Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 74


Thanks @graceyhamz :)

Chapter 74


Hindi na namin napilit ang kahit sino sa mga Ferell para sumali sa Mr. Mahabang Labac. Ano nga naman daw ang mapapala nila? Matagal na nga naman daw nilang alam na magagandang lalaki sila, wala na daw silang dapat patunayan pa. Mas pipiliin na lang daw nilang ibigay sa ibang tao ang pwesto dahil nagsasawa na daw sila sa mga papuri. Nanatili na lang kaming limang babae na walang salita sa pinagsasabi ng mga Ferell. At para hindi na rin humaba pa ang pagyayabang ng magpipinsan ay tumango na lang kaming lima dahil alam namin na kapag sinalungat pa namin ang kanilang paniniwala sa buhay ay hindi na matatapos ang kanilang pagyayabang hanggang sa lumubog ang araw.


Ferells and their overflowing confidence. Hanggang ngayon ay napakalaking misteryo pa rin sa akin kung saan nila kinukuha ito. Bakit parang hindi man lang ito nanghihina o nauubos sa haba ng panahon? Sa katunayan ay mas lalo pa itong lumalakas.



Kasalukuyan kaming nakatitig sa unti unting lumalaking liwanag mula sa apoy na patuloy na nilalagyan na ng mga tao ng mga kahoy para mas palakihin at pagliyabin. Bahagyang sumasayaw sa aking mga mata ang lumalaking apoy dahil sa banayad na ihip ng hangin.

How I love the sight of dancing fire..


Kakatapos lang ng iba't ibang mga palaro at programa ng isla at ang panghuli ay ang pagpapaliyab ng apoy na siyang sumisimbolo ng panibagong masaya at mainit na pagsasamahan ng mga taong naninirahan sa islang ito.



"Ang ganda" nasabi ko na lang habang nanunuod sa lumalaking apoy. Nasa tabing dagat kaming lahat pero kami lang ni Nero ang magkatabi ngayon, hindi ko na alam kung nasaan ang iba.

Naramdaman ko ang paghawak ni Nero sa kamay ko. Ngumiti lang kaming dalawa sa isa't isa. Kailan ba kami huling nag holding hands ni Nero?

Nagsisimula nang maglapitan ang ilang mga kadalagahan na may nakakatuwang koronang bulaklak sa lumalaking apoy habang may kani kanilang maliliit na basket na may lamang iba't ibang kulay na petals ng mga bulaklak.



"Anong ginagawa nila Nero?" natutuwang tanong ko kay Nero habang pinapanuod ang mga kababaihang umiikot na sa palibot ng apoy habang nagsasabog ng bulaklak sa paligid nito. Hindi ko mapigilang hindi humanga sa nakikita ko, napakagandang panuorin at pagmasdan ang mga naggagandahang babae sa kanilang puting damit habang nagsasabog ng makukulay na bulaklak, samahan pa ng magandang presensiya ng liwanag ng apoy sa gabi.

This place is so magical. Wala na akong lakas para alisin ang mga ngiti ko sa labi.

Muli kong naramdaman ang yakap ni Nero mula sa aking likuran.



"Alam mo ba kung bakit kita dinala sa islang ito?" malambing na tanong niya sa akin. Umiling lang ako bilang sagot sa kanya, hindi ba at mahilig lang talaga siya sa tabing dagat?

Mabilis niya akong hinalikan sa aking leeg bago muling bumulong sa akin.



"Dahil alam kong magugustuhan mo ang fiesta nila Florence. You will love the whole setting, from the fire who witnessed our first night, the moon and the stars who witnessed our countless kisses, the sea who witnessed our heartaches. And even this mellow music around us just like your piano piece Florence. Gusto kong nandito ang lahat ng mga bagay na naging parte ng pagmamahalan natin. Gusto kong maging parte muli sila sa gabing ito, mahal na mahal kita Florence Celestina Almero. Mahal na mahal"

Ibubuka ko na sana ang aking bibig para sumagot sa kanya nang mapatingala na lang ako sa ingay mula sa itaas.

Mga makukulay na fireworks ang kasalukuyang nagbibigay ng liwanag sa napakadilim na kalangitan.



"Pinaluha kita nang unang beses tayong manuod ng fireworks. I guess, it is quite different right now" naramdaman ko na lang ang marahang pagpupunas ni Nero sa luhang pumapatak mula sa aking mga mata. Hindi ko na mapigilan ang mga emosyon ko. Damn.



"You did all of this?" naiiyak na tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya sa akin.



"Oh, Nero!" halos tumalon na ako sa kanya para yakapin. Naramdaman ko ang pag angat ng aking paa mula sa lupa dahil sa pagbuhat niya sa akin.



"I love you Nero Sebastian Ferell..mahal na mahal kita" lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Napakaswerte ko sa lalaking kayakap ko ngayon at habang buhay ko itong ipagpapasalamat.

Hindi ko na nabilang kung gaano na katagal ang naging yakapan namin dalawa. Nang bahagya kaming kumalas sa isa't isa ay ako na mismo ang humuli sa kanyang mga labi. Wala na akong pakialam sa mga taong maaaring makakita sa amin dalawa. All I want is to kiss him right now.

Ramdam ko ang mariing pagtugon niya sa bawat paggalaw ng mga labi ko. Kapwa na kami walang pakialam sa mga tao, si Nero lang ang taong nakikita at nararamdaman ko sa mga oras na ito. Tanging paggalaw lang ng aming mga labi at ang banayad na pagtibok ng aking puso ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Mas lalong nagdikit ang aming mga katawan nang mas hilahin niya ako at yakapin ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang mas lumalalim naming halikan, ikakasal na kami wala na silang karapatang tumutol.



"Come on guys! Get a room!" natigil kami ni Nero hindi dahil sa natatawang boses ng aking kapatid kundi sa naramdaman naming kung anong lumapat sa aming mga katawan.

Kasalukuyan na kaming pinapalibutan ni Laura, Nicola, Sapphire at Lina na may malalapad na ngisi na kapwa may mga hawak na basket na naglalaman ng mga bulalak na ihinahagis sa amin ni Nero.



"Best wishes!!" natutuwang sabi nila na panay ang pagpapaulan sa amin ng mga bulaklak. Paikot ikot sila sa amin ni Nero katulad nang kung anong ginagawa ng mga kababaihan sa napakalaking apoy.

Nanatiling nanunuod lang ang mga pinsan ni Nero sa amin na may malalapad din na mga ngisi.



"Let's go Florence, sumali tayo sa kanila" bigla na lang ako hinila ni Sapphire mula kay Nero na tumango lang sa akin.

Nagtatawanan kaming lima habang papalapit sa nagliliyab na apoy. Agad akong nilapitan ni Nicola para lagyan ako ng koronang bulaklak, inabutan din ako ni Laura ng basket na katulad ng sa kanila.



"She needs a veil, or something like white cloth. Bridal shower na ito.." napapailing na lang ako sa mga nangyayari. Hindi ko inaasahan ito.

May lumapit kay Sapphire na isang babae at inabutan siya ng mahabang kulay puting tela. Agad akong nilapitan ng apat na babae at inilagay nila ang puting tela sa ulo ko at saka nila muling pinatungan ng korona.

Muli kong sinulyapan si Nero sa hindi kalayuan, kasama na niya ang mga pinsan niya na nanunuod sa aming lima. Kapwa sila mga nakapamulsa habang nakangiti sa aming direksyon.

Nasabi ko na ba noon na talagang tumitingkad ang kakisigan ng mga Ferell kapag nalalapatan sila ng sinag mula sa nagliliyab na apoy? They're such good sceneries. Hinding hindi pagsasawaang pagmasdan.

Ferells, they are masterpiece inside and out. At napatunayan ko na ito ng hindi iilang beses.



"Florence! Move!" bahagya akong tinapik ni Lina na nasa likuran ko.

Nagsimula nang umikot ang mga kababaihan sa paligid ng apoy, para pala kaming sumasayaw sa paraan ng paghahagis ng mga bulaklak.



"This is so cute.." natutuwang sabi ni Nicola na talagang nag eenjoy sa paghahagis ng mga bulaklak.

Kahit ako ay natutuwa na rin sa pag ikot ikot namin habang nagsasabog ng bulaklak. Pasaya na nang pasaya ang mga tugtugin at patuloy din ang pagpapakulay nila sa kalangitan.



"Ang saya pala talaga ng fiesta dito" nasabi ko na lang.



"Hindi ako nagsising kumagat sa ipinain sa amin ni Nero. Nag eenjoy talaga ako" natutuwang sabi ni Nicola.



"Kahit ako, ito ang unang beses ko na makadalo sa ganitong kasayang fiesta" napangiti na lang ako sa sinabi ni Laura kahit ako ay unang beses ko ito.



"Kung lasingin kaya natin ang mga Ferell mamaya? We can make them dance or sing? Pwede na ang macho dance mamaya" malisyosang sabi ng kapatid ko. Kahit kailan talaga.



"Minsan ba sinayawan ka na ni Aldus ng macho dance?" sabay sabay kaming nagtawanan sa tanong ni Nicola.



"Oo, ang galing nga niya" napamura na lang ako sa mabilis na sagot ni Sapphire.



"Your relationship is too wild. I can say" sabi naman ni Lina.



"Uhuh? Maybe? May nakahuli na nga sa amin" simpleng sagot ng kapatid ko. Kilala ko ang nakahuli sa kanila.



"Nagpahuli pa talaga kayo.." tamad na sabi ni Laura.



"Hindi dapat tinitipid ang mga Ferell Laura, kaya matakot ka dyan kay Troy. Wag mo siyang masyadong tipidin, mahirap bumawi ang Ferell Laura. Talagang sisisidin ka" muli kaming nagtawanan sa sinabi ni Sapphire.



"Whatever, matuto siyang maghintay" sagot sa amin ni Laura.



"What about you Nicola? Hindi ka ba hinaharana ni Owen, alam mo ba na magaling siyang kumanta?" kay Nicola naman ngayon ang atensyon namin.



"Yes, he is. Pero hindi ko na pinangarap na kantahan niyang muli, sa pagkakatanda ko. Kinakantahan niya lang ako ng mga kamanyakan, 'yong mga tema ng kinakanta niya  ay parang gusto niya akong laging ikama" napangiwi na lang ako sa sinabi ni Nicola. Mas mabuti nga na hindi na lang siya kumanta.



"Walang kwenta" sabay sabay na lang namin nasabi.



"Alam nyo ba kung anong bagay ang pwedeng ihalintulad sa mga Ferell?" bahagya akong napatigil sa pagsasabog ng bulaklak sa sinabi ni Laura. Pero agad kong pinagpatuloy ito.



"What is it? Maraming bagay ang pwedeng ihalintulad sa kanila. But I want to hear yours" sagot sa kanya ni Lina.

Nanatili kami sa pagsasabog ng bulaklak habang masayang nagtatawanan at nagkukwentuhan.



"Para silang 'apoy' mahirap makipaglaro sa kanila. Dahil tayo mismo ang matutupok" napatango na lang ako sa sinabi ni Laura. Masasabi kong matagal na kaming natupok lima ng mga Ferell na 'yon. They're all effective fires. At aminado ako wala kaming kalaban laban.



"Ako din may ikukumpara sa kanila. They are like fireworks..una magugulat ka na lang sa mga gagawin nila. Pero 'yon pala isa lang ito sa kanilang magandang surpresa" nagtawanan na naman kami sa sinabi ni Lina.



"You're good ladies. Bakit wala akong maisip? Kung siguro ako ang magkukumpara sa kanila, hmm. Maybe wind? No matter how cold they are sometimes, they have this ability to calm us, oh well in a cold way nga lang. Kung naransan nyo na 'yan sa kanila" natatawang sabi ng kapatid ko.



"Naranasan ko na 'yan kay Owen" mabilis na sagot ni Nicola.



"Same here" sagot din ni Lina.



"Ako din" sagot ni Laura.



"Wag nyo na akong tanungin" sagot ko na lang.



"What about you Nicola? Anong bagay ang pwede mong ikumpara sa mga Ferell?" tanong ng kapatid ko sa kanya.



"Music, minsan masarap pakinggan ang mga sinasabi nila. Pero may mga pagkakataon talaga na ayaw mo nang pakinggan, nakakasawa rin. If you know what I mean" nag ilingan na lang kami sa sinabi ni Nicola. Iisa lang ang nasa isip naming lima at 'yon ay ang walang katapusang kayabangan ng mga Ferell.



"Siguro ang bride naman ang tatanungin natin.." tumigil na ako sa pag ikot sa apoy at humakbang na ako papalayo dito.

Lumapad ang ngisi ko habang nakatanaw sa isang bagay na talagang ang mga Ferell ang kauna unahan kong maalala sa tuwing nakikita ko ito. Lumanghap ako ng sariwang hangin at saka humarap nang nakangiti sa apat na babaeng hinihintay ang sagot ko.



"Ferells..they are like the sea. Mysterious and eternal" maiksing sabi ko na agad kong sinundan.



"Marami pa akong katanungan sa kanila at hindi ko alam kung masasagot pa ba ito. They're too deep like the sea, napakalalim at hindi ko lubos maisip kung hanggang saan ang itinatago. Siguro kailangan ko na lang talagang tanggapin na parte na ito ng pagiging Ferell, I chose to love a Ferell. I will accept everything about him. Muli ko kayong pinapayuhang apat, nabiktima na ako ng sekreto nilang lima at hindi malayong mangyari na maranasan nyo rin ito. Piliin nyong huwag lumayo katulad ng ginawa ko. Dahil mahirap nang bumalik...sobrang hirap" naramdaman ko na lang ang pagyakap nilang apat sa akin.



"Atleast, ikakasal na kayo. I'm so happy for you Florence.." marahang sabi ng kapatid ko.

Nagyapusan na lang kaming lima dahil sa haba nang sinabi ko. Hindi din nagtagal ay nagsimula na kaming lumapit sa posisyon ng mga Ferell na kapwa na rin nakaupo habang hinihintay kami.



"Did you enjoy?" tanong sa akin ni Nero. Tumayo na siya sa pagkakaupo niya para harapin ako ng maayos.



"Tatay! Lapit tayo sa fire!" napalingon na lang ako sa cute na boses ng isang batang babae na nakasakay sa balikat ng kanyang ama. At halos mawalan ako ng balanse nang mamukhaan ko ang lalaking bumubuhat sa batang babae na may napakapamilyar na mukha sa akin.



"Daddy..."



"Mr. Al..mero"

Nagsimula nang magpatakan ang aking mga luha nang lumingon ang aking ama sa direksyon namin na may nakakunot na noo. He's not looking me, hindi niya ba ako napapansin? Bakit kay Nero lang siya nakatingin.



"Ikaw na naman!" malakas na sabi ni Daddy habang nakatingin kay Nero.



What is this again Nero?



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro