Chapter 75
A/N:
Maraming salamat po sa lahat nang nakarating sa chapter na ito. Haha. I have a favour to ask angels, for the last time let me hear (read lol) your thoughts. Gusto ko rin po sanang makita ang mga pangalan (I mean, username) ng mga mambabasa na sumuporta sa istoryang ito hanggang sa huling pahina nito. (may epilogue pa naman. Lol). Damn, ang drama ko na naman. Haha. Salamat po ulit :)
Chapter 75
Nagising ako sa aking malalim na pagkakatulala nang makarinig ako ng marahang katok mula sa pinto.
Nakangiting mukha ng aking kapatid ang sumalubong sa akin at napabuntong hininga na lang ako nang makita ko ang hawak niya. Ang ika labindalawang sulat na matatanggap ko mula kay Nero.
Pagkatapos kong makita ang aming ama sa isla ay may nalaman na naman akong panibagong sekretong itinatago ni Nero.
"Florence, bukas na ang kasal nyo. Bakit hindi mo siya subukang kausapin? Sisiputin mo ba siya?" kinakabahang tanong niya sa akin.
"Sa tingin mo ba Sapphire gugustuhin kong magpakasal sa lalaking walang ibang ginawa kundi paglihiman ako? Alam kong madami pa, pero itong ganito na naman? Ilang patay pa ang itatago nila sa akin na buhay pala? Mahal na mahal ko si Nero, mahal na mahal ko siya. Pero nasasaktan rin ako Sapphire, hindi ka ba nagulat nang makita mo si daddy? Sa tingin mo ba ay tamang itago nila sa atin ang bagay na ito?" mapait na ngumiti sa akin si Saphire.
"Florence, ayaw ka niyang masaktan. Natatakot si Nero na maranasan mong ipagtulakan ka ni Papa. Wala siyang maalala Florence, hindi niya tayo makilala.." nagpatakan na ang mga luha ko. Naalala ko na naman ang nangyari nang gabing 'yon. Ang sakit, ang sakit sakit na may iba nang babaeng minamahal si daddy. Ibang babae at hindi ang aking ina.
"Pero anim na taon 'yon Sapphire! Pinaniwala nila tayong wala na si daddy katulad nang kung papaano nila itinago si Tristan. Ama natin pinag uusapan dito! Siguro naman matutulungan natin si daddy na makaalala kung sinabi nila agad. Look what happened, sa tingin mo ba ay hindi Almero ang batang kasama niya? She's definitely our sister! At ang dinadala ng babaeng 'yon?! Fuck! How I hate secrets"
Ang magandang batang 'yon ay dapat dalhin sa lugar kung saan ako lumaki, she is Almero afterall dapat lumaki siya sa karangyaan na naranasan ko. Dapat nandito sila ni daddy at ang babaeng kasama ni dad? Hindi ko na alam. Bakit ba hindi na ako nasanay na babae na mismo ang lumalapit sa aking ama?
--
<Flashback>
"Daddy!" halos takbuhin ko na ang distansya naming mag ama para lamang maabot ang kauna unahang lalaking minahal ko.
"Daddy..daddy, buhay ka.." mas hinigpitan ko pa ang pagkakayap ko sa kanya. Ilang taon ko rin hindi nayakap si daddy. How I missed my father.
Akala ko ay yayakapin niya pa ako pabalik pero nanlamig na lang ako nang pilit niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya at kunot noo niya akong tinitigan.
"Nagkakamali ka hija.." para akong binuhusan ng malamig sa sinabi sa akin ng sarili kong ama.
"Papa.." kahit si Sapphire ay lumapit na rin sa akin.
"Sino sila tatay?" nagtatakang tanong ng batang babae na kamukhang kamukha ni Daddy. Another Almero..
"Daddy wake up, si Florence ito. What happened to you? Bakit ka nawala ng anim na taon? Bakit hindi ka bumalik? Hinihintay kita, hinintay ka naming lahat.." bahagya kong sinulyapan ang batang Almero na kasama niya ngayon.
"Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo, siya ba ang sinasabi mong anak ko?" baling niya kay Nero na tahimik lang sa likuran ko.
"Alam mo ito Nero?" malamig na tanong ko kay Nero na hindi makatingin ng diretso sa akin.
"Dad, pinili mong magpamilya ulit? Hindi mo man lang ba naisip ang dami ng taon na ipinangulila ko? Hinayaan mo akong mag isa, pinaniwala mo akong wala na akong magulang. Habang ikaw? Masaya ka na sa bago mong pamilya. Hindi mo ba naisip na may anak kang nagdudusa mag isa at nag hahanap ng kalinga ng isang magulang?" nanatili lang siyang nakatitig sa akin na hindi nagbibigay ng kahit anong ekspresyon.
"Nagkakamali kayo, hindi ako ang taong hinahanap nyo" halos manlambot ang aking tuhod sa sinabi ni daddy, agad akong inalalayan ni Sapphire. Ganun din ang natitirang tatlong babae na agad lumapit sa amin nang bahagya akong mawalan ng balanse.
"Alam nyo ba ang bagay na ito?!" sigaw ni Sapphire sa mga Ferell na nanatiling mga tahimik.
"He's suffering from amnesia Florence, sinubukan namin siyang tulungan para ibalik ang kanyang mga alaala. But he refused our help.." mahinang sabi ni Nero.
"So ililihim nyo na naman sa akin?! Ano ba naman mga Ferell!" agad akong nilapitan ni Nero at na siya namang pinaghahampas ko.
"Don't touch me! Don't touch me..nahihirapan na ako sa inyo. Yes, you can all have your secrets but not this. He's my father, ako ang lubos na makakatulong sa kanya para ibalik ang alaala niya. Hindi kayo... hindi kayo" paulit ulit akong umiiling habang lumuluha sa harapan ni Nero. Bakit nagkaganito na naman?
"Sasabihin ko din ito Florence.." nahihirapang sagot sa akin ni Nero.
"When? Kapag si mommy naman ang buhay? Sino pang patay ang itinatago niyo Ferell? Daddy ko ang pinag uusapan natin dito. Daddy namin ni Sapphire!" sigaw ko sa kanila.
"Dahil natatakot akong ipagtulakan ka niya Florence! Natatakot ako na masaktan ka katulad nang nangyayari ngayon. Sa tingin mo ba ay nasisiyahan ako kapag nakikita kitang lumuluha? I can't bear it Florence. Handa akong sabihin sa'yo na buhay ang daddy mo kapag nakakaalala na siya.. na wala na siyang anumang salitang maaaring masabi na makakasakit sa'yo.." mahabang paliwanag niya sa akin na hindi ko a maintindihan.
"Pagod na ako Nero..mahal kita. At alam kong alam mo 'yan pero sa tingin mo ba ay magiging matatag tayo kung punong puno ka ng sekreto? Let's postpone our wedding.." sa pagkakasabi kong ito sabay sabay akong tinawag ng mga Ferell sa kani kanilang paraan bilang pagtutol sa sinabi ko.
"Florence.." pilit kong tinanggal ang mga braso ni Nero sa akin.
"Sapphire, sasamahan mo ba akong kausapin si daddy?" seryosong tanong ko sa kapatid ko.
"Sasama ako" mabilis na sagot sa akin ni Sapphire. Nakatanaw kami ngayon sa pamilyang nasisiyahan sa panunuod ng mga babaeng nagsasayawan malapit sa apoy.
"Sapphire, hindi niya kayo makikilala" babala sa amin ni Aldus.
"Florence.." humarang na din sa amin si Nero.
"Hindi kayo pwedeng lumapit sa kanila, masasaktan lang kayo. Ayaw maniwala ni Mr. Almero sa amin wala siyang pinaniniwalaan" kahit si Troy ay humarang na rin sa amin. Maging si Tristan at Owen ay ganito na rin ang ginawa.
"Sige kausapin nyo na ang daddy nyo Florence" nakita kong nagsimula nang maglapitan si Laura, Sapphire at Nicola para pigilan ang mga Ferell na harangan kami.
"Let them talk. Wag nyo silang harangan mga Ferell, dahil kaming tatlo mismo ang makakalaban nyo" matapang na sabi ni Nicola.
"Nicola naman.." mahinang tawag sa kanya ni Owen.
"Makinig kayo mga Ferell, hindi lahat ng bagay ay maaaring kayo na lang ang gumagawa ng mga paraan, may sarili kaming mga paa, may sarili kaming mga desisyon. Hindi namin pinangarap na dumipende na lang sa inyo sa lahat ng pagkakataon" kahit si Laura na bihirang magsalita ay matapang din na humarap sa limang Ferell.
"Gusto naming na alalahanin nyo na minahal nyo kami not because we're a damsel in distress that you need to be rescued. I want you to remember Tristan, Nero, Aldus, Troy and Owen that you did love us because we're not just beautiful but a gorgeous fighters" hindi ko na namalayan ang nagtataasang mga balahibo ko sa sinabi ni Lina.
"Florence, Sapphire. Sige na, kami na ang bahala dito.." kumindat sa akin si Nicola habang tumango naman si Lina at Laura sa amin.
"Salamat.." ito na lang ang nasabi ko bago ako kami nagmadaling naglakad ni Sapphire hanggang sa makaabot kami sa bagong pamilya ni daddy.
"Daddy.." nang lingunin niya ako ay muli siyang napabuntong hininga na para bang ayaw na ayaw niya na akong makita.
"Ilang beses ko ba na sasabihin na hindi kita kilala?" hindi ko pinakinggan ang sinabi ni daddy sa kabila ng pagkirot ng dibdib ko, sa halip ay humarap ako sa babaeng kasama niya na nagdadalang tao. Alam kong alam niya ang mga sinasabi ko.
"Bakit hindi mo paliwanagan si daddy? Hindi mo ba alam na tinanggalan mo ako ng ama. Ako ang tunay na pamilya niya, bakit mo siya itinago? Hindi mo ba naiisip ang pamilyang naiwan niya? Hindi mo ba alam na ibang iba ang mundong ginagalawan niya kumpara sa kung nasaan siya ngayon? Look at you daddy! You're one of the most powerful businessman in the country, you're not just an average man! You're the powerful Lorenzo Almero! Wake up dad" agad humarang si daddy sa buntis na babae na parang may gagawin akong masama dito. Tang ina ang sakit, ang sakit sakit tingnan na may ibang babaeng pinuprotektahan ang aking ama at hindi 'yon ang aking ina. Ibang babae, sa harap mismo ng aking mga mata.
"Florence..." babala sa akin ni Sapphire.
"Bakit hindi ka magsalita, anim na taon mong ipinagkait ang aking ama!" sigaw ko na sinabayan pa ng walang ampat na pagluha ng aking mga mata. Kahit hindi maganda ang kausotan ng babaeng kausap ko ngayon talagang makikita ang kagandahan nitong taglay. Hindi na ako magtataka kung bakit naakit niya ang aking ama. She's definitely beautiful.
"Enough!" nanlaki ang mata ko sa tono ni daddy. Katulad nang kung paano niya ako sigawan noon.
"Umalis na kayo, buntis ang asawa ko. Wala akong ibang pamilya, hindi ko kayo kilala" matigas na sabi ni daddy na talagang sumampal sa buong pagkatao ko. Hindi kita susukuan daddy, anim na taon. Mahabang anim na taon.
"Daddy! You're Lorenzo Almero! Wake up! You're not belonged here! Bumalik ka na sa kung saan ka nararapat. Let's go back, tutulungan ka naming ibalik ang alaala mo. Alam kong nagkakaroon na ako ng mga imahe sa iyong isipan. Look at me Dad. It's Florence. I am your daughter. We are your daughter. Let's help each other dad, hinihintay ka na ni lolo" nahihirapang sabi ko sa kanya.
"Hindi kita maintindihan, wala akong babalikan. May sarili akong pamilya hija. Lubayan nyo na ang pamilya ko, nakakasama sa asawa ko ang mga sinasabi mo.." nahihirapan na akong huminga sa isinasagot sa akin ni Daddy. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya, hindi man lang siya natitigalan habang tinititigan ako. Hindi niya ba talaga ako matandaan?
"Papa! Hinintay ka namin ni Florence, lumaki akong hindi ikaw ang kinilala kong ama. Gisingin mo na ang mga alaala mo. Be a father for us, for me kahit ngayong malaki na ako. Gusto kong makaramdam ng pagmamahal ng isang tunay na ama, na hindi ako pinagbubuhatan ng kamay, minumura, iniinsulto at ginagawang kasangkapan. Papa, gumising ka na. Mga anak mo kami, mahal na mahal ka namin.." panay ang pagkirot ng dibdib ko sa sinasabi ng kapatid ko.
"Tayo na.." halos mapatulala na lang kami ni Sapphire nang hilahin na ni daddy ang babaeng kasama niya at ang batang babae na nasisiguro kong kapatid namin.
"Dad.." halos bulong na lang ang nasabi namin ni Sapphire.
"I want to go home Sapphire, away from this island.."
<End of flashback>
Kahit ang buong angkan ko ay nagulat sa malaking balita na buhay si daddy. Lahat sila ay sumubok na kausapin siya para tulungang makaalala pero pilit pa din itong nagmamatigas sa kanyang bagong pamilya.
Nauna na kaming magkapatid na umuwi nang gabing 'yon. Magtatatlong araw ko nang hindi kinakausap si Nero, kahit tawag niya ay hindi ko sinasagot at mahigpit ang bilin ko na huwag papasukin si Nero Ferell sa mansion. Gusto kong matuto siya, hindi pwedeng siya na lang lagi ang nagdedesisyon ng mga bagay na pwede namang itanong sa akin.
Bakit kailangan niyang ilihim ang lahat? Maaari ba na ganito kami sa aming pagsasama? Na magugulat na lang ako sa mga malalaman kong sekreto?
"Sino naman ngayon?" ismid na tanong ko sa kapatid ko.
"Si Tristan" maiksing sagot sa akin ni Sapphire habang nag aabot sa akin ng sulat na galing kay Nero. Dahil hindi ko naman sinabing huwag papasukin ang natitirang Ferell, sila ang ginawang mensahero ni Nero na siyang tagapagdala ng mga sulat sa akin. Literal na sulat.
"Ang sweet ni Nero, Florence. Apat na beses sa isang araw nagpapadala ng sulat. And take note, mga gwapo ang kartero" natatawang sabi ni Sapphire. Noong isang araw ay si Troy at Owen ang halinhinan na nagdadala ng sulat simula umaga hanggang gabi. Sa pangalawang araw ay si Aldus lamang, malamang kasama na rin ang pagdalaw sa kapatid ko. At ngayong pangatlong araw ay si Tristan na hindi ko alam kung nakaitim na jacket na naman ngayon, paano kaya nakakapuslit ang isang ito na walang nakakapansin sa kanya?
"Buti, pumapayag ang mga 'yan na magdala ng sulat dito" tamad ko na lang ipinatong sa lamesa ang panlabindalawang sulat ni Nero na hindi ko binabasa.
"Kausapin mo na Florence, paano na lang ang kasal nyo bukas?" nanatili akong tahimik sa sinabi ni Sapphire.
"Hindi mo pa ba binabasa ang mga sulat? Gusto mong basahin ko sa'yo?" hindi na hinintay ni Sapphire ang sagot ko at kumuha ng siya ng isa sa mga sulat ni Nero.
Agad niyang binuksan ang sulat. At sinimulan niya na itong basahin, alam kong kalokohan lang naman ang laman ng sulat ni Nero Sebastian Ferell. Anong pa ang aasahan kong laman niyan?
"To my sweetest rambutan" tumaas ang kilay ko sa unang binasa ng kapatid ko. Unang entrada pa lang nang aasar na ang hari ng mga shokoy.
"Bakit rambutan?" nagtatakang tanong sa akin ni Sapphire.
"Long story" maiksing sagot ko na lang. Wala akong balak mag kwento ng tungkol sa mga kalokohan ni Nero Ferell.
Pinagpatuloy ni Sapphire ang pagbabasa ng sulat.
"I won't ever forget the first taste of your lips. The sweetest rambutan I ever tasted. It might sound funny but hell yeah Florence. You really taste like it. At kung sakaling mauulit ang ating unang halik. Hindi ako magdadalawang isip na uliting sabihin na ang labi ni Florence Celestina Almero ay kasing tamis ng isang rambutan" hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Damn Ferell. Kahit si Sapphire ay hindi na rin mapigil sa pagtawa.
"What the fuck is this? Ang weird ng loveletter ni Nero.." naiiling na lang akong kinuha ang mga sulat ni Nero at pinaglalagay ko na ito sa loob ng drawer.
"Wag mo nang basahin Sapphire, nahuhulaan ko na ang mga nilalaman nito. Iisa isahin ni Nero Ferell ang mga prutas sa mga sulat niya. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano sa sulat ng daddy mo. Para talaga siyang shokoy" bahagya kong hinaplos ang tiyan ko. Magtatlong linggong buntis na ako.
Nagtatawanan kami ni Sapphire nang biglang nakarinig kami ng marahang katok mula sa labas.
"Florence, Sapphire..mga apo.." napatayo na lang ako nang pumasok si lolo sa kwarto. At mas nagulat ako sa dalawang tao na nasa likuran niya. Inaalalayan ni daddy ang babaeng kasama niya na may kalakihan na ng tiyan.
"Dad.." agad akong nanlamig ng lumuhod sa akin ang buntis na babae habang hawak hawak ang kamay ko.
"Patawad.." nangangatal ang mga kamay niya habang nakahawak sa akin. Hindi niya ba alam na ayaw ko nang may taong luluhod sa harapan ko? Damn. Lalo na kung buntis? Hindi lang siya ang buntis na lumuhod sa harapan ko. Hindi ko napigilan ang mga pasaway kong luha, ito at nagpapatakan na naman sila.
"Amira.." dinaluhan siya ni Daddy.
"Patawad hija, napakamakasarili ko. Hindi ko tinulungan si Lorenzo na makabalik sa kung saan siya nararapat. Minahal ko ang iyong ama, hindi ko na naisip ang mga taong naiwan niya...Patawad..patawad.. patawad hija. Ibi nabalik ko na sa'yo si Lorenzo.." hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto ko pa siyang sumbatan dahil hindi maibabalik pa ang mga panahong inagaw niya sa akin ang aking ama pero wala man lang akong makapang galit mula sa sarili. Bakit parang gusto ko pang aluin ang babaeng ito na tumutulo ang mga luha sa aking mga kamay?
"Tumayo na po kayo, makakasama po 'yan sa bata" sabi ni Sapphire na tinutulungan nang makatayo si 'Amira' ang babaeng minamahal ngayon ng aking ama.
Pilit kong sinalubong ang mga mata ng aking ama. Kagaya ni Sapphire ay gusto ko na rin tulungan ang babae pero pinanindigan ko ang anim na taong hinanakit sa puso ko. Nanatili akong matapang na nakatayo habang nakikipagtitigan sa aking ama.
"Ipinaliwanag na sa akin ni Amira ang lahat Florence, kung paano niya ako natagpuan sa pangpang hanggang sa nalaman niyang ako ang napapabalitang nawawalang Lorenzo Almero" kung ganun, tama nga ang hinala ko. Alam na ng babaeng ito ang katauhan ni daddy, pero pinili niya pa rin itong ilayo at itago sa sarili nitong pamilya. Paano na lang kung hindi siya nakita ni Nero? Maniniwala na lang ba kami sa kaalamang patay na ang sarili kong ama?
"Aminado akong nagkakaroon na ako ng ilang mga alaala simula nang makita ko si Sebastian Ferell. Ang magagandang imahe ng aking mga anak. Nang gabing 'yon Florence, napakapamilyar niyo na sa akin ni Sapphire pero pinangunahan ako ng takot na baka hindi mo na ako tanggapin sa tagal ng pagkawala ko, natatakot ako anak dahil sa mga ginawa ko, nahihiya ako sa inyo mga anak. Humihingi ako ng tawad sa inyo ni Sapphire dahil sa pagkawala ko ng napakahabang panahon. Patawad mga anak. Sana magawa nyo akong tulungang ibalik ang aking mga alaala.." akala ko ay masusumbatan ko pa si daddy sa lahat ng mga ginawa niya pero nang sandaling tawagin niya kaming anak ay para na kaming robot ni Sapphire na tumakbo sa kanya at sabay namin siyang niyakap ng mahigpit.
"Bakit kailangang hindi ka agad maniwala sa akin? Bakit kailangan mo pa kaming ipagtabuyan? Bakit mo kailangang matakot daddy? Nandoon kami ni Sapphire dahil sinusundo ka na namin. Bakit mo pa kailangang matakot? Halos magmakaawa na kami para bumalik ka lang.." umiiyak na sabi ko habang nakasubsob sa kanyang dibdib.
"I'm sorry Celestina.." para akong bata na ipinapahid ang mga luha sa damit ng ama.
"I will definitely wet your shirt daddy, ang dami mo ng utang sa akin" pagbibiro ko habang umiiyak.
"Go on my princess.." bulong sa akin ni daddy.
"Ganito pala ang pakiramdam ng yakap ng isang ama" kumirot ang dibdib ko sa sinabi ni Sapphire. Naramdaman ko ang halik ni Daddy sa ibabaw ng ulo ko, maging kay Sapphire ay ganun din ang ginawa niya.
"I'm sorry angels. Nandito na si Daddy, hindi ko na kayo iiwan" bulong sa amin ni daddy.
Nang sandaling kumalas kami ng yakap sa kanya ay mariin niya kaming pinakatitigan.
"Pero matatanggap nyo ba ang mga taong parte na ng aking buhay Florence, Sapphire? Nakita nyo na ang kapatid nyo at ang dinadala ngayon ni Amira ay kapatid nyo rin" bahagya kong sinulyapan si Amira na hindi makatingin ng diretso sa akin. Kung hindi siya marunong humingi ng patawad ay hindi niya makukuha ang respeto ko.
"Anong karapatan kong tumanggi sa kasiyahan mo dad? I'll welcome them. Dahil walang magandang maidudulot kung maghihinanakit pa ako, just don't forget about my mother daddy.." ngumiti sa akin si daddy sa sinabi ko. Sana nga lang ay maalala pa niya ang aking minamahal na ina.
"Maraming salamat hija.." tipid lang akong ngumiti kay Amira.
"May nagpapabigay pala nito Florence" may inabot sa akin si daddy na panibagong sulat.
"Kay Nero na naman?" tanong sa akin ni Sapphire.
"Florence, may isang alaala akong hindi ko nakalimutan. At paulit ulit ko itong napapanaginipan. That Sebastian Ferell, pinanghawakan niya ang pangako niya sa akin" nangunot ako sa biglang sinabi ni daddy.
<Flashback>
Nahihirapan na akong lumangoy dahil sa lakas ng alon at sakit ng aking mga katawan dahil sa sunod na sunod na bugbog sa akin ng hayop na si Samuel. Maging ang batang Ferell ay pansin kong hindi na maganda ang lagay.
"Mr. Almero? Kumapit lang po kayo sa akin, we need to survive. We need to survive for Florence. Let's help each other, ayokong bumalik mag isa Mr. Almero. Mabubuhay tayo, babalikan ko ang inyong anak, babalik tayong magkasama. Kailangan niya ng yakap natin. I want to go back, hindi lang ako hanggang dito, hindi lang tayo hanggang dito. Babalik po tayo Mr. Almero, babalik po tayo. Hindi ko pa napapakasalan ang inyong anak, hindi ko pa siya nadadala sa dambana. We need to survive for her" hindi ko mapigilang hindi humanga sa mga sinabi ng binatang Ferell na ito. Hinahangaan ko ang tapang niya, kahit agaw buhay na ang sitwasyon namin dalawa ang kapakanan pa rin ng aking anak ang iniisip niya.
Sa kabila ng malalaking alon na unti unting lumalamon sa aming mga katawan nakabuo ako ng isang desisyon. Si Nero Sebastian Ferell ang taging lalaking pagbibigyan ko ng kamay ng aking prinsesa. Siya ang lalaking alam kong magmamahal nang panghabambuhay aking si Florence Celestina.
"Mr. Almero!" natutuwa siyang bumaling sa akin nang mapansin ang padating na lifeboat sakay si Gio at Nik na panay ang kaway sa amin.
"Help!" pilit lumalangoy papalapit sa kanila ang binatang Ferell habang inaalalayan ako. Kahit pilit niyang pinapatatag ang kanyang loob halata ko na sa mukha niya ang panghihina. Hindi na rin biro ang nawawalang dugo kay Sebastian, natatakot na rin ako sa kapakanan niya. Napansin ko rin ang pagkakagulo ng mga pamangkin ko sa maliit na lifeboat na sinasakyan nila. Alam kong may problema sila.
Agad inihagis ni Gio ang buoy para mahawakan namin pero naging matalas ang aking mga mata. May mali sa tali nito at alam kong hindi kami kakayanin dalawa ni Sebastian dahil kapag kaming dalawa ang hinila nito ay maaaring mapipigtas ang tali at tuluyan na kaming hindi maililigtas dalawa. Bahagya akong lumingon sa likuran ko at mapait akong napangiti sa taas ng alon na malapit nang makarating sa amin dalawa.
"Grab it Mr. Almero, ako na lang ang sa likuran nyo. We need to hurry" mabilis kong hinagip ang buoy at marahas ko itong isinuot sa katawan ni Sebastian Ferell na nanlalaki ang mga mata.
"Live well son, mahalin mo ang aking prinsesa" ibinigay ko na ang kahuli hulihang pwersa ko para maitulak siya papalapit sa aking mga pamangkin.
"No! no! no! Mr. Almero! Mr. Almero! Mr. Almero..Mr. Almero" pilit niya akong inaabot pero nadadala na ako ng malakas na alon. Panay ang tawag niya sa akin hanggang humina na ang boses niya at hindi ko na ito marinig pa.
You're such a nice guy Nero Sebastian Ferell. Sana nabigyan ako ng pagkakataong makipaglaro ng golf sa'yo.
At dito na ako tuluyang nilamon ng karagatan.
<End of flashback>
Hindi ko mapigilang hindi lumuha sa ikinuwento ni Daddy.
"Florence, ito lang ang tanging malinaw sa mga naaalala ko. Kaya nang una kong makita si Sebastian, nagsimula nang gumawa ng mga imahe ang aking isipan. Gusto kong siya ang lalaking maghihintay sa'yo sa altar anak. Dahil kahit nabura na ang mga alaala ko, tanging pagmamahal niya lang sa'yo ang tumatak sa aking isipan hanggang sa huli. Read his letter Florence.." nangangatal ang kamay ko habang nakatitig sa nakatuping puting papel na siyang sulat na pinadala pa niya sa aking ama.
Maghihintay ako sa simbahan at wala akong pakialam kung gaano ito katagal. See you my bride..
Wala akong nagawa kundi ngumiti sa kaunting letra na nasa sulat niya. See you my dearest groom...
----
Nakaharap ako ngayon sa sarili kong repleksyon. Pangalawang beses ko nang magsuot ng damit pang kasal pero masasabi kong nag uumapay ang kasiyahan ko ngayon. Ibang iba rin ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito, kinakabahan, masaya at halohalo pang emosyon na hindi ko na maisalita. Nandito na rin kami, nandito na rin ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na makakasal ako sa isang Ferell.
"The most beautiful bride I ever seen" niyakap ako mula sa likuran ni Sapphire. Kami na lang ni Sapphire ang natitira sa bahay, nauna na si daddy, ang mga pinsan ko, ang kambal, si lolo at ang buong pamilya ko. Maging ang mga kaibigan ko at ang buong barkadahan ni Gio ay nasa simbahan na rin at naghihintay.
"Hindi mo ba ako pipigilan Sapphire?" pagbibiro ko sa kanya dahil sa pagkakatanda ko ay pinigilan niya ako sa kasal namin ni Ashong.
"Never.." natatawang sagot niya sa akin. Kahit siya ay tumitingkad sa kagandahan ngayon. Bumagay sa kanya ang vintage rose pink na motif ng aming kasal.
"Tayo nang lumabas, naghihintay na ang bridal car" akala ko ay magkasama kami ni Sapphire ng sasakyan pero sinabi niyang sa kabilang sasakyan daw siya sasakay. Kung ganun ay ako lang mag isa ang sasakay sa bridal car.
Nagpaalam na sa akin si Sapphire bago naunang umalis ang kanyang sasakyan. Akala ko ay ako na ang magbubukas ng pinto para sa sarili ko nang nagulat na lang ako sa magandang babae na lumabas mula dito.
"Hello future Mrs. Nero Sebastian Ferell.." ngising bati sa akin ni Nally na nag uumapaw ang ganda sa suot din nitong rose pink na gown.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko. Bakit si Nally ang sumundo sa akin?
"Gusto ko lang masiguro na makakarating ka sa simbahan, ayoko nang umiiyak si Nero" pagbibiro niya habang inaalalayan niya akong makapasok sa sasakyan.
Nang nagsimula nang umandar ang sasakyan ay nagsalita siyang muli.
"You're nervous" halatang halata ba talaga sa akin?
"Yes" sagot ko na lang. Hindi ko ipagkakaila ang kabang nararamdaman ko ngayon.
"May aaminin nga pala ako sa'yo Florence" nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Aaminin?" pag uulit ko.
"Hindi ka ba nagtataka kung sino ang nagbigay ng pangalan ni Nero sa Aylip's list?" napatulala na lang ako sa kanya.
"Don't tell me?" nahuhulaan ko na ang isasagot niya.
"Yes, ako nga"
"How could you? Kapatid mo si Nero, bakit gusto mo siyang pahirapan?" nalilitong tanong ko sa kanya.
"Dahil gusto kong bumawi noon, iniwan ako ng lalaking mahal ko dahil sa kagagawan niya. Gusto ko noong maghiganti, nararamdaman mo naman siguro noon na hindi maganda ang samahan naming magkapatid. Mas malapit pa nga ako sa mga pinsan ko pero nang malaman ko na sinadya ni Nero na magmukhang masama siya sa paningin ko para itago ang totoong baho ng lalaking akala ko ay mahal ako, para akong sinampal sa sarili kong kalokohan. Huli na nang bawiin ko ang pangalan niya sa aylip, kilala na siya ng kabuuan ng mga miyembro. Pinahirapan kayong mabuti ng aylip hindi ba?" ngising sabi niya sa akin. Napairap na lang ako sa kanya, bakit parang ang gaan gaan ng pag amin niya sa akin?
"Kung sakaling hindi kami sinalungat ng Aylip baka isa ako sa mga aktibong miyembro na sumusuporta sa organisasyon nyo. Pero mas mahal ko si Nero.." simpleng sagot ko na lamang.
"I know..." ngiting sagot niya sa akin.
"By the way, ibibigay ko na ang regalo ko sa'yo" mabilis siyang may kinuhang maliit na kahon sa kanyang bag at halos manlaki ang mata ko nang tuluyan niya nang buksan ang kahon. Isang pamilyar na kwintas na talagang sumisilaw sa aking mga mata.
"Ang kwintas na pinagsimulan ng lahat. Natatandaan mo pa siguro ang pinag agawan natin sa aunction noon Florence. Para talaga ito sa'yo. 'Ruby's Tears' bagay na bagay talaga ito sa leeg mo" marahan niyang tinanggal ang suot kong kwintas at ipinalit niya dito ang napakaeleganteng kwintas na may nag aasul na bato.
"Hindi ba at nagiging pula ang batong ito kapag nalalapatan ng apoy?" tumango lang sa akin si Nally.
"Salamat.." napangiti na lang ako habang hawak ang kauna unahang alahas na pinag interesan ko.
Magsasalita pa sana ako nang marahas na nagpreno ang sinaasakyan naming bridal car. What the hell? Ayoko ng pakiramdam nang sasakyang biglaang nagpepreno. I don't like this. Damn. Not now please. Ayoko na. Wag sa araw ng aking kasal.
"Anong mayron Mang Bert?" tanong ni Nally.
"Mang Bert! Kamusta na po kayo?!" masiglang bati ko.
"Okay lang po ako Miss Florence, ang ganda ganda nyo po" ngumiti lang ako sa papuri sa akin ni Mang Bert. Pilit niyang sinisilip ang dahilan ng pagtigil ng mga sasakyan. Bakit nagkaroon ng traffic?
"Bakit tumigil ang sasakyan?" narinig kong may kausap na si Nally sa telepono.
"What the hell? Are you serious?" bigla akong kinabahan sa pagtaas ng boses ni Nally.
"Damn, we need to get out of here. Mang Bert, iwan na natin ang sasakyan. May nagkabanggaan daw na inflammable sa unahan natin. And worst, baka maabot tayo ng posibleng pagsabog" napamura na lang ako sa sinabi ni Nally. Bakit hindi na ako tantanan ng mga pagsabog na ito?
"WHAT? Bakit may sasabog? Are you serious Nally?" napansin ko na nagtatakbuhan na ang mga tao para makalayo. Nagsimula na kaming lumabas ng sasakyan, bakit kailangang may maaksidente pa sa araw ng aking kasal? Anong gagawin namin? Tatakbo din ba kami katulad ng mga taong nagtatakbuhan ngayon?
Bakit kailangang mangyari ito sa aking kasal?
"Oh damn, we're stuck here" kasalukuyang nagdadial si Nally sa kanyang telepono nang bigla siyang natabig ng nagmamadaling lalaki.
"Fuck!" malutong na mura ni Nally.
"Sorry miss! Tumakbo na kayo, sayang ang mga gown nyo!" sigaw ng lalaking nagmamadaling tumakbo papalayo sa amin. What the fuck? Nagsisimula na akong kabahan sa mga nangyayari.
"Tang ina mo!" galit na galit na sigaw ni Nally. Habang pinupulot ang nabasag niyang telepono.
"Paano natin sila macocontact?" iritadong sabi niya habang nakatitig sa kanyang telepono.
"Lumayo na po tayo dito.." biglang sabi ni Mang Bert.
Magsisimula na sana kaming maglakad nang mapalingon na lang kami sa humaharurot na kulay itim na motor at nagulat na lang kami nang tumigil ito mismong sa harapan namin. Agad kong napansin na babae ang nagmamaneho dahil sa magadang kurba ng katawan niya na bumabakat sa kanyang itim na motorcycle suite.
Parang nag slow motion ang pagtatanggal ng helmet niya. At elegante niyang hinawi ang kanyang buhok mula sa pagkakatanggal ng helmet.
"Let me do the honour of bringing our beautiful bride to her groom" napanganga na lang kami ni Nally dahil na magandang mukha ng Aylip mistress na mapang akit na nakasakay sa itim na motor. Tama ba itong nakikita namin?
"Sumakay ka na Florence, bago pa mainip si Nero.." hindi na ako nagsalita pa. Mabilis akong inalalayan ni Nally para makaangkas ng maayos sa aylip mistress. At tumango lang siya sa amin bago pinaharurot ng mistress ang kanyang itim na motor.
"Kapit ng mahigpit Mrs. Ferell" napapikit na lang ako nang mas pinabilis niya ang pagpapatakbo.
"Sigurado akong masaya na si Alyanna Florence.." tipid akong ngumiti sa sinabi niya.
"Yes, alam kong masaya siya para sa akin" napatingin na lang ako sa langit. Kung sana nandito lang si mommy para ihatid ako sa altar.
"Best wishes Florence. Kayo talaga ni Alyanna ang hinahangaan ko. And somewhat those Ferells kung pwede lang agawin ang isa.." pabirong sabi niya. Mukhang kilala ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Tristan Ferell.."
"Uhuh?" narinig kong humalakhak siya sa sinabi ko.
Mabilis kaming nakarating sa simbahan dahil sa pagpapatakbo niya. Agad akong bumaba sa pagkakaangkas sa kanya at mabilis humarap sa kanya.
"Salamat Savannah!" pamamaalam ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin bago niya isinuot muli ang kanyang helmet at paandarin muli ang kanyang mamahaling motor.
Agad akong napansin ng mga wedding coordinator.
"Bakit sa motor nakasakay ang bride?!" nawiwindang na sabi ng baklang coordinator. Wala na akong pakialam sa mga inihanda nila, hindi ko na hinintay pa ang mga instructions nila at wala sa loob ko nang hinawakan ang pinto ng simbahan na kasalukuyang nakasarado.
"Saglit lang p—" hindi ko pinakinggan ang sinabi nang coordinator pero napatigil ako sa pagtulak sa pinto nang masilaw ako ng liwanag sa aking mga mata. Nang tingnan ko ang pinaggalingan nito ay napangisi na lang ako dahil mula ito kay Tristan Ferell na nagawa pang sumaludo sa akin. Hindi nga pala siya pwedeng makita sa loob.
"Miss Florence..hindi pa po sila inform.." whatever.
Marahas kong binuksan ang pinto, sabay sabay lumingon ang mga taong may napakahalagang parte sa buhay ko. Hindi ko na alam kung bakit ako lumuluha, natakot na akong baka hindi na makarating dito.
Mga nakangiting mga kaibigan, si Aira at Camilla kasama ang kanilang mga minamahal at pamilya. Ang mga pinsan ko, ang kambal, si lolo, si Sapphire at ang mga babae sa buhay ng mga Ferell. Ang buong angkan ng mga Villacorta, si daddy kasama si Amira at ang bago kong kapatid, ang mga Ferell, si LG. Si August at Antonia, si Ashong at si Nahla na kasama ang baby nila. Maging si Raje at Gabriella na kasama ang kanilang dalawang anak. At pati na rin ang mga kaibigan ni Gio.
Nakakataba ng puso, nandito silang lahat.
Nang nagtama ang mga mata namin ni Nero, agad kong naramdaman ang nag uumapaw na kasiyahan sa puso ko. Nandito na tayo sa simbahan Nero, nasa harap na tayo ng diyos.
Wala na akong pakialam sa ginagawa ko, kasal ko ito at magagawa ko ang lahat nang gugustuhin ko. Para na akong tanga na tumakbo sa mahabang daan ng simbahan para lamang makarating sa kanya pero maging si Nero ay hindi na ako nahintay na makarating sa altar. Nang sandaling nagkasalubong na kami sa kalagitnaan ng mahabang daan ay agad niya akong binuhat. Mabilis kong hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi.
"I do Nero! I do! I do! Akala ko hindi na ako makakarating dito. Takot na takot na ako. I do! Mahal na mahal kita" agad kong ibinaba ang aking mga labi sa kanya para maabot ang kanyang mga labi. Ramdam na ramdam ko ang mariing pagtugon niya sa bawat paggalaw ng aking mga labi na para bang wala nang magiging katapusan ang halikan na ito.
Pakinig ko ang palakpakan ng mga taong nakapaligid sa amin, wala na kaming pakialam kung maubos na ang aming hininga para lamang mahalikan ang isa't isa. I want to kiss him badly. Si Nero lang ang may kakayahang makapagpakalma sa akin at ngayong oras ko lubos na kailangan ito.
Lalong bumilis ang tibok nang puso nang marinig ko ang isang malamig na boses na umaawit ng isang napakagandang kanta. It couldn't be..
Ibinaba ako ni Nero para mapagbigyan akong hanapin ang pinanggalingan ng napakalamig at napakagandang boses.
Nag uumapaw ang paglukso ng dibdib ko nang makumpira ang pinangagalingan ng boses. Kumindat pa sa akin ang kumakantang si Sean Owen Ferell na nakaposisyon malapit sa altar.
I could stay awake just to hear you breathing
Watch you smile while you are sleeping
While you're far away and dreaming
I could spend my life in this sweet surrender
I could stay lost in this moment forever
Where every moment spent with you
Is a moment I treasure
Hindi ko na hinintay pa na magchorus ang kinakanta ni Owen, hinigit ko na ang tie ni Nero at muli kong inamnam ang mga labi ng lalaking mahal na mahal ko. Hindi ko na alam kung anong hitsura ng pari ngayon, we can kiss for now and wedding ceremony later. Hindi ko lang alam ang mangyayari sa akin kung hindi ko mararamdaman ang halik at yakap ni Nero Sebastian Ferell sa mga oras na ito.
Nang magkalas ang mga labi namin ay kapwa na lang kaming natakatitig sa isa't isa habang magkadikit ang aming mga noo.
"I love you Nero.." masuyong sabi ko sa kanya.
"I love you more Florence..mahal na mahal" hinalikan pa niya ang mga kamay ko.
Hindi ko mapigilang muling yumakap sa kanya.
"Nero, ikakasal na tayo.."
"Yes baby galit na ang magkakasal sa atin.." natatawang sagot niya sa akin. Sasagot pa sana ako nang mapatingala na lang kami sa dami ng mga kalapating biglang nagliparaan sa buong simbahan. Maging ang mga tao ay nagulat kung saan nanggaling ang mga puting ibong ito. Ang gandang panuorin..
"Troy.." halos sabay naming nasabi ni Nero. Pilit kong hinanap ng aking mata kung nasaan ang lalaking nagmamay ari ng napakaraming kalapating nagliliparan nang siya na mismo ang tumawag sa akin.
"Doll! dito!" hinanap ko ang boses ni Troy at napairap na lang ako nang makita ko silang dalawa ni Aldus sa mismong altar na kapwa kaakbay ang pari na hindi na maipinta ang mukha. Malapad silang ngumisi sa amin ni Nero at nagawa pa nilang sumaludo sa akin kagaya ng ginawa ni Tristan kanina.
Pero ang huling nakapagpataas ng balahibo ko ay ang biglang pagtunog ng kampana na hindi na naaayon sa tono. Halatang hindi sanay ang kampanero. Panay ang mabilis na pagkampana nito hudyat na may bagong kasal.
"Tristan..." nausal ko na lang.
Muli na lang akong yumakap kay Nero.
"Bakit ba ako aasa sa nakabalot na regalo mula sa kanila? I know, it was always different"
Salamat Ferells...hanggang sa huli pinangiti niyo ako..
"Mahal na mahal kita Florence Celestina Almero. Hinding hindi na kita pakakawalan..." marahang sabi sa akin ni Nero habang hinahaplos ang aking mahabang buhok.
"I love you more Nero..." pumikit na lang ako nang muling maglapat ang aming mga labi.
At last, I am back in his arms again.
Ano ang pinakamasarap pakinggan para sa isang babae?
Ang tunog ng kampana habang kapayakap ang lalaking mahal mo...
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro