Part One
Ako nga pala si Patricia Graciella Buenaventura, Isa akong 4th year student sa Southville University. Mayaman ako, Hindi nga lang palaayos laging sabog yung buhok at parang namumutla lagi. Oo Nagmahal na ako, Sa katunayan kapag ako nagmahal Lahat ng kaya kong gawin, Gagawin ko para sa taong mahal ko. Pero pag napagod na ako umintindi kusa nalang ako titigil lalo na kapag patuloy akong niloloko habang pinatatawad ko. ayun one year and four months kami ni Miguel Leonard Fernandez Kaso maaga din nawakasan yung love story namin. Niloko niya ako at wala pang three months meron na agad siyang napalit saakin. Nahirapan ako magmove on. Dahil hindi talaga madali nasabayan pa ng pagkawala ng mga magulang ko. Three weeks after our broke up bumagsak yung eroplanong sinasakyan nila daddy at mommy pabalik na sa sila dito sa Pilipinas. Kaya Sobrang Hirap na hirap akong magmove on parang nasaakin na lahat ng problema sa mundo.
Nakaupo ako habang tulala at nagiisip nang biglang kumatok si yaya "Patricia nandyan si Tito ramon mo."
Si tito ramon, Kumpare ng Daddy ko na gustong gusto ang kinin yung kumpanya namin. Agad akong bumaba at nakita ko si tito ram na nakaabang saakin.
"Tito Ram. Bakit po?"
"Iha, Kailangan mo ng mag set ng oras para maturuan ka kung paano mag handle ng kompanya na itinayo namin ng daddy mo"
"Tito Alam niyo namang hindi pa ako ready sa bagay na ganyan"
Naglalakad ako papuntang kusina habang sunod ng sunod si tito ram "Eh kelan ka magiging ready?"
"Hindi ko alam"
"So what's your plan ba? Magmukmok dito? Ano bang mapapala mo di-"
"Oo. Kung pwede habang buhay dito nalang ako! Kung pwede hanggang mamatay ako nandun ako sa kwarto ko! "
"PATRICIA."
"What tito?!"
"Anong nangyayari dito? Patricia Ram? What is this? " Biglang pasok ni Tita Rochelle sa kusina at nadatnan niyang nagsisigawan kami ni tito ram.
"Maybe you don't know what i feel that's why you all act like that. " Naglakad ako sa harap nila at umakyat papuntang kwarto at nagmukmok magisa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro