Chapter 70
Thanks jelicious_me :)
Chapter 70
Dahil natakot siguro ang limang shokoy sa sinabi ko wala na silang ibang nakakahiyang ginawa hanggang sa makarating kami sa isang maliit na supermarket.
Hindi ko na dinala ang mga Shokoy sa wet market, nakakahiya naman sa mga imported nilang damit. At baka sabay sabay pa silang himatayin kapag nakita nila ang mga kapwa nila lamang dagat na kinakatay ng tao. Damn, naiiling na lang ako sa mga pumapasok sa isip ko. Shokoy thoughts, malamang. Magkakasama na naman kasi sila.
Sino ba naman kasi ang may sabi na magandang kasama ang limang ito ng sabay sabay? Mukhang nakalimutan ko nang buntis ako at kung ipagpapatuloy kong pakisamahan ang kalokohan ng limang ito, talagang duduguin ako.
Si Owen at Troy ang may sulong ng push cart habang kami ni Nero ay nasa mga beverages para pumili ng gatas na kakailaganin ko. Si Aldus at Tristan ay hindi ko na makita, sana lang hindi sila masabit sa kung sinong babae.
Muli kong tiningnan ang dalawang shokoy sa di kalayuan. Napapaismid na lang ako nang makita ko na supportive na pinipicturan ni Owen si Troy sa tabi ng napakadaming nakihelerang itlog.
"What's wrong with them?" ngiwing tanong ko kay Nero habang nakatingin kay Owen at Troy na mukhang nasisiyahan sa kalokohang ginagawa nila.
"Don't ask me, hindi ko din alam" kunot noong sagot sa akin ni Nero. Nagkibit balikat na lang ako.
Pumunta kami sa mga seasonings na kakailanganin ko sa aking pagluluto. Dapat kami na nga lang ni Nero ang magkasama, namumroblema tuloy ako kung saan na nagsuot ang natitirang apat na Shokoy.
"Nero, tawagin mo ang isa sa mga pinsan mo. Ilalagay ko lang ito" ang dami ko nang napipili na bibilhin, wala naman ang cart. Bumuntong hininga lang sa akin ang hari ng mga Shokoy bago siya tamad na naglakad para hanapin ang mga nawawala niyang pinsan.
Panay lang ang paglalakad ko para makakita pa ng mga bibilhin nang muli na naman akong napairap.
Kasalukuyan nga palang nagkalat sa maliit na supermarket ang mga Shokoy, bakit pa nga pala ako magugulat kung lumalandi sila ngayon? Wala naman silang pinipiling lugar.
Si Tristan Ferell lang naman na may tinutulungang babae na hindi yata maabot ang dapat kukuhanin.
"Thanks" kita ko pa ang pamumula ng babae sa pagtulong sa kanya ni Tristan. Bahagya pa niyang isinumping ang kanyang buhok.
"No problem, have we met before? I'm sure, I've seen your beauty" malakas ang hinala kong hindi pa siya nakikita ni Tristan. Galawang Ferell na naman po. Nagkunwari na lang ako na nagtitingin tingin habang pinapakinggan ang pagsisinungaling ng isang Shokoy.
A shokoy will always be a shokoy.
"Really? Sayang naman hindi kita matandaan" lalanggamin na ba silang dalawa? Akala ko ba loyal itong si Tristan?
"Aww, that's too bad for my ego" maarteng sabi ni Tristan Ferell.
"I can give you my number" malambing na sabi ng babae na talaga namang may kagandahan. Mas matangkad at mas maputi siya sa akin. Iyon nga lang maganda siya, dyosa ako. Hindi ko mapigilang hawiin ang buhok ko.
Sayang siya, maganda naman siya. Bakit siya bumigay agad sa isang shokoy? Manloloko lang 'yan.
"Sure"maiksing sagot ni Tristan sa babae. Haist, bakit ba ako nakikinig sa kalandian ng isang ito?
Nagsisimula na akong lumayo sa kanila hanggang sa tuluyan ko nang hindi marinig ang usapan nila. Pero nakakailang hakbang pa lang ako palayo nang maramdaman ko ang akbay mula sa isang shokoy.
"Eavesdropping huh?" napairap ako habang tinatanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin.
"No way" tanggi ko sa kanya.
"Pansin na kita kanina pa Warden Doll, I even saw how you flipped your hair. Ofcourse mas maganda ang dyosa" naningkit ang mata ko kay Tristan Ferell. Nakakapagbasa ba ng isip ang isang Shokoy na agent?
"Buti alam mo" maiksing sagot ko sa kanya.
"Matagal na" natatawang sagot niya sa akin.
May sasabihin pa sana ako kay Tristan Ferell nang magulat na lang ako sa mabilis na pagtutulak ng dalawang Shokoy sa push cart na aakalaing mga batang paslit na nagkakarera sa isang racetrack. What the fuck?
"Tang ina ka Owen! Mababasag ang itlog ko!" mura ni Troy na mukhang seryoso sa pagtutulak niya ng pushcart. Damn. Buti sana kung kami lang ang nakarinig sa 'mababasag niyang itlog' naagaw lang naman ang atensyon ng dalawang matandang namimili at ang ilang staff na nag aayos ng mga items. What the fucking hell! Gusto ko nang magtatakbo at itangging kasama ko sila.
Dapat sa mga ito, hindi isinasama sa pamimili. Nakakahiya talagang kasama. Ginawa na nilang playground ang supermarket.
"Gago ka! Ano ba ang gagawin mo sa mga itlog na 'yan?!" kasalukuyan pa din silang nagtatalong dalawa habang tahimik kaming nanunuod ni Tristan.
"What's with the eggs? Hindi 'yan pwedeng ikabit Troy. Makuntento ka na sa dalawa" napapamura na lang ako sa usapan ng magpipinsan habang sila naman ay nagtatawanan sa sarili nilang mga kalokohan. Hell yea, minsan gusto ko nang takpan ang mga bibig ng mga Shokoy na ito.
"Gago ka Tristan!" natatawang sabi ni Troy.
"Nasaan si Nero?" singit ko sa tatlong Shokoy na mukhang nakalimutan na ako.
"Sinusundo si Aldus, kanina pang tambay sa free taste si Aldus. Iba naman ang gustong tikman ng gago" mabilis na sagot sa akin ni Owen Ferell. Damn. Sabi na at masasabit at masasabit pa rin ang mga Shokoy na ito.
"Ano ang free taste?" tanong ni Tristan sa mga pinsan niya, mukhang interesado pa ang isang ito.
"Madami" maiksing sagot ni Troy.
"I'll check" tinapik lang ako ni Tristan sa balikat bago niya ako iwan sa dalawang Shokoy na may sulong na push cart.
"Ikaw na muna Wada ang bahala sa cart ko, makikitikim din ako. Bitin ako sa almusal natin kanina" napangiwi na lang ako sa sinabi ni Owen. Maaawa na ba ako sa kanilang magpipinsan?
Kahit ang madaming itlog ni Troy ay iniwan niya na lang basta sa akin. Kahit kailan hindi talaga mawawala ang pagiging patay gutom ng mga shokoy ito.
Sa limang kasama ko sa pamimili, kahit isa walang natira. Damn.
Nagsimula na akong mamili ng tahimik, hindi na ako magtataka kung may bigla lang mabasag ng dahil sa mga Shokoy. Naglalaro lang ang limang 'yon dito. Saan na kaya nagpunta ang hari ng mga Shokoy? Tang ina siya, pinababayaan niya ako.
Habang abala ako sa pagpili naramdaman ko na lang ang pagvibrate ng telepono ko. Tumatawag si Sapphire.
"Yes, Sapphire?" bungad ko sa kanya.
"Mawawala ako Florence ng mga dalawang araw, don't worry ang mga kaibigan mo ang nag aasikaso ng lahat" wala namang problema sa akin, afterall may sarili namang buhay ang kapatid ko.
"No problem, mag ingat ka" maiksing sagot ko. Hindi ko na tinanong kung saan siya pupunta, kailangan niya siguro ng privacy.
Papatayin ko na sana ang phone ko nang mag notif ang facebook ko. Kung hindi lang siguro picture ni Troy Ferell ang lumabas hindi ko na ito papansinin. Napairap na lang ako sa picture niya na nasa tabi ng napakaraming itlog. At talagang napakaganda ng caption. Typical Ferell lines.
'All that I have are my eggs for you. Missing my Laura Franchesca<3'
He's Troy Ferell, wala na akong masasabi. Siguro napakahaba ng pasensya nitong si Laura para sa kalokohan ni Troy. Agad ko itong ni like at hindi ko mapigilang hindi magbasa ng ilang comments. Damn, active pala ang paboritong apo ni LG sa facebook. Ang daming likers ng shokoy. 657 likes at 103 comments karamihan babae.
Nangunguna ang comment ni Laura, isang malutong na 'Fuck you' ang agad kong nabasa. Gusto ko pa sanang magbasa at istalk ang iba pang facebook account ng mga Shokoy nang maalala ko na namimili nga pala ako. Pinatay ko na ang telepono ko, baka wala akong mabili nito.
Muli ko na lang isinulong ng sabay ang cart ng dalawang shokoy. Tang inang mga shokoy, bakit ba sumama pa sila ako lang naman ang mahihirapan?
Itinigil ko ang cart nang madaanan ko ang ilang mga snacks na pwedeng kainin ng mga shokoy na alaga ko. Aabutin ko na sana ito nang maramdaman ko na may yumakap sa akin sa likuran.
"Where have you been?" tanong ko kay Nero na hindi nagsasalita.
"Sana dumating na sila. Napaka panira ng mga pinsan ko Florence, akala ko masosolo na kita" panay ang paghalik niya sa leeg ko kung wala lang kami sa public place ay hahayaan ko siya. Damn. Kahit ako ay nanghihinayang kagabi.
"Nero baka may makakita sa atin, umayos ka" kinalas niya na ang pagkakayakap sa akin. May oras para diyan Nero, makakatakas din tayo sa mga shokoy mong pinsan.
Siya na ngayon ang nagsusulong ng cart ng mga pinsan niya.
"Sinong sila?" nagtatakang tanong ko sa kanila. May nabanggit siyang 'sila' kanina. Hindi ako sinagot ni Nero dahil ngumisi lang naman ang Shokoy sa akin.
Nadaanan namin ni Nero ang pinagkakaguluhang free taste ng mga Shokoy, damn. Isa lang ang masasabi ko, malalaki ang dibdib ng mga babaeng nagbibigay ng free taste. Ano ba ang benebenta nila?
"Hayaan mo sila Florence, mas mabuting mag amoy babae ang mga 'yan para masaya" napakunot noo na lang ako sa sinabi ni Nero. Evil plan na naman ba ito ng hari ng mga Shokoy?
Dahil hinayaan na namin ni Nero na mambabae ang mga pinsan niya, mapacustomer man o magagandang staff mabilis kaming nakatapos sa pamimili.
Habang naglalakad na kami papunta sa sakayan, napapansin ko na ibinubugaw pa ni Nero ang kanyang magagaling na pinsan sa kung sinong magagandang babaeng nakakasalubong namin na siya namang kinikindatan, nilalapitan at kinakausap ng mga shokoy.
"Grabe, nabusog ako" sabi ni Owen pagkasakay namin sa bangka. Alam kong pati mata ng mga Shokoy busog din. Hindi naman karamihan ang mga tao dito at talagang masasabi kong halos lahat ay magaganda at may mga hitsura.
"Tang ina, ang laki talaga ng dibdib ng mga babae kanina. Fuck, ang swerte ng mga boyfriend non, siguradong lunod na lunod sila" umasim ang mukha ko sa sinabi ni Troy na mukhang buhay na buhay sa ikinukwento niya.
Naramdaman ko ang pagtakip ni Nero sa dalawang tenga ko. Para namang hindi niya ako ginagapang tuwing alas dos ng madaling araw? Para namang wala akong alam diyan sa naririnig ko sa mga pinsan niya? Para namang inosente pa ako? Corrupted na nga ako. Buntis na nga sa katunayan. Ano pa ang tinatakpan ng shokoy na ito?
Tinanggal ko ang kamay ni Nero sa tenga ko at pinag taasan ko siya ng kilay.
"Hindi na ako inosente at alam kong kilala mo kung sino ang salarin" malanding bulong ko sa hari ng mga Shokoy.
"Don't seduce me Florence" agad niyang hinalikan ang likod ng kamay ko. Agad kong hinila ito nang makita kong nakatitig na naman sa amin ang anak ng bangkero. Damn, bakit hindi man lang tumatahimik ang mga Shokoy na ito? Hindi ba nila nakikitang may bata kaming kasama?
"I got 9 numbers today, gusto niyo?" tamad na sabi ni Tristan. Papalakpak na ba ako? Sa mini market lang siya siyam na agad na nakuha niya.
"Meron na akong kalaro mamaya" natatawang sabi ni Owen.
"I have my own too, anong akala mo sa amin Tristan?" iritadong sagot ni Aldus.
"Hindi ba at may mga girlfriend kayo? Kung isumbong ko kaya kayo?" hindi ko na napigilang hindi sumabat sa kanila. Sabay sabay lang naman silang lumingon sa akin.
"Loyal naman kami Warden, makikipaglaro lang kami" katwiran ni Aldus. Paano kung makabuntis? Damn.
"You can't tell them Doll, remember mga ninong kami" natahimik ako sa sagot sa akin ni Troy. Shit. May araw ka din sa akin Troy Alvis Ferell. Umirap na lang ako sa kanya.
"Whatever, sana mahuli kayong apat" sumandal na lang ako kay Nero na kanina pang walang imik.
"Don't worry Florence, hindi na tayo mabablackmail ng mga gagong ninong na 'yan pagdating natin sa pangpang" bulong sa akin ni Nero na may kasama pang paghalik sa ibabaw ng ulo ko. I should trust Nero, dahil dito siya magaling. Anong meron sa pangpang?
Panay ang usapang kamanyakan ng magpipinsan, hindi naman tungkol sa mga girlfriend nila pero mukhang mga kilalang personalidad ang mga babaeng pinag uusapan nila. Wag lang magkakamaling makisali nitong si Nero sa usapang Shokoy, dahil itutulak ko talaga siya sa dagat na pinanggalingan niya.
Hindi pa kami tuluyang nakakalapit sa pangpang nang agad kong mapansin ang panibagong grupo ng mga turista. Hindi ko na napigilang itaas ang aking kanang kilay. Ito na ba Nero?
Akala ko itong mga Shokoy na ito na ang masasabi kong overdressed sa islang ito mukhang may tumalo na sa kanila.
"Here comes my back up" bulong sa akin ni Nero habang binubuhat niya ako pababa ng bangka. Kasalukuyang tulala na naman ang apat na Shokoy habang tinatanaw nila ang mga babaeng lumambat lang naman sa kanila.
Yes, mga lumambat sa kanila.
Nakahilera lang naman sa pangpang si Laura, Nicola, Sapphire at Lina na mukhang hindi din makapaniwala sa kanilang mga nakikita.
"You called them?" bulong ko kay Nero kahit alam ko na ang sagot. Papaano niya napapayag ang mga ito?
"Tapos na ang maliligayang araw ng mga ninong na 'yan" sagot sa akin ni Nero. Well planned. Kailan niya natawagan ang mga babaeng ito?
"You're so genius Nero" umikot na lang ang mata ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin.
"Sinigurado kong amoy babae ang apat na 'yan. Tang ina nyong mga ninong kayo, sinira nyo ang bakasyon ko" here we go again. The King of Shokoy is speaking.
Bulong siya ng bulong ng mura sa tabi ko hanggang sa tuluyan na kaming nakababang dalawa sa bangka. Kasalukuyan pa rin na nasa bangka ang apat at nakatitig sa mga babaeng nasa pangpang.
"Si Nicola ba ang nakikita ko?" rinig kong tanong ni Owen sa sarili.
Kapwa nakaharap sa dagat ang apat na babae na may mga dalang mga maleta. Si Nicola na nakabeach hat at yellow top na nagpapakita lang naman sa tiyan niya, si Laura na mas lalong gumanda sa asul na summer dress, si Sapphire na nakatattered jeans at manipis na puting blouse at si Lina na naka shorts at off shoulder na kulay peach.
"Babae pa mga ninong. Babae pa" pang aasar ni Nero sa mga pinsan niya na sabay sabay kumunot ang noo.
"Una na kami mga ninong, paalala. Amoy babae kayong apat, wag munang lumapit. Dalhin nyo mga pinamili natin. Aalalayan ko lang ang buntis" ikinawit ko ang braso ko kay Nero na mukhang ngiting tagumpay. Ano ba ang aasahan ko sa hari ng mga Shokoy?
Nang makarating na kami sa apat na babae agad sinalubong ng tanong si Nero.
"Ikaw ang tumawag sa akin?" mabilis na tanong ni Nicola kay Nero.
"Yes" maiksing sagot ni Nero.
"Kaya naman pala" tatango tango na sabi ni Sapphire.
"Bakit ayaw pa bumaba ng apat na 'yon?" tanong ulit ni Nicola.
"Sa bahay na kayo tumuloy apat, hayaan nyo na ang mga pinsan ko. Nagtatago ng kasalanan ang apat na 'yan" agad kong napansin ang pagtalim ng mga mata ng apat na babae sa sinabi ni Nero.
Hindi ko alam kung papaano ko sila pakikiharapan, tanging si Sapphire pa lang ang kaya kong kausapin ng maayos. Bakit pakiramdam ko ay ilag pa rin sa akin ang natitirang tatlo?
"Ferell, ipagdala mo kami ng maleta. Hindi kami magdadala ng ganito kung hindi mo kami tinawag" agad na sabi ni Lina.
Walang nagawa si Nero nang isa isa nilang ibinigay apat kay ang mga maletang dala dala nila.
"Congats pala Florence sa baby nyo" agad akong namula sa sinabi ni Lina.
"Thanks" ngiting sagot ko sa kanya.
"You owe me one Nero, ako ang nagdala kay Florence ng araw na 'yon" agad na sabi ni Lina sa naglalakad na Nero Ferell sa unahan namin.
"Hindi ka pa ba nababayaran ni Tristan? Sabi ko sayawan ka niya. Don't worry I'll remind him later, ipapagamit ko muna sa inyo ang kwarto namin ni Florence" sagot sa kanya ni Nero habang naglalakad.
"Walang kwentang kausap" pakinig kong bulong ni Lina.
"I told you, parepareho silang mahahalay. Kaya wag ka nang magtaka kay Troy, wag mo nang isipin ang itlog niya. Lalo lang iinit ang ulo mo" natatawang sabi ni Nicola kay Laura na nagpatawa lang naman sa aming mga babae.
Si Nero na naglalakad sa unahan namin ay napatigil sa narinig niya. Habang kami namang mga babae dito ay wala pa rin ang tigil sa tawanan. Sigurado akong alam na nila ang kwento tungkol sa usapang 'itlog' si Nero lang ang mukhang naiwan.
Nakarating kami sa bahay na nagtatawanan habang si Nero ay nanatiling tahimik.
"Magtabi tabi na lang kayo sa iisang kwarto. Titiisin ko na lang ulit ang mga pinsan ko" matabang na sabi ni Nero.
"Bakit ba kami nandito Nero?" biglang tanong ni Sapphire.
"Entertain my cousins and I'll entertain my Florence. Kung ayaw nyo, baliktarin nyo. My cousins will entertain you in any way you wanted. Kahit naman pagbalibaliktarin nyo, hindi na kayo malulugi sa katawan namin. We're Ferells and you should be honoured to see us naked"
WHAT THE FUCK?!
"ANG YABANG MO! Gago! Magpipinsan nga kayo!" iritadong sabi ni Sapphire.
"Shit! Wala talagang maririnig na maganda sa kanila" reklamo ni Laura.
"Honoured? What the hell?" mura naman ni Lina.
"No wonder why Florence is already pregnant. Honoured na honoured ka na ba Florence?" mabilis na tanong sa akin ni Nicola.
Sinamaan ko si Nero na nakangisi sa amin ngayon.
"Let's go to my room" inirapan ko na lang si Nero habang nagsisimula na kaming maglakad papunta sa kwarto ko.
"Wag kayong pikon girls. I know you're all obsessed with our bo--"
"FUCK OFF FERELL!" halos sabay na kaming napasigaw kay Nero.
Napapabuntong hininga na lang ako.
Saan kaya kinukuha ng mga Ferell ang umaapaw nilang self esteem? Sa dagat? Damn.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro