Epilogue
Salamat po sa lahat ng sumagot sa request ko :) Maraming salamat po sa lahat ng readers ko.
Epilogue
Napamura na naman ako sa hangin nang may naramdaman akong panibagong kamay ng babae sa balikat ko. Damn, can't they just leave me alone? Wala akong panahong makipaglaro sa kahit kaninong babae sa oras na ito. Fuck.
"Nero Ferell right?" mapang akit na hinaplos pababa ng babae ang aking mga braso habang nananatili siya sa likuran ko. Sinasadya pa niyang iparamdam ang laki ng kanyang dibdib sa aking likod. Ilang babae na kaya ang lumapit sa akin ngayong gabi? Napapailing na lang ako sa iba't ibang pang aakit nila sa akin.
Hindi ko siya sinagot at muli kong nilagok ang panibagong salin ng alak sa baso ko.
"Mainit ang ulo? I can mend it, malapit lang ang condo ko dito" malanding bulong niya sa akin. Muntik ko na siyang itulak nang maramdaman ko ang dila niya sa puno ng tenga ko. Tang ina.
"You're not my type. Leave me alone" seryosong sabi ko sa na hindi man lang tumitingin sa kanya.
"How dare you!" malakas na sigaw ng babae sa akin. Nanatili akong hindi lumilingon sa kanya at pinili ko na lang pansinin ang bote ng alak na malapit ko nang maubos.
"Akala mo kung sino ka?!" muli na naman akong napamura nang maramdaman kong may kung anong likido na bumabasa ng ulo ko at nang tingnan ko ito, isang bote lang naman ng alak galing sa malanding babae. Pasalamat siya dahil hindi ako pumapatol sa babae, ibang usapan na nga lang kung sa kama.
Sa halip na tumayo at gumawa pa ng eskandalo sa ginawa niyang pagbasa sa akin. Tinitigan ko siya ng pinakamalamig na titig na kayang ibigay ng isang Ferell.
"Now satisfied? then go, maghanap ka ng lalaking papansin sa'yo" mapang insulto akong umiling sa kanya bago ako muling tumungga ng panibagong alak. May ilan pang mura at kung ano anong salita pang binitawan ang babae sa akin na hindi ko na naintindihan bago siya umalis, wala akong pakialam sa mga sinabi niya ang mahalaga ay umalis na siya. Sakit sa ulo.
Bihirang bihira lang ako pumunta sa bar na nag iisa dahil kadalasan kasama ko ang mga gago kong pinsan para mag walang hiya ng samasama at kung papipiliin ako mas gugustuhin ko silang kasama dahil hindi na ako magagastuhan. Having my richest cousin Troy? na dumami ang yaman dahil kamukha lang ni LG, ano pa ang magagastos ko? Masabihan lang namin siya na siya ang pinakagwapo sa aming lima, wala na kaming gagastusin sa buong gabi. Tanga lang. Pero sa pagkakataong hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagbar ako mag isa. Maybe because of that goddamn news.
Kasalukuyan akong nakaupo ako sa stool bar habang nakatulala sa baso ng alak na hindi ko alam kung pang ilan na, nagpapasalamat ako at wala nang babaeng lumalapit sa akin, minsan nakakasawa pala talagang maging magandang lalaki. Fucklife.
Kinapa ko ang telepono ko sa bulsa para makita ang oras pero nagsisisi ako, sa lahat ng text messages sa natatanggap ko sa buong buhay ko ang mga text messages mula kay Troy ang talagang nakakapagpamura sa akin.
From: AponiLG
Pabalik na si Doll pinsan, wag ka ng mag alala kahit anong mangyari mahal na mahal ka namin dito. Don't be sad. I love you. Mwah. By the way, where are you? We missed you!
Kung nasa mood ako ay tatawagan ko pa ang tagapagmana ni LG para murahin ng paulit ulit sa walang kwenta niyang text message sa akin. Matagal ko nang alam ang balita niya at alam ko ang ibig sabihin niya sa text niyang ito. Tang ina.
Alam naming lahat na may fiance na si Florence at ang malaking ikinagulat ko ay si Ashong pa. He was my bestfriend, kahit nang nasa GyroNella pa kami nagawa ko pang ipagkatiwala sa kanya ang pagbabantay kay Florence dahil hindi ako natatakot na baka magkagusto siya sa 'hood' ko dahil alam kong nirerespeto niya ang pagkakaibigan namin. But I was wrong, lahat ng lalaki ay kalaban ko pagdating kay Florence.
Napailing na lang ako at muling lumagok ng alak. Kahit kailan wala akong pwedeng pagkatiwalaang lalaki pagdating kay Florence, lahat na lang nahuhulog sa kanya. Maging ang mga pinsan ko ay naging kalaban ko rin nang dahil sa napakagandang babaeng Florence Celestina Almero.
Muli akong humingi ng panibagong bote ng alak sa bartender. At nang iinumin ko na dapat ito ay muli na naman akong napamura nang may babaeng umagaw nito sa akin at mabilis na ininom na hindi man lang kumukurap hanggang sa tuluyan niya itong maubos. Halos mapanganga na lang ako, she could be 18 or 19? Ang lakas niyang uminom.
"I'll pay you later" tamad na sabi niya sa akin bago siya sumalampak sa stool bar na katabi ko. Halos isubsob na niya ang sarili niya sa lamesa at nagsimulang magbubulong bulong.
"Isa pa nga.." tamad na sabi ko sa bartender. Mukhang wala naman siyang balak na akitin ako. Akala ko ay panibagong problema na naman ang babaeng ito. Good for me.
Nasa kalagitnaan na ako ng aking pag inom nang halos masamid na lang ako sa biglaang pag iyak ng babae.
"Bakittt? Ang ta..nga ta..nga na..man!! Bumalik ka nga! May babae ka ng iba! Paasa kang hayop ka! Tang ina mo Ashton Elias Martin!" dito na ako tuluyang napabuga na ako sa alak na iniinom ko. At muling napalingon sa babaeng umiiyak, tama ba ang rinig ko? Si Ashong ba ang iniiyakan ng teenager na ito?
"Wuhat? Anong tinitingin tingin mo sa akin? Ikaw ba si Elias? Bakit ba bulag na bulag ka sa Almero na 'yon?! Is it because she's too beautiful? Maganda din naman ako!" muli na naman siyang humagulhol ng iyak, nagsisimula nang magtinginan sa amin ang mga tao at hindi malayong isipin nila na ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Shit.
"I think we need to go" agad ko siyang hinawakan para isama na palabas.
"Fuck! Don't touch me! Ikaw ba si Elias?!Tang ina ka! Akala ko may pag asa na..akala ko. Eighteen na ko! Bakit hindi mo ko hinintay...mahal na mahal kita.." pilit siyang nanlalaban sa akin pero mas malakas ako sa kanya. Kailangan kong ayusin ang babaeng ito. I need her and she needs me, kailangan niyang mahulasan dahil magkakasundo kami sa iisang bagay.
Nang makalabas kami ng bar ay agad ko siyang dinala sa sasakyan ko. Nanatili siguro kami ng isang oras dahil sa pagtulog niya at pagbulong bulong ng tungkol kay Ashong hanggang sa magising siya at bahagyang mahulasan.
Isang malakas na sigaw ang bumingi sa aking tenga.
"SINO KA?! ANONG GINAWA MO SA AKIN?" malakas na sigaw niya habang yakap ang sarili niya. Napabuntong hininga na lang ako.
"Wala akong ginawa sa'yo at kung hindi kita dinala dito malamang na hit and run ka na nang kung sinong lalaki sa loob niyan" tamad kong itinuro ang bar na pinanggalingan namin.
"ANONG KAILANGAN MO SA AKIN? KUNG GANON? BAKA GUSTO MO RIN AKONG I HIT AND RUN! TANG INA MO! PALABASIN MO AKO DITO!" mababasag na siguro ang eardrums ko sa lakas ng boses niya. Pilit na siya ngayong nagbubukas ng sasakyan na hindi naman niya magagawa.
"Ang mga babae ang gustong maka hit and run sa akin miss. And come on, you're not my type and damn too young for me besides I have someone I love.." napaismid na lang ako sa huli kong sinabi.
"Anong pakialam ko sa'yo? Palabasin mo na ako" pilit niya pa din binubuksan ang pinto ng sasakyan.
"May pakialam ka sa bestfriend ko. Kilala ko si Ashton Elias Martin" halos masuka ako sa salitang 'bestfriend ko' tang ina.
"Kilala mo si Elias?" halos ilapit na niya ang mukha niya sa akin nang sabihin ko ang pangalan ni Ashong. Good, nakukuha ko na ang gusto kong mangyari.
"Yes I know him very well, katulad mo ay ayaw ko din sa Almero na 'yon para sa kanya. It should be you.." nangunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Wait, I don't understand. Bakit ka nangingialam kay Elias? Kilala mo ba si Almero?" nagtatakang tanong niya.
"I don't know her, pero ang balita ko two timer daw ang babaeng 'yon. My bestfriend deserves a loyal girl and that's you" minumura ko na ang sarili ko sa mga tang inang pinagsasabi ko.
"Elias must be so lucky to have a bestfriend like you.." nagtindigan ang balahibo ko sa sinabi ng babaeng ito. Baka magpatayan kami ni Ashong kapag narinig naming sabay ito.
"Siguro, hindi ko alam. Pero gusto kitang tulungan, I will help you to steal him. Tuturuan kita ng mga gagawin mo para maagaw siya" nanlaki ang mga mata niya sa mga sinabi ko.
"But..he's madly in love with that girl. Wala akong alam pagdating sa mga ganyan at ano naman ang maitutulong mo? You're a guy, you don't know anything about seducing a 'guy' na pareho ng gender mo" malamyang sagot niya.
"But I know his type and his weakness, he is my bestfriend. I can help you, no sweat" sa totoo lang wala akong alam kay Ashong maliban sa kabayo.
"Mapagkakatiwalaan ba kita?" naaalinlangang tanong niya sa akin. Never, you should not trust a Ferell.
"Ofcourse" mabilis na sagot ko, kabaliktaran ng nasa isip ko. Kailangan niya akong pagkatiwalaan para masunod ang mga pinaplano ko.
"Huling tanong, anong rason mo at tinutulungan mo ako?" bahagya akong natigilan sa tanong niya pero agad din akong nakaisip ng maiisagot sa kanya na sobrang layo sa katotohanan.
"Muntik na akong mamatay noon, at si Elias ang kauna unahang pilit na tumulong sa akin. I was dying and I need a kidney transplant. Matatagalan pa bago makahanap ng donor pero hindi na kaya ng katawan kong maghintay at nang mga oras na 'yon si Elias ang kauna unahang tumindig para maisalba ang buhay ko. Para sa akin napakababaw pa nitong ginagawa ko para sa kanya, I want him to be happy for the right girl. At ito lang ang magagawa ko sa kabutihang ginagawa niya sa akin noon. Please help me, let's help each other. Ginagawa ko lang ito para sa mabuti kong kaibigan" halos maluha luha na siya sa haba ng kasinungalingan ko. Saang soap opera ko ba narinig ang mga linyang ito? Nakakadiri at nakakasuka.
"Yes, let's help each other" nagtutuluan na ang mga luha niya. Mabilis akong nag abot sa kanya ng panyo na agad naman niyang tinanggap at pinahid sa kanyang mga luha. Tulad ng sabi ni LG, may future nga kaming magpipinsan sa pag aartista. Bakit nga ba hindi namin nasubukan?
"Then it's settled" inilahad ko na ang kamay ko sa kanya.
"You can call me Sebastian and you are?" pormal na tanong ko sa kanya.
"Nahla" pilit siyang ngumisi sa akin.
Dito na nagsimula ang lahat. Sinimulan ko nang lasunin ang isip ng isang inosenteng babae para lamang mapasaakin muli ang babaeng iniwan ako ng napakahabang anim na taon. Wala na akong pakialam sa kung anumang paraang gagawin ko, kung masama ba ito o hindi, ang mahalaga lang sa akin ay makuha at mabawing muli ang aking si Florence Celestina Almero.
And yes, bago pa tumapak muli ang nag iisang si Florence Celestina Almero sa Pilipinas planado na ang lahat para maagaw ko siya.
She belongs to me and I'll do everything to claim her again.
---
Dumating na ang araw kung saan halos kapwa na kaming tulala ni Nahla sa loob ng sasakyan. Hindi na maganda ang mga nangyayari dahil buhay ang kalaban namin. Kilala ko si Florence at gagawin niya ang lahat para lamang matulungan si Ashong kahit ang kapalit nito ay ang pagmamahal niya sa akin.
My Florence is too noble and goddamn kind hearted. Mas pipiliin niya pang makatulong at magsakripisyo sa iba kaysa sa sarili niyang kasiyahan. Sa kasiyahan namin dalawa.
"Ayoko na Seb, awat na. Hindi ko na kaya, ang sakit sakit na. I'm just filling him on bed and it's not working. Akala ko pagmamahal na ang nararamdaman ko sa bawat halik at haplos niya sa akin. But everything was purely lust" napasubsob na ako sa aking manibela. Wala na akong maisip na gagawin, malapit na ang kasal nilang dalawa, masisiraan na ako ng bait. Fuck. Fuck. Fuck.
"What now?" tanong ko na lang sa sarili ko. Come on Nero, mag isip ka pa. I can't let Florence go. I can't. Sa akin lang siya. Sa akin lang si Florence Almero.
"Sinunod ko na ang lahat ng sinabi mo Seb. I even used my goddamn virginity for nothing! Yes, it was amazing at hindi ko makakalimutan 'yon pero pagkatapos na pagkatapos ng gabing 'yon wala na! Wala pa din pagbabago! He's still prioritizing that woman!" wala nang pagtigil ang pagluha ni Nahla sa harapan ko. Damn, kumikirot ang dibdib ko sa ginawa ko sa inosenteng babaeng nasa harapan ko. I'm too selfish, hindi ko naisip na posibleng rin masaktan ang mga taong ginagamit ko. Damn. Shit! Ang tanga ko.
"At alam mo ang mas masaklap Sebastian? Sinunod ko ang sinabi mo! Oo buntis na ako ngayon! Nagpabuntis ako sa kanya pero hindi niya kayang iwan si Florence. Hindi niya kayang iwan. Ang tanga tanga ko, sinong ihaharap kong ama ng batang ito? Isang kasal na lalaki? Fuck!" lalong dumiin ang pagkakahawak ko sa manibela. Hanggang dito na lang ang hangganan ng magagawa ko. Hindi ko na kaya ang katwiran ni Florence, hindi ko na kaya ang ilang beses niyang pangbabalewala niya sa akin. Kahit anong gawin ko na pag agaw niya sa akin pilit pa din niyang pinaninindigan ang alam niyang tama. But it's too absurd! Hindi niya pwedeng isakripisyo ang buong buhay niya! Hindi niya ba naiintindihan ang salitang kasal? Hindi ko na maiisip pang agawin siya kapag nakasal na siya kay Ashong! Fuck.
"I can be the father Nahla" seyosong sabi ko. Kaya kong suportahan ang bata hanggang sa paglaki nito. Kailangan kong panindigan ang pagiging makasarili ko, susuportahan ko ang anak ni Nahla.
"No way! Nangako sa akin si Elias na siya ang sasama sa akin sa pagpapalaki nito pero mananatili siyang nakatali kay Florence" fuck! What the fuck is that?!
"Pagsasabayin niya kayo?! Gago siya!" oh god. Ano itong pinapasok ng babaeng mahal ko? She can't marry that bastard!
"Hindi siya gago Seb, ako ang tanga" malumanay na sagot sa akin ni Nahla. Pinili ko na lang hindi sumagot sa kanya hanggang sa magpaalam na siya sa akin.
Ito na lang ang huling naging usapan namin ni Nahla bago ko nabalitaan ang nalalapit nang kasal ni Florence at Ashong.
---
Ngayon na ang araw ng kasal ni Florence at kasalukuyan akong nag iisa sa Isla Merlino. Panay ang tawag sa akin ng mga pinsan ko at walang katapusan text messages, na wag akong magbigti, maglason at magpalunod tulad nang pinaniniwalaan nila noon. Mga tanga.
Nakaupo ako sa ilalim ng puno habang nakatanaw sa kalmadong dagat. Napalingon na lang ako sa pusang biglang dumamba sa kandungan ko. Tsss, bakit umabot na dito ang pusang ito?
"Umiiyak ka na ba? Patingin" napamura na lang ako sa tamad na boses ng pinsan ko. Sinilip ni Tristan ang aking mukha sa kanyang pinaka mapang asar na paraan.
"Tang ina mo" mahinang sagot ko na nagpahalakhak sa kanya. Bakit lagi na lang ang isang ito ang nakakausap ko? Nagsimula na rin siyang umupo malapit sa akin.
Sa halip na bote ng alak ang dala niya ngayon, inabutan niya lang naman ako ng napakalaking buko na may kulay puting straw.
"Kasal niya ngayon" maiksing sabi niya bago niya sinimulang sipsipin ang buko juice na dala niya.
"Alam ko, tang ina ka" iritadong sabi ko.
"Hindi mo pipigilan?" pumunta ba siya dito para painitin ang ulo ko?
"Bakit ko pipigilan? Gustong gusto na niyang makasal sa gagong 'yon!" napapasigaw na ako. Fuck. Bakit ba namin pinag uusapan ito?
"Kawawa ka naman" fuck.
"Tang ina mo! Ano ba ang ginagawa mo dito?! Paano mo ako nahanap? Come on Matteo, don't use your agent instinct on me. Hindi mo ako trabaho, bakit kailangan mo pa akong sundan. I want to be alone" matigas na sagot ko sa kanya. Bakit hindi nila ako hayaang mag isa? Tang ina.
"It was always a cousin instinct Sebastian. Kailanman hindi ko kayo ginamitan ng trabaho ko. I'm Tristan Ferell right now, a worried cousin to his suidicidal cousin. Ayusin mo 'yang buhay mo, nag aalala kami sa'yo" hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Damn, I overeacted.
"Sorry" tang ina pa din ang suicidal. Ilang beses ko ba na sasabihin sa kanila na wala akong balak magpakamatay?
"Want a hug?" biglang sabi niya. Bahagya niyang inilahad sa akin ang mga braso niya.
"Tang ina mo" iritadong sagot ko sa kanya. Humalakhak na naman si Tristan sa kalokohan niya. Hindi ko siya pinsan.
"Mag papari na lang ako" bigla ko lang nasabi.
"What the fuck? Pinapaalala ko lang sa'yo Nero, pinanganak tayong mga Ferell para manggapang, mangagat, manisid at humaplos ng babae. Hindi tayo pinanganak para mangaral. Sige ulitin mo 'yang sabihin sa harap ni LG, siguradong ikaw ang magkakasal sa aming apat" mahabang sabi ni Tristan, nakakapagtaka.
"Ang haba ng sinabi mo Tristan, four sentences ba? Magpapamisa na ako" sinimulan ko nang higupin ang buko juice na binigay niya sa akin. Hindi ko na lang siguro papansinin ang sinasabi ng isang ito.
"Gago ka, tinandaan ko lang ang sabi ni LG. We our born to multiply our good genes, don't waste yours. Kaunti na lang tayong magagandang lalaki sa mundo" ganito ba ang epekto ng buko juice kay Tristan? Bakit parang dumaldal ang isang ito?
Narinig kong tumutunog ang telepono ko.
"Pick up the phone" mabilis na sabi ni Tristan
"It could be Troy, ayokong sagutin" matabang na sagot ko.
"Tsss, let me" agad hinagip ni Tristan ang telepono ko na nasa buhangin at mabilis niya itong sinagot.
"Nero, it's LG" tamad kong kinuha ang telepono ko.
"Yes?"
"Pinsan! I have a gift for you!" papatayin ko na dapat ang telepono nang makarinig ako ng boses ng babae.
"You will like it Nero, bumalik ka na sa resthouse mo" pamilyar ang boses ng babae at parang narinig ko na ito. Anong meron sa resthouse?
"Kailangan ko nang bumalik, may iniwan daw si Troy sa resthouse" tamad na akong tumayo maging si Tristan ay tumayo na rin.
Habang naglalakad na ako pabalik sa resthouse ay naaninaw ko na kung ano ang sinasabi nilang regalo. Shit.
Muling tumunog ang telepono at humahalakhak na boses ni Troy ang agad kong narinig.
"A run away bride"
"Gago ka Troy! Bakit mo siya basta na lang inihilata dito sa labas? Fuck you" nagmadali na akong maglakad at mabilis kong binuhat ang walang malay na si Florence sa harap ng pinto. Damn, she's vey beautiful. I want to kiss her.
"Fuck you" minura ko na din si Tristan na nakangisi sa akin mula sa likuran.
"Alam mo ito?" tanong ko sa kanya kahit nakikita ko na ang sagot sa mapang asar niyang mukha.
"Ofcourse, pwede na ba akong artista?" ngising sagot niya sa akin.
"Magsama kayo ni Troy" mabilis kong binuksan ang resthouse at agad kong inihiga si Florence sa couch.
"Alam kong nahuhulaan mo na ang nangyari pinsan at alam kong ikaw din ang may pakana nito. Tumulong lang kami sa huli, should I call it delivery sevice?" it worked. Nagawa namin ni Nahla, nasa harapan ko na si Florence. Hindi siya nakasal sa kung sinong gago.
"Gago" muli kong mura kay Tristan. Hindi ko na napigilang hindi haplusin ang maamong mukha ni Florence. Damn, kung wala lang si Tristan ay kanina ko pa siyang hinalikan.
"Tulala na si Romeo, I think I need to go" narinig kong sabi ni Tristan. Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad palabas. Hindi ko mapigilang hindi magsalita.
"Gago! Salamat!" malakas na sigaw ko sa kanya.
"I love you more cousin" umiling na lang ako sa sagot sa akin ni Tristan. Mabilis kong pinulot ang telepono ko, nasa kabilang linya pa din si Troy.
"Troy, maraming salamat"
"I love you too Nero, wag ka ng magpapakamatay ulit ha?" natatawang sagot niya. Fuck. Wala talagang matinong kausap sa mga pinsan ko.
"Tang ina nyo, sige na" papatayin ko na sana ang telepono nang magsalita ulit ang gago.
"Magpakipot ka muna ng isang linggo, alam mo na ang sunod. Hahahahaha"
Hindi ko na sinagot si Troy. At lalong hindi ko na hihintayin pa na magising ang magandang babaeng natutulog sa harapan ako.
I will definitely kiss the every part of her, sleeping or not. Saka ko na gagawin ang sinabi ni Troy. At sinimulan ko nang ilapat ang aking mga labi sa kanya at halikan ang bawat parte ng kanyang mukha.
Hindi ako magsasawang halikan ang bawat parte ng katawan ng babaeng natutulog sa harapan ko.
--
Ngayon na ang araw ng kasal namin. At sobrang lamig na ng pakiramdam ko. Sobrang lakas yata ng aircon ngayon?
"I'm quite nervous LG" kasalukyan akong inaayusan ng neck tie ni LG habang nakangisi ang apat na gago sa akin na nakahilera sa napakahabang sofa.
"Paano kaya ang kung biglang umatras si Doll? Sayang naman ang tuxedo ni Nero" tumaas ang dirty finger ko sa sinabi ni Troy.
"Wag kang maingay, kabado na 'yan" natatawang sabi ni Owen.
"Ako pa ang bumili ng neck tie niya at pati ng sa inyo. Hindi nyo ba napapansin? Pareho pareho tayo ng kulay. Cousin goals!" napangiwi ako nang mapansin na pareho nga kami ng kulay lima. Tang ina, hanggang sa huli naririnig ko pa rin ang cousin goals na 'yan.
"Tang ina, may ikakasal na sa atin. Group hug" sabi ni Aldus. Agad akong napaatras nang tumayo nang sabay sabay ang mga gago at yumakap sa amin ni LG.
"Shit! This is gay" pilit ko silang pinagtutulak at nagsimula na lang kaming magtawananang lima kasama ni LG.
"Dati ang babata nyo pa, ngayon ikakasal na ang isa. Naiiyak ako mga apo" sabay sabay umasim ang mukha naming lima sa madramang si LG. Nanguna na si Tristan na lumapit kay LG at natatawang pinahid nito ang luha ng matanda.
Oo, alam ni LG na buhay si Tristan at sa katunayan pa ay siya ang kauna unahang may alam nito. Kaya pala nang ilibing ang pekeng katawan ni Tristan ay hindi ko nakita ang pag iyak ni LG na alam kong napakababaw.
"Basta pang hawakan nyo ang pangako nyo kay LG, kung ikakasal ang isa gusto ko ay kumpleto kayong lima. Maliwanag?" madiing sabi sa amin ng matanda.
"Yes LG" sabay na sagot naming lima.
"Sige na, mauuna na ako sa inyo. Ako ang sasalubong sa mga bisita sa simbahan" nagtanguhan na lang kaming magpipinsan. Ilang beses ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin bago ko yayain ang mga pinsan kong lumabas.
"Kung hindi ka pa nagyaya, iisipin ko na bakla ka. Ang tagal mo sa salamin" reklamo sa akin ni Troy.
"Just shut up Troy" sagot ko na lang.
Nagsimula na kaming lumabas ng mansion at hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko nang makita ang pinakamagandang babaeng nasilayan ko. I want to kiss her, touch her and make love to her. Kung pwede lang na mabilis matapos ang kasal nang makapagkulong na kami sa kwarto nang isang linggo. Shit, hindi na ako makapaghintay. Wala nang pipigil sa amin.
Bigla akong natigil sa paglalakad nang ang nasa harapan ng sasakyan ay si Owen. Sa pagkakatanda ko ay hindi naging maganda ang pagiging sponsor niya ng sasakyan nang huling lakad naming magpipinsan.
"Tang ina, gusto kong makarating sa simbahan. Hindi nyo ako mapapasakay kung kay Owen nanggaling ang sasakyan natin" seryosong sagot ko. Hindi ko gustong makaranas ng kahit anong kapalpakan galing sa mga pinsan ko sa araw ng kasal ko.
"May gasolina ito Nero. Gago ka!" natatawang sabi ni Owen.
"Ayoko, maghanap kayo ng ibang sasakyan. Wag ang kay Owen, wala akong tiwala dyan. Ayokong magtulak sa araw ng kasal ko" hindi nila ako mapapasakay sa sasakyan ni Owen. Naranasan ko na ang minsan ayoko nang ulitin.
"Are you gay Nero? Mahuhuli na tayo, full tank ito" sagot ulit ni Owen.
"Tsss, wait. I'll call Mang Mario" nagsimula nang magdial si Tristan. Hindi na ako mapapasakay kahit kailan sa mga sasakyan ni Owen lalo na sa araw ng kasal ko. Fuck.
Hindi din nagtagal ay may dumating na panibagong limousine, dito na ako napanatag at nagsimulang sumakay.
"Ang arte mo Nero! Pasalamat ka kasal mo!" sigaw sa akin ni Owen. Iritado nang sumakay ang mga pinsan ko maliban kay Troy. Saan naman nagpunta ang tagapagmana ni LG? Tang ina, baka mahuli pa kami.
"Saglit lang mga pinsan, bumaba muna kayo. Tulungan nyo ako dito" tang ina. Mahuhuli na nga ako.
"Ano pa ba 'yan?" nangunot ang noo ko nang makakita ng hindi lamang isang dosenang kahon ang kasalukuyang inilalabas ni Troy mula sa limousoine ni Owen.
"Tsss, bakit ang dami mong alam Troy?" naglabasan na rin sina Aldus, Owen at Tristan para tulungang maghakot si Troy ng mga kahon para ilagay sa limousine na sinasakyan ko.
Tumaggal siguro ng labinlimang minuto ang paghahakot ng apat bago tuluyang nalagay ang lahat ng mga kahon.
"Ano ba ang laman ng mga 'yan?" nagtatakang tanong ko. Mabuti at maaga kaming lumabas ng mansion kung hindi ay si Florence na ang naghihintay sa akin.
"Tang ina, nag amoy ipot na tayo" reklamo ni Owen.
Hindi ako sinagot ng mga pinsan ko na hindi ko na pinansin. Kapwa nasa magkabilang tapat ng bintana ni Troy at Owen. Si Tristan ang driver ng limousine habang katabi nito si Aldus na nagsisimula nang magpatugtog ng rock music.
"I-play mo na Aldus" nagulat na lang ako nang batuhin ako nang shades ni Troy at nagsimula na silang apat na isuot ito. Mukhang nangangamoy kalokohan na naman.
Naiiling na lang ako habang isinusuot ko ito. Biglang umalingawngaw ang pamilyar na kanta na ilang beses nang sinabi ni Troy na teamsong naming magpipinsan.
Nagsimula na silang magheheadbang apat kaya wala na akong ibang ginawa kundi sumunod sa kanila at makikanta na rin sa kantang umaalingawngaw sa napakahabang limousine.
La-la-la-la-la-la-la-la-laooo. Lalong tumitindi ang pagheheadbang ng mga pinsan ko kaya nagheadbang na din ako.
La-la-la-la-la-la-la-la-laooo. Nagkakasabay sabay na kami. What the fuck? Bakit ito ang kinakanta namin sa araw ng kasal ko?
Lingon agad kapag may babaeng dumaan. panimula ni Troy.
Lalo na pag maganda ang katawan. Sinundan naman siya Owen.
at saka, nakakalokong tingnan. Malakas na kanta ni Aldus na mali na sa tono.
kaming lahat ay binata pa naman. Si Tristan naman.
wala kaming mga asawa't nobya.Hataw na hataw si Troy sa kanyang pagkanta.
hindi parin naman kami pumapalya.Sabay sabay na kami.
Nilakasan ko na rin ang pagkanta ko sa chorus. Tang ina, nadadala na ako sa kanta. Napansin ko na panay ang paghahagis ni Owen at Troy ng mga kalapati sa labas ng bintana habang umaandar ang limousine.
mahilig kami sa magaganda
katawan ang aming nakikita
lalo na yung kaakit-akit pa
la la la la la la la la la-hoooo. Palakas na ng palakas ang pagkanta naming magpipinsan.
Lumalabas ang aming pagkalalake
'pag meroong magagandang mga babae
lalo 'pag mga katawan ay gumigiling
Naiiling na lang ako habang kumakanta habang kasabay ang apat na pinsan ko. Tang ina, ikakasal na ako at nandito pa din ang apat na gagong ito. Shit. Hindi ako nagkamaling tumira at lumaki sa mga pinsan kong may sira sa utak.
Nakarating kaming magpipinsan sa simbahan na pawisang pawisan dahil sa pagkanta at pagheheadbang.
"Best wishes pinsan!" sigaw sa akin ni Tristan nang lumalabas na kami ng sasakyan.
"Salamat"
At napamura na lang ako nang sabay akong itinulak ni Aldus, Owen at Troy kung hindi ako alerto ay nadapa pa ako. Tang ina.
"Best wishes Nero! Hindi na ikaw ang magkakasal sa amin!" malokong sabi sa akin ni Troy. Naikwento na pala agad ni Tristan.
"Kapag kinasal ako dapat kumpleto tayong lima. Tang ina nyo, walang mawawala" natatawang sabi ni Owen.
"Let's go, pumosisyon na tayo" sabi ni Aldus. Sa sinabing 'yon ni Aldus kapwa sila nawala sa mga panigin ko. Damn cousins, ano pa ang gagawin ng mga ito?
Agad na akong inassist ng wedding coordinator para pomusisyon sa harap ng altar. At nang lumipas ang ilang minuto lalo kong naramdaman ang kaba sa dibdib ko, para akong tangang tingin ng tingin sa aking wristwatch, nasaan na siya? Bakit ang tagal tagal niya na?
"Calm down hijo, dadating si Florence" pagpapakalma sa akin ni LG. Muli kong sinuyod ang mga taong magiging saksi ng pag iisang dibdib namin ni Florence. Damn, ang dami nilang nagmamahal sa aming dalawa.
Ganito pala ang pakiramdam ng lalaking naghihintay sa altar parang bumabagal ang oras, bakit parang naririnig ko ang tibok ng puso ko? Nanlalamig din ako. Fuck. Dumating ka na Florence.
"LG m—" may sasabihin pa sana ako kay LG nang biglang nabuksan ang pinto ng simbahan at halos matunaw ang puso ko sa napakagandang anghel na minamahal ko.
Ang babaeng minahal, mahal at mamahalin ko hanggang sa aking kahuli hulihang hinga.
The only angel who belongs to my arms and will always be in my arms forever..
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro