Chapter 9
Chapter 9
Gabi na ng makauwi ako. Inihatid na ako ni Ashong sa bahay ni Kuya Nik dahil baka daw may mangyari na namang masama sa akin.
Inihatid naman ang mga kaibigan ko ng kanilang mga boyfriends. Sa wakas ay nagkahiwahiwalay na rin kaming tatlo. Ang sakit din sa ulo ng dalawang 'yon.
"Ashong ang gwapo talaga ng boyfriend ni Camilla.." isinara ko na ang pinto ng sasakyan at nagsimulang maglakad papasok ng mansion ni Kuya Nik.
"Anong gwapo? Mas maputi lang naman siya sa akin" ismid na sagot sa akin ni Ashong.
"Hindi talaga Ashong..sobrang hot talaga niya.." bakit parang nakikita ko pa ata sa tv ang doctor na 'yon?
"Tigilan mo na ang kakagwapo mo sa doctor na 'yon Florence..pag ako ang nagcoat ng puti 'who you?' ka sa akin" tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Ashong. Lakas maka 'who you?' nitong si Ashong.
"At kailan pa nagcoat ng puti ang horse racer?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Well, I'm planning to take veterinary Florence.." napatigil ako sa pagpasok sa mansion dahil sa sinabi ni Ashong.
"Seryoso?" nanlalaking matang tanong ko kay Ashong. Why so sudden?
"Yes, seryoso ako" ngumisi siya sa akin na aakalain mong niloloko lang ako. Minsan talaga mahirap basahin nitong si Ashong, hindi malaman kung nagbibiro pa ba o ano.
"How about your family business? Nasabi mo na ba 'yan kay Tito at Tita?" kung mag veveterinarian siya mawawalan siya ng time sa business nila.
"Hindi ko pa nasasabi pero hindi na magbabago ang desisyon ko..Umpisa pa lang ay gusto ko ng maging veterinarian. Sinunod ko naman sina Ma at Pa simula pa lang but now I guess I need to follow what I really wanted" wow. Si Ashong ba talaga ang kausap ko ngayon?
"So you're going to study again? Sa pagkakaalam ko ay tamad na tamad ka laging pumasok Ashong ah? Diba gumagawa ka pa ng mga kalokohan masuspend ka lang?"
Napangiwi siya sa sinabi ko. Okay, I did hit the home.
"Hindi ko naman kasi gusto ang business course, buti nga at nakagraduate pa ako" natatawang sabi niya. Sa bagay, tatamarin ka naman kasing mag aral kung hindi mo naman forte ang kursong kinukuha mo.
"Baka naman gusto mo lang magfocus talaga sa mga kabayo mo? Grabe talaga ang dedication mo sa mga horse Ashong..minsan ay nagseselos na ako sa mga kabayo mo" pagbibiro ko sa kanya.
Nasa loob na kami ngayon ng mansion.
"Talaga? Nagseselos ka? Ako lang ata ang marunong magselos sa ating dalawa.." natigilan ako sa biglang sinabi niya. At napatitig na lang ako sa kanya.
Why I suddenly felt guilty?
"Ashong.."
"Goodnight Florence..see you tomorrow" mabilis niya akong kinindatan bago siya nagmamadaling lumabas ng mansion.
He used to kiss me on forehead before leaving. Mukhang masama pa rin ang loob niya sa akin. Kaysa habulin pa si Ashong ay nagdiretso na ako sa kwarto ko. Magkikita naman kami bukas.
Ako lang ang tao sa mansion. Hindi na ako nakialam sa kusina at ipinaubaya ko na ito sa mga katulong. I'm so tired. I just want to lay on my bed and sleep. Siguro ay abala pa rin si Kuya Nik para sa event bukas. Itinawag na niya sa akin na nasa Batangas daw ang kambal dahil na mimiss na daw ng kanilang lola.
Siguradong napakalaking event ang mangyayari bukas.
Kuya Nik is a well-known businessman. Sa murang edad niya ay napakarami na niyang achievements kaya hindi na talaga ako magtataka sa daang babaeng nagkakandarapa sa kanya with his looks, money, ability and charms?
Isang tingin pa lang kay Kuya Nik ay hindi mo aakalaing may dalawang anak na. He's still young, but so damn successful. Minsan nakakainggit din itong si Kuya dahil sa kanyang mga achievements. Kailan kaya ako magiging successful na ganito?
Hindi na rin siguro ako dapat magtataka kung bakit sa loob ng anim na taon ay naging malapit sa kanya ang mga Ferell because Ferells are making their own name in business too.
Nang mga unang taon ay pinilit kong iwasan ang kahit anong balita mula sa kanila pero nang nagsisimula na akong makabangon mula sa mga pangyayari ay natututo na rin akong makibalita.
Hindi ko akalaing ang mga Shokoy na basta na lang nahinga noon ay kakikitaan ko ng dedication sa business ngayon. Dati ay sa pagawang magazine ni LG ko lang nakikita ang mga Ferell, ngayon ay lagi na silang featured sa kung ano anong magazine, mapabusiness man ito o showbiz. Showbiz? Akala ko noon ay nag artista na rin sila, pero napag alaman kong nalilink lang sila sa hindi iilang sikat na mga artista.
Dahil magpipinsan sila, walang naiwang Ferell na hindi napalagay sa Showbiz magazine. Ano ba nga naman sila? Mga Ferell nga naman sila. Masyadong habulin. Ang pinaka malaking problema nila sa buhay ay pagiging 'gwapo'. Hindi ko mapigilang hindi mapairap.
Siguro ay kahit lumipas na ang napakaraming taon ay hindi na talaga mawawala ang kayabangan nila sa katawan. Oh well, it runs through the blood. Baka ikamatay nila kapag hindi sila nagyabang ng isang araw.
Hindi ko na napansin na napapangisi na lang ako sa binubuklat kong magazine na featured ang magpipinsang Ferell.
'The Formidable Ferells' ang caption
Bakit ako may kopya ng magazine na ito? Parang sa pagkakatanda ko ay wala akong magazine na ganito sa kwarto ko? Siguro ay naiwan ng mga katulong habang nililinis itong kwarto ko.
Nakahilera silang nakaupo sa kanikanilang single chair. Nasa dalawang dulo si Aldus at Troy na parehas lumitaw ang pagiging mestizo sa kanilang kulay puting tux. Nasa gitna naman nila si Owen at Nero na nakasuot ng itim na tux, they're still have this attractive moreno feature na nakakapagpabilis ng pagtibok ng puso ng kahit sinong babae.
Napahawak na lang ako sa aking dibdib nang pakatitigan ko ang litrato nilang apat. They're all very successful, sila ba talaga ang mga Shokoy na nakasama ko ng anim na buwan?
Yes, they're still attractive like the old days..
But there is something different, attractive is not enough description for them.
These Ferells. Marahan kong hinaplos ang litrato nila, specifically on his face. Dangerously attractive.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung makita ko na silang apat. Yes, I saw Troy Ferell a while ago. And worst, I met him in an awkward scenario. Alam kong may gusto pa siya sa aking sabihin sa hospital pero alam kong nawalan siya ng pagkakataon.
I'm a bit curious. Dahil sa maiksing oras naming pag uusap ni Troy Ferell ay agad kong napansin na may malaking pagbabago sa kanya.
Nagbago na kaya talaga silang lahat?
Hindi ko na napansin na nakatulugan ko na ang pagbubuklat ng magazine ng mga Ferell.
--
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Damn, someone removed the curtains. Hindi niya ba nakikita na natutulog pa ako?
"Florence, wake up. Andito na ang make-up artist" muli kong ibinaon ang mukha ko sa unan. What the hell? Bakit may make-up artist?
"Florence.. 11 na! Ano ba 'yang tulog mo?" nararamdaman kong may humihila na sa paa ko. Marahas akong napabangon. Kilala ko ang dalawang boses na naririnig ko. Bakit ang aga naman nilang dalawa sa pamamahay ko?
"Ano ba naman Camilla? Bakit ang excited mo? Mamaya pa pong 6:30! ang event, ano tayo early bird?" muli akong humiga at tinakpan ko ang sarili ko ng napakakapal na comforter.
"You need to practice yourself Florence! Mamaya ay makikita mo na si Nero Ferell. Baka mamaya ay magcollapse ka pag nakita mo siya" muli na naman akong napabangon sa sinabi ng kaibigan ko.
"What? Bakit naman ako magcocollapse?" kunot noong tanong ko.
"Ask yourself then.." taas na kilay namang sagot sa akin ni Aira habang nakangising binubuklat buklat ang magazine ng mga Ferell.
"See? May ebidensyang hawak si Aira" confident na sabi ni Camilla.
"Wala akong alam sa magazine na 'yan. Don't make a damn issue" shit! Nawala na ang antok ko. Bakit parang hindi na tumitigil sa kanikanilang bahay ang dalawang ito?
"Sige, ikaw ang may sabi. Pinapayuhan lang kita friend, magkasama sila ni Cassidy panigurado mamaya. Para pa namang linta ang babaeng 'yon kung makadikit kay Nero lalo na sa public paano pa kaya kung alam niyang nasa tabi lang ang 'ex'" tuluyan nang nakuha ni Camilla ang atensyon ko. Anong pinagsasabi niya sa akin?
"Agang aga niyong dalawa dito sa bahay, anong pinaglalaban nyo?" sinuklay ko ng aking kamay ang gulogulo kong buhok. Eksaheradang isinara ni Aira ang magazine na hawak niya.
"Ang gusto lang namin ni Camilla na mangyari, ay magdamit ka na parang kontrabida 'yong tipo ba na parang mang aagaw" sabay silang nagtawanang dalawa habang ako naman ay napangiwi. What the fuck? Kumain na ba sila ng almusal?
"Hindi joke lang friend. Ang gusto talaga naming mangyari ay huwag kang magmukhang talunan. Syempre alam naman nating ikaw ang nakipagkalas sa inyong dalawa, huwag kang poker face mamaya. Dapat ay mukha ka talagang kontrabida" napanganga na lang ako sa sinasabi ng mga kaibigan ko.
"Excuse me? Birthday party ng mga pamangkin ko ang pupuntahan natin, hindi kung anumang teleserye" bumaba na ako sa aking kama at sinimulang ayusin ang mga damit na isusuot ko.
Nagtawanan na naman silang dalawa.
"Syempre friends mo kami, you should look fiercer than the current girlfriend para hindi ka kayankayanin, ang balita ko pa naman ay warfreak 'yong si Cassidy na 'yon. Oh well, maganda siya at mas matangkad sayo, magaling kumanta at sumayaw. At syempre anak ng senador, good catch talaga. Baka may alam 'yon tungkol sa history nyo ni Nero tapos bitter pa sayo kasi matagal bago nakamove on sayo si Nero... let's think about the possibility na mangyayari mamaya. Don't worry nasa likod mo lang kami ni Camilla" I bet, walang alam si Cassidy tungkol sa akin dahil nang nagkakilala kami ay hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang nagpakilala ako. And what? A warfreak? Hindi halata sa kanyang mukha.
"May kanya kanya na kaming buhay..bakit kailangan pa ng mga ganyan? Kung sakaling magkikita kami ni Nero, maybe smiling at him is enough. Ikaw na nga rin ang may sabi Camilla, nakamove on na si Nero. Hindi naman siguro sila magtatagal ni Cassidy kung hindi pa siya nakakamove on sa akin? And I have Ashong...wala na akong pakialam sa lovelife ni Nero..."
Hindi ko na hinintay na sumagot sa akin ang aking mga kaibigan.
Mabilis na akong nadiretso sa banyo at agad hinubad ang aking mga damit. Itinapat ko ang sarili ko sa shower. I want to freshen up.
Pero halos lunurin ko na ang sarili ko sa pagsalubong ng malamig na tubig sa aking mukha.
Shit! Shit!
Kahit ilang beses kong itanggi. Nagwawala pa rin itong dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya..
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro