Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 61

Thanks @chanminoppa


Chapter 61


Hindi ko mapigilang hindi mapangisi habang nakatulala sa labas ng bintana ng sasakyan. Wala na akong pakialam kung wala na akong makita sa labas dahil sa napakalakas na ulan.

All I want to do is to smile right now, I hope you're here Nero.



"Florence ano ba ang nginingisi mo sa lakas ng ulan na 'yan? Napurnada na naman ang gala natin" dismayadong sabi ni Camilla.

Hindi ko na lang siya sinagot at ipinagpatuloy ko ang panunuod sa napakalakas na ulan.



"Sa lahat ng babaeng malayo sa kanilang lalaking minamahal, si Florence lang ang nakita kong ganyan. Ilang linggo na ba kayong hindi nagkikita ni Nero? I'm curious, parang ang sigla sigla mo pa rin" nagtatakang sabi sa akin ni Aira. Dito na ako humarap sa mga kaibigan ko na kanina pang nahihiwagaan sa akin. Mas pinalapad ko ang aking mga ngiti sa kanila, gusto kong ipakita sa lahat ng taong nakapaligid sa akin ngayon kung gaano ako kasaya sa mga oras na ito.

I'm so happy right now, sobrang saya. Ganito pala ang pakiramdam nito, wala ka ng pakialam kung malakas ang ulan, napakalamig ng panahon, maingay ang kapaligiran. All I want to do is to smile endlessly.



"Kahapon pa siyang ganyan, siguro nagkita sila ni Nero ng patago" tamad na sabi ni Sapphire habang nakangisi sa phone niya. Napairap na lang ako, malamang kalandian na naman niya si Aldus, para silang mga teenager dalawa.



"Hindi ahh" ngising sabi ko sa kanilang tatlo. Halos sabay sabay naningkit ang kanilang mga mata sa sagot ko.



"Saan ka nanggaling kahapon Florence?" nagtatakang tanong sa akin ni Sapphire.



"Girls.." nakatulala silang tatlo sa akin habang hinihintay ang anumang sasabihin ko.



"Ano Florence?" tanong sa akin ni Camilla na hindi na makapaghintay sa sasabihin ko.



"I am two weeks pregnant" mas lalo silang natulalang tatlo sa sinabi ko pero ilang segundo lang ay agad silang nakabawi. Napuno ng malalakas na tili ang buong sasakyan mula sa boses ng tatlong babaeng kasama ko. Mas malalakas pa ang mga boses nila sa patak ng ulan.



"Oh my god Florence! I'm so happy for you" agad akong niyapos ni Camilla. Pansin ko sa likuran niya si Sapphire na naluluha habang nakangiti sa akin.



"Wala na talagang atrasan Florence, talagang nanigurado na si Nero. Buntis kung buntis" natatawang sabi ni Aira. Kahit siya ay pilit nakiyakap sa akin sa kabila ng espasyo namin sa loob ng sasakyan.



"Galing ako sa doctor kahapon, may kutob na akong buntis ako dahil sa mga sintomas pero nagpacheck up talaga ako para makasigurado. And yes, I'm happily bearing a Ferell" bahagya kong hinawakan ang tiyan ko.



"Ganito pala ang pakiramdam nito, ang saya saya ko. I can't contain my happiness. Akala ko kakabahan ako kapag nalaman kong buntis ako lalo na sa ganitong sitwasyon na hindi pa din magkasundo ang mga pamilya namin pero iba itong nararamdaman ko. I can feel the warmth and love from the inside, na siyang nagtatanggal ng kaba sa dibdib ko. Para siyang ang kanyang ama na walang ibang ginawa kundi mahalin ako" alam kong hindi pa siya buo sa loob ko pero ganito talaga siguro ang nararamdaman ng isang buntis na babae. Hindi ko na napansin na tumutulo na ang mga luha ko. Mas lalo na akong naging emosyonal nang malaman kong dinadala ko ang anak namin ni Nero.



"Naiiyak ako Florence, I'm so happy for you sister. You deserve an angel, kaya binigyan na kayo ni Nero" ngumiti na lang ako sa sinabi ng kapatid ko.



"Sa tingin nyo, alam na ito ni Nero?" tanong sa akin ni Aira. Kahit ako ay hindi ko alam kung planado ba ito ni Nero o hindi.



"I bet no, knowing Ferells? Dapat nag rally na ang mga 'yon sa harap ng mansyon at isinisigaw na buntis ka, para maipakasal na agad kayo ni Nero sa lalong madaling panahon" halos sabay sabay kaming napangiwi sa sinabi ni Sapphire, hindi malayong mangyari ang sinasabi niya.



"So kailan mo balak ipaalam kay Nero, Florence?" mahinang tanong sa akin ni Camilla.

Muli akong ngumisi sa mga babaeng naghihintay sa isasagot ko.



"I'll surprise him" maiksing sagot ko sa kanila.



"Florence, paano ang lolo nila? Mawawalan ng mamanahin si Nero" nag aalalang sabi sa akin ni Sapphire.



"I'll talk to LG" simpleng sagot ko sa kanya.



"What about our family Florence? Kailan mo ipapaalam sa kanila?" muling tanong sa akin ni Sapphire.



"Ngayon ko ito sasabihin sa kanila. Alam mo naman siguro ang nangyari Sapphire pagkatapos ng araw na 'yon. Kahit ang dalawang matatayog kong mga tiyuhin, maging ang iba ko pang kamag anak ay walang nasabi kay Nero. I'm so proud of him.."



--Flashback--


Pagkatapos umalis ng mga Ferell sa mansyon ng aking lolo muling nagdiskusyunan ang aking mga kamag anak. Sa halip na pamumula at masasamang salita ang dapat naririnig ko pawang paghanga at pamumuri sa mga Ferell ang tanging lumalabas sa kanilang mga bibig.



"Ako ang tipo ng taong hindi nagbabago ng desisyon kapag nasabi ko na, wala ng magbabago pero nang makita ko ang mga batang Ferell na 'yon. The way they sincerely vowed their heads in front of us.." hindi na naituloy ni Tito Gil ang dapat niyang sasabihin dahil ngumisi na lang siya habang naiiling na nilalaro ang kaunting alak na natitira sa kanyang baso.



"Sa totoo lang hindi ko akalaing gagawin nila ang bagay na 'yon. I've seen those Ferells in different magazines from their success, on-going projects and even their luxurious lifestyle. Tindig pa lang nila sa ating harapan ay sumisigaw na ng kapangyarihan kahit sinong makakakita sa kanila ay agad malalamang galing sila sa hindi birong pamilya. Napapahanga talaga ako, sinong mag aakalang ang mga tinitingalang mga Ferell ay yuyuko sa atin na walang halong pagpapanggap? Those Ferells are something, nakakatuwang may mga binata pang katulad nila" nangingiting sabi ng aking tiyahin.

Muli na namang tumawa si LG dahil sa mga naririnig sa mga kamag anak ko. Samantalanag ako ay mas pinili na lang makinig sa mga papuri nila, sa loob ng mansyong ito ako ang lubos na may kilala sa mga Ferell na hinahangan nila ngayon. Wala na akong ibang masasabi sa kanila.



"Anong desisyon nyo mga Villacorta?" itinukod ni lolo ang kanyang baba sa likod ng kanyang pinagsalikop na mga kamay habang hinihintay ang sagot ng aking mga kamag anak.



"Tsss, kung hindi lang matinong kausap ang mga binatang Ferell na 'yon hindi na natin kailangan pang mag usap ng ganito ngayon" sagot naman ni Tito Pio.



"So, it's all settled. Iuurong na natin ang kaso sa mga Ferell pero tuloy pa rin ang tayo sa paghahabla sa mga Falcon, sila ang pumili ng magulong paraan kaya dapat lang nating ibigay ang gusto nila" seryosong sabi ni lolo na nagpatango sa buong pamilya ko.



"May sasabihin ka pa ba Florence?" lahat ng mga mata ng kamag anak ko ay nakatutok na ang atensyon sa akin.



"Wala na po akong ibang sasabihin, mukhang si Nero na po ang gumawa ng paraan" maiksing sagot ko sa mga kamag anak ko.

Nanatiling tahimik ang napakahabang lamesa na parang hinihintay ang muling pagsasalita ko.



"At sa sandaling matapos na po ang gulong ito, may basbas niyo man po o wala. Pakakasalan ko na po ang Ferell na yumuko sa inyong harapan" pinagmasdan ko ang bawat reaksyon ng mga kamag anak ko sa sinabi ko pero hindi man lang nag iba ang kanilang mga ekspresyon, hindi ko tuloy mabasa kung sang ayon ba sila sa aking desisyon o hindi.



"Ano pa ang magiging dahilan namin para ilayo ka sa Ferell na 'yon hija? Nang sandaling yumuko siya sa harapan namin lahat, nakuha na niya ang simpatya namin. Akala ko hihingi lang ng tawad ang binatang Ferell na 'yon para sa kawalang hiyaang ginawa ng kanyang ina, pero hindi hija. Namanhikan na siya sa sarili niyang paraan" halos magtanguhan ang iba ko pang tiyahin sa sinabi ni Tita Mirasol.



"Nangako siya sa harap namin na wala ng maaaring may makapanakit sa'yo. Pang hahawakan namin ang mga salitang binitawan ni Sebastian Ferell, Florence. Dahil sa sandaling masaktan ka ulit, hindi na kami magdadalawang isip na ilayo ka sa kanya" maawtoridad na sagot ni Tito Gil.

Tumango na lang ako sa sinabi ng tiyuhin ko. Alam kong hindi ako hahayaan ni Nero na problemahing mag isa ang gulong ito at alam kong iisip siya ng paraan para maayos agad ito kagaya ng ginawa niya ngayon.



Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang ginawa nila.



Ferells and their unexpected actions, who wouldn't admire them? They are not just gorgeous jerks, they have this priceless heart....



Katangian nilang lima na iilan lamang ang nakakaalam..



--end of flashback—



"Alam kong magugulat sila sa ibabalita ko, pero sigurado akong panandalian lang ito. Nabuo siya ng mga panahong hindi maganda ang sitwasyon namin ng kanyang ama, siguro ito na rin ang rason niya kung bakit siya nabuo. My baby will settle everything. Alam kong ang simpleng presensiya ng aking anak sa aking sinapupunan ang mag aayos ng lahat" natutuwang sabi ko sa kanila habang hawak ang tiyan ko na hindi pa naman umuumbok.



"Sa tagal nating magkaibigan Florence, nakita ko na ang mga kalokohan at iba't ibang kaartehan mo sa buhay. We even grew up together, hindi ko akalaing dadating ang araw na maririnig kong sasabihin mo 'yan. Damn, naiiyak talaga ako. Hindi na ikaw ang pasaway kong kaibigan, mommy ka na" nakita ko pang nagpahid ng luha si Camilla bago muling yumakap sa akin.



"Bakit ka ganyan Florence? Gusto na tuloy magpabuntis kay Jare" naiiyak na sabi ni Aira na nagpatawa sa aming lahat. Friends.

Panay pa sana ang tawanan naming apat dito ng bigla na lang nagpreno si Manong na muntik ng magpatalsik sa akin kung hindi lang ako maagap na nakahawak pati na rin sa mabilis na pag alalay sa akin ng mga kaibigan ko.



"Manong dahan dahan naman po, may buntis po tayong kasama dito" medyo galit na sabi ni Sapphire. Napapailing na lang ako sa agad na dahilan ni Sapphire.



"Pasensiya na po Mam may bigla lang humarang sa atin" sagot ni Manong. Nagsimula na siyang bumusina sa harap ng sasakyang bahagyang nakaharang sa amin.



"It's okay manong, hayaan nyo na lang po. Hintayin nyo na lang po siyang makadaan ng tuluyan" mahinahong sabi ko pero hindi ko na maipaliwanag kung bakit kinakabahan na ako ngayon.

Not again, not with my sister and friends. Not with my baby.



Napahinga ako ng maluwag nang lumampas na sa amin ang itim na kotse at mabilis na itong nakalayo sa amin.



"What's wrong Florence? Wag ka ng matakot, hindi ba at kilala na natin ang taong nasa likod ng mga death threats mo? Nasa kulungan na sila ngayon. Wag mo nang masyadong tinatakot ang sarili mo, makakasama 'yan sa bata" pilit na lang akong ngumiti kay Sapphire.

Ilang araw matapos ang pag uusap namin sa mga Ferell ay bigla na lang lumitaw ang isa sa mga dating kasosyo ni Daddy sa kumpanya at sinabi nitong kilala niya ang taong nasa likod ng mga pananakot sa akin. Noong una ay hindi agad siya paniwalaan ng pamilya ko pero matapos ang madaming imbestigasyon ay nakumpirmang isa siya sa mga nakakumpetensiya ng aming kumpanya at nahukay din sa mga imbestigasyon na nagkaroon ng relasyon si Daddy sa asawa ng negosyanteng ito.

Yes, another Samuel it is. Ilang lalaki pa kaya ang inagawan ni Daddy? Ilang tao pa kaya ang gaganti sa kanya? Mga ganti para sa kanya na ako mismo ang tumatanggap. Bakit hindi siya nakuntento sa isa? Hindi malayong mangyaring may mga kapatid pa akong hindi nakikilala.



Pero kahit kilala na ang taong ito at nabubulok na sa bilangguan, hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan. Siguro iba na talaga ang nararamdaman ko kapag may mga sasakyang bigla na lang humaharang.

Ipinilig ko ang ulo ko at muli na lang akong itinanaw ang mga mata ko sa labas. Mabuti at tumila na ang ulan.



"Saan nga tayo pupunta?" tanong ko sa mga kaibigan ko.



"Hindi ba sabi mo matagal mo nang hindi nadadalaw ang puntod ni Tristan Ferell? Sasamahan ka namin ngayon" napalingon ako sa sinabi ni Aira.



"Yes, alam namin na gusto mo na siyang dalawin at wala ka ng time simula nang dumating ka sa Pilipinas. Ngayong medyo free ka na, puntahan mo na siya. Sasamahan ka namin, don't worry" masiglang sabi ni Camilla.

Natahimik ako ng ilang segundo bago ako nakapagsalita.



"Thanks, salamat" maiksing sagot ko. Ngayon ay malaking tanong pa rin sa akin, sino ang taong iniyakan ko? Bakit hanggang ngayon ay kahit anino niya ay hindi magpakita sa akin?

Hindi na rin nagsalita si Sapphire sa ideya ng mga kaibigan ko, malamang ay hindi rin niya alam kung ano ang dapat niyang reaksyon. Sa pagkakaalam ko ay may ideya siyang buhay si Tristan.



Tumagal ng mga isang oras ang biyahe namin hanggang makarating kami sa sementeryo. Hindi ko pa rin maiwasang mapangiti ng mapaiit habang naaalala ang pagtataboy sa akin ng mga Ferell nang tangkain kong lumapit sa katawan ni 'Tristan' kumikirot pa din ang dibdib ko.



Nakatitig lang ako sa pangalan niyang nakaukit sa lapida at maging sa magandang litrato niya na may nangungusap na mga mata. Kapwa tahimik din ang mga kasama ko habang nakatitig sa litrato ng pinaka misteryosong Ferell.



Hindi ko na nabilang kung ilang minuto na kaming nakatayo at tahimik na nakatitig sa pangalan at litrato ni Tristan Ferell nang agawin ng boses ng lalaki mula sa likuran ang atensyon naming lahat.



"Long time no see.."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro