Chapter 7
Chapter 7
Wala na siguro kaming ibang ginawa ng mga kaibigan ko kundi magtapon ng pera. Kaya ito kami ngayon at mga nakahilera sa isang parlor habang nag papahair treatment.
Sabagay ito na lang kasi ang bonding namin tatlo. Minsan napapaisip na ako nagtatrabaho kaya ang dalawang ito?
"Ano na ang nangyari sa inyo ni Ashong mo? Akala ko ba ay itetext mo kami?" ibinaba ni Camilla ang binabasa niyang magazine at sinulyapan ako sa harap ng salamin.
"Wala" maiksing sagot ko sa kanya. Ni tawag or text ay wala akong narereceive kay Ashong. Is he really that mad?
"Pwede ba 'yon? You even declined my dinner invitation, ganoon mo siya kamiss? Gusto agad masolo?" sabat sa amin ni Aira na nakataas ang kilay.
"Excuse, pagod po 'yong tao. He needs rest, diba nga may next time? Wait..bakit ako na naman ang sentro ng usapan natin dito? Ikaw ba Aira? Nasaan ang boyfriend mo? Himala at hindi ka niya hinatid dito" sagot ko sa kanila.
Muli ko na lang binuklat ang magazine na hawak ko.
"Mag aalaga daw ng mga pamangkin. Wedding anniversary kasi ngayon ni Aristotle at Gabriella kaya magcecelebrate ang dalawa" simpleng sagot sa akin ni Aira.
Matagal na nga rin pa lang kasal si Aristotle at Gabriella. I'm so happy for them, I heard dalawa na daw ang anak nila, which are both girls.
"Buti pa si Aristotle may dalawa ng anak na..'yong isa dyan..Haist" bakit pakinig ko ang sabay nilang pagbuntong hininga?
At ako ba ang pinariringgan nilang dalawa?
"I'm too young, hindi ko pinagmamadali ang mga bagay bagay" katwiran ko sa kanilang dalawa.
"Sabihin mo undecided ka" segunda sa akin ni Camilla.
"What do you mean?" itinaas ko ang kilay ko sa kanya.
"Oh well....." hindi na niya itinuloy ang dapat niyang sasabihin at nagkibit balikat na lang siya sa akin. Arghh..
"By the way, alam nyo ba na napagtripan kami ng lasing ni Ashong sa parking lot kahapon. Pagkatapos nyong umalis" muli ko ulit ibinaba ang magazine na hawak ko at tumingin sa salamin para makita ang reaksyon nila.
"Really?" tanong ni Aira na nakataas ang kilay.
"Yes, may napansin ba kayong pulang Montero sa parking lot kahapon?" sabay silang umiling sa akin.
"Bakit? Ano ba ang nangyari?" nagtatakang tanong ni Camilla.
"Muntik lang naman kaming sadyang bagain ng pulang Montero na 'yon" sabay silang napanganga sa sinabi ko.
"Ha? Why?" tanong ni Aira.
"I don't know, basta na lang siya nagbusina sa amin ng wagas tapos parang gustong gusto niya kaming banggain pero tumigil siya nang sobrang lapit na namin. Shit lang nagpanic kami ni Ashong. Nang kinalampag naman siya ni Ashong ay hindi siya lumabas instead nagpalabas siya ng madaming usok. Baka may sakit sa utak ang driver na 'yon" o baka naman Shokoy ang driver? Shit!
"Bakit hindi ang Starex ko ang pinagtripan? Diba mas nauna tayo doon?" nagtatakang tanong ni Aira.
"Baka naman nasabitan niyo ang sasakyan niya kaya nagalit ang driver" sabat naman ni Camilla.
"Bakit hindi nyo inireport? Hindi magandang biro 'yon Florence. Kung sa akin 'yan ginawa, hinding hindi palalampasin ni Jare 'yon. Knowing him.."
"Pinabayaan na lang namin ni Ashong..ayoko na ng gulo. Ang mahalaga ay hindi kami nasaktan" sa totoo lang ay ayokong malaman kung sino ang driver ng Montero na 'yon.
Kahit kita sa mga mukha nila ang pag sang ayon sa sinabi ko ay marahan na lang silang tumango sa sinabi ko.
Natapos na ang nakakaantok naming hair treatment, manicure, pedicure at kung ano ano pang facial treatment. We even had body massage.
"Haist..ang sarap sa feeling" sabi ni Camilla habang nagdadrive.
Sa ngayon ay siya ang taya sa aming tatlo.
"Bago ba itong Subaru mo Camilla?" parang noong isang araw ay ibang sasakyan ang gamit niya.
"Sa boyfriend ko ito" simpleng sagot niya sa akin
"BOYFRIEND?" sabay na tanong namin ni Aira. Kailan pa siya nagkaboyfriend? Bakit hindi namin alam?
"Hey hey, bakit ganyan ang reaksyon nyong dalawa? Kayo lang ba ang may karapatang magkaboyfriend?" ngising sabi niya sa amin
"Bakit hindi mo ipakilala sa amin? Masyado ka namang madaya" reklamo ni Aira
"He's a doctor"
Napanganga kami ni Aira sa sinabi niya. Ang galing naman niya at nakabingwit siya ng doctor.
"Sino?" tanong ko rin.
"Secret"
Napaghampas namin siya ni Aira sa sagot niya.
"Shit! Shit! Umayos kayong dalawa. Mababangga tayo" natatawang sabi niya.
"Saan mo nakilala?" tanong ulit ni Aira
"Sa hospital! Come on, saan ka ba nakakakita ng doctor? Umayos talaga kayong dalawa" she rolled her eyes on us.
"Paano kayo nagkakilala?" tanong ko ulit
Hindi siya sumagot sa tanong ko pero malakas siyang tumawa. I know that laugh.
May halong kalandian. Haist.
"Don't tell me..." napalingon ako kay Aira
Naniningkit ang kanyang mga mata na para bang may nakukuha na siya...
"Siya ba ang kumapa ng boobs mo?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni Aira habang si Camilla naman ay tawa ng tawa.
"What the hell? Bakit kinapa?" tanong ko.
Halos tumalsik kami ni Aira sa malakas na preno ni Camilla
"Baliw ka ba Florence? Syempre, akala ko kasi may bukol. Buti na lang at wala, healthy nga daw ang hinaharap ko" malakas na naman siyang tumawa
Samantalang kami naman ni Aira ay napangiwi na lang.
"Manyakis ang doctor na 'yan Camilla" sabi ko sa kanya.
"Hindi ahh, love at first touch nga daw ang nangyari" eksaherada kaming napabuntong hininga sa sinabi ni Camilla
"Ang landi mo friend!" mas lumapit kami sa kanya ni Aira at pinagsasabunutan namin siya.
"What the fuck?! Hoy nagdadrive ako mga luka!" natatawang sabi niya.
"Inakit mo siguro ang kawawang doctor na 'yon" natatawa na rin kami ni Aira
"Tang ina, hindi ko 'yon inakit. Talagang nahumaling lang siya sa akin" landi!
"Ang landi mo talaga!"
Ipinagpatuloy namin ang pagkukulitang tatlo nang may mapansin kaming itim na Mazda na nag oovertake at mukhang babangga sa amin.
"Shit! Babangga tayo Camilla!!" sigaw ni Aira
"Shit!" napamura na lang ako.
Anong problema ng mga sasakyan ngayon?
Mabilis kinabig ni Camilla pakanan ang manibela. At halos nagsisiksikan kaming tatlo sa bigla niyang pagliko.
"BABANGGA TAYO SA POSTE!"
Sabay sabay kaming tatlo napasigaw. Shit talaga!
Gaya nga nang inaasahan ay sumalpok kaming tatlo sa poste.
"Tang ina Camilla, bakit ka nagkaroon ng driver's license?" hinihimas ngayon ni Aira ang kanyang ulo.
Samantalang ako ay nakasubsob pa sa airbag. Shit! Baliw naman kasi.
"Ang aarte nyong dalawa! Shit! Napingkot ang Subaru ni boyfriend!" wow nahiya naman ako sa kanya! 'yong Subaru pa ang pinuroblema.
Hinila ko nga ulit ang buhok niya.
"Great! Mas nagworry ka pa sa sasakyan ng boyfriend mo. Tingnan mo muna ang ilong namin ni Aira kung dumudugo na!" kinapa ko nga ang ilong ko.
Tang ina! Dumudugo.
"Florence.. your nose.."
"Yes, my nose" dinukot ko sa bag ko ang panyo ko.
Natigil ako sa pagpupunas ng ilong nang mapansing dumudugo rin ang ilong ni Camilla.
"Camilla dumudugo rin ang ilong mo" mabilis niya ring kinapa ito
"Guys..nahihilo ako.." bigla na lang natumba sa akin si Aira. Shit!
Akala ko ba ay wala kaming mga tama?
"Aira..Aira" niyuyugyog namin siya
"Shit! Tumama ba ang ulo niya?" tanong ni Camilla sa akin
"Hindi ko nakita.." mahinang sabi ko
Nakita kong nagdadial na sa kanyang telepono si Camilla. We need help, seryoso na ito. Kanina lang ay okay siya..hindi na ito maganda.
Napasulyap ako sa bintana ng sasakyan namin. May kanina pa palang kumakatok dito.
What a coincidence? Bakit sa lahat ng maaaring tumulong sa amin ay siya..
Hindi na ako nag alilangan pa at mabilis kong binuksan ang bintana ng sasakyan ni Camilla.
"Troy...please help us"
Nakaawang ang kanyang mga labi nang makita niya ako.
"Doll? What the hell?"
Agad niyang binuksan ang sasakyan namin.
Binuhat niyang mabilis si Aira habang kami naman ni Camilla ay agad na nakasunod.
"Ano ba ang nangyayari sa sasakyan nyo? Hindi na maganda ang takbo ng sasakyan nyo nang makakasalubong ko kayo"
Hindi kami nakapagsalita ni Camilla.
Binuksan niya ang pangalawang pintuan ng sasakyan at doon niya inilagay si Aira. Sumunod kami agad ni Camilla para hawakan si Aira.
Pero natigilan kami ni Camilla nang mapansin namin na may babaeng nakaupo sa unahang upuan katabi ng driver's seat.
Bahagyang lumingon sa amin ang babae. She looked familiar..alam kong nagkita na kami ng babaeng ito hindi ko lang maalala kung saan.
"I'm so sorry... kung hindi sana nag overtake si Troy..." dapat ay may sasabihin pa siya pero natigilan siya sa pagsasalita nang makita niya ako.
"Florence Almero..." mahinang sabi niya
Magsasalita na sana ako nang pumasok na si Troy.
"Shit! How about you Doll? Are you okay? Your nose?" sinulyapan niya ako sa rearmirror.
Ramdam ko ang biglang paghawak ni Camilla sa aking kamay.
"I'm fine Troy.." hindi niya ako pinansin at bumaling siya sa babaeng kasama niya
"Do you have tissue Laura?" tanong niya sa babae.
Bakit kailangan pa niyang magtanong sa babae? I'm fine.
"Hindi na kailangan Troy.." mahinang sabi ko
May dinukot sa kanyang bag ang babae at iniabot ito sa akin.
"Thanks" sagot ko sa kanya
She smiled at me bitterly
Wala na muling nakapagsalita sa amin nang pinaharurot na ni Troy ang sasakyan.
"Is it just me? Why the atmosphere here is so thick? It's awkward Florence.." bulong sa akin ni Camilla.
Kahit ako may pipiliin kong ibang tao ang tumulong sa amin. Hindi sa ganitong sitwasyon ko gustong muling makita ang isa sa mga Ferell.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro