ko.

"Nakakapagod na ha. Daig ko pa ang mag marathon. Nasaan na ba yung gagong Nick na yon at siya ang mapatay ko. Bakit ako na lang lagi yung napapansin? Kasali rin naman si Nick pero bakit parang ako lang yung may kasalanan? Ang unfair! Porque ba babae ako? Napaka daya ng mundo." Naluluha na ako pero pinilit kong hindi umiyak sa harap nila. Tapos na ako sa panahong puro iyak.

"Balak pa ata akong pilayin ng Gabriel na yon." Sinubukan kong tumawa pero napiyok lang ako.

"Barkada mo sila dati."

"Barkada my ass! Lagi lang akong pinag ti-tripan ng mga yon tsaka F.O. na diba?"

"Okay ka lang talaga? Gusto mo bang pumunta tayo ng clinic? Mag sumbong tayo sa office?" Umiling ako at tinignan ko si Apollo na kanina pa nakatingin sakin. Napangisi naman ako at nagthumbs up sa kanya. Para saan pa ang pagsumbong sa office kung malulusutan rin naman ni Gabo iyon. Suki ba naman ng guidance?

"Tara na nga." Pagyaya ko habang hawak ko ang braso ko.

Natapos ang klase at nagyaya Phoebe na kumain kami. Wala naman problema kung ma late ako ng uwi. Hindi naman mag sasayang ng oras si Papa para tanungin kung bakit ako late. Sa loob ng ilang taon, hindi sila nagtanong tungkol sa pagaaral ko at kung anong ng ginagawa ko. Sawang sawa na ako pero wala akong karapatan. Nasasaktan rin ako dahil hanggang ngayon, sariwa parin sa kanya ang ginawa ko.

We ended up in an ice cream parlor. kumakain kami at nagdadaldalan. Tinanong rin nila yung nangyari noong umaga at kinwento ko. They know my story at inintindi nila ako. They didnt ask, they just listened at tumango. Enough na yon para gumaan ang loob ko.

"Try mo itong mint." Sinubuan ni Apollo si Phoebe at napaiwas ako ng tingin. I want to have a boyfriend too. Yung lalake na tatanggapin ako kung sino ako at ano ako. Maski galit na ang lahat sakin at tinatalikuran ng mundo hindi nya parin ako iiwan. Not Nick of course. Hindi kami talo, una pa lang. Lahat ng nangyari was just completely mistake. Wait-- wala pa lang nangyari natapos na agad.

Bakit ba sya pumapasok sa isip ko? Pwe?

"Hey, gusto mo?" Alok ni phoebe at inabot sakin yung icecream vanilla nya. Kukuha sana ako ng pinigilan nya ako at kumuha sya sa spoon nya para subuan ako. Tinangap ko at di ko mapigilang hindi mapatitig sa kanya. Phoebe is-- gorgeous. Beautiful is too cliche. Siguro kung hindi ako straight, i'll go gay for her. Bonus pa na mabait sya.

"Art, wag mo naman pakatitigan si phoebe. Girlfriend ko yan." Napatawa naman si Phoebe at pati na rin ako. Kinindatan ko siya jokingly and she blew a kiss while she bit her bottom lip. Napairap naman si Apollo.

"That was hot-- pero hindi naman pwede yan!" Hahalikan niya na sana si Phoebe pero bago yon napingot na siya nito.

"Hot your face!"

Umuwi na kami at una akong hinatid ni Apollo. Hinagkan ko si Phoebe sa pisngi at sinabunutan ko naman si Apollo. He just glared at kinindatan ako pagkatapos.

"Bye!" Paalam ko at umalis na sila.

Pumasok ako sa bahay. Dinaanan ko si Papa sa sala at nagmano. Hindi ako tinapunan man lang ng tingin at tumango. Dinaanan ko ang kusina at nag mano kay Mama. Ngumiti siya at inalok akong kumain pagkatapos nyang magluto. Umiling na lang ako at sinabing busog pa ako, which is true.

Umakyat ako papuntang kwarto ng makita ko si kuya Cupid na masama ang tingin sakin habang karga-karga nya si baby Daryl. Si Kuya Cupid at si Mama lang ang nakakausap ko ng matino. Sila lang ang nagtatanong sa mga ginagawa ko at masaya na ako doon pero iba parin pag kasama si Papa.

"You're late, Art. Napadalas na ang pag uwi mo ng gabi sabi ni Mama. Hindi porket college ka na pwede ka na laging gabihin. Limitation, Artemis." Sita nya habang hinahaplos haplos ang likod ni Daryl

"Im with Apollo ang Phoebe. Dont worry, may limitasyon naman ako. Pag pagod na ako doon pa lang ako uuwi?" Pumasok na ako sa kwarto at nilagpasan siya. Sumunod naman siya.

"Magbibihis ako kuya teka lang pwede wait muna?" Tanong ko. Ngumisi siya at tumalikod.

"Panget mo, hundred island."

"Mas panget ka!"

Nagbihis na ako at nagsimula na syang magtanong. Kapag bumibisita sya, lagi syang ganiyan. Daig nya pa si Papa noong hindi pa siya galit kung mag tanong. Humiga ako sa kama at pumikit. Kaumay mga tanong nya eh. Lalo akong inaantok.

"Artemis, pag pasensyahan mo na si Papa. Nasaktan siya ng sobra at maski ako nasaktan, maski si mama. You are our little Artemis. Minsan sinisisi ko ang sarili ko dahil napabayaan kita. Na dapat im eyeing on you pero inuna ko ang sarili ko and eloped. Nag kulang ba kami nila papa?" Tumalikod ako dahil ayokong makita ni Kuya na umiiyak ako. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon humagulgol. Bakit nila iniisip iyon? Lalo akong nasasaktan eh. Hindi sila nagkulang, tanga lang talaga ako.

"Kuya, stop! Dont blame yourself. Hindi lang din naman si Papa ang nasaktan. Pati rin ako. Bakit ba ayaw nilang maniwala kasi sakin?" Pahina ng pahina ang boses ko. Hindi ko nga alam kung naririnig pa ako ni kuya o bumubulong na lang ako.

"Kuya nagsasabi naman ako ng totoo!"

"I know. Hindi lang iyon ang naging problema namin and you know what i mean. Maghintay ka lang Alam kong hindi ka matitiis ni papa. Lagi lang akong nasa tabi mo, i promise."

"Kuya, kunin mo na kasi ako. Papa hate me so much. Ni hindi nya ako matignan tulad ng dati. Hindi ko nga alam kung paano ko nakayanan yon. Hindi ako perpekto at nagkakamali rin ako." I cried out. I keep on wiping my tears but they don't stop.

"I love you Artemis pero hindi ko magagawa yon. Alisin kita dito? Hindi naman pwede 'yon." Hinagkan ako ni Kuya sa noo na mas lalong nagpaiyak sakin. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Natiis ako ni Papa ng ilang taon. Two years akong naghihintay. Sa dalawang taon na yon hindi ako naging manhid. Im a daddy's girl ay malaki tiwala sakin ni papa pero hindi ko ginawa yon! Wala akong ginawang masama! Nag mahal lang naman ako e. Wala ng natira sa akin kung hindi ang umasa. Yun na lang ang natitira sakin at panghahawakan ko iyon. Kapag naman dumating ang araw na nagsawa at napagod na ako kakahintay, sana maintindihan nila ako.

Umiyak ako buong gabi hanggang sa makatulog ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro