Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58

A/N: Sorry sobrang sobrang busy po ako last week. Babawi talaga ako. Hahaha.

Thank you nga pala sa nagnominate sa akin sa Watty2016! Nagmessage sa akin ang wattpad ambassador. OMG! Haha. Isasali ko po ang LW5HJ sa watty2016, sana po supportahan nyo ako :) Maraming Salamat!


Happy Birthday to Miss Veronica :)


Thanks @parkdobi61 :)



Chapter 58


Kasulukuyan na kaming nasa biyahe ni Nero pauwi sa mansion. Mas pinili ko na lang manahimik buong biyahe dahil sa mga iniisip ko. Mukhang alam na naman pala ng mga pinsan ko na kasama ko si Nero, pero ano itong dahilan kung bakit nila ako biglaang pinapauwi?

Alam kong isa si Kuya Nik at Gio sa mga hindi sang ayon sa dapat na mangyayaring kasalan. At alam kong mas gugustuhin muna nila akong lumayo habang sariwa pa ang nangyaring eskandalo sa hindi natuloy na kasal.

But what's with the tone of his voice? Bakit parang kinakabahan ako sa sinabi ni Kuya sa akin. Anong hindi ko sinasabi sa kanila?



It couldn't be..



Kahit malalim ang iniisip ko ramdam na ramdam ko pa rin ang pagsulyap sulyap sa akin ni Nero Sebastian Ferell habang nagmamaneho. Napapabuntong hininga na lang ako.



"Nero, sa daan ka tumingin. Parang hindi tayo nagkatitigan sa ilang araw natin sa Isla nyo" ngumuso lang siya sa sinabi ko. Come Ferell, wag ka ng magpacute sa akin. Madami akong iniisip.



"Ano ba ang sabi ng mga pinsan mo? Tsss, kahit kailan lagi na lang tayo naaabala" naiiling na sabi niya na parang hindi siya nag enjoy sa ilang araw na inalagi namin. Bakit hindi na makuntento ang Shokoy na ito?



"I'm nervous Nero" mahinang sabi ko sa kanya. Mukhang alam na ng mga pinsan ko ang itinatago ko. At siguradong panibagong malaking gulo na naman ang mangyayari na siyang kinatatakutan ko.



"Why? May hindi ka ba sinasabi sa akin Florence Celestina Almero?" naalarma ako sa tanong ni Nero. Agad akong lumingon sa kanya at ilang beses akong umiling bilang sagot sa tanong niya.



"No, wala. Wala" kinakabahang sagot ko.



"Then, why so nervous? Don't think too much baby, ako ang kinakabahan sa'yo" kahit nagdadrive siya ay mabilis niya akong kinabig para halikan sa ibabaw ng aking ulo.

Napakagat labi na lang ako, sana mali ang inaakala ko. Ayos na kami ni Nero, ayoko nang mahiwalay ulit sa kanya.



Naging tahimik na kami sa mga sumunod pang minuto pero agad din namang binasag ni Nero ang katahimikan. Panibagong himutok na naman ng Shokoy tungkol sa nabitin naming pagbabakasyon.



"Sa susunod na aalis tayo sisiguraduhin kong walang makakaalam kung nasaan tayo" napairap na lang ako sa iniisip ng Shokoy, hindi pa nga kami nakakauwi gusto na naman niyang umalis.

Nag enjoy naman ako sa bawat araw na nagsama kami sa Isla kahit noong mga unang araw ay sinusungitan niya pa ako pero bakit itong si Nero parang lagi na lang bitin na bitin sa kanyang buhay? Hindi pa ba siya sulit sa mga kalandiang nangyari sa amin dalawa?



"Nero, maghintay ka lang dahil alam kong may mga susunod pa tayong pupuntahan. But for the meantime, kailangan natin makarating sa mansion ni Kuya Nik" tamad na sagot ko sa kanya.

Sa bawat paglapit namin sa mansion siya namang bilis ng pagtibok ng puso ko. Ilang beses kong dinadasal na sana mali ang inaakala ko. Sana mali, ayoko nang gulo. Lalo na kung gulong pampamilya ito.



"Bakit sa tuwing nagkakasarili na tayo lagi na lang may nagpapakitang alipores ng pinsan mo?" naputol ang pag iisip ko nang malalim dahil sa biglaang sinabi ni Nero Ferell.

Nangunot ang noo ko sa sinabi ng hari ng mga Shokoy. Alipores?



"What Nero? Alipores ng pinsan ko?" hindi ko mapigilang hindi mapatawa. Anong pinagsasabi nitong si Nero Ferell?



"You don't get it baby? 'yong mga kabarkada ni Javier. Bakit lagi na lang nakakalat ang mga lokong 'yon? Noong una 'yong may ari ng Montenegro Resort, tapos 'yong mayabang na nasa La Cortez nakita ko siyang patingin tingin sa'yo. At 'yong isa, nakaspeed boat siya kaninang umaga" napaisip ako sa pinagsasabi ni Nero Ferell sa akin.

At hindi rin nagtagal ay mukhang nakukuha ko na, si Patrick ang unang nanggulo sa amin nang nasa Montenegro resort kami. Hindi ko na naman napansin si Lexus sa La Cortez nang tumigil kami ni Nero sa hotel nila hindi ba at umalis na siya? bakit naman ang talas ng mata nitong Shokoy na ito? Sino ang sinasabi niyang nakaspeed boat? Si Stefan?

Damn, nagkakataon lang kaya? Bakit hindi ko ito napapansin?



"Nakuha ko na Nero, damn. Mga kaibigan 'yon ni Gio, anong pinagsasabi mong alipores? Para ka talagang Shokoy" halos lumapad ang ngisi ko dahil sa lalong pagkunot ng noo niya sa sinabi ko. Inis na naman ang hari ng mga Shokoy.



"May gusto ba sa'yo ang mga lokong 'yon? Nawawalan na ako ng pasensiya sa kanila" kita ko ang pagtatangis ng bagang niya. Ito na naman po, nagsasalita na naman ang hari ng mga Shokoy.



"Baka nagkataon lang, napaka seloso mo talaga" hindi na siya nagsalita sa sinabi ko. Mukhang nasira na ng tuluyan ang araw ng minamahal kong Shokoy.



"Ano ba Nero? Mas bata sa akin ang mga 'yon, wag ka ng masyadong seloso. Mas gwapo ka naman sa kanila" pinilit kong ibahin ang mood niya. Pero wala pa rin siyang imik sa sinabi ko, patuloy lang siya sa pagdadrive na may kunot na kunot noo.



"Mas hot ka sa kanila Nero Ferell.." pinakatitigan ko siya pero wala pa rin siyang reaksyon. Damn.



"Mas sexy.." bahagyang gumalaw ang sulok ng labi niya sa sinabi ko. Damn, Ferell. Ayaw niya ng hot gusto niya sexy. Haist Nero Ferell..



"Nero naman.." mahinang tawag ko sa pangalan niya. Dito na siya napatawa, pinagtitripan talaga ako ng Ferell na ito.



"Nakakainis ka na Ferell" may halo pang pag ikot ang mga mata ko.



"Florence sabihin mo sa pinsan mo na pagsabihan ang mga kabanda niya. Ayusin nila ang mga buhay nila, wag nilang hintayin na ako ang umayos" seryosong sabi niya habang nagdadrive kung hindi lang kita mahal Ferell baka nagtatakbo na ako dahil sa nakakatakot mong aura.



"Oo na, oo na po. Wait? Anong kabanda?" kanina lang mga alipores daw, ngayon naman mga kabanda? Hindi naman kumakanta ang barkadahang 'yon ni Gio. Bakit hindi na ako masanay na sa mga Shokoy terms ni Nero?

Lumingon siya sa akin na parang tamad na tamad saka siya muling ibinalik ang kanyang mata sa pagmamaneho.



"Minsan nakita ko sila sa isang bar, may banda ang mga lokong 'yon. Alibarbar band ata" what the fuck? Ang pangit naman ng pangalan, seriously si Gio?



"Are you sure?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. May talent ang apat na 'yon?



"Mukha ba akong nabibiro Florence? Ang lalakas ng loob ng mga lokong 'yon. Marurunong ngang kumanta, hindi naman marunong mahiya" napapangiwi na lang ako. Bakit hindi ko alam ang bagay na ito sa kanilang apat? Bakit si Nero alam?



"Mas kilala mo naman pala sila Nero, try to be friends with them" pang aasar ko sa kanya.



"Seriously Almero? Mga weirdo ang mga lokong 'yon. Mga milyonarong punong puno ng kalokohan" napairap na lang ako sa sinabi niya.



"Look who's talking, ano naman po ang masasabi nyo kapag kayong magpipinsan na ang nagkasama sama? Masahol pa sa kalokohan ang nagagawa niyong lima" ang lakas niyang makapamula sa barkada ni Gio, silang magpipinsan nga wala ng ginawa kundi gumawa ng kalokohan. Ngisi pa lang ni Troy Ferell, tapos na ang laban.



"Tsss"

Tumaas ang kilay ko sa Tss niya. Sadyang ganyan na lang ang masasabi niya dahil totoo ang sinasabi ko.



Hindi naman tumagal ang biyahe namin at nakarating na kami sa mansyon. Mabilis hinawakan ni Nero ang aking kanang kamay, nagkatitigan muna kami sa isa't isa bago kami sabay na humakbang papasok ng mansyon.



Unang tapak ko pa lang sa mansyon ay hindi na maganda ang pakiramdam ko lalo na nang agad kong nakita ang mga mata ni Kuya Nik na madiing nakatingin sa mga kamay namin ni Nero.

Sa aking pagkakatanda ay mas gusto nilang makasama ko si Nero kaysa magpakasal kay Ashong, ano itong nakikita ko sa dalawang pinsan ko?

I don't understand.



"Florence.." tawag sa akin ni Gio. Pakiramdam ko ang higpit ng pagkakahawak sa akin ni Nero.



"It's okay Nero" pilit akong ngumiti sa harap ni Nero na nag aalangan pa kung bibitawan ako o hindi. Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa akin para lumapit sa mga pinsan ko.



Pero mukhang hindi ko na nahabol ang sunod na pangyayari. Sa sandaling nagbitaw ang aming mga kamay ay agad akong hinablot ni Gio at natulala na lang ako habang panay ang pagpapaulan ng suntok ni Kuya Nik kay Nero.

Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko habang nakikita ang ginagawa ng pinsan ko sa lalaking mahal ko. Why?



Ilang segundo ako bago natauhan, pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak sa akin ni Gio.



"Damn! Stop! Kuya Stop! Ano ba ang nangyayari sa inyo?! Stop Kuya! Please, stop hurting him" pilit akong kumakawala kay Gio pero mas higit na mas malakas ang pinsan ko sa akin.



"Gio! Bitawan mo ako!" nagwawala ako sa pagkakahawak niya sa akin na may mga matang luhaan. Bakit ganito ang bungad nila sa amin dalawa? Nagagalit ba sila dahil itinago ako ni Nero ng ilang araw?

Hindi ako naririnig ni Kuya Nik dahil panay pa din siya sa pagsuntok kay Nero na hindi man lang lumalaban. Atleast fight back Nero.



"Kuya! Kuya Nik.. please stop. Nero! Kuya, stop please. Kuya Nik.." halos mag unahan ang luha ko dahil sa nakikita kong dugo sa labi ni Nero. Wala na akong ibang ginawa kundi magpupumiglas sa mga bisig ng pinsan ko na panay ang bulong sa pangalan ko para kumalma.

Paano pa ako kakalma kung binubugbog nila ang lalaking mahal ko?



"Ano ba ang naging kasalanan niya? Bakit siya lang ang sinasaktan nyo?! Why? Kuya Nik?" halos hindi makatayo si Nero nang iwan siya ni Kuya Nik. Agad humarap sa akin si Kuya Nik nang may madidiing mga mata.

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Gio at marahas akong kumalas sa kanya. Magsasalita pa sana ako nang maramadaman ko ang malakas na sampal ni Kuya Nik sa kaliwang pisngi ko. Hindi ito kasing lakas ng sampal na natanggap ko noon kay Dad pero halos hindi na ako makakita sa pag agos ng mga luha ko. Ni minsan ay hindi niya ako pinag buhatan ng kamay.



"Why Kuya?..." mahinang tanong ko sa kanya habang hawak ko ang pisngi ko na sinampal niya.

Pakinig ko ang malutong na mura ni Nero mula sa likuran ni Kuya Nik, maging si Gio ay napamura din sa ginawa sa akin ni Kuya Nik.



"Hanggang kailan mo itatago sa amin Florence? Hindi ko alam kung talagang tanga ka o ano? Ano pa ang pwedeng magawa sa'yo ng ina ng lalaking 'yan sa'yo kung nagsasama na kayo? Sasabihin mo nadulas ka ulit?" galit na galit ang mga mata sa akin ni Kuya Nik.

Kung ganoon tama nga ang inaakala ko, alam na nila ang matagal ko nang itinatago. Ito na ang kinatatakutan ko, alam kong hindi ito basta basta palalampasin ng mga pinsan ko ang nangyari sa akin.



"Wha..t?" hindi maintindihan na tanong ni Nero kahit nahihirapan na siyang maglakad ay pinilit niyang makarating sa posisyon ko at niyapos niya ako nang mahigpit sa paraang mapoprotektahan ako.



"Gago ka!" napapikit na lang ako nang akma na naman susugod si Kuya Nik, mas humigpit ang yakap sa akin ni Nero. Naghintay ako ng ilang segundo na maaaring tumama kay Nero pero wala akong nararamdaman.

Imunulat ko ang aking mga mata, nakatigil lang sa ere ang mga kamao ni Kuya Nik at agad niya itong binawi nang magkatitigan kami.



"Tanga ka ba Ferell? Hindi mo ba alam ang ginagawa ng ina mo?!" galit na galit na sabi ni Kuya Nik. Ilang beses akong umiling kay Kuya Nik para wag niya nang ituloy ang sasabihin niya kay Nero. Hangga't maaari ay ayokong sirain ang relasyon ng mag ina nang dahil sa akin.



"What's with my mother?" naguguluhang tanong ni Nero.



"Kuya Nik, wag na natin palakihin ang gulo. I'm fine" mahinang sabi ko kay Kuya.



"Fine?! Hindi dahil mahal mo ang lalaking 'yan. Hahayaan mo na lang ang ina niya sa mga kawalang hiyaan niya sa'yo!" sigaw ni Kuya Nik sa akin lalong humigpit ang yakap sa akin ni Nero.



"WHAT THE FUCK?! Ano ba ang pinag uusapan niyo?" halos sumigaw na rin si Nero. Sa paghaba ng usapang ito, lalong bumibigat ang mga kaba ko sa dibdib. Alam ko na ang maaaring sunod na mangyari, ang malaking hidwaan sa pagitan ng dalawang pamilya. Damn, ito ang pilit kong iniiwasan.



"Bakit hindi mo ito panuodin?" marahas hinablot ni Kuya Nik si Nero mula sa akin, agad namang tinanggal ni Nero ang kamay ni Kuya Nik sa kanya at sumunod na lang sa pupuntahan nito.

Alam ko na kung ano ang ipapakita niya. Kasalukyan kaming nasa harap ng malaking tv at tiim bagang itong binuksan ni Gio.



At agad pinakita nito ang video nang araw kung saan pinagtulungan ako ni Cassidy at nang mama ni Nero.

Kung papaano ko binuksan ang pintuan, mga litratong isinabog sa akin ni Cassidy, ang marahas niyang pagsabunot sa akin na ikinatumba namin. Ang paulit ulit niyang paghampas ng ulo ko sa sahig at ang paulit ulit niyang sampal sa akin.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil hindi ko na ito kayang paulit uliting alalahanin.



"Damn!" halos mapasipa si Nero sa isa sa mga sofa namin.



"Wala kaming pakialam kung ina mo Ferell ang lapastangang 'yan. Pagbabayarin ko ang mga walang hiyang babaeng 'yan" determinadong sabi ni Kuya Nik, alam ko ang iba't ibang tono niya at ang sinasabi niya ngayon ay talagang totoo at panghahawakan niya.



"Fuck! Florence, you can fight! Alam kong kaya mong lumaban! Kayang kaya mo ang Falcon na 'yon! Bakit hinayaan mong saktan ka nila? Buti at hindi ganoon kalaki ang nangyari sa ulo mo. But you could have die, sa ginawa nila sa'yo! Bakit mo itinatago? Ano pa ang kayang gawin sa'yo ng ina ng lalaking 'yan? Hindi dahil mahal mo siya ay pagbibigyan mo ang impaktang ina niya na gawin ito sa'yo! Fuck" galit na sabi sa akin ni Gio.



"I have to go" mahinang sabi ni Nero



"Nero.." tawag ko sa kanya. Hindi niya ako matingnan ng maayos sa aking mga mata. Damn, it's not your fault Nero.



"Nero, hindi mo kasalanan. Kuya Nik, palampasin na natin ito. Siguradong magkakaroon lang ng malaking hidwaan sa pagitan ng mga pamilya natin. Lalong magiging imposible para sa amin ni Nero ang isa't isa. Kuya, wag na tayong magsama pinapatawad ko na silang dalawa" halos magmakaawa ako sa mga pinsan ko.

Kapag lumaki ang hidwaan namin ni Nero dahil sa pamilya, ano na lang ang mangyayari sa amin?



"What would you expect us to do? Hahayaan na lang namin ang napanuod namin? God! For fuck sake Florence! They can be the masterminds on your fucking dead threats!" muling singit ni Gio sa amin.



"Fuck!" halos ilang beses ginulo ni Nero ang kanyang sariling buhok dahil sa sinabi ng pinsan ko.



"Ferell, sa umpisa pa lang tinulungan ka namin kay Florence dahil alam kong ikaw lang ang makakapagpasaya sa nag iisa naming prinsesa pero kapag ganito na. Na may ahas ka pa lang ina, choosing you for her is a goddamn dangerous, parte ng buhay mo ang iyong ina at hindi na siya maiiwasan ni Florence kapag nagsasama na kayo. Ano na lang ang mangyayari sa pinsan ko? She will definitely won't fight back. Dahil naniniwala siyang siya ang taong nagbigay ng buhay sa lalaking mahal niya. Baka ilang beses ko lang mabalitaang nadulas ang pinsan ko, 'yon naman pala sinisimulan na siyang ilibing ng buhay ng iyong ina. Kung pababayaan namin kayo para na naming itinutok sa patalim ang sarili naming pinsan"



"What the fuck?! Anong gusto niyong gawin namin? Maghihiwalay na naman kami? No! Hindi na Kuya, ikamamatay ko nang malayo sa kanya" agad akong nagpunta sa likuran ni Nero habang bahagya akong nakahawak sa braso niya.

Mas lalo akong kinabahan nang nanatiling hindi nagsasalita si Nero.



"Magsasampa kami ng kaso Ferell, we won't let this slip away. Magkalamat na ang mga pamilya natin, buo na ang desisyon ko. Ang ina mo ang nag umpisa at hindi namin hahayaang maulit pa muli ito" madiing sabi ni Kuya Nik.



"I need to go" lalong bumuhos ang mga luha ko nang tanggalin ni Nero ang kamay kong nakahawak sa kanya.



"Nero.." kinakabahang tawag ko sa pangalan niya.

Umiling lang siya sa akin at dahan dahan na siyang tumalikod paalis. I don't understand, anong ibig sabihin niya?

Nanatili akong nakatayo habang patuloy siyang naglalakad papalayo sa akin.



"Kuya Nik, mahihirapan si Nero. She's still his Mother, hindi niya hahayaang makulong ang mama niya" hinawakan ko ang kamay ng pinsan ko na may malalamig na titig sa akin.



"Are you insane Florence? We're doing this for you. Hindi malayong ang ina niya ang may padala ng mga taong gustong pumatay sa'yo isama mo pa ang Falcon na 'yon. Hindi dahil mahal mo ang Ferell na 'yon ay pagtatakpan mo rin ang kawalang hiyaan ng magulang niya. Magbabayad ang dapat magbayad" sagot niya sa akin na alam kong hindi na mababago pa.



"Florence, hanggang kailan mo sasarilinin ang mga problema mo? Bakit mo itinatago ang mga ganitong bagay sa amin? Paano kung huli na? Kailan pa namin malalaman kapag malamig na bangkay ka na? God! Sobrang tigas ng ulo mo! Pilit ka namin pinuprotektahan pero ikaw ang gumagawa ng ikapapahamak mo!" frustrated na sabi ni Gio.



"Sa tingin mo ba kaya mo na ang lahat Florence? Bakit naglihim ka pa sa amin? Kung sinabi mo ito sa amin baka matagal na natin nalaman kung sino ang gustong magpapatay sa'yo!" halos paulit ulit na akong sigawan ng mga pinsan ko.



"But what about us Kuya? Paano na kami ni Nero? Ipakukulong ko ang sarili niyang ina? Hindi kaya ng sikmura ko 'yon Kuya.." mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya.



"Alam mo na ang sagot ko diyan" pilit inagaw ni Kuya Nik ang kamay niya sa akin.



Umiling na lang ako kay Kuya Nik at patakbo kong hinabol si Nero sa labas. Agad ko pa siyang naabutan dahil sa bagal ng mga hakbang niya.



"Nero!" sigaw ko sa kanya.

Halos talunin ko na siya nang agad ko siyang maabutan. Mabilis kaming nagyakapan sa isa't isa, ipinulupot ko ang aking mga binti sa kanyang baywang at sinalubong namin ng madidiing halik ang isa't isa.

Wala na akong pakialam kung makita kami ng mga katulong o ng kahit sinumang tao sa lugar na ito.

All I want is to kiss him forever. Kung pwede lang sana...



Kapwa namin habol ang aming hininga nang magbitaw ang aming mga labi. Mabilis kong sinapo ang kanyang magkabilang pisngi.



"We'll fight right? Okay lang tayo Nero, okay lang naman tayo Nero hindi ba?" paulit ulit kong tanong sa kanya habang panay ang patakan ng aking mga luha.



"Bakit hindi mo sinabi sa akin Florence? Why? Are you going to keep this forever? It's my entire fault! Ang tanga tanga ko, hinayaan kitang saktan ng sarili kong ina. Ang tanga tanga ko wala akong alam"



"Nero..hindi mo kasalanan" halos makailang iling ako sa kanya. Hindi niya kasalanan.



"But she's my mom. Responsibilidad ko siya sa mga bagay na ginagawa niya.." pinahid ni Nero ang mga luha sa pisngi ko.



"Nero.." marahan niya akong ibinaba at masuyo niyang hinalikan ang noo ko.



"Florence see you in court"



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro