Chapter 62
Chapter 62
Pamilyar na ako sa boses ng lalaking ito, boses na kailanman ay hindi ko pinangarap matandaan. Kahit ilang beses ko nang pilit kinalimutan ang kahindikhindik niyang boses, wala akong magawa kundi bangungutin pa rin sa bawat pagkakataong maalala ko ang mga oras na narinig ko ang nakakatakot na boses na muntik nang pumatay sa akin.
Tuluyan nang nangatal ang buo kong katawan nang sandaling ibaling ko ang aking atensyon mula sa boses ng lalaking nagsalita mula sa aming likuran. Kung ganoon, tama nga ang kutob ko. Imposibleng matapos na lang bigla ang lahat ng ganoon kadali. Dahil sa buhay ko, kahit kailan ay walang natapos na madali. Pilit akong pinapahirapan hanggang sa maabot ko na ang sukdulan ko.
Mukhang wala na itong katapusan, talagang hindi sila titigil hangga't buhay ako at humihinga.
"Who are you?" matapang na tanong ni Camilla sa walang hiyang lalaki na nakangisi sa aming apat.
Hindi siya sinagot nito at sa halip ay mas pinalapad pa nito ang kanyang malademonyong ngisi sa akin napaatras na lang ako sa takot. Damn, bakit pilit nila akong sinusundan? Bakit masayang masaya silang ginugulo ang buhay ko?
"O, bakit nagulat ka Almero?" hindi ako nakapagsalita sa takot na nararamdaman ko. Kahit hindi na siya nakasuot ng itim na bonet, kilalang kilala ko ang taong nasa harapan ko. Siya ang lalaking bumangga sa akin noon, siya ang lalaking nagpaulan ng bala at dugo ng hayop sa aking sasakyan, siya ang pinakamalaking asong utusan ng taong matagal nang gustong pumatay sa akin.
Hindi lang dobleng takot ang aking nararamdaman. Sobrang takot na takot na ako sa mga oras na ito. Hindi lang ako ang namimiligro sa pagkakataong ito, hindi lang buhay ko ang pinag uusapan dito. Me and my baby, my sister and even my friends, fuck.
Agad iniharang ni Sapphire ang kanyang sarili sa akin sa paraang mapoprotektahan niya ako, maging ang dalawa kong kaibigan ay ganito din ang ginawa. Napapakagat labi na lang ako sa nangyayaring ito, bakit lagi na lang ako ang taong pinuprotektahan? May pagkakataon ba na ako naman ang pwedeng magprotekta sa mga taong mahahalaga sa akin? Lagi na lang ganito ang nangyayari.
"Who are you? Bakit kilala mo ang kapatid ko?" matapang tanong sa kanya ni Sapphire.
Nakapamulsang nagkibit balikat ang malaking lalaki sa amin.
"Bakit hindi mo ako ipakilala sa mga kasama mo Almero?" nanghahamong sabi sa akin ng lalaki. Alam kong sa loob ng itim na damit na suot niya ay nagtatago ang bagay na pwedeng kumitil sa buhay naming apat na walang kahirap hirap.
Huminga ako ng malalim bago ako sumagot sa kabila ng aking mga nangangatal kong mga tuhod.
"Hindi ka talaga titigil kung hindi mo ako napapatay?" pakinig ko ang sabay sabay na bulong na pagmumura ng mga kaibigan ko sa sinabi ko. Pero sa kabila nang narinig nila sa akin mas lalo nilang iniharang ang kanilang mga sarili para sa anumang maaaring gawin ng lalaki sa akin.
Minsan napapaisip na ako, anong mayron sa akin, sa isang Florence Almero? para makahanap ng mga taong handang sumalo ng bala at ihara ang kanilang mga sarili para sa aking kaligtasan?
Hindi ako espesyal na tao pero bakit ako nabibiyayaan ng mga taong higit pa sa espesyal ang turing sa akin?
"Hindi ka namin hahayaang makalapit kay Florence" matapang na sabi ni Camilla sa kabila ng kanyang nangangatal na boses. Alam kong natatakot na rin ang mga babaeng kasama ko sa sandaling ito pero ito sila ngayon at pilit inihaharang ang kanilang mga sarili para sa akin.
"Dadaan ka muna sa amin bago mo mahawakan ang kaibigan ko" kahit si Aira ay nangangatal na rin ang boses.
Nagsisimula nang mag init ang sulok ng aking mga mata, ilang tao pa kaya ang ihaharang ang kanilang sarili para maprotektahan ako? Ilang tao pa kaya ang madadamay ng dahil sa akin? Ilang tao pa ang makakaranas ng ganitong takot ng dahil sa akin?
"Pwede ba akong magtanong? Sino ang taong nakakulong ngayon?" pilit kong pinatatag ang boses ko sa kabila ng paghataw ng dibdib ko. Kaya pala ganito pa rin ang pakiramdam ko sa kabila ng kaalaman kong nakakulong na ang may pakana ng lahat. May kutob akong may mali sa mga nangyayari, alam kong hindi basta basta mahuhuli ang totoong tao na nasa likod ng mga pananakot sa buhay ko. Alam kong hindi sila madaling mahuhuli sa simpleng impormasyon lang mula sa kung sinong tao.
Hanggang sa pagkakataong ito, wala pa rin tuldok ang mga pagbabanta sa buhay ko. Wala pa rin mga kasagutan ang mga tanong ko, sino sila? Kung hindi paghihiganti dahil sa mga maling ginawa ng aking ama, ano pa ang rason ng mga taong ito para mahirapan ako ng ganito?
Sino itong taong ito na hindi yata titig hangga't hindi pa ako nakikitang isang malamig na bangkay?
"Tauhan?" ngising sagot sa akin ng lalaking may malademonyong mukha. Bakit kaya may mga ganitong tao? Para lamang kumita ng pera handa silang sumira at bumawi ng buhay. Hindi ba nila naiisip ang maaaring reaksyon ng kanyang pamilya kung ang bawat subo nila ng kanilang pagkain ay may kapalit na inosenteng buhay?
Napansin kong nagmamadaling dinudukot ni Camilla ang kanyang telepono sa kanyang maliit na bag.
At halos sabay sabay kaming napatalon apat nang makarinig kami ng putok ng baril na hindi malayo sa mga paa ng kaibigan ko.
"Bitawan mo ang hawak mo hija, masama akong magalit" awtomatikong nalaglag mula sa balikat ni Camilla ang kanyang bag dahil sa kanyang pagkagulat. Naaawa na ako sa mga kaibigan ko, simpleng mga tao lang sila na walang gulong ganito, pero ito sila ngayon at nakaharap na rin sa nguso ng baril na hindi dapat nila nararanasan.
Damn, it's all because of me.
"Itapon nyo lahat ng mga gamit nyo" seryosong sabi ng lalaki sa amin habang nakatutok ang kanyang baril sa direksyon naming apat.
Wala kaming nagawa kundi ipagtatapon ang aming mga gamit na nagpangisi sa kanya.
"Very Good!" nagpapalakpak pa siya sa amin. Agad kong napansin ang nagdadatingan niyang mga tauhan na puro mga nakaitim na bonet na may kani kanilang mga baril na hawak.
"Dapat kanina ka pa namin hinarang Almero, kaso nagawa ko na palang harangin noon ang sasakyan mo. Iba namang paraan, bakit nga pala sa sementeryo ka agad nagtuloy? Hindi ka naman dito papatayin ng amo namin?" pinili ko na lang hindi sumagot sa kanya, kung ganun tama na pala ang kutob ko sa itim na sasakyang humarang sa amin kanina.
"Kuhanin nyo na si Almero, siya lang ang kailangan" utos niya sa mga kasamahan niyang bagong dating. Agad kaming naalarmang apat sa sinabi ng hudas na lalaki.
"No! Wag kayong lalapit sa kapatid ko" naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Sapphire sa akin. Nagsimula na siyang mag iiyak, kahit ako ay hindi ko na rin mapigil ang pagpatak ng mga luha ko.
Akala ko ayos na ang lahat, akala ko ay kalmado na ang lahat. Mukhang sinadya nilang maging panatag na kaming lahat para masurpresa kami ng ganito.
"Dadaan muna kayo sa amin" nanlabo na ang mga mata ko dahil sa walang ampat na pagtulo ng aking mga luha. No you can't do this, ayoko na ng ganito.
Iniharang ni Camilla ang kanyang sarili sa unahan naming magkapatid, ibinuka niya pa ang kanyang mga braso sa harap ng mga lalaking papalapit sa amin ni Sapphire.
"You can't hurt my friend, not again. Masaya na siya, tigilan nyo na po siya..." kahit si Aira ay ganito rin ang ginawa.
"Aira..Camilla.." kahit ang luha ni Sapphire ay pumatak na rin sa pisngi ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, may mga buhay na namang madadamay ng dahil sa akin.
"Patayin nyo na ang tatlong babaeng 'yan" nanlaki ang mga mata ko nang sabay sabay nagkasa ng kanikanilang mga baril ang mga lalaking nakaitim na bonet at dahan dahan na nilang itinatapat ito sa mga kaibigan ko.
Mabilis akong kumalag sa mahigpit na yakap sa akin ni Sapphire at halos patakbo akong umuna sa posisyon ng mga kaibigan ko.
"Florence!" sigaw nilang tatlo sa akin.
Ako ang humarang sa nguso ng limang baril. Not again, ayoko nang may buhay na naman akong ihahara para lamang maprotektahan ko ang aking sarili.
"Sasama na po ako..sasama na po ako, hayaan nyo na po silang tatlo. Sasama na po ako" halos magmakaawa ako habang paulit ulit ko itong sinasabi.
"Florence.." sabay na sabay na tawag nila sa pangalan ko. Ramdam ko ang mga hakbang nila papalapit sa akin pero halos mapapikit ako ng makarinig ako ng tatlong sabay sabay na putok ng bala.
Halos manigas ako sa aking kinatatayuan nang may marinig akong sunod sunod na pagbagsak sa matigas na marmol na kinatatayuan ko. Wala akong boses na marinig mula sa kay Sapphire maging sa dalawa kong kaibigan.
Napaluhod na lang ako habang nangangatal ang aking mga labi, natatakot akong lingunin silang tatlo. Natatakot akong muling makakita ng dugo at walang malay na katawan ng mga taong mahal ko.
"Tingnan mo sila Almero" nagsisimula nang humakbang papalapit sa akin ang hudas na lalaki, walang habas niyang hinila ang buhok ko para lamang iharap ako sa tatlong pinakamahalagang babae sa buhay ko na puro nakahandusay at walang mga malay.
Dito na ako napahagulhol ng iyak. Sinimulan ko silang abutin pero muli akong napadaing nang hilahin niya muli ako papalayo sa kanila.
"Hindi pa sila patay huwag ka mag alala, pero malalaking isda din pala ang mga kasama mong 'yan Almero. Magagamit ko pa ang dalawang babaeng 'yan. Paano ang isa? Kung tuluyan ko na kaya?" bulong sa akin ng demonyong nasa likuran ko habang hila hila niya pa rin ang buhok ko. Nagpaulit ulit ako ng pag iling sa sinabi niya, no, no. Si Sapphire na nga lang kaisa isang bagay na magandang idinulot ng lahat ng pagkakamali ng aking ama tapos siya pa ang kukuhanin sa akin?
Wala na akong tigil sa pagluha habang pinapanuod ang kapatid at mga kaibigan ko na walang malay na tinatalian ng mga tauhan ng hudas na madiing humuhila sa buhok ko.
"Busalan nyo! Baka makapag ingay pa ang mga 'yan pag nagkamalay" sigaw niya sa mga tauhan niya.
"Fuck! Don't hurt them" nagpupumiglas ako pero wala akong nagawa sa lakas ng hudas na madiing humihila sa buhok ko.
"Umayos ka Almero, kakalbuhin kita. Manuod ka na lang" napapakagat labi na lang ako habang lumuluhang nanunuod kung papaano nila walang habas na talian at takpan ang bibig ng tatlong babaeng napakahalaga sa akin.
"Huwag ka mag alala Almero, tinatakot lang kita. Ang tatlong putok ng baril na narinig mo kanina ay puro padaplis lang sa kanilang mga katawan. Mga tranquilizer gun ang totoong nagpatulog sa kanila pero hindi ko masasabi kung patuloy magdudugo ang mga daplis nila" hindi ko na kinaya ang pinagsasabi ng lalaking ito sa likuran ko marahas ko siyang kinalmot sa mukha niya, nagawa ko pang itusok sa isa sa mga mata niya ang matilos kong kuko na agad nakapagpaluwag ng hawak niya sa akin.
Napasigaw siya ng daing dahil sa ginawa ko sa mata niya.
"Boss!" sabay sabay akong tinutukan ng mga baril ng mga tauhan niya.
"Fuck! Fuck! Huwag nyo muna siyang patayin, tayo ang malilintikan nito" hindi ko na pinansin ang pag uusap nila dahil agad kong nilapitan ang kapatid at mga kaibigan ko.
"Anong ginawa nila sa inyo?" puro sila walang mga malay na may mga takip sa bibig. May tama sa balikat si Sapphire, sa gilid ng kanyang tiyan si Camilla at sa gilid ng kanyang braso si Aira. Hindi sila magkakaganito kung hindi dahil sa akin.
"Kuhanin nyo na si Almero, nagtatagal na tayo dito" naramdaman ko ang mga kamay nila sa balikat ko na agad kong pinagtatabig.
"Sandaling lang, sasama ako sa inyo. Sandali lang..." sinimulan kong halikan sa noo si Sapphire pati na rin ang dalawa kong mga kaibigan.
"Mukhang dead end na ito, please live for me. Live and be happy.."
"Tama na ang drama! Hilahin nyo na!" marahas na akong hinila pataas ng mga tauhan ng hudas.
Habang hilahila nila ako ay hindi ko inalis ang tingin ko sa tatlong babaeng nakahandusay at walang mga malay.
Sa pagmulat kaya ng kanilang mga mata...may buhay pa kaya ako?
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro