Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 52

Chapter 52


Naalimpungatan na lang ako sa nakakakiliting bagay na humahaplos sa pisngi ko. Damn, it tickles. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata hanggang sa tuluyan ko nang maaninaw ang bagay na kanina pang gumagawa ng kiliti sa mukha ko.

A cute Pomeranian white cat caressing my face. Hindi ko maiwasang mapangiti. How cute, kay Lina kaya ang cute na cute na pusang ito?


Pinilit kong bumangon kahit nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo. Agad kong napansin na nasa malaki at kulay puting couch ako. Mukhang dito ako inihiga ni Lina.

Where is she? Bakit niya kaya ako pinatulog? Paniguradong sasama ako sa kanya kung yayain niya ako. Bakit kailangan pa ng spray bottle? Bagong bahay niya kaya ito?

Mabilis kong binuhat ang napakaganda niyang pusa at nagsimula na akong makipaglaro dito.

Damn, all I can see are white. From my white wedding dress, white cat, white couch, white wall paints. Where am I? White house? Atleast, hindi naman puti ang mga furniture dito. But still, I find this house very classy and somewhat familiar. Pero sigurado akong unang beses ko pa lang pumunta dito. Maybe same interior design?

Nagkibit balikat na lang ako at mas binigyan ko ng pansin ang malambot na bagay na hawak hawak ko.


"Why are you so cute? Where is your master?" marahan ko itong itinaas hanggang sa magkalebel na ang mga mata namin.


"Magkano ka kaya?" tanong ko ulit sa pusang walang kamalay malay. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, marahan kong niyakap ang malambot na pusa. Sana may ganito din ako sa bahay.

Muli ko pa sanang kakausapin ang cute na pusang ito nang mapansin ko ang taong bumababa mula sa napakahabang hagdanan. Why the hell? Am I somewhat seeing a Calvin Klein model?

Hindi ko na naalintana kung nasasakal ko ang ang pusang hawak hawak ko.

It't just that...it's just that... I can't get my eyes off him. Bakit hindi ako binalaan ng pusang ito na siya ang amo niya?


Naririnig ko na ang pagpiglas ng pusang hawak ko sa higpit ng pagkakayakap ko sa kanya. Why is he walking slowly like that? Wearing just his boxers while exposing his bare chest and those..those eight counting abs. Damn. Nero Ferell freshly from bed.

There are three dangerous appearances of Ferells that can make a thousand of sinful girls. Ferells freshly from water, Ferells freshly from bed and ofcource Ferells near with fire. Saan pa kukuha ang isang babae ng lakas para sa kanyang nangangatal na tuhod kung bigla na lang magpapakita ang isang Ferell na kagagaling lang sa kama?

With his mess up hair, hot burning ups and his filtrating eyes? Bakit parang kinakapusan ako ng hininga? Bakit walang hangin sa lugar na ito? Bakit nanunuyo ang lalamunan ko? Damn this noisy cat.

Hindi ko na mabilang kung ilang lunok na ang nagawa ko habang mariing nakikipagtitigan sa lalaking modelo ng hagdanan.

What the fvck is wrong with him? Bakit parang ang tagal niyang makababa?


Habang bumaba siya ng hagdanan kahit isang segundo ay hindi niya iniwan ang aking mga mata. We've been staring each other until he reached the stair's first step. Kahit nakaupo ako ay ramdam na ramdam ko ang pangangatal ng tuhod ko. Alam kong galit siya sa akin at kitang kita ko ito sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Pero bakit ako nandito? Kami lang ba ang tao sa malaking rest house na ito? Kasama ba ito sa plano ng mga Ferell?

Mas nakalapit na siya sa akin habang ako ay nakatitig pa rin sa kanya.


"Nero.." mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Agad sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang marahan niyang ibinukas ang kanyang mga bisig. Mabilis ako tumayo para agad siyang yakapin.


"I'm sor—" hindi ko natuloy pa ang dapat kong nang mapansin kong bahagya siyang umatras palikod.


"What are you doing? Give me my cat" kunot noong sabi niya sa akin. Para akong nabuhusan ng tubig sa sinabi niya at awtomatiko kong nabitawan ang pusang hawak ko.

That welcome was not for me. Ang tanga mo naman Florence para umasang ganon na lang kadali.


"What the fvck?" iritadong sabi niya nang basta ko na lang binitawan ang alaga niyang pusa. Agad niya itong binuhat at halos halik halikan niya ito na akala mo naman ay inapi ko ang pusa niya.

Tumalikod agad si Nero sa akin pagkakuha niya sa pusa niya na para bang wala talaga ako dito. Mas pinagtuunan na niya ng pansin ang pusa niya.

Now, I hate cats. Darn.


"Sinaktan ka ba niya? Don't come near her, she likes hurting people" nanlamig ako sa sinabi niya at napatungo na lang ako.

He's right.  Sa sulok ng aking mata ay nakikita ko na siyang nagsisimula na ulit tumaas ng hagdanan habang kayakap ang pusa niya.

Pinilit kong magsalita bago pa siya tuluyang makataas.


"Nero, bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi niya ako nililingon.


"Ask my cousins, hindi ko rin alam kung bakit ka nandito" sa pagkakasabi niyang 'yon ay muli siyang naglakad pataas hanggang sa hindi ko na siya makita.

Hindi ko na napansin na nangingilid na ang mga luha ko. Dapat asahan ko na ito, sinong tao ang tatanggap sa akin pagkatapos ko siyang hindi piliin ng ilang beses?

I deserved this. I deserved his cold treatment.


Pinahid ko ang luha ko sa aking mga mata at nagsimula na akong maglakad lakad. I should not cry, napapagod na rin ako. Kaya mas pinili ko na lang aliwin ang sarili ko kaysa mag isip ng mabibigat na bagay. Sinuyod ko ang iba't ibang parte ng rest house na ito maliban sa itaas. Ngayon ko mas napagtuunan ng pansin ang kabuuan ito, kaya pala pamilyar sa akin ang disenyo ng bahay na ito dahil may kahawig ito sa mansion ng mga Ferell.

May mga bahaging salamin para makita ang magandang tanawin mula sa labas. Nasa tabing dagat ang rest house na ito at kitang kita ko mula dito ang asul na asul na dagat.

Ferells love beaches, sand and sea. Ano kaya ang dahilan bukod sa pagiging Shokoy? Damn. Napapangisi na lang ako habang iniisip ito.


Pinili kong lumabas ng puting resthouse na ito sa kabila nang napakabigat kong wedding gown at napakataas kong sapatos. Ilang oras ko na ba itong suot simula umaga?


Nang mapansin kong nalulubog lang sa buhangin ang aking mga sapatos ay hinubad ko na ito. Marahas ko rin tinanggal ang mahabang belo sa buhok ko at basta ko na ito itinapon.

Muli kong binuhat ang aking wedding gown at nagsimula na muling maglakad sa tabing dagat. Nang nasa malapit na ako sa distansyang hindi ako mababasa ng tubig ay naupo na ako. Tumagal siguro ng ilang minuto ang pagbibilang ko sa mga alon nang muling sumagi sa isip ko ang nangyaring ito kaninang umaga. Hindi ko akalaing mararanasan kong maging run away bride.

Pero isa lang ang masasabi ko sa pangyayaring naganap ngayon. Si Ashong, he's a good man. Hinahangaan ko talaga ang mga lalaking kayang panindigan ang mga bagay na pinapasok nila. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit kay Ashong sa ginawa niya. He chose the right thing but it was quite late, papaano na lang kung hindi nagpakita si Nahla nga ba? What about his child? Mapapagaya sa akin? Na madaming babae ang ama? Ano siya Florence the second? Damn. Ano ba itong naiisip ko?

Nagsimula na akong magsulat sa buhangin at hindi ko namalayang pangalan ni Nero ang isinusulat ko.

Kung ganoon, 'yong mga panahong bigla na lang nawawala si Ashong ay nasagot na. Simula nang dumating kami sa Pilipinas bibihira na kaming magsama ng matagal, lagi na lang siyang abala kahit lampas na sa office hours. Pero ano nga ba ang karapatan kong magalit kung ako mismo ay may itinatago sa kanya?


Nilingon ko ang malaking resthouse kung nasaan ang lalaking pinakamamahal ko?

At halos magtatambol ang dibdib ko nang makita siyang nakatingin dito sa direksyon ko habang nililipad ng hangin ang kanyang gulong buhok. Kasalukuyan siyang nakahawak sa hamba ng terrace mula sa itaas habang nakatanaw dito pero nang makita niya akong nakatingin sa direksyon niya ay agad siyang tumalikod at pumasok sa loob.


Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto ko nang makipag ayos sa kanya pero sa sandaling maging ayos na kaming dalawa. Paniguradong madadamay na naman sila sa akin. Damn.

Isinubsob ko ang sarili ko sa aking mga tuhod. Damn, damn. Mas mabuti sigurong hintayin ko munang lumamig ang ulo niya bago ko siya muling kausapin.


Habang tumatagal ay mas nararamdaman ko na ang init sa balat ko. I don't care if I'll get dark skin. Ayoko pang pumasok sa resthouse na 'yon. Tumagal pa siguro ako ng ilang minuto nang may narinig akong nagsalita mula sa likuran.


"Mam, may nagpapabigay po" nilingon ko ang binatilyong may inaabot sa akin. Siya siguro ang boy sa rest house. Inabot ko sa kanya ang bote ng lotion na ibibigay niya. Sunblock.


"Pasabi kay Nero salamat" maiksing sabi ko sa kanya.


"Sige po" nagsimula na siyang maglakad palayo pero agad siyang bumalik sa akin na mukhang naaalarma. What? Ano kaya ang problema ng batang ito?


"Nako Mam, magkunwari po kayong hindi niyo alam na sa kanya galing. Malilintikan po ako, mahigpit niya pong bilin na wag sasabihin na galing sa kanya" napangiwi ako sa sinabi ng kawawang binatilyo na napapagtripan ng hari ng mga Shokoy. Sino pa ang magbibigay nito sa akin Nero Ferell?

Muli ko siyang nilingon sa posisyon niya kanina at tama nga ang hinala ko tinatanaw niya na naman ako. At nang makita niyang nakatingin na naman ako sa kanya ay ibinalik niya ang atensyon niya sa pusang hawak niya. Haist.

Kailan pa nag alaga ng pusa ang Shokoy?


"I don't need this" ibinalik ko ang lotion sa binatilyo at nagsimula na akong bumalik sa rest house.

Nang makabalik na ako ay sinimulan ko nang umakyat sa hagdanan. Bahagya pa akong nahihirapan dahil sa haba ng gown ko. Kinatok ko ang pinto ng kwarto niya.


"Naibigay mo?" bungad na sabi niya. Napangisi na lang ako sa kanya at hindi ko maiwasang itaas ang isang kilay ko.

Natigilan siya nang malamang ako ang kumakatok sa kanya, hindi niya ba napansin na pumasok na ako? Haist.


"Yes, natanggap ko. Thank you" matamis na sabi ko sa kanya. Dapat ay isasara na niya ang pinto nang pigilan ko siya.


"Can I borrow some clothes? Nabibigatan na kasi ako" nakita ko siyang umismid bago niya binuksan ng maayos ang pinto.


"Alam mo na naman siguro kung saan hahanapin ang mga damit ko. Nagawa mo na 'yon hindi ba?" ismid na sabi niya sa akin. Alam ko kung ano ang ibig sabihin niya.


"Yep" nakita kong basta na lang siya humiga sa kama habang kalaro ang pusa niya. Sino ba ang may sabi na cute ang pusang 'yan? Kulay puti lang naman siya, mas gusto ko talaga ang mga aso.

Binuksan ko ang cabinet ni Nero at namili ng isusuot ko. Tulad ng napili ko noon ay ito rin ang pinili ko.


"I love you Heaven" napalingon ako kay Nero na mukhang nag eenjoy sa pusa niya. May pangalan pa pala at mahal? Seriously? Kailan pa naging sweet si Nero sa animals? Ang kilala ko lang animal lover sa magpipinsang Shokoy na ito ay si Troy.


"Nero help please? can you please unzip this?" nahihirapan akong abutin ang zipper ng gown ko sa likuran. Pinakatitigan niya lang ako habang hawak hawak niya ang pusa niya.


"Am I going to help her?" tanong niya sa pusa niya. Damn. Sasagot ba 'yan?


"Ayaw niya, selosa siya. Wag ka nang magbihis" tipid na sagot niya sa akin. Napanganga na lang ako. Like seriously?


"Nero, I know you're mad. Pero kanina ko pa itong suot, gusto ko ng hubadin. Please?" nakita ko siyang bumuntong hininga bago siya tamad pumunta sa akin.

Bakit parang gusto kong irapan ang pusang 'yon? Akin lang si Nero. Rarrr.

Itinaas ko ang buhok ko para mas maibaba niya ng maayos ang zipper. Itinigil niya ito hanggang sa gitna.


"Thanks" kailan pa siya naging gentleman? Ang kilala kong Nero, siguradong sisirain na ang gown mahubaran lang ako.

Scratch that Florence, he's not being gentleman. He's mad. Si Nero Sebastian Ferell ay galit. Hindi ko na hinintay na makalayo siya at agad kong hinubad ang wedding gown ko.


"Oh fvck" narinig kong bulong niya. Nagkibit balikat lang ako.


"Bakit dito ka nagbibihis?!" iritadong tanong niya sa akin na nagpataas lang ng kilay ko.


"Oh sorry, nakalimutan kong sabihin. Close your eyes Nero or tingnan mo muna ang pusa mo" sinimulan ko nang magsuot ng damit niya.

Naramdaman kong nasa kama na ulit siya. I heard him laughing.


"Heaven do you know, someone is seducing me? Don't worry I'm loyal. I love you more" gusto kong ibato kay Nero ang lampshade sa side table niya. Damn. Hindi ko akalaing pusa pala ang tipo ng mga Shokoy.


"Done?" tanong niya sa akin habang nakatalikod siya.


"Yes" matabang na sagot ko.


"Okay, pwede ka ng lumabas. Stop seducing me, it won't work" tamad na sabi niya sa akin. Napatitig lang ako sa sinabi niya sa akin, dati madali ko lang siyang naaalo pero mukhang sobra sobra ng sama ng loo bang binigay ko sa kanya.


"Ikaw nga itong nang aakit sa akin Ferell" anong masasabi niya sa paraan ng pagbaba niya kanina? Hindi ba at pang aakit 'yon? Alam kong sinadya niya rin na akalain ko na ako ang yayakapin niya kanina. Anong paliwanag niya sa paraan ng pagtitig niya sa akin sa malayo? Sino sa amin ang nang aakit? At ano itong suot niya? For pete sake! He's just wearing boxers for the whole day?


"Am I? I am natural seductive Almero. Kasalanan mo na kung naaakit ka sa akin" tumayo na siya at agad siyang lumapit sa pintuan para pagbuksan ako.


"Nakapagbihis ka na, now leave. Naglalaro pa kami ni Heaven, don't worry pinapasundo na kita sa mga pinsan ko at nagpapadala na rin ako ng matinong damit para sa'yo nang makauwi ka na sa inyo"

Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi ni Nero habang panay ang pagtusok ng mga karayom sa dibdib ko. Wala akong karapatang sumagot, wala akong karapatang sagutin ang galit niya dahil kahit paikot ikutin ko ang mga pangyayari may dahilan siya para kumilos ng ganito sa akin.

Nagsimula na akong humakbang palabas ng kwarto niya.


"What about this wedding gown? You don't expect me to keep this. Susunugin ko ito Florence"

Hindi ko naintindihan ang mga sinasabi niya. At naintindihan ko lang ng itinuro niya sa akin ang wedding gown na itinupi ko na. Tumango na lang ako sa sinabi niya. I can't even look on his eyes.


"Good, kung may kailangan ka may mga katulong. Don't bother me anymore"


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro