Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 60

Thanks @BeverlyCalanza


Chapter 60


Napagpasyahan ng pamilya kong imbitahan ang mga Falcon at Ferell sa isang maayos na usapan at ang napagkasunduan kailangang personal na humingi ng tawad ang dalawang babae sa akin sa harapan mismo ng tatlong pamilya. Pinaunlakan naman ito ng pamilya ng mga Ferell pero nanatiling matigas ang mga Falcon at mas nananaisin pang humarap sa korte.



"Sapphire kinakabahan talaga ako" kapwa kami nakatanaw sa labas ng bintana ng mansion ni Lolo.

Kasalukuyan kaming nasa lupain ng mga Almero, ang malaking mansion ng lolo ko na bihira ko lang tigilan.



"Don't worry, I'm here Florence" maiksing sagot sa akin ng kapatid ko na yumakap sa akin mula sa likuran ko.



"Hindi ko na alam kung anong iniisip ngayon ni Nero, kinakabahan talaga ako. Maaayos pa kaya kami Sapphire? Bakit lagi na lang may hadlang sa amin ni Nero? Napapagod na ako Sapphire" wala akong tigil sa pag iisip, anumang oras ay dadating na ang mga Ferell para sa usapang sana ay aayos sa lahat.



"Florence, alam niyang mali ang mama niya. Matatalino ang mga Ferell, alam nila ang tama at mali. Ikaw ang may lubos na may kilala sa kanila, hindi dahil kadugo nila ang tao ay papaburan nila sa bagay na alam nilang mali. Kaya nga sila pumayag dito hindi ba? Magiging maayos din ang lahat Florence" lalong lumakas ang pagtibok ng aking puso nang makita ko ang sasakyan ng mga Ferell na nagsisimula nang magdatingan.



"Kailangan na nating bumaba" pilit akong ngumiti sa kapatid ko bago kami lumabas ng kwarto para harapin ang mga Ferell.

Hindi ko akalaing sa ganitong paraan maghaharap harap ang mga pamilya namin ni Nero.



Kasalukuyan ng naghihintay ang pamilya ko sa napakahabang lamesa, ngayon ko lang yata nakita na malagyan ng tao ang bawat upuan ng napakahabang lamesang ito. Sino lang ba ang nagpupunta dito noon? Ako lang naman ang nag iisang apo ni lolo bago pa dumating si Sapphire.



Nasa puno ng mahabang lamesa si lolo habang nasa magkabilang tagiliran nito ang maawtoridad kong mga tiyuhin. Umupo na rin kami ni Sapphire sa bakanteng upuan na para sa amin at ang mga tiyahin kong nasa kanilang mga posisyon na rin samantalang ang dalawa kong pinsan ay pinili na lang tumayo.



Huminga ako ng malalim nang makitang nagsisimula ng magdatingan ang mga Ferell. Unang pumasok si LG, agad kong napansin ang pagkaseryoso niya na bihira ko lang makita. Kasunod niya si Nero na hindi ko mabasa ang ekspresyon, ang mama niya na inaalalayan ng kanyang Daddy na minsan ko lang nakita at si Nally na humihingi ng paumanhin gamit ang kanyang mga mata. May mga matatandang Ferell din akong nakita na pamilyar na sa akin.

At huling pumasok si Owen, Aldus at Troy na hindi kayang salubungin ang aking mga mata.



Ramdam ko ang paghawak ni Sapphire sa aking kamay mula sa ilalim ng lamesa. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanya at hindi ko na alam kung gaano na kalamig ang mga kamay ko ngayon. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko at hindi ko na alam kung naririnig na nilang lahat ang bawat pagtibok nito. Damn.



"Bakit hindi muna kayo maupo?" pormal na sabi ni lolo. Tipid lang na tumango si LG sa sinabi ng lolo ko bago sila nagsimulang umupo sa kani kanilang mga upuan.

Napapakagat labi na lang ako, kahit ang samahan ng dalawang Don ay naapektuhan sa mga nangyayaring ito.



Nang makaupo na silang lahat, nanatiling tahimik ng ilang segundo ang kabuuan ng napakahabang lamesang ito na para bang pinakikiramdaman ng dalawang pamilya ang bawat isa.

Pero unang tumikhim ang isa sa mga tiyuhin ko para basagin ang nakabibinging katahimikan.



"Didiretsu—" hindi na naituloy pa ni tito ang dapat niyang sasabihin nang biglang tumayo ng sabay sabay si Nero, Aldus, Troy, Owen at maging si Nally sa kanikanilang mga upuan.

Napatulala na lang ako nang sabay sabay silang yumuko sa harap ng aking pamilya.



"Ako na po ang humihingi ng tawad sa ginawa ng aking ina" nanatiling nakayuko sa amin si Nero ganun din ang kapatid niyang si Nally, maging ang mga pinsan niya. Pakiramdam ko ay nag iinit na ang sulok ng aking mga mata.

What are you doing Nero? Why Ferells? Bakit sila ang humihingi sa akin ng tawad? Why are you doing theses Ferells? Sila ang mga taong walang ibang ginawa kundi protektahan ako? Bakit kailangan kong tumanggap ng paghingi ng tawad sa kanila? Parang pinipiga ang dibdib ko habang nakatingin sa mga Ferell na humihingi ng tawad sa akin at sa aking pamilya.

Hindi lang ako at ang aking pamilya ang nagugulat sa nakikita namin maging si LG, ang mga magulang ni Nero at maging ang matatandang Ferell ay natulala sa ginagawa ng magpipinsan ngayon.



"Nero.." mahinang tawag ko sa pangalan niya. Please stop this, wala kayong kasalanan.



"Humihingi po ako ng tawad sa ginawa ng aking ina, nangangako po akong wala na kahit sinong makakanti ni dulo ng daliri ni Florence" hindi pa rin sila umaalis sa kanilang pagkakayuko sa harap ng pamilya namin.

Gusto ko na silang patigilin sa ginagawa nila, wala silang dapat ipagpatawad sa akin dahil wala silang kahit anong masamang ginawa. I owed my life to them at itong pagyuko nila sa harapan ng buong pamilya ko ang pinakahuling hihilingin kong mangyari.



"Mga apo.." pakinig kong tawag ni LG sa kanyang mga apo na nakayuko sa aming harapan.



"Sebastian Ferell" napalingon ako sa lolo ko na bahagyang nakangisi kay Nero. I know my grandfather, he's admiring Nero right now.



"Humahanga ako sa pagpapalaki mo sa mga apo mo Garpidio, gusto ko man tanggapin, ng mga Villacorta at ng apo ko ang paghingi ng tawad ng mga batang Ferell na nakayuko sa harapan namin, kay Nerissa namin gustong marinig ang paghingi ng tawad" maawtoridad na sabi ni lolo na sabay na nakapagpatunghay sa mga magpipinsang Ferell.

Alam kong ito rin ang gustong mangyari ng mga kamag anak ko. Lahat kami ngayon ay nakatingin sa mama ni Nero na mukhang kinakabahan sa mga matang nakatingin sa kanya ngayon. Please, tapusin nyo na po ito. Isang paghingi lang tawad ang mag aayos ng lahat.



"Come on Nerissa.." pakinig kong sabi ng Daddy ni Nero na nakahawak sa balikat ng kanyang asawa.



"Ma.." pakinig ko rin ang pagtawag ni Nero sa kanyang ina.



"Mommy.." kahit si Nally ay nakikiusap na rin sa kanyang ina.

Bahagya kaming nagkatitigan ng mama ni Nero bago siya nagsimulang umiling at lumuha. Anong ibig sabihin ng iling at luha niya? Nangunot ang noo ko sa nakikita ko sa kanya. I don't like this..



"Natakot lang ako, pinagbantaan niya akong aagawin niya habang buhay ang anak ko, na kahit kailan hindi ko na makikita pa si Nero.." humagulhol siya ng iyak sa harap ng madaming tao.

Nangangatal na ako sa sinabi niya, ano itong pinagsasabi niya sa akin?



"No..wala po akong sinasabing ganyan..." lalo akong napaluha ng makitang nalilito na si Nero.

Kapwa mga nakakunot ang noo nina Troy, Aldus at Owen habang pinapanuod ang pag iyak ng mama ni Nero.



"Fuck! Hindi ganyan ang pinsan ko! Tumigil ka! Sinungaling!" sigaw ni Gio mula sa likuran ko.

Hindi siya pinansin ng mama ni Nero at pinagpatuloy niya ang pag iyak at pagsasalita niya sa paraang ako ang mapapasama sa harapan ng lahat ng tao.



"Sabi ko sa kanya na tigilan na niya ang paglapit kay Nero dahil parehas na silang ikakasal maaari din itong makasama sa kalusugan ni Elena noon pero wala siyang pakialam sa buhay ng kaibigan ko, mas gusto niyang solohin ang anak ko at tuluyan ng ilayo sa akin..hindi niya iniiisip ang ib—" binabaliktad niya! Siya ang may gustong pumatay sa sarili niyang kaibigan! Bakit sa akin niya ibinabato ang mga bagay na ginawa niya?



"Ma!" malakas na sigaw ni Nero sa kanyang ina. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa hindi niya pag sang ayon sa mga sinasabi ng kanyang ina.

Halos mapasabunot na sa kanilang mga sarili ang magpipinsan Ferell at ang matatandang mga Ferell naman ay hindi makapagsalita sa pinagsasabi ng mama ni Nero.



Halos sabay napatayo ang dalawang tiyuhin ko, kitang kita ko na ang naglalabasang ugat sa kani kanilang leeg.



"Hindi kayo matinong kausap, sa tingin nyo ba ay mapapaniwala nyo kami sa mga sinasabi nyo?! Ang pamangkin ko na yata ang masasabi kong santa sa kabaitan. Umalis na kayo mga Ferell, hindi kayo magandang kausap" galit na galit na sabi ni Tito Gil.



"Mr. Villacorta..." naalarmang sabi ni Nero sa tiyuhin ko.



"Umalis na kayo Ferell, dapat inayos mo muna ang mabuti mong ina bago ka humarap sa amin" sabat naman ni Tito Pio sa pinakaseryso niyang tono.



"Sa tingin nyo ba ay mapapaniwala nyo kami sa sinasabi niyo Mrs. Ferell? Sabihan nyo na po ng masasamang bagay ang kahit sinong miyembro ng pamilya namin pero huwag po si Florence, dahil hindi ganyang tao ang pinsan ko. She's our living angel, hindi niya magagawa ang mga bagay na ibinabato mo sa kanya ngayon. Kung sinasabihan nyo siyang walang malasakit sa buhay ng tao bakit hindi nyo panuorin ang ginawa nyo ng anak ng senador?" walang nasabi ang kahit sinong Ferell sa sinabi ni Kuya Nik.

Yumakap na ang mama ni Nero sa kanyang asawa habang umiiyak. Bakit hindi na lang niya ginawang madali ang lahat? Bakit hindi na lang siya humingi ng tawad? Mas pinagsiklab pa niya ang galit ng pamilya ko.



"Nerissa!" kahit si LG ay hindi na nagugustuhan ang nagiging asal ng mama ni Nero.



"Akala ko ay may maidudulot na maganda ang usapang ito Garpidio.." kalmado pa rin sabi ni Lolo.



"Paumanhin" tumayo na si LG at yumuko sa harap naming lahat bago siya tumalikod at umalis na hindi man lang tinatawag ang atensyon ng mga kasama niya.

Nagsimula na rin magsitayuan ang iba pang mga Ferell na matataas pa rin ang tingin sa kanilang mga sarili. Sunod na lumabas ang mama ni Nero habang galit na hininila ng kanyang asawa palabas.

Naiwan ang magpipinsang Ferell.



"Ako na po ang humihingi ng tawad sa gulong ginawa ng aking ina. Sorry Florence, sorry.." naiiyak na sabi ni Nally bago si patakabong lumabas na agad na hinabol ni Troy.

Ang natira na lamang ay si Aldus, Owen at Nero. Agad kong napansin ang malalim na paghugot niya ng hininga na para bang kumukuha ng lakas sa anumang salitang sasabihin niya sa harap ng mga kamag anak ko.



"Alam ko pong may ideya na kayo sa namamagitan sa amin ni Florence. Wala po akong pakialam kung hindi po magkasundo ang mga pamilya natin. All I want is to marry your living angel at wala na pong makakapigil sa amin dalawa. I'll fight for you no matter what. I love you Florence Almero. I love you so much" diretsong sabi sa akin ni Nero na parang walang tao sa paligid naming dalawa.



"Nero.." bahagya siyang ngumisi sa akin bago muling bumaling sa mga kamag anak ko.



"Mauna na po kami" simpleng sabi niya. Bahagya siyang tumango sa lahat ng mga taong nakatulala sa lakas ng loob niya bago sila tuluyang umalis kasunod ang mga pinsan niya.

Hindi rin nakalampas sa mga mata ko ang ginawang pagkindat ni Aldus sa kapatid ko bago ito tuluyang umalis.

Natahimik na lang ang buong pamilya ko.



"Ako lang ba ang humahanga sa mga binatang Ferell na 'yon?" nawiwiling sabi ng isa sa mga tiyahin ko.



"Mayayabang" maiksing sabi ni Gio na nagsisimula nang lumabas kasama si Kuya Nik at mga tiyuhin ko na may kanikanilang dalang alak.

Nanatili kaming walang imik ni Sapphire dahil sa pangyayari.



"Pamangkin, kitang kita ko sa mga mata ng Ferell na 'yon ang pagmamahal sa'yo kung hindi nga lang demonyita ang ina" naiiling na sabi ng isa ko pang tiyahin.

Magsasalita pa sana muli ang tita ko nang marinig namin ang mahinang pagtawa ni lolo.



"Lolo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.



"Ilan nga ang mga binatang Ferell na 'yon?" tanong sa amin ni Lolo na nagpakunot ng noo ko.



"They're four? nope five. Lima po sila.." sagot ni Sapphire.

Nakita kong bahagyang ngumiti si lolo sa sinabi ni Sapphire.



"Sana naging limang babae na rin ang apo ko, those Ferells..Nakakatuwa silang panuorin. My friend did a great job, pinalaki niyang punong puno ng pagmamahal ang mga binatang 'yon. You should marry that Ferell Florence.."



"I will lolo. I will" I love you more Nero..




--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro