Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

00 | foreword

"Art, may nag do-door bell. Puntahan mo Baka yung nag tu-tubig lang yon!" Utos no kuya Cupid habang nakadungaw sa kwarto niya labas ang ulo. Wala akong magawa kung di ang sumunod at iwanan ang pinagkakaabalahan ko.

Pagkabukas ko ng pinto, mukha ng kaibigan ni Kuya ang tumambad sakin. Napangiwi ako.

"Pasok." Gumilid ako para tuluyan na siyang makapasok kahit labag man sa kalooban ko na patuluyin siya. Ako na naman kasi ang laging uutusan para pagsilbihan tong bisita niya. Sa dami ng bisitang pumunta sa amin, itong lalakeng to ang pinakahuli kong gustong pagsilbihan. Nangaasar ang gago eh!

"Hi Island!" Napairap ako. Kung maka feeling close ano-ano na ang pinagtatawag sakin. I mean, kilala ko siya as kaibigan ni kuya.

"Kuya, its Ay-la po ha ! Hindi island." Pagtama ko.

"I know, younger sister ni Kupido." He wiggle his eyebrow.

" Im Nicholas nga pala. Tawagi mo na lang akong kuya Nick. Or Nick na lang." Inabot niya ang kamay niya pero tinitigan ko lang yon. A second later he cleared his throat at dahan-dahang niyang ibinababa ang kamay niya in dismay. His lip turned into thin line. Hand shake ba 'yon? Ay sorry low gets ako.

Masyado akong tamad para i-abot yung kamay ko duh!

Sumama ang tingin niya sakin at napapitlag ako. Lumayo ako ng kaunti, baka manapak na siya at alam kong dehado ako. Braso pa lang niya doble na sakin aba agrabyado talaga ako! Lalo akong nabigla ng tinaas ulit niya ang kamay niya.

"Get my hand." Madiin at nanunuot sa lamig ang bawat letrang sinabi niya. Masyado naman ata niyang sineryoso yung hand shake. Big deal?!

"Nag bibiro ka ba?" Tanong ko tinignan-tignan siya kaso seryoso talaga eh.

"Get. It."

"Oo eto na!"

Nag alinlangan pa ako pero wala na akong choice. Tanging pag lunok na lang sa aking sariling laway at pag abot sa kamay niya ang magagawa ko.

Ano pa bang magagawa ko edi sakyan ko kung anong trip niya. Malay ko ba na forever alone siya kaya nagpapapansin ngayon.

Nang iaabot ko na, agad niyang binawi ang kamay niya at naiwan sa ere ang kamay ko. Nakarinig ako ng hagalpak mula sa kanya pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko na tignan siya dahil makakasuntok ako. Makakapatay ako ng tao ngayon pag hindi pa siya tumigil.

"You should have seen your face!! So quits na tayo? Ang pangit mo pa rin."

"Putangina." Nagulat ako ng kurutin niya ang pisngi ko kaya pinalo ko ang kamay niya

"Ang arte. Artemis Arte! Nasaan na pala ang kuya mo?" Patago akong umismid, sa wakas mag tinanong na rin niya ang sinadya niya dito.

"Nasa kwarto, puntahan mo na lang."

Umakyat ako pataas at nagbanyo para maghilamos at toothbrush. Patapos na ako ng makita ko mula sa salamin si Nick. Napakunot ang noo ko. Nasa bungad siya ng pinto at inilang hakbang niya lang ang papasok. Huli na para makaprotesta ako dahil madali niyang inilagay ang kamay niya sa magkabilang gilid ng sink.

Lumapit pa siya lalo at lumapat ang dibdib nito sa likuran ko. I gasp.

"Na miss mo ba ako?"

"T angina tigil tigilan mo ako susumbong kita kay kuya!" Madiin at naiirita kong hasik. Tinabig ko ang braso niya at tumakbo agad ako palabas. I slammed the door at nilock iyon. Napabuga ako ng hangin habang nakahawak parin sa lock ng pinto. Nanindig lahat ng balahibo ko at parang naging gawa sa jell-o ang mga binti ko. Ramdam ko parin ang init ng katawa niya. I combed my damp hair.

Lakas rin ng loob niyang mangasar ha! Walang halong biro nagsisitaasan lahat ng balahibo ko.

"Kadiri! Yak! Yak!"

"Hoy buksan mo 'to!! ARTEMIS ISLAND! Nag j-joke lang ako!"

"Tangina! Bwiset bwiset!" Nagbubusit kong iniwan siya sa banyo nang biglang humarang si kuya Cupid sa daanan.

"Nasaan si Nick?" Magkibit balikat ako at nagpatuloy sa paglalakad pero biglang may humablot sa braso ko.

"Kinulong mo? Dahil hanggang dito rinig ko ang ngawa niya." I fake a gasp pero sa totoo lang, gusto ko ng humagalpak dahil rinig ko nga ang pag ngawa ni Nick

"Wala akong alam--"

"Save your lies later." Dinala ako ni kuya kung saan si Nick, syempre sa banyo. Binuksan niya ang pinto habang ako, busy sa pangangamot sa bandang hinawakan ni kuya. Ang higpit kaya!

Nakita ko si Nick na patayo mula sa sahig at pasugod sakin kaya agad agad akong nagtago sa likod ni kuya.

"Nick gusto mo bang manghiram ng mukha sa aso?"

"What? Sasalubungan ko lang naman ng hug ang paborito kong Island!" Buong diin at naglalaking matang tinignan ako ni Nick. Kaya hinapit ko lalo ang damit ni kuya.

"ANO?!"

"Wala! Sabi ko penge ng hug. Ikaw na lang ihug ko Cupid!" Lalapit na sana si Nick kay kuya ng bigyan niya ito ng masamang tingin.

"Sabi ko diba wag mong lalapitan si Art?" Banta ni kuya at nilayo pa ako ng konti pero wala rin naman kwenta.

"Hindi ko mapigilan ang bugso ng damdin ko. Try ko next time." Sinabayan niya pa ito ng tawa.

"Tumigil ka nga. Uwi ka na." Mag po-protesta pa sana siya kaso wala na siyang magawa kundi ang sumunod.

"Bye kups!" Tinapik niya si kuya. Napangiwi ako sa tawagan nila.

"Bye Artemis." Tumingin siya sakin. Akala ko aasarin niya na naman ako kaya hinanda ko na ang middle finger ko pero ngumiti lang siya. Hindi ngisi pero ngiti talaga. Muntikan pa akong mapangiti pabalik.

"Kuya, ngayon ko lang nalaman na ang pangit ng pangalan mo--"

"Tumigil ka!" He glare at me pero tumawa lang ako.

"Kuya, wag mo ng papabalikin si Nick." Napatigil si kuya pero nakabawi naman agad.

"Ikaw talaga." Tsaka ginulo ni kuya ang buhok ko at umakbay. Tinanggal ko naman yung kamay niya kase nanliliit ako eh.

Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Nick na nasa may malapit na tindahan. May hawak siyang maliit na stick at may usok ito, naninigarilyo siya. Kumaway siya habang nakangiti ng malaki sakin at napairap naman ako at tumalikod. Nakakairita talaga siya! Nakakairita din bakit kumakabod dibdib ko! Nakita ko na lang yung sarili ko na papalapit sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro