Chapter 71
Thanks @Des_Alvrz :)
Chapter 71
Nagsimula na silang magsisampahan sa kama, hindi ko maiwasang hindi mapangisi. Ganitong ganito din ang hitsura ng mga Ferell nang dumating sila dito kahapon. Sigurado akong pagod na pagod din sila sa mga oras na ito.
"You must be hungry, I can cook for you girls" nahihiyang sabi ko sa kanila. Agad bumangon si Nicola at pinakatitigan niya ako na parang sinusuri niya ang bawat ekspresyon ko. Papaano ko ba pakikiharapan ang mga babaeng ilag sa akin?
"You're so beautiful Florence, tumatanda ka ba? Ganyang ganyan pa din ang hitsura mo noong nasa GyroNella pa tayo" hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Bakit parang limitado ang mga salitang kaya kong sabihin sa kanila?
"You're prettier than me" nasabi ko na lang sa kanya. Mestiza din si Nicola at mas matangkad pa sa akin. At sa unang beses na matitigan siya, talagang mabibigayan mo ng impresyong, isa siyang mataray na babae. She has this fierce feature na umakit kay Sean Owen Ferell.
"Prettier huh? But not as prettier as you. Hindi ko kayang bumihag ng limang lalaki ng sabay sabay" pakiramdam ko ay gusto kong masamid sa biglaang sinabi niya. Nanatili na lang akong tahimik habang nakikipagtitigan sa kanya na kasalukuyan nang nakataas ang kilay sa akin.
Natatandaan kong hindi maganda ang huli naming pag uusap ni Nicola at Laura. Isa rin sila sa mga nagtangkang pumigil ng kasal namin ni Ashong.
"Nicola.." babalang sabi ni Laura. Lumapit sa akin si Sapphire para supportahan ako, nanatiling nasa sulok ng kama si Lina at nagmamasid sa mga nangyayari.
"Why? I'm just stating the fact. Alam nating lahat dito na si Florence ang unang babaeng minahal ng mga lalaking minamahal natin ngayon. Sinasabi ko lang kung ano ang nasa utak ko. I'm not from plastic world, I hope you don't mind Florence" bahagya lang akong ngumisi sa sinabi ni Nicola. Tama naman siya, mas gusto kong pakiharapan ang taong katulad niya kaysa kumausap ng mga plastic na hindi ko na alam kung kailan nagsasabi ng totoo o hindi.
Pilit akong ngumiti sa kanila. I guess, kailangan ko rin talagang makipag usap ng maayos sa apat na babaeng ito. At alam kong dadating ang araw na ito. Nagsimula na rin akong umupo sa kama kung saan nandito sila, nakaagapay lang sa akin ang kapatid ko na ipinagpapasalamat ko.
"I think we need to talk. Let's talk about them. Let me here your thoughts" bahagya lang akong ngumiti sa kanila habang sila naman ay mukhang nagulat sa sinabi ko. Kung hindi kami mag uusap ng masinsinan, alam kong habang buhay na lang nilang isasaisip ang mga tumatakbong mga tanong sa kanilang isipan.
"Florence.." bulong sa akin ni Sapphire na mukhang nag aalala sa akin. Wala siyang dapat ipagpaalala sa akin.
"It's okay Sapphire, alam kong dadating din ang araw na ito. Alam kong marami kayong gustong sabihin sa akin. I'm willing to listen, I'm good" matapang na sabi ko sa kanila kahit ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
Naghintay siguro ako ng ilang minuto bago ako makarinig ng boses mula sa kanila. Unang nagsalita si Lina.
"Ako muna ang magsasalita. Sa aming apat, ako yata ang may pinakamaraming sasabihin sa'yo Florence" nlingon ko si Lina na nakatayo na at kasalukuyang nakatanaw sa bukas na bintana.
"Unang una, I want to apologize" panimula niya na agad nagpatayo sa akin. Ilang beses na ba siyang humingi ng tawad sa isang bagay na hindi niya dapat ipagpatawad?
"Lina, ilang beses ko ba na sasabihin sa'yo na hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin?" nakita ko ang marahang mag iling niya sa sinabi ko.
"I blamed you for everything. Sa halip na supportahan kita ng mga oras na 'yon ay pinagtabuyan kita. At mas pinabigat ko pa ang nararamdaman mo. I'm the worst bestfriend. Hanggang ngayon Florence, nahihirapan pa din akong pakiharapan ka. All I did was the worst for you, I don't deserve your warm treatment. Bakit ka ganyan Florence? Bakit hindi ka magalit sa akin? Bakit hindi mo ako sinalubong ng mga sumbat? You're too kind Florence.." hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na akong lumapit sa kanya.
"Who told you? I didn't think you as worst. Masaya ako dahil nakilala kita sa GyroNella. I am happy to be your friend. Alam mo ba na may sinabi sa akin si Tristan? Hindi ko alam ang mga effort na ginagawa mo sa akin noon Lina. Sinabi niya sa akin na ikaw ang sumira ng mga itim na mannequin na dapat ipapanakot sa akin ng mga tauhan ni Ditzy, muntik mo na daw kalbuhin ang mga babaeng 'yon at ang mga kasamahan niya. You are secretly protecting me Lina at talagang ipinagpapasalamat ko ito sa'yo. I can't survive on that school kung wala ka" kitang kita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata na parang hindi siya makapaniwalang alam ko ang bagay na ito. Mahigpit niya sigurong bilin kay Tristan na itago ito sa akin. Bakit lahat ng lang taong mahahalaga sa akin ay pinuprotektahan ako ng patago?
"Lina, I missed my bestfriend. Please come back to me, be my friend again. Tama na ang pagpapahirap natin sa isa't isa. Let's bring back our warm friendship" nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap ng napakahigpit. At nagsimula na siyang mag iiyak, sinimulan ko na lang hagudin ang likod niya.
"Hush..tumahan ka na. Nasa labas lang si Tristan, baka magalit siya sa akin dahil pinaiyak kita" pagbibirong sabi ko sa kanya. Kumalas siya sa akin at bahagya niyang pinunasan ang mga luha niya.
"Hindi kayang magalit ng mga Ferell sa'yo Florence. That's too impossible" naiiling na sabi sa akin ni Laura.
"Ang taas taas mo Florence. Ang taas ng standard na iniwan mo sa kanila, natatakot ako na baka hindi ko ito maabot. You're too perfect Florence at wala yata akong kayang ipagmalaki sa'yo. Si Wada na magaling magluto, si Wada na sobrang ganda, si wada walang talent pero okay lang. Alam mo ba na ang sakit sakit makitang kumikislap ang mata ng lalaking mahal mo habang ikinukwento ang isang babaeng hindi ko maintindihan kung bakit nasa kanya na ang lahat? This might sound bitter. But hellyea, nagseselos ako sa'yo. Gusto ko ako lang ang babae sa puso at isipan niya wala ng iba. Pero wala akong magagawa, nakatatak na ang pangalang 'Wada' sa puso ni Owen" nablangko ako sa mahabang sinabi ni Nicola. Maging ang natitirang mga babae ay hindi rin nakapagsalita sa sinabi niya.
"Alam kong una kang minahal ni Owen, pero ang hirap pa din tanggapin na may unang babae sa kanya. At ang unang babae pa ay isang Florence Almero na hindi basta basta babae" nakita ko ang mapait na ngisi niya habang nagsasalita. Anong dapat kong sabihin sa kanya?
"Florence, ako wala na akong ibang sasabihin. Simula't sapol ay umamin na akin si Aldus na minahal ka niya. Kung patuloy kong iisipin na nagawa mong mapatawa at mapangiti noon si Aldus, pahihirapan ko lang ang sarili ko at baka lamunin ako ng selos. I should accept the fact that my beautiful sister is part of my Aldus past. Ang mahalaga ay akin siya ngayon, bukas at sa susunod pang mga panahon. Wala na akong ibang sasabihin sa'yo Florence. Isa lang pala, I love you my dear sister" parang hinaplos ang dibdib ko sa sinabi ng aking kapatid. Shit, bakit parang nag iinit ang sulok ng aking mata?
"Masyado akong immature noon Florence. Inaamin ko na dala rin ng selos ang emosyon ko nang mga panahong may nasabi ako sa'yo. But I learned my lesson. Alam kong minahal ka ni Tristan dahil hindi niya isasakripisyo ang sarili niyang buhay kung hindi ka niya minahal. At inamin niya rin ito sa akin nang muli kaming nagkita, wala na rin akong magagawa gaya ng sabi ng kapatid mo. Tanggap ko na nakaukit ka na sa puso niya. Pero sinigurado niyang wala na akong dapat isipin tungkol sa bagay na ito. I did promise him not to doubt his love and I will just love him and cherish him until to the end" lumapad ang ngiti ko kay Lina.
"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko Florence, nandyan ka na sa sistema ni Troy at alam kong hindi ko kayang tabunan o burahin ito. I will just love him, bagay na hindi mo kayang ibigay sa kanya" mapait lang akong napangiti sa sinabi ni Laura. Minahal ko din si Troy pero hindi katulad nang kung paano ko minahal si Nero Sebastian Ferell.
"The only thing I can do is to make Sean Owen Ferell fall for me harder and deeper. Sisiguraduhin kong mas mamahalin niya ako, higit sa pagmamahal na ibinigay niya sa'yo" seryosong sabi sa akin ni Nicola.
"I will make Troy Ferell obsessed with me" mahinang sabi ni Laura. Hindi pa ba obsess sa kanya si Troy?
"I'll do the same with Aldus" mabilis na sabi ng kapatid ko.
"This might sound creepy Florence, but yes. We'll do our best para mas higitan ang atensyon, pag aalaga at pagmamahal na ibinigay sa'yo ng mga Ferell" ngumisi ako sa kanilang apat dahil sa mga sinasabi nila. Alam kong sasabihin nila ang mga salitang ito sa akin.
Kapwa nakakunot ang mga noo nila nang makita nila ang pag ngiti ko sa mga sinabi nila.
Mas pinalapad ko pa ang ngiti ko at taas noo ko silang hinarap na wala nang halong kaba sa aking dibdib. Alam kong mas gagaan ang aking pakiramdam kapag sinabi ko na ang mga salitang ito sa kanila.
"At sa sandaling dumating ang araw na 'yon. Asahan nyong isa ako sa taong pinakamasaya para sa inyo" hindi ko na alam kung bakit natahimik na lang sila sa sinabi ko at nanatiling mga nakatitig sa akin na parang hindi nila inaasahan na ito ang magiging sagot ko sa kanila.
Ako naman ngayon ang humarap sa tapat ng bintana habang tinatanaw ang dagat na nasisinagan ng araw. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalitang muli.
"Hindi ko alam kung may karapatan ba akong humiling sa inyong apat, sino ba naman ako hindi ba? Pero sana pakinggan niyo itong sasabihin ko. Dadating ang panahon at magiging mundo kayo ng mga Ferell na 'yan, kayo ang lubos na nakakaalam kung papaano sila magmahal. Siguradong dadating ang araw na kayo na lang ang titingnan nila at kayo ang uunahin nila higit sa sarili nilang kapakanan. Hihiling sana ako sa inyo, kung sakaling humingi sila ng oras na muling magkasama sama huwag nyo sana silang paghihigpitan o kwestyunin. Dahil alam kong ang simpleng pagkasama sama nilang lima ay kasiyahan na sa kanila. Hindi mahuhulma ang magagandang katangian nilang lima kung hindi sila lumaking makakasama. At ayoko sanang magkadistansya ang magpipinsan dahil naging mundo na nila tayo" wala akong narinig na sagot sa kanila ng ilang minuto. Hindi ko tuloy alam kung haharap ba ako sa kanila o nasobrahan ang hinihiling ko sa kanila? Ferells are not them if they're not complete. Nasaksihan ko na ito noon. Kaya importante sa akin na makita pa rin silang paminsang magkakasama.
"Napapahanga na talaga ako sa'yo Florence, akala noon masyado lang exaggerated si Owen kapag sinasabi niyang naranasan niyang tumira sa isang bubong kasama ang isang anghel. Now I know.." napangiti na lang ako sa sinabi ni Nicola.
"You're too kind, napakaswete ni Nero sa'yo" mahinang sabi ni Laura.
"May sasabihin pa pala ako sa inyo, habaan nyo na lang ang pasensiya nyo sa mga Ferell na 'yan. Just love them even with their flaws dahil hindi sila si Owen, Aldus, Troy at Tristan kung wala silang magagawang kalokohan sa isang araw" hindi ko maiwasang hindi alalahanin ang mga kalokohan ng mga Ferell nang nakatira pa ako sa mansyon. Ang otto nilang may iba't ibang kulay, ang volleyball game na sila ang committee, ang hotdog on stick ng magpipinsan at pagkukunwari nilang mga crew, waiter, musician at manager ng isang restaurant. Nasaksihan ko na ang iba't ibang kalokohan nila at kahit kailan hinding hindi ko ito makakalimutan.
"Suklian nyo o mas higitan nyo pa ang pagmamahal nila sa inyo. Ferells are wonderful creature.." napapangiti na lang ako habang nagbabalik tanaw sa mga kalokohan nila. Yes, a wonderful creature it is.
"Those Ferell, they deserve to be loved endlessly..." nasabi ko na lamang. Habang dahan dahan na akong humaharap sa kanila, sinalubong lang naman ako ng ngiti ng apat na babaeng bumihag sa mga puso ng mga Shokoy na pinahahalagahan ko.
"No wonder why Ferells fall in love with you.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro