Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 69

Thanks @drdcxxr :)


Chapter 69


Kumpara sa tinigilan namin ni Nero sa unang isla, masasabi kong masyadong maliit ang bahay na ito lalo na at anim kaming titigil dito ngayon.


Kasalukuyan na kaming nakaharap sa malaking pinuproblema ng magpipinsan ngayon. Hindi ko maiwasang hindi mapangisi habang pinagmamasdan ang apat na Shokoy na mukha lang namang speechless sa iisang kama na kanilang tinititigan.



"Mga ninong magtiis muna kayo, dalawang kwarto lang ang may'ron dito" ngising sabi ni Nero sa mga pinsan niya na kanina pang mga tahimik at problemado sa buhay. Ginusto nila 'yan.



"Ninong goals 'yan" natatawang sabi ko sa kanilang apat na sabay sabay lang namang umasim ang mukha sa sinabi ko.



"Damn, bakit nakalimutan kong dalawa lang nga pala ang kwarto dito?" nagtatakang tanong ni Tristan sa kanyang sarili. Malaki naman ang kama, kakasya naman siguro silang apat. Maaarte lang talaga ang mga 'ninong' na Shokoy na ito.



"Sanay naman yata kayong matulog na magkakatabi, hindi ba at magkakatabi naman kayong matulog noon? Naikwento sa akin ni Nero" pagsisinungaling ko, pero sigurado akong naranasan na nilang matulog na magkakatabi dahil na rin sa sinabi ni LG noong nasa unang isla pa kami ni Nero. Ano nga naman ang ipinagkaiba noon at ngayon? Damn. Nagpipigil na talaga ako ng tawa.

Sabay sabay silang napalingong apat kay Nero sa sinabi ko. I did hit the home. Damn, shokoys. Ano pa kayang mga nakakatuwang bagay ang hindi ko nalalaman sa kanila?

All I have are few days with them. At sisiguraduhin kong masasagot ang lahat ng mga katanungan ko sa kanila sa mga natitirang araw na ito.



"Tang ina, wala akong sinasabi dyan" kunot noo akong tinitigan ni Nero na sinagot ko lang naman ng aking mga ngisi.



"Sa sofa na lang ako matutulog mamaya" kamot ulong sabi ni Owen habang sinisimulan na niyang ayusin ang mga librong dala niya kanina at ang malaking bag na sakbat niya kanina pa.



"Wada, I have baby books. You can look for your baby's name. Kinakabahan akong pangalanan mo 'yang Shokoy" napangiwi naman ako sa sinabi ni Owen. Ayaw ko ngang maging Shokoy ang anak ko tapos papangalanan ko pa? What the hell? Tama nang ang ama niya at ang apat niyang ninong ang Shokoy wag na ang anak ko.



"Bakit naman 'yon ang ipapangalan ko?!" angil na sagot ko kay Owen na nagkibit balikat lang sa akin.



"Pero kinakabahan talaga ako Warden, wag ka masyadong magtitingin kay Troy. Baka paglihian mo 'yan, kawawa naman ang inaanak ko" seryosong sabi ni Aldus na nagpatawa lang naman sa aming lahat maliban kay Troy na napaismid.



"Mga gago kayo! Ano ba ang problema nyo sa akin mga pinsan? Akala nyo hindi ko napapansin na matagal na kayong mga insecure sa akin? Matagal na akong nagpapasensya sa inyong apat baka inaakala nyo. Hindi na biro ang haba ng pasensya ko sa inyo" napatulala na lang ako sa mahabang sinabi ni Troy na nagpaismid lang naman sa apat niyang pinsan. Bakit parang kabaliktaran naman yata ang sinasabi nitong si Troy?



"Tang ina ka Troy, kaming apat ang matagal ng nagpapasensya sa'yo! Kuhang kuha mo talaga si LG sa lahat ng bagay" naiiling na sabi ni Aldus.



"Dapat hindi Troy ang pangalan mo, dapat 'Garpidio Ferell Jr'" agad na sabi ni Owen. Hindi ko na napigilan at nakitawa na ako sa usapang Shokoy ng magpipinsan.



"Mga gago kayo, wag na wag kayong mangungutang sa akin. Tandaan nyo ang araw na ito!" iritadong sabi ni Troy habang itinataas ang kanyang dirty finger sa mga pinsan niyang wala ibang ginawa kundi pagtripan siya.



"You should not look at them Florence, makakasama sila sa bata" bulong sa akin ni Nero. Napapailing na lang ako, kahit saan ako tumigin ay Shokoy ang makikita ko at maging ang ama nito ay isang dakilang Shokoy. Ano na lang ang mangyayari sa anak ko kapag sila ang pinaglihian ko?

Wala na akong mairereklamo kung hitsura ang pagbabasehan pero pagdating sa kalokohan, baka mapagaya lang ako kay LG na buong buhay na namroblema.



Kasalukuyan nang nakahilata sa kama si Aldus, Troy at Owen na mukhang pagod na pagod. Habang si Tristan naman ay nakaupo nang nakapikit sa isang tabi.



"Owen, ako na ang matutulog sa sofa. Ang sikip natin dito" reklamo naman ni Aldus.



"Malamok mamaya sa labas, dito na lang ako sa kwarto. Tabi na lang kami ni Troy" tamad na sabat ni Tristan na akala ko ay tulog na.



"What the fuck? Bakla ka ba talaga Tristan? Nakakahalata na ako sa'yong gago ka" napapangisi na lang ako. Mukhang mainit pa din ang ulo ng paboritong apo ni LG.



"Troy, ilang taon akong nangulila kay LG. At alam nating lahat na ikaw ang higit na kamukha niya" seryosong sagot sa kanya ni Tristan na nagpatawa na naman sa aming lahat.



"Tang ina mo Tristan!" agad siyang binato ni Troy ng unan.

Naramdaman kong muling bumulong sa akin si Nero.



"Let's go, hayaan na natin sila" tumango na lang ako sa kanya. At nang hahakbang na kami palabas ng kwartong punong puno ng murahan ng magpipinsan ay agad may tumamang unan sa ulo ni Nero Ferell.



"Saan ka pupunta Nero? Mag cocousin goals tayo. Dito ka din matutulog" napangiwi na lang ako sa sinabi ni Troy Ferell. Ito na naman ang goals ng mga Ferell.



"Wag nyo na akong isali sa kalokohan nyong apat" tumalikod na kami ni Nero pero muli na naman kaming napatigil nang magsalita na naman si Troy.



"Paano ba 'yan mga kapwa ko ninong? ayaw ni Nero" narinig ko na lang ang pabulong na mura ni Nero at mabilis niya akong hinalikan sa noo.



"Florence, I need to sleep with them" biyernes santong sabi sa akin ni Nero.



"No problem" sagot ko na lang dahil alam kong wala kaming magagawa. Sayang din ang mamanahin ni Nero kung ikakanta lang ng mga Shokoy niyang pinsan.



"Goodnight, I love you" huling sabi niya sa akin bago niya isinara ang pintuan ng kwarto nila.



Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa nakasaradong pintuan sa harapan ko.

Sinong mag aakalang ang simpleng pintuang ito ay nagtatago ng mga lalaking hindi iilang beses na hiniling ng mga kababaihan?

Tumalikod na ako dito na hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi. Nagpapasalamat ako at sinagot ang kahuli hulihang bagay na hiniling ko.

Ang muli kong makasama ang limang lalaking nagprotekta sa buhay ko..Ang limang lalaking nagawa akong mahalin..



Agad akong nagdiretso sa kusina para malinis ang mga pinagkainan naming anim. Ang tagal na ng panahon nang huli kong ipagluto ng samasama ang limang 'yon.

Tinapos ko na ang mga dapat kong gagawin at agad na akong sumampa sa aking kama para makapagpahinga. Kinuha ko sa aking bag ang telepono kong kanina pang tunog ng tunog. At napairap na lang ako nang makitang si Nero ang tumatawag. Damn Ferell parang wala kami sa iisang bubong ngayon.



"Sana mag umaga na" bungad niya sa akin. Ang arte talaga.



"Matulog ka na" sagot ko sa kanya.


"Fuck! Ang paa mo Owen! Damn. Fuck. Save me from these idiots" maaawa na ba ako kay Nero?


"Ewww..wag mo akong yakapin Tristan! Are you gay?!" narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Troy.


"Heard it? Makakatulog ba ako dito?" iritadong sabi ni Nero.


"Tang ina mo Troy! Mahuhulog na ko!" boses naman ni Aldus.


"Ang sikip dito! Tang ina!" si Owen naman ngayon.


"Turn off the lights, nakakasawa na 'yang mga mukha nyo" boses naman ni Tristan.


"Fuck! Matulog na kayo!" boses ulit ni Nero. Sa halip na pakinggan ko pa ang pagkakagulo nilang magpipinsan ay pinatay ko na ang telepono.



Pumikit na lang ako ng may mga ngiti sa mga labi. Sleep well Ferells. Masaya akong muling mapakinggan ang samasama nyong mga kalokohan.


--


Maaga akong nagising at naghanda agad ako ng pagkain. Sa kasamaang palad ay ubos na ang stock namin, dahil sa pag aakala namin na kami lang ni Nero ang titigil dito hindi na kami nagdala ng madaming pagkain. Malay ko ba na susunod ang apat na 'yon?



Nagsisimula nang maglabasan ang limang Shokoy. Katulad pa din sila ng dati, hindi uso ang suklay sa magpipinsang Ferell.



"Anong almusal Wada?" tanong sa akin ni Owen na hindi pa makapaglakad ng maayos.



"Kape at pandesal lang" hindi na siya sumagot sa akin at naupo na siya.

Nagsimula na rin maglabasan ang iba na nagdiretso na sa lamesa maliban kay Nero na humalik muna sa akin bago pumunta sa kanyang posisyon.



"I miss you" napairap na lang ako sa bulong niya sa akin.



"Magtiis muna kayo sa pandesal at kape, wala akong maluluto. Ubos na, pupunta akong palengke ngayon" halos sabay sabay silang tumango sa akin. Parang mga lutang pa ang mga Shokoy na ito. Anong oras kaya natulog ang limang ito?



"Sasamahan kita" maiksing sabi ni Nero.



"Sasama din ako" mabilis na sabi ni Owen.



"Bakit ka pa sasama? Abala ka lang" agad na segundo ni Nero. Damn, agang aga mag uumpisa na naman sila.



"Ako din sasama Doll, pwede naman hindi ba?" ngising sabi sa akin ni Troy.



"Ako din, sasama ako Warden Doll" singit din ni Tristan.



"Damn, kung kayo na lang kaya ang mamalengke? Dito na lang kami ni Florence" iyamot na sabi ni Nero.



"Alright, isasama ko na lang kayong lahat. Kailangan ko din ng manpower" hindi na nakaangal sa akin si Nero. Oh well, panalo na naman ang buntis.

Pagkatapos naming mag almusal ay pumila na ang limang Shokoy sa banyo para maligo. Mga hindi sanay sa iisang banyo ang mga kawawang Ferell. Hindi ko akalaing titiisin nilang lima ang maliit na bahay na ito para lamang iparanas nila sa akin ang nakakatuwang nakaraan.



Dahil mga lalaki naman sila, mabilis na silang nakabihis. Good for them. Hindi magandang pinaghihintay ang buntis.



"Lumabas na kayo" nauna na akong lumabas sa kanila at nang sandaling magsimula na silang maglabasan lima napatulala na lang ako.



"For pete's sake Ferells! Sa palengke po ang punta natin! Bakit parang turista ang pormahan niyong lima? Nakapunta na ba kayo sa palengke?" para silang mga modelong kalalabas lang sa isang sikat na magazine. At hindi lang 'yon. Hindi talaaga mawawala ang famous na 'shades' ng mga Ferell na hindi mawawala sa mga suot nila kapag magkakasama silang lima. Like seriously?



"Magbibihis pa ba kami Doll?" nagtatakang tanong sa akin ni Troy.



"Whatever, let's go" tumabi na sa akin si Nero habang pinapayungan niya ako. Sa magkabilang tagiliran namin ay ang mga pinsan niyang mga takot din na mangitim.

Saan ba pupunta ang magpipinsang ito? Pictorial?



Sumakay kami sa bangka, alalaay na alalay ako ni Nero sa takot na baka madulas ako. Maging ang mga pinsan niya ay mukhang mga uneasy kapag hahakbang ako na para namang makukunan ako anumang oras.



"Manong wag nyo pong ilulubog ito. May buntis kaming kasama" babala ni Owen sa bangkero. Napabuntong hininga na lang ako.



"Tsss" hindi ko na mabilang ang 'Tss' ni Nero mula kahapon. Kahit ako, hindi ko na rin mabilang ang nagawa kong irap dahil sa kalokohan ng magpipinsang ito.

Mabilis naman ang biyahe namin sa pagsakay ng bangka. At nang pababa na ako nang bangka habang inaalalayan ni Nero hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang limang naggugwapuhang Ferell na nakatitig sa bawat mga pagkilos ko na parang mga handang gumawa ng kilos kung may kung anong bagay na maaring may mangyari sa akin.

Ilang beses na ba nilang ipinaramdam ang bagay na ito sa akin? They're all still treating me like a precious queen. At kitang kita ko ito sa kanilang mga mata. Damn, hindi ko na alam itong nararamdaman ko. I felt overwhelm and damn happy.



Halos magtinginan ang mga tao sa amin habang naglalakad kaming anim. Ano ba naman ang aasahan ko? Mga turista lang naman ang mga kasama ko na pinaghandaan pa yata ang susuotin sa palengke.

Bago kami makarating sa palengke ay kailangan pa naming sumakay sa jeep kaya naghintay pa kami hanggang sa may tumigil na sa tapat namin.



Una na akong sumakay kasunod si Nero na tinabihan ako. Sa tabi ng driver sumakay si Tristan, sa harapan ko naman ay si Aldus at nakabitin si Owen at Troy.



"Manong dahan dahanin nyo po ang pagmamaneho, may buntis po kaming kasama" what the fuck? Pakiramdam ko ay namumula na ako na parang kamatis sa sinabi ni Aldus. Bakit kailangan pa nilang paulit ulitin na may buntis silang kasama? Kanina pa silang ganyan. Nakakahiya na.

Kasalukuyan akong pinapaypayan ni Nero at Aldus para hindi ako makaramdam ng init. Halos magtinginan na sa akin ang iba pang mga pasahero. Baka akalain nila napakaarte kong magbuntis. Ito lang namang mga Ferell na ito ang nagpapalala ng sitwasyon.



"Wag nyo pong sisiksikin ang babaeng nakaputi. Buntis po 'yan" agad na sabi ni Owen habang may mga sumasakay pa na mga pasahero. Tang ina. Gusto ko na silang murahing magpipinsan.

Nangunot pa ang noo ko nang mapansin si Tristan na panay ang bulong sa driver ng jeep na aakalaing pinagbabantaan na nito. Ano naman kaya ang pinagsasabi ng Shokoy na 'yon sa driver? Namumutla na si Manong.



Nagsimula ng umandar ang jeep at talagang pinagpapawisan na ako sa titig ng mga pasahero. Nakakahiya na, sinamaan ko na ng tingin si Aldus sa pagpaypay sa akin. Inagaw ko rin ang pamaypay na hawak ni Nero.

I hate drugs! Damn. Bakit kung kumilos ang limang ito parang manganganak na ako? Hindi pa nga halatang buntis ako! Damn. Hiyang hiya na ako sa mga nangyayari.



Nagulat na lang ako nang bigla akong niyakap ni Nero.



"FUCK!" halos mapapikit na lang ako sa sabay na mura ng mga Ferell.



"MANONG! May buntis kang pasahero!" sigaw ni Troy na nakabitin sa labas.



"Hindi dapat ginugulat ang buntis! Tang ina naman! Ferell ang batang 'yan" galit na sabi ni Owen.



"Manong dahan dahan  lang" pakinig kong sabi din ni Tristan.



"Shit naman manong!" iritado na rin si Aldus.



"May lisensya ka ba talaga?! Damn, are you okay Florence? Hindi ka ba nasaktan?" bahagyang hinaplos ni Nero ang pisngi ko. Kitang kita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata. Damn, ano ba itong ginagawa nyo sa akin mga Ferell?


"Pasensya na po, pasensya na po" paulit ulit na sabi ng kawawang driver.


Naririnig ko na ang ilang bulungan ng mga pasahero.



"Sino ba ang ama ng bata?"


"Nakakalito na ahhh"


"'Yong katabi yata"


"Nasa unahan"


"Yong nakasabit yata"


"Sino?"


"Ang dami namang ama"



"Manong! PARA! Dito na po ako" napatungo na lang ako sa tinginan ng mga tao sa akin. Nakakahiya na. Marahas kong kinalag ang pagkakahawak sa akin ni Nero at padabog akong bumaba ng dyip.

Mukha lang naman silang nagtataka sa biglaang pagbaba ko. Nagtaka pa talaga sila sa kalokohan nila.



"Palengke na ba ito Florence?" tanong sa akin ni Nero na sinusundan ako sa aking paglalakad.

Marahas akong humarap sa kanilang lima na nakasunod sa akin.



"Tang ina nyo mga Shokoy kayo! Duduguin na yata ako sa inyong lima! Umuwi na kayo!"



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro